Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

8

R epublic of the P hilippines


D epartment of E ducation
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

Filipino

C
Unang Markahan – Modyul 4

PAKSA: Pakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin


ng napakinggan at maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari.

Paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga


pangyayari.

Nakapaloob sa modyul na ito ang paglalahad sa layunin ng napakinggang akda at


maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa kuwento. Makatutulong ito
nang malaki sa iyong pag-unawa sa tekstong lunsarang iyong babasahin.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng
mga pangyayari na makatutulong nang malaki sa iyong pag-unawa sa mga tinalakay na
epiko.
Lahat ng bagay na nangyayari sa paligid natin ay may dahilan kaya nararapat
lamang na alam natin ang magiging bunga nito hindi lamang sa atin kundi sa lahat.

Layunin:

Pakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng


napakinggan at maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. F8PN-Ig-h-22

Paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.


F8WG-Ig-h-22

Panuto A : Pumili ng isang larawan sa ibaba at Ipaliwanag ang kaugnayan


nito sa Kapayapaan.
Paliwanag:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Panuto B: Isulat ang S kung ang pariralang may salungguhit ay sanhi at B kung
ito ay bunga. Isulat ang sagot sa patlang.

___1. Nag - aral nang mabuti si Louise kaya matataas ang marka niya sa
pagsusulit.
___2. Bumagsak si Joshua sa pagsusulit dahil hindi siya nag-aral.
___ 3. May sugat si Nica kaya siya umiiyak.
___ 4. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
___5. Nasa ospital si Karen dahil sa mataas na lagnat.

Aralin Pakikinig nang may pag-unawa sa mga pangyayari.


(4) Paggamit ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayari

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, matututuhan mo ang Pakikinig nang may pag-unawa upang
mailahad ang layunin ng napakinggan at maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Matututunan mo din ang ibat ibang hudyat na ginagamit sa pagpapahayag ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

GAWAIN 1:
Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay tama o mali. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Ang salawikain, sawikain at kasabihan ay mga karunungang bayan.


_________2. Ang epiko ay isang uri ng kwentong bayan.
_________3. Nagpapakita ng kabayanihan ng isang tao ang alamat.
_________4. Ang kasabihan ay di tahasang pagpapakahulugan.
_________5. Bawat pangyayari sa isang epiko ay mayroong dahilan at
kinalabasan.

2
Ngayon ay basahin at unawain ang epiko sa susunod na pahina upang magamit
natin sa pag-aaral ng ating paksa. Nakapaloob sa teksto ang ibat ibang magkakaugnay
na pangyayaring ating magagamit sa pagtalakay ng paksa. Kasama rin nating tatalakayin
ang mga sanhi at bunga ng pangyayari. Ngunit bago iyan, alam mo ba kung ano ang
kahalagahan ng pakikinig? Alam mo rin ba kung paano natutukoy ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari?

Alam mo Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng


ba… impormasyon.
Ang pakikinig ay nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan.
Ito ay nangangailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa.
Ang pakikinig ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng
lahat.
Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kilos at
gawi ng iba.
Ito ay nakatutulong sa pagbuo ng pagkakaisa.

Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay tumutukoy sa


pinakaugat o dahilan ng isang pangyayari at ang nagiging
bunga o epekto nito.
Ang ugnayang sanhi at bunga ay inihuudyat ng mga pang-
ugnay na maaaring salita o lipon ng mga salita na
tinatawag na pangatnig.
Epiko ng Ilianon
Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu, isang Ilianon at ang datu ng mga Moro dahil
sa pagkakautang nila ng isang daang tambak na sera. Upang maiwasan ang madugong
labanan, si Agyu at ang kanyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian.
Ngunit hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila nang payapa. Sinundan sila ng
mga ito upang patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang
pamilya nang buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng
tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun.
Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng bundok. Napakaraming kaaway ang
nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. Kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang
kalaban. Kinumbinsi ni Tanagyaw ang ama na payagan siyang makipaglaban na pinayagan
naman ng huli qt natalo niya ang kalaban. Tumanggi siya na makasal sa anak ng kalaban
dahil sa napakabata pa niya para mag-asawa.
Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga
kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway na Baklayon. Nang
bumalik si Tanagyaw sa Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo
siya kay Tanagyaw. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-
ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan. Nagwagi silang muli sa labanan.
Nahinuha niya na malapit na nilang maabot ang kapayapaan. Umalis sila at ljumipat sa
Sunglawon. Handa na silang magsimula ng bagong pamilya.
3
Sanggunian:
http:/www.aralinsafilipino.com/2010/01/agyu-epikong-ilianon.html
Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng mga sagot
ay alamin at unawain natin kung ano ang proseso ng pakikinig at kung paano matutukoy
kung ano ang sanhi at bunga sa isang pangyayari.

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na pag-uugnayan ng mga


salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang
gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga,
may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.
Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:
- sapagkat / pagkat …
- dahil / dahilan sa …
- palibhasa, at kasi …
- naging
Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta
- kaya / kaya naman …
- kung kaya …
- bunga nito …
- tuloy …
Mga Halimbawa:

Siya ay nakatapos dahil sa kanyang kasipagan. ( Hudyat: DAHIL) (SANHI)

2. Nag-ipon ng pera si Ben mula sa kanyang baon kaya4 naman nabili niya ang nais na damit.
(Hudyat: KAYA NAMAN) (BUNGA)
Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap sa
pamamagitan ng pag-decode sa mga bilang upang matukoy ang tamang sagot.
Gawing gabay ang alpabetong Filipino.

