Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Daily Lesson Paaralan: MILAD ES Baitang : 3

Plan Guro: MARICHAN P. LOOC Asignatura: EsP


(EsP Kwarter :
Petsa at Oras ng
Elementary) Q2 W4
Pagtuturo

I. LAYUNIN
a. Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata
tulad ng paglalaro at maging sa mga programa sa paaralan tulad ng
pagdiriwang, paligsahan at iba pa.
b. Nakakalahok sa mga gawaing pambata at programa sa paaralan
c. Nakapagpapahayag nang pagtitiwala sa sarili na makakaya ang gawain

Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga


with code (Competency) : gawaing pambata tulad ng paglalaro, programa sa paaralan,
paligsahan, pagdiriwang at iba pa. (EsP3P- IIh-i-17)
Batayang Konsepto :

II. NILALAMAN
A. Paksa Pakikiisa sa mga gawaing pambata ng may kasiyahan
B. Sanggunian Kagamitan ng Mag-aaral sa Sinugbuanong Binisaya, EsP
Gabay sa Pagtuturo, Wastong Pag-uugali sa Makabagong
Panahon 3
C. Kagamitan Mga larawan, sagutang papel, video clips
D. Estratehiya ng Explicit Teaching
Pagtuturo
E. Pagpapahalagang
Lilinangin
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain . Panalangin
. Balik-Aral
Itanong sa mga bata kung ano ang nakaraang leksyon.
. Pamantayan Bago Magsimula Sa Klase
. Pagganyak
Magpapakita ng video clip mula sa youtube tungkol sa isang
batang umaawit

https://www.youtube.com/watch?v=Yo-A90KI9NM
Itanong sa mga bata:
1. Tungkol saan ang video na inyong napanood?
2. Ano sa palagay mo ang kanilang ginagawa?
3. Naranasan mo din ba ang mga ito sa klase?

B. Alamin/Isaisip Magpaskil sa pisara ng mga malalaking larawan sa mga bata


(Paglalahad/Pagtatalakay) na nakikiisa sa larong pambata at programa sa paaralan.
(Gawain Ko!)
Itanong :
Naranasan mo na bang makasali sa mga programa sa iyong
paaralan? Anu-anong mga programa o paligsahan ang
nasalihan mo na?

C.Isagawa Pagpapangkat -pangkatin ang klase ng dalawang grupo.


(Pagsasanay/Gawain) Bawat grupo ay may nakalaang gawain.
(Gawain Natin!)
Para sa unang pangkat:
Gumawa ng isang maikling tula na nagpapakita nang
kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng
paglalaro at maging programa sa paaralan.

Pamantayan sa Kasanayan Mahusay Maayos Kailangan


Ang gawa ay: ng Pag-
unlad
1. nagpapakita nang
kasiyahan sa pakikiisa sa
mga gawaing pambata
2. nagkapagbigay ng
maganda at malinaw na
mensahe
3. nagpapakita ng
pagkamalikhain

Para sa ikalawang pangkat:


Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa inyong
papel
isulat kung ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na
sitwasyon.

1. Masamang-masama ang loob ng kaibigan mo sa


pagkatalo sa patintero. Ano ang gagawin mo?

2. Nakita mong ang mga kasabayan mo at mga katunggali


sa balagtasan ay magagaling. Ano ang gagawin mo?

3. Nabalitaan mo na magkakaroon ng paligsahan sa


pagpipinta kaya’t agad mo itong ibinalita sa kaibigan
mong mahusay nito ngunit mahiyain at hindi palasali.
Paano mo ito hihikayatin?
D.Isapuso/Isabuhay
(Paglalagom/Paglalapat) Halina’t Makilahok
(Gawain Mo!) GD Viloria
Tulad ko’y isang bata
Mahilig maglaro at makiisa;
Sa mga palaro, laging nangunguna
Sapagkat may saya na nakikiisa

Sa mga programa, paligsahan sa eskuwela


Di pahuhuli, di mahihiya;
Tiwala sa sarili at pagpapahalaga
Sa iba’t ibang gawain, nakikilahok sa tuwina

Tuwing nanalo, akoy nagpapakumbaba


Kapag natatalo, iginagalang ang pasiya;
Hindi nagmamataas o nagagalit sa kapuwa
Kundi inuunawa kakayahan ng isa’t isa.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong


kuwaderno.

