Professional Documents
Culture Documents
Q2 Esp 6
Q2 Esp 6
Department of Education
Region V Bicol
Schools Division of Ligao City
TASTAS ELEMENTARY SCHOOL
5. Nakita mong nakikipag-away ang iyong kapatid na lalaki sa loob ng paaralan. Ano ang
gagawin mo?
a. Suntukin ang kapatid
b. suntukin ang kaaway ng kapatid mo.
c. Awatin ang dalawang nag-aaway at kausapin
d. Isumbong sa Principal
11. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya sa
pagsusulit. Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
12. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na magtatapos siya ng
pag-aaral kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si
Juan, ano ang gagawin mo para maabot ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
15. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa iyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang kaniyang
pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang kaniyang
pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
16. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako
niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay pero hindi bumalik ang
kaibigan mo. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan.
B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga
gamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na
pinag-usapan.
17. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang
relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.
A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang
naramdaman tungkol doon.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkatao.
C. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
D. Aawayin ko sila.
19. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong
proyekto. Ano ang sasabihin mo?
A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan.
B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.
21. Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ara dahil ito ay mataba.Tinatawag niya itong
“piggy piggy,oink.”Ano ang gagawin mo?
a. Ipagbigay-alam sa guro
b. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
c. Huwag pansinin
d. Isumbong sa pulis
22. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan.Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa away
b. Suntukin ang dalawang nag-aaway
c. Sabihin sa guro ang iyong nakita
d. Huwag makialam sa away nila
23. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo.Alin sa sumusunod ang dapat mong
gawin?
a. Tingnan na lamang ang batang umiiyak
b. Sabihin sa iyong mga magulang.
c. Hayaan na lamang ang bata
d. Bahala siya sa buhay niya
24. May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi makalakad
ng maayos.Wala kang kasama.Ano ang gagawin mo para makatulong?
a. Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko
b. Wala akong balak na tulungan siya
c. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad
d. Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak
25. PInagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay.
Dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak.Ano ang kailangan mong gawin para hindi
magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
a. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam
b. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin
c. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay
d. Ayokong makialam,problema nila yun
26. Nakita mong nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?
a. Tignan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibaliK ito
sa may ari.
b. Magkunwaring hindi mo ito Nakita
c. Ibalik ito kaagad sa may ari.
d. Kung ito ay may laman na pera kunin ito at ipambili ng kahit ano,at itapon na ang pitaka
sa basurahan
27. Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Nagpapahiram siya sa iyo ng inyong
28. Hindi sinasadyang nabasag ni Lina ang plorera ng kanyang guro, kaagad niya itong inamin
na siya ang nakabasag ng plorera. Si Lina ay isang batang ____
a. Iyakin c.Sinungaling
b. Mayabang d.Matapat o nagsasabi ng totoo
29. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong kaibigan?
a. Sabihin sa iba ang kapintasan ng kaibigan.
b.Pintasin ang kaibigan dahil sa kanyang kapintasan
c. Ipagkalat ang kanyang kapintasan
d. Sabihin ito ng maayos o sa magandang paraan sa kaibigan.
30. May kaibigan ka may kapintasan na siya ay medyo nag-iiba ng amoy, ano ang dapat mong
gawin bilang kaibigan?
a. Sabihin ng maayos na medyo nag-iiba na ang kanyang amoy at kailangan na niyang
gumamit ng deodorant
b. Iwasan ang kaibigan
c. Pagtawanan ang kaibigan
d. Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba
31.Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian nang magbigay ng aguinaldo ang mag asawang
mayaman na sina G at Gng.Ramirez sa mga pulubing nakikita sa lansangan.Sa iyong
palagay,tama baa ng kanilang ginagawa?
A.Hindi,ang Pasko ay para lamang sa mga may kaya at kilalang tao
B. Hindi,sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang dapat sa araw ng Pasko
ginagawa kundi kahit ano pang araw.
C. Oo dahil pasko naman
D. Oo,para naman makita ng tao na sila ay matulungin
35. Nag-ikot ang Barangay patrol sa inyong lugar at ipinagtatanong kung may kaguluhan sa
inyong lugar. Itinatanggi ito ng mga naunang pinagtanungan. Ano ang gagawin mo?
a. Mag- maang maangan c. Magsasawalang kibo
b. Sasabihin ang katotohanan d. Itatanggi ang pangyayari
36.Nabasag mo ang plorera na nasa mesa ng iyong guro habang ikaw ay naglilinis. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Itago ang nabasag na plorera.
b. Umuwi sa bahay at magtago.
c. Sabihin sa guro ang totoo.
d. Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.
e.
37.Mabait at mayaman si Ana. Gusto mo siyang maging kaibigan. Paano mo ito gagawin?
a. Magpanggap na mayaman.
b. Magpakabait kapag kasama si Ana.
c. Magpakabait at sikaping yumaman.
d. Magpakabait at magpakatotoo.
38. Nakita mong kinuha ni Pedro ang laruan ni Tita. Itinago niya ito sa kanyang bag. Umiiyak
na naghahanap si Tita ng nalaman niya ito. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Pagtakpan ang ginawa ni Pedro.
b. Bigyan ng bagong laruan si Tita.
c. Sabihin kay Pedro na ibalik ang laruan.
d. Pag-awayin ang dalawa.
42.Naglalaro kayo ng taguan ng iyong mga kapatid sa inyong bakuran. Napansin mong
natutulog ang iyong kapitbahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Ipagpapatuloy ang paglalaro at pagsigaw.
b. Palitan ang inyong laro na hindi mag-iingay.
c. Humanap pa ng ibang kalaro.
d. Katukin at gisingin ang inyong kapitbahay.
43.May isang taong naninigarilyo sa dyip na inyong sinasakyan. Napansin mong hinihika ang
isang pasahero dahil sa usok ng sigarilyo. Paano mo siya matulungan?
a. Kausapin ang taong naninigarilyo na itigil muna ang kanyang paninigarilyo.
b. Pababain ang matandang hinihika.
c. Sabihan ang nagmamaneho ng dyip nabilisan ang takbo.
d. Pabayaan ang matandang magtiis sa usok.
46.Kasama mo sa pag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay nakita
mong naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang
nararapat mong gawin.
A. Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B. Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C. Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D. Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating
na sa bahay maglaro
47. Matalik na kaibigan ni Rex si Jec.Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,nais ni
Rex na desisyon lamang niya ang dapat masunod.Bilang kaibigan,paano papayuhan ni Jeric
si Rex?
A. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
B. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng Gawain
C. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D. Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat
48. Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang
mag-aaral sa kabilang pangkat.Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang silang mag –away
B. Huwag silang pansinin
C. Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D. Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa kapwa.
50.Kaibigan mong matalik si Jose at batid mo ang kanyang mga suliranin sa mga
magulang.Binalak niyang maglayas.Bilang isang matapat na kaibigan ,paano mo siya
papayuhan?
A. Alam mong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan mo
B. Isusumbong mo siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong mo siya sa kanyang mga magulang
D. Sasang-ayunan mo siya sa kanyang binabalak