1. Narinig ni Lono ang isang malakas na boses na nagsasabing tanggapin ni Munggan


ang imortalidad.
( 25 1 12 1 16 11 1 13 1 22 1 27 1 14 )
2. Sinundan ng mga Moro si Agyu upang paslangin.
( 18 1 22 1 27 9 14 )
3. Nahihinuha niyang maghahari na ang kapayapaan.
(14 1 9 9 21 9 18 )
4. Hindi tumigil ang pag-atake ng mga kalaban sa sambahayan ni Agyu.
( 11 1 8 1 20 9 1 14 )

5. Si Munggan ay naiwan sa Ayuman sapagka nagkaroon ito ng ketong.


( 21 1 11 9 22 21 1 2 1 12 1 22 )

Gawain 3:
Panuto: Gamit ang mga larawan, bumuo ng pangungusap na nagpapakita ng sanhi at
bunga.
___________________________
1. _________________________

___________________________
2. _________________________

3. ___________________________
_________________________

4.
____________________________
5 ____________________________
5.
____________________________
____________________________

Kailangang tandaan at huwag mong kakalimutan ang mga sumusunod na


pahayag tungkol sa pakikinig at pagtukoy ng sanhi at bunga ng isang pangyayari o
pahayag.
Pinagmulan o
dahilan

Paglalahad Pagkaka-
ugnay

Mabisang
pakikinig Resulta o
kinalanasan

Gawain 4:
Panuto : Basahin ang pahayag sa ibaba at sagutinang tanong kaugnay nito.

Lahat ng tao sa mundo ay nangangarap na balang-araw tayo ay magtatamo rin ng


kapayapaan upang gumanda ang ating buhay.
Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang matamo ng bayan ang
ganap na kapayapaan? Ilahad ito gamit ang pagpapahayag ng sanhi at bunga.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 5:
Panuto: Isalaysay ang mga pangyayari sa epiko gamit ang grapikong pantukoy na story
frame. Isulat sa nakalaang kahon ang sagot.
simula suliranin kasukdulan kakalasan Wakas

6
Gawain 6:
Panuto: Sa gitna ng pandemya, magtala ng obserbasyon tungkol sa sitwasyong makikita
sa iyong komunidad. Ipahayag ito gamit ang hudyat ng sanhi at bunga. Ginawa
na ang unang bilang para sayo. Ang sanhi ay may salungguhit at ang bunga ay
wala.

1. Madalang ang taong makikita sa labas ng bahay dahil sa takot nilang mahawa ng
COVID.
2.
3.
4.
5.

Panuto : Tukuyin ang layunin ng mga pangyayaring mababasa sa bawat pangungusap.


Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot.

A. Pagmamahal sa pamilya D. Karangalan


B. Kalayaan E. Paggalang
C. Katapangan F. Paninindigan

___1. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga
kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga
kaaway na Baklayon.
___2. Upang maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kanyang pamilya ay umalis sa Ayuman
at pumunta ng Ilian.
___3. Nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan kay Tanagyaw.
___4. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw.
___5. Sumang-ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
a. Bunga b. Sanhi c. Layunin
2. “Kung kaya siya ay nakapagtapos”. Ang pahayag ay nagpapakita ng_____
a. Sanhi b. Epekto c. Bunga
3. Hindi matapos ng mga mag-aaral ang lahat ng modyul dahil sa sobrang dami ng
dapat gawin. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng bunga.
a. Hindi matapos ng mga mag-aaral ang lahat ng modyul.
b. Sobrang dami.
c. Dahil sa sobrang dami ng dapat gawin.

7
4. Ito ay pahayag na nagpapakita ng resulta o kinalabasan ng isang pangyayari.
a. Epekto b. Sanhi c. Bunga
5. Dahil sa Covid, maraming tao ang nabawian ng buhay. Ang salitang may
salungguhit ay __________.

Panuto:
Bilang karagdagang gawain, kikilalanin ang itinuturing mongSUPERHERO o
BAYANI ng iyong buhay. Sa nakalaang blangkong kahon sa ibaba ay ilagay ang
larawan o pangalan at ipaliwanag ang dahilan kung bakit siya ang iyong itinuturing
na SUPERHERO NG IYONG BUHAY. Magtala ng ibat ibang pangyayari na naglalaman
ng sanhi at bungang konektado sa paksa.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

8
9
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.

LARAWAN
o www.pandayan.com.ph

https://www.scribd.com/document/503552182/FILIPINO8-Q1-W7-Nakikinig-Nang-May-
Pag-Unawa-Upang-Mailahad-Ang-Layunin-Ng-Napakinggan-Maipaliwanag-Ang-
Pagkakaugnay-Ugnay-Ng-Mga-Pangyayari
https://image.slidesharecdn.com/filipino6dlp10-mgapangyayaripagsunud-sunurinnatin-
180223071832/95/filipino-6-dlp-10-mga-pangyayari-pagsunudsunurin-natin-4-638.jpg?
cb=1519370327

https://kwentogaleries.blogspot.com/2020/11/maikling-kwentong-pambata-na-may-
sanhi.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like