Professional Documents
Culture Documents
Q2 Fil 6
Q2 Fil 6
Department of Education
Region V Bicol
Schools Division of Ligao City
TASTAS ELEMENTARY SCHOOL
II. Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang kasunod na mga tanong at
isulat sa sagutang papel.
Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya raw
ay malakas na binangga ng bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa ito
nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2, 2019,” sagot ng babae.
“Bakit ngayon lang kayo nag -report? Dapat sana’y noon pa!” sabi ng pulis.
“Nagdalawang -isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya hindi ko po
nireport, ” sagot ng babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nag-report na ho kayo?”
sabi ng pulis. “Andito po kasi yung bisekleta ng bumangga sa akin, ayun po sa gilid,”
paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito ng isang lalaki. Pambili daw
niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa. Naawa ang aming hepe kaya binili
niya.” tugon ng pulis.
6. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?
A. isang binata
B. matandang lalaki
C. isang babae
D. isang bata
12. Makikita rito ang naglalakihang pabrika at gusali. Ang pang-uring ginamit sa
pangungusap ay_________
A. Makikita C. pabrika
B. Naglalakihan D. gusali
13. Ang nangyayari sa Marawi City ay nagdulot ng matinding ________________sa
mga mamamayan.
A. sakit C. galit
B. hirap D. takot
15. Ang aking mga mag-aaral ay matiyagang dumadaan sa ilog upang makarating sa
aming paaralan. Alin sa sumusunod na salita sa pangungusap ang pang uri?
A. Mag-aaral C. matiyaga
B.Dumadaan D. ilog
16. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad itong pinulot ni Dan at iniabot sa
may-ari. Si Dan ay isang batang .
A. masipag B. matulungin C. matapat D. masinop
17. May bagong pantalon si Chito. Nalaman niyang kailangan ni Fred ng isusuot sa
kanilang programa. Ipinahiram niya iyon kay Fred. Si Chito ay .
A. masipag B. matapat C. matulungin D. mapasalamatin
18. May uwing pagkain ang nanay. Sinabi ng nanay na hatian ni Bia ang kanyang
kapatid na si Nilda. Hinati ni Bia nang magkasinglaki at ibinigay niya kay Nilda
ang parte nito. Si Bia ay batang .
A. marunong B. mapagbigay C. masinop D. madamot
20. Gustung-gusto ni Rico na makipaglaro kay Mario. Tinawag niya ito upang
sumama sa bukid. Hindi pumayag si Mario dahil bilin ng kanyang tatay na
bantayan ang kanilang alagang kalabaw. Si Mario ay .
A. magalang B. matalino C. masunurin D. matapat
Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Habang iyong binabasa ang teksto,
itala sa iyong kuwaderno ang mga mahahalagang datos na iyong mababasa.
Isulat rin ang tema ng teksto. Matapos itong gawin, subukang sagutin ang mga
katanungan gamit ang mga datos na iyong isinulat
“Sa Ilalim ng Puting Ilaw”
Pj Miana
“Huli ka! Ay, ikaw naman ang taya!”, wika ni Tanya kay Boyo habang
naglalaro sila ng tagu- taguan, sa ilalaim ng puting ilaw nina Mang Kanor
kapag maliwanag ang buwan. Gawain na ito gabi- gabi ng mga “Batang Tulin”
sa tuwing maliwanag ang buwan. Pagkatapos ng kanilang mga gawaing bahay
sa hapon, isa-isang nagpapaalam ang mga bata sa kani-kanilang mga
magulang upang maglaro sa bakuran nina Mang Kanor. Doon kasi may
malaking mangga na mayroong ilaw kung saan sumasabog ang liwanag nito sa
mga mukha ng mga naghahalakhakang bata sa paligid nito.
Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang angkop na pandiwa, pang-uri o
pang abay sa bawat pangungusap.
26. _________siya ng almusal bago pumasok sa paaralan kaninang umaga.
A. Kinakain C. Nakakain
B. Kakainin D. Kumain
35. Magpapahinga muna ako nang sandali dahil sumasakit ang ulo ko.
A. Katatapos C. Imperpektibo
B. Kontemplatibo D. Perpektibo
42. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog.
Ano ang SANHI sa pangungusap?
a. ang mga isda C. namatay ang mga isda
b. malinis ang tubig D. dahil marumi ang tubig sa ilog
43. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig,
kaya kumikilos na sila bago mahuli ang lahat. Ano ang BUNGA
ng pangyayari?
A. kaya kumilos na sila
B. nangamba ang mga tao
C. bago mahuli ang lahat
D. tuluyan nang masira ang Ilog Pasig
45. Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin ang
higit na masiglang kapistahan ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa Bulacan.
Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog. Iniikutan ng maraming
taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang
pagoda. Ito’y ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue hanggang sa Wawa,
kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang Mahal na Krus.
A. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa Wawa
B. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa
C. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang sa
Wawa
D. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa Wawa