Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Flores, Alyssa C.

BEED-2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin:
Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
2. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Mga hanapbuhay na nagbibigay Serbisyo


Sanggunian:
 Antonio E. D et.al (2015) Kayamanan 2 (p.306). REX Book Store
 Reyes B.M (2015) Lunday ng Kalingang Pilipino 2 (p.185-306). Sibs Publishing House,
Inc.
Kagamitan: Manila paper, Mga Larawan ng iba’t ibang hanapbuhay
Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang pangarap ng bawat isa.

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Pagbati
- Pagdarasal
- Pamamahala ng silid-aralan
- Pagtyetyek ng mga lumiban at hindi
lumiban sa klase.

Magandang umaga mga bata! - Magandang Umaga rin po, guro!

Tumayo na muna tayo at tayo’y mananalangin. - (ang mga bata ay mananalangin)

Bago tayo umupo nais ko munang pulutan Ninyo - Opo, guro!


ang mga kalat sa inyong palagid at ayusin ang (ang mga mag-aaral ay
inyong mga upuan. magpupulot ng kalat at aayusin
ang kanilang mga upuan)
B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral
Magbabalik aral tayo tungkol sa huli nating tinalay, - Ang huli po nating tinalakay ay
tungkol saan ang huli nating tinalakay mga bata? tungkol po sa mga hanapbuhay na
gbibigay Produkto.
- Tama, Mahusay!

Sa tingin nyo anu-ano ang mga hanapbuhay na - Karpintero, Panadero at Sapatero


nagbibigay produkto? po Guro!

- Mahusay!

May tanung pa po ba kayo tungkol sa mga hanap - (ang sagot ng mga bata ay
buhay na nagbibigay produkto? maaring magkaka-iba)

2. Paglalahad

Mayroon akong ilang mga larawan na ipapakita


sainyo, tukuyin niyo ito kung ano ang ginagawa ng
nasa larawan.

- An - Pinapatay po niya ang apoy, guro.


o ang ginagawa ng nasa larawan?

- Mahusay! Ang ginagawa ng nasa


larawan ay nagpapatay ng apoy.

-
- Ano ang ginagawa ng nasa pangalawang - Nagtuturo po sa harapan ang
larawan? babae sa mga bata.

- Magaling! Ang babae na nasa larawan


ay nagtuturo sa mga bata.
- Tsinetsek po ng lalaki yung
- Ano naman ang ginagawa ng nasa ngipin ng bata, guro.
larawan?

- Tama! Ang nasa larawan ay tsinetsek-up


o tinitignan ng lalaki ang ngipin ng bata.

- Ang ginagawa po ng nasa larawan


- Sa larawan naman na ito, ano sa tingin ay tsinetsek-up po ang kanyang
niyo ang ginagawa ng lalaki? pasyente.

- Mahusay mga bata!

- Hinuli po ng pulis yung lalaki


- Ano naman kaya ang ginagawa ng nasa guro.
larawan?

- Magaling! Sa tingin niyo bakit siya (Ang sagot ng mga bata ay maaring
hinuli ng pulis? magkakaiba)

3. Pagtalakay

- Sa tingin niyo ano ang kahulugan ng (Ang sagot ng mga bata ay maaring
hanapbuhay? magkakaiba-iba)

- Magaling!
- Ang hanapbuhay o trabaho ay gampanin
na isinasagawa ng isang tao upang
matustusan ang kanyang
pangangailangan at kanyang pamilya.

- Tinatawag ang isang taong


naghahanapbuhay bilang mangagagwa o
trabahaor.

- Naiintindihan na po ba natin ang kung - Opo, guro!


anu ang ibig sabihin ng hanapbuhay?

- Kanina may mga larawan akung


pinakita sa inyo, ang mga iyon ay
halimbawa ng mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo sa komunidad.

- Ngayon magbigay kayo ng halimbawa


ng hanapbuhay na nkita niyo kanina sa - Bombero, guro!
mga larawan na pinakita ko.

- Sa tingin niyo ano ba ang ginagawa ng - Sila po ang pumapatay sa apoy


isang bombero? kapag po may sunog teacher.

- Mahusay! Sila ang umaapula ng apoy


kapag may sunog sa mga gusali o
bahay.
- Doktor po guro!
- Ano pang hanapbuhay ang inyong
Nakita sa mga larawan na aking pinakita
kanina?
- Sila po ang gumagamot sa mga
- Tama! Ano naman sa tingin niyo ang may sakit.
ginagawa ng isang doktor?

