Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Editoryal - Mula sa pinuno ng hustisya

hanggang sa pagkakakulong hanggang sa


kalayaan: Paano nakikita ni De Lima ang
sistema ng hustisya sa PH
By: Yahaira Cleigh Yap

Sa pag aresto kay De Lima noong 2017 dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga mga

akusasyon na pinaniniwalaan ni De Lima na nag-ugat sa kanyang pagiging isa sa mga masugid

na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte noon, Mahigit anim na taon ang kanyang binuno sa

kanyang detention cell sa Camp Crame bago pinayagang makapagpiyansa. Ngunit Ang kanyang

paglaya sa halagang P300,000 na piyansa, gayunpaman, ay isa pang akusasyon ng kawalan ng

kahusayan ng sistema ng hustisya sa Pilipinas. Dahil bakit kailangang pang magpinyansa ng

isang tao kung siya ay tunay na walang sala at tanging mga false accusation lamang na hindi

naman napatunayan.

Dumaan sa butas ng karayom si De Lima, ngunit nasa kanya ang huling halakhak. Na-dismiss

ang mga kaso niya batay sa mga merito nito, at sa mga lumutang na testigo. Ngunit Sabi nga,

“the truth will set you free,” at literal itong nangyari sa dating senadora. May sariling paraan

ang hustisya ng katotohanan at maaaring makamit ito sa bandang huli kung ating ipaglalaban.

Ngayong nakamit na niya ang kaniyang matagal ng panalangin, Maaaring masasabi ng

nakararami na may hustisya sa ating bansa. Masasabi nating hindi naman pala natutulog ang

batas. At at the end of the day, ang katotohanan ang laging mangingibabaw. Ngunit hindi pa rin

maibabalik ng sinuman ang mga panahon at pagkakataong nawala sa kanya. Ang mga karapatan

niya na nayurakan dahil sa mga maling akusasyon.


Maaaring ang Nobyembre 13 kung kailan natamo ni De Lima ang kalayaan ay isang magandang

sandali para sa sistema ng ating hustisya, hindi natin dapat kalimutan na ang isang inosenteng

babae ay nakulong ng halos pitong taon hanggang ang mga kaso ay ibinasura dahil sa

kakulangan ng ebidensya. At hindi lamang siya ang biktima ng isang hindi makatarungang

sistema ng hustisya. Hindi lang siya ang biktima ng political prosecution. Dose-dosenang, kung

hindi man daan-daan, ang naaresto at nakakulong pa rin dahil sa planted o mahinang ebidensya.

Marami pang iba na sana ay mabigyan din ng hustisya. Mga mamamahayag, mga guro, mga

aktibista, mga pangkaraniwang tao, mga ordinaryong taong lumalaban sa baluktot na

pamamalakad ng gobyerno. Sana naman ay gawin ng ating mga korte at ng mga kaukulang

ahensyang pang-administratibo ang kanilang bahagi upang masugpo ang salot na ito sa ating

lipunan.

Ang bawat isa sa atin ay dapat maging mapagmatyag tungkol sa batas, sa hustisya at sa ating

mga karapatang pantao. Katulad ni De Lima dapat nating ipaglaban hindi lang ang sarili nating

mga karapatan kundi ang karapatan ng lahat.

You might also like