DAGLI

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jessa Mae M Cabangon

BSED 2 – ENGLISH

GEE-1: DAGLI

Kasalukuyan akong nanonood ng mga video sa Facebook Account ko habang hinihintay si Mama. Pumasok pa
kasi siya sa palengke habang ako naman ay naiwan upang bantayan ang mga pinamili naming grocery. Sabi niya
may kikitain lang daw siya. Ewan kung sino.

Pinipigilan ko lang ang pagtawa habang nanonood ng mga video dahil baka isipin ng mga tao kinikilig ako eh
wala naman akong jowa. Nawala ang pagpipigil ko ng tawa nang napunta na’ko sa video ng mga social
experimentation. Ito iyong sikat na ginagawa ng mga bloggers. Merong mga bloggers na nagpapanggap na
mahirap o pulubi at manghihingi ng tulong sa mga taong makakasalubong nila. Kapag tinulungan sila ay
mayroong pabuya o reward pagkatapos pero kung hindi ka nagbigay ay siyempre wala kang pabuya. Naisip ko
na nga ring gawin ‘to baka sakaling sumikat at magkapera ako pero iniisip ko palang kung saan ako kukuha ng
pang puhunan para sa pabuyang ibibigay ko, naiiyak na’ko.

Habang nanonood ay may kumalabit sa’king lalaki. Ang dumi-dumi ng mukha niya pati ang buong katawan
niya. Wala rin siyang suot na kahit anong pang yapak at punit-punit din ang suot nitong maruming damit.

“Ate, puwede po bang makahingi ng tulong?” Tanong nito sa’kin. Napatingin pa’ko sa paligid at nakitang may
mga nakatingin din sa’min.

“Kahit pang kain lang po ate oh. Gutom na gutom na po kasi ako. Hindi pa po ako kumakain simula kagabi. “
Nakangusong saad nito na tila ba’y nagpapaawang bigyan ko siya ng pera o pagkain.

Ang daldal naman nitong pulubi. Hala! Hindi kaya social experiment din ‘to? Muli akong tumingin sa paligid ko
para hanapin ang camera kung meron man pero in fairness, maingat nilang naitago. Tumingin ako sa lalaking
kaharap ko at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti sabay kuha ng isang libo sa wallet ko. Kabibigay lang
sa’kin ‘to ni Mama. 1,000.00 talaga ang binigay niya pero dahil baka social experiment ‘to at malaking pera ang
bumalik sa’kin mamaya, ibibigay ko na ang isang libo. Pagkaabot ko sa pulubi ng isang libo ay bigla itong
ngumiti at saka napahawak sa dibdib niya.

Gosh! Ito na ba? Siguro mga nasa 30,000 ibibigay nito sa’kin tulad ng mga bigay ng sikat na blogger na si
KingLuckss.
“Salamat po ate. Salamat talaga.” Yumuyukong sabi pa nito. Ngiti-ngiti lang din ang ginagawa ko habang
hinihintay na sabihin niyang “dahil ang bait mo, may ibibigay ako sa’yo.”

Pero laking dismaya ko ng bigla itong tumakbo palayo sa’kin habang kumakaway sa isang grupo ng mga kapwa
niya pulubi.

“Ba’t binigyan mo agad? Kilala na ‘yang mga ‘yan dito na namamalimos para ibili ng alak at sigarilyo. Bago ka
lang ba rito, ineng?”

Tila’y binagsakan ako sa malaking bato at pinukpok ng martilyo sa ulo ko pagkatapos kong marinig iyon.
Mangiyak-ngiyak akong tumango sa tricycle driver na kumausap sa’kin. Bigla namang dumating si Mama at
kinuwento sa kaniya ng driver ang nangyari. Napaka chismoso naman nito. Naiiyak na’ko.

‘Yung isang libo kong allowance wala na!!!

Bigla naman akong tiningnan ni mama ng masama at saka binigay sa’kin ang isang buong balot ng isdang dilis.
Ito pala ‘yung kinuha niya.

“Iyan napapala mo. Jusmiyo marimar. Ayan! Magtiis kang mag ulam ng dilis ng isang linggo!”

Natawa nalang ‘yung driver habang naiiyak na’kong nakayakap sa malangsa at matinik na supot ng dilis.

Malas!!

You might also like