1. Ano ang pamagat ng maikling tula? (Halina’t Makilahok)

2. Ano ang ginagawa ng tauhan sa tuwing may programa o


paligsahan sa paaralan? (Nakikiisa o nakikilahok sa mga
programa)

3. Ano ang ginagawa niya kapag nanalo o s atuwing natatalo?


(Nagpapakumbaba kapag nanalo at hindi nagagalit)

4. Ano ang kailangang mabuo sa sarili upang makalahok sa


mga gawaing pambata? (Tiwala sa sarili)

5. Anong mabuting aral tungkol sa pakikiisa sa gawaing


pambata ang napulot mo sa tula?
(Makiisa sa mga programa at maging mapagkumbaba kung
nanalo at huwag magagalit kung natatalo)

Tandaan
Ang pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro at
pakikilahok sa mga programa sa paaralan ay nakatutulong upang
mapagyaman ang pakikipagkapwa tao at kagandahang asal.
Ang pagtanggap nang maluwag sa pagkatalo, ang paglinang ng
tiwala sa sarili, maging ang pagtanggal ng hiya sa pakikisalamuha
at pagpapakita ng kakayahan ay malilinang sa patuloy na
pakikilahok sa mga gawaing tulad nito.

E. Subukin Natin Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito
ay nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa at MALI naman
kung hindi.

_____1. Sa tuwing sinasabihan ka ng iyong guro na sumali sa


palaro ay lagi kang nagdadahilan ng hindi totoo upang
makaiwas ka lamang.
_____2. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula. Nang ikaw ay
nasa
bulwagan na, nakita mong napakaraming tao ang
nanonood. Huminga ka ng malalim at nilakasan ang
iyong loob.
_____3. Lagi kang umiiwas sa tuwing naghahanap ang iyong
guro ng kakatawan sa mga patimpalak o paligsahan.
Batid mong kaya mo naman ito.
_____4. Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino. Ikaw ay
nagyayabang sa iyong mga kalaro.
_____5. Nanalo ang kaibigan mo sa patimpalak sa pagpipinta.
Sumama ang iyong loob sa kaniya at hindi mo na siya
binati.
IV. PAGTATAYA Basahin ang bawat sitwasyon. Alamin kung ano ang dapat
mong gawin upang maipakita mo ang iyong natatanging
talento o kakayahan nang may tiwala sa sarili. Isulat ang
letra sa patlang bago ang bilang.

____1. Mahusay kang sumayaw pero ayaw mo itong ipakita


sa
mga kamag-aaral mo.
a. Mag-eenrol ako sa dance lessons para lumakas ang tiwala
ko
sa aking sarili.
b. Itatago ko na lang ang aking galing sa pagsasayaw dahil
nahihiya ako.
c. Sa harap na lamang ng salamin ako magsasayaw para
hindi
ako makita ng mga kaklase ko.
d. Liliban sa klase at mag-eensayo sa pagsasayaw

_____2. Mahusay ka sa pag-aarte.


a. Itatago ko nalang ang husay ko sa pag-aarte.
b. Sasali ako sa Drama Club na maaring makatulong upang
lalo
akong maging mahusay sa pag-aarte.
c. Ipagyayabang ko sa iba ang husay ko sa pag-aarte.
d. Iba na lang ang pasalihin mo

_____3. Isinali ka ng iyong guro sa Spelling Bee. Nahihiya


kang
sumali dahil baka matalo ka.
a. Hindi talaga ako sasali dahil baka matalo pa ako.
b. Itutuloy ko ang pagsali, ngunit labag ito sa kalooban ko.
c. Hindi ako mahihiya at magsisimula na akong mag-ensayo
para sa paligsahan.
d. Liliban na lamang sa araw ng paligsahan.

_____4. Mahilig kang magpinta.


a. Sasali ako sa Painting Contest upang lalo pang malinang
ang
aking kakayahan sa pagpipinta.
b. Hindi ko ipaalam sa aking guro na mahusay akong
magpinta.
c. Patago lamang ang aking pagpipinta para walang
makaalam.
d. Huwag na lamang magpinta.

_____5. Hindi ka masyadong mahusay tumugtog ng piyano.


a. Wala akong interes na tumugtog ng piyano.
b. Mag-eenrol ako sa piano lesson upang maging mahusay
ako
sa pagtugtog ng piyano.
c. Mag-aaral akong tumugtog ng piyano upang madaigan ko
sila sa pagtugtog ng piyano.
d. Maghanap ng marunong tumugtog ng piyano

V.KASUNDUAN Sa iyong kuwaderno, buoin ang mahalgang kaisipang ito.


/TAKDANG ARALIN
pakikiisa pambata
mapagyaman kagandahang-asal
paglalaro pagkaunawa

Ang ____________ sa mga gawaing ___________ tulad ng


paglalaro at pakikilahok sa mga programa sa paaralan,
gaya ng pagdiriwang, paligsahan at iba pa ay
nakatutulong upang _____________ ang sarili sa
________________ at _________________.

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
Pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation.
Name of Writer/s: JOY JURILLA-TINDOG
School: BOBORINGAN ELEMENTARY SCHOOL
District: PIŇAN

Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN NATIN PAGTATAYA TAKDANG ARALIN
1. MALI 1. A 1. PAKIKIISA
2. TAMA 2. B 2. PAMBATA
3. MALI 3. C 3. MAPAGYAMAN
4. MALI 4. A 4. KAGANDAHANG-ASAL
5. MALI 5. B 5. PAGKAUNAWA

You might also like