- Magaling! Ang trabaho ng isang Doktor


ay gamutin ang mga may sakit.

- Anu-ano na ulit ang mga hanapbuhay na - Bombero, Dentista, Doktor, Guro


nagbibigay serbisyo? at Pulis po guro.

- Sa tingin niyo mahalaga po ba ang mga - Opo, guro!


hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?
- Bakit? - (ang sagit ng mga mag-aaral ay
maaring magkakaiba)
(Magtatawag isa-isa ang guro upang sumagot)

- Mahusay!
- Mahalaga ang mga hanapbuhay na
nagbibigay ng serbisyo dahil kung wala
sila walang magbibigay ng sapat na
edukasyon, kalusugan. Kaligtasan at
kaayusan sa ating komunidad.

- May tanong pa po ba kayo tungkol sa


ating tinalakay? - Wala na po guro.

4. Pagsasagawa ng Gawain

 Ang klase po natin ay mahahati sa tatlong


grupo para magsagawa ng dula-dulaan
tungkol sa ating tinalakay, upang maipakita
ang kahalagahan ng bawat hanapbuhay sa
ating kuminidad at itinilaga sa bawat grupo.

UNANG GRUPO
 Gagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng
kahalagahan sa mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo.

PANGALAWANG GRUPO
 Kukumpletuhin ng pangalawang grupo ang
graphic organizer sa ibaba. Isulat ang mga
hanapbuhay sa inyong komunidad.

PANGATLONG GRUPO
 Gumuhit ng dalawang hanapbuhay na
nagbbigay ng serbisyo sa inyong komunidad
at ipaliwanag kung paano nakatutulong
sainyo ang bawat hanapbuhay na ito.

- Ano ba ang mga dapat tandan at dapat - (Ang sagot ng mga mag-aaral ay
maaring magkakaiba)
gawin habang kayo ay gumagawa ng
inyong Gawain?
- Wala na po guro.
- May tanung po ba kayo tungkol sa
inyong gagawin?

- Maaari na kayong pumunta sa inyong


mga kagrupo at pagusapan ang inyong
mga gagawing presintasyon.

- Kung kayo naman ay tapus na maari na - Opo, guro.


kayong bumalik sa mga upuan niyo ng
tahimik at hintaying matapos ang ibang
kagrupo. Naiintindihan po ba?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat - Bombero, Dentista, Doktor, Guro


at Pulis po teacher.
- Anu-ano ang mga hanapbuhay na
nagbibigay serbisyo?
- Mahalaga po ang mga
- Ano ang natutunan mo sa ating aralin hanapbuhay na nagbibigay
ngayon? Archie? serbisyo sa ating komunidad dahil
kung wala po sila walang
magbibigay ng sapat na
edukasyon, kalusugan, kaligtasan
at kaayusan sa ating komunidad
guro.

- Mahusay! Limang bagsak para kay


archie.
- Opo, guro.
- Naiitindihan na po ba ang ating
tinalakay sa araw na ito?
- (wala ng nagtaas ng kamay)
- Itaas lamang ang kamay kung mayroon
kayong hindi naintindihan o kayo ay
may katanungan pa.
2. Paglalapat

Tutukuyin ng mga mag-aaral kung sino ang


nagbibigay ng serbisyo sa sumusunod na mga
sitwasyon.

a. Napapagaling kita kung ikaw ay may sakit.


b. Ginagabayan kung magbasa ang mga mag-
aaral.
c. Agada kung dumadarating kung may sunog.
d. Ako ang naglilinis ng inyong mga ngipin.
e. HInuhuli ko ang mga msasamang tao.

IV. Pagtataya
Tukuyin ang taong nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat sa tabi ng numero ang letra ng
tamang sagot.

1. Pulis A. Katulong ng doctor sap ag-aalaga ng mga taong may sakit.


2. Guro B. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.
3. Bumbero C. Manggagamot na nagaalaga sa kalusugan ng ating ngipin.
4. Nars D. Nagtuturo sa mga mag-aaral sa loob ng iskwelahan.
5. Nars E. Nagpapatupad ng batas at pinapanatili ang kaligtasan ng tao.

V. Gawaing Bahay

Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:

a. Sumasakit ang iyong tiyan.


b. May nakawan sa inyong komunidad.
c. Malayo ang inyong paaralan sa inyong bahay.
d. Gusto mong matutong magsulat at magbasa.
e. May nasunog sa tabi ng inyong bahay.

You might also like