Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

89

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 8

FLORANTE AT LAURA;
PAGLALAHAD NG PANSARILING
PANINIWALA

NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan-Modyul 8: Florante at Laura; Paglalahad ng Pansariling
Paniniwala
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilou R. Diones


Editor: Roshelle G. Abella, Ritchel Elnar, Kendrick M. Kitane
Tagasuri: Jennie S. Jarabe, Maria Dina B. Jalisan, Marissa B. Cadorna,
Analiza F. Kadusale, Jershon T. Montaňo, Rustom R. Notato
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Tunay nga bang ang kasamaan ay hindi magtatagumpay laban sa


kabutihan? Bakit kaya sinasabing hindi magtatagumpay ang kasamaan sa
kabutihan?

Sa modyul na ito, susubukan mong alamin at ipahayag ang iyong sariling


paniniwala hinggil sa mga katanugan sa itaas; kung ikaw ba ay sasang-ayon o
sasalungat, kasabay nito, aalamin din natin ang pagwawakas ng Florante at
Laura. Tutuklasin natin kung ano ang mangyayari kay Menandro pagdating sa
kagubatan. Anong damdamin kaya ang mamamayani sa magkasintahang sina
Florante at Laura, Aladin at Flerida nang magkatagpo-tagpo silang lahat?

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang;

• Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang


mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal.: totoo,
ngunit) F8PU-IVi-j-40

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito inaasahan na ikaw ay:


1. Nakapagbibigay ng pahayag batay sa sariling paniniwala hinggil sa akdang
binasa;
2. Nakapagbubuo ng mga pangungusap na sa sumasang-ayon at
sumasalungat; at
3. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin/damdamin batay sa akdang binasa.

1 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
SUBUKIN
Panuto A: Ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
Isulat lamang ang titik na kinalolooban ng tamang sagot.

1. Bago matapos ang pagkukuwento, dumating si Menadro sa gubat dala’y


ehersito at si Adolfo ay hanap.
A. Hukbo B. kaibigan C. kapatid D. kaaway

2. Ipinagbunyi nila ang pagkakatagpo kina Florante at Laura.


A. Ikinatakot B. Ipinagdiwang C. Ipinagmalaki D. Ikinalungkot

3. Dinala sa reynong ipinagdiriwang kasama ni Aladin at Fleridang hirang.


A. Kapatid B. maganda C. matapang D. mahal

4. Dito nakabangon ang nalulugami at napasatuwa ang nagpipighati.


A. nalugmok B. nakaraos C. nagtagumpay D. nasira

5. Ang hari at ang reyna ay walang iniisip kundi ang magsabog ng awa sa
kabig.
A. magtanim B. magdulot C. magtapon D. magbuhos

Panuto B: Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay tama at Mali naman
kung ang pahayag ay mali.

________1. Napagbintangan si Haring Linseo sa pangigipit at gutom sa


kaharian.
________2. Nailigtas si Laura sa tangkang panggagahasa sa kanya ni
Adolfo.
________3. Dumating si Menandro sa gubat kasama niya ang hukbo mula
sa Albanya.
________4. Isang asinta ng palaso ni Flerida ang pumatay sa sakim at taksil
na si Adolfo.
________5. Si Florante ang mahigpit na karibal ni Adolfo sa lahat ng bagay.
________6. Hangad ni Adolfo ang kaunlaran ng Albanya.
________7. Tanging si Florante lamang ang gerero ng Albanya.
________8. Si Aladin ang sumaklolo kay Laura.
________9. Si Adolfo, ang anak ni Sultran Ali- Adab ng Persya.
________10. Ang pagkikita ng magsing-irog ay lubhang nagbibigay-saya sa
puso ng bawat isa.

2 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
TUKLASIN

GAWAIN 1:

Panuto: Suriin ang mga konsepto sa ibaba. Tukuyin kung ito ba ay may mabuti o
masamang naidudulot. Isulat ang iyong opinyon o pananaw kaugnay sa
mga isyung ito na may kinalaman sa kahalagahan ng kalusugan at
damdamin ng tao.

SOCIAL DISTANCING

PAGPAPABAKUNA

CHILD ABUSE

PAGTULONG SA MGA
NASALANTA NG BAGYO
1. Ano-anong mga konsepto ang nagpapakita ng pagtulong sa kapwa? Bakit
kaya mahalaga ang pagtutulungan?
2. Ano ang magiging epekto sa buhay ng isang bata kapag ito ay nakararanas ng
karahasan sa ibang tao?
3. Sa iyong palagay, paano matatamo ang kaligtasan, kapayapaan, tagumpay sa
buhay at sa bayan? Ipaliwanag.

3 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
SURIIN

Ang pagpapahayag ng sariling damdamin at paniniwala ay napakahalaga sa


buhay ng tao. Sa pamamagitan nito nailalahad ng tao ang mga bagay na kanyang
pinaniniwalaan, nararamdaman o di kaya’y mga opinyon na pinanghahawakan;
maaaring base sa mga binasang akda, nakitang simbolo, napanood na palabas,
mga karanasan at iba pa.

Dagdag pa rito, sa paglalahad ng sariling damdamin, paniniwala at opinyon


mahalaga rin ang paggamit ng mga salitang sumasalungat o sumasang-ayon upang
lubusang maiparating nang maayos at malinaw ang ideyang nais ibahagi.

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o


pagsang-ayon. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang opinyong dapat nating igalang o
irespeto ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay
sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng
damdamin.

Pag-aralan sa ibaba