Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Cleo A.

Ilao
BSHM 2ND year Block-2

MANORO “The Teacher”

I. Batayang Kaalaman

A. Pamagat - Manoro The Teacher


· Ipaliwanag kung bakit iyan ang pamagat? – Manoro The Teacher ang pamagat
dahil ang Manoro ay nangangahulugang tagapag turo o guro sa katutubong wika
ng mga Aetas.
• Ano ang kuwento sa likod ng pamagat? – Ang kuwento sa likod ng pamagat ay
kaya Manoro The Teacher ito sapagkat si Jonalyn ang nagsisilbing tagapag turo sa
kanyang katutubong Aetas upang makapag basa at makapagsulat.

II. Nilalaman

· Layunin – Ang layunin ng tauhan ay maturuan nya ang kapwa nyang Aeta
upang makabasa at makasulat para makaboto sila sa darating na eleksyon noong
2004.
· Tema/Paksa – Ang Tema/Paksa ay patungkol sa ating katutubong Aeta.
· Paano nag umpisa? - Nagsimula ang kwento sa isang kaganapan na pagtatapos
ng elementarya.
· Paano binigyan ng wakas ang kuwento? – Nagwakas ang kuwento ang
dumating ang kanyang lolong si Apo Bisen at nagkaroon ng kaunting salo salo at
sinabi nyang hindi mawawala ang pagkatao nya dahil hindi sya nakaboto.

III. Tuon sa Kariktan

A. Tauhan – Jonalyn Ablong


· Ilarawan ang isa-isa ang mga katauhan. – Si Jonalyn ay isang batang nakapag
tapos ng elementarya, at ibinahagi nya ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng
pagtuturo sa kanyang kapwa Aeta na magbasa at magsulat.
· Magbigay ng pinakatumatak na linya sa iyo ng tauhan. –Pinaka tumatak sa
akin ay ang pag pupursige ni Jonalyn na turuan ang kanyang kapwa Aeta dahil sa
kanyang dedikasyon nagkaroon sya ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang
kaalaman sa iba.
B. Suliranin
· Ano ang problema na inilalahad sa dokumentaryo? – Ang problema na nailahad
sa dokumentaryo ay ang kakulangan ng edukasyon sa ating mga katutubo, at kahit
pa sa pag boto ay hindi nila ito maunaawan dahil salat sila sa kaalaman at
edukasyon.

C. Kalutasan
· Ano ang naging solusyon sa suliranin na nakapaloob as dokumentaryo? – Ang
naging solusyon sa suliranin ay ang Manoro na si Jonalyn, sya ang nagsilbing guro
upang makapagsulat ang kapwa nyang Aeta.

IV. Tuon sa Damdamin

A. Himig
· Tono o ang pinakanangingibabaw na emosyon sa pinanuod. Ipaliwanag.
Maaaring kumuha ng sumusuportang detalye mula as dokumentaryo. – Sa aking
palagay ang nangingibabaw na emosyon sa aking pinanood ay ang pagiging
masiyahin ng mga Aeta at mga batang nglalaro at naghaharutan ito ay badyaa ng
pagiging masaya nila ngunit mayroon din namaang malungkot na dahil nga sa
kakulangan ng edukasyon ay hindi sila nakakabasa at nakakapag sulat kahit sarili
manlang nilang pangalan, tila nakalimutan na sila ng gobyerno at ‘di mapag
tuonan ng pansin.
B. Mensahe
· Ano ang mensahe at/o impormasyon na nakapaloob pinanuod? – Ang mensahe at
impormasyon na nakapaloob dito ay ang kwentong ito ay nagpapakita ng
kahalagahan ng edukasyon at kahit ano mang maging hamon sa ating buhay ay
patuloy pa rin tayong mag pursige at ibahagi ang kaalaman sa iba.
· Dapat bang panuorin at balik-balikan ang dokumentaryo? – Sa aking opninyon
nararapat balik-balikan itong dokyumentaryo tungkol sa Manoro lalo na ang mag
aaral dahil marami ang kaalaman na makukuha mo dito saa kuwentong ito.
Matutunan mong mag pursige sa pag aaral at ibahagi ang kaalaman sa ibang tao.

You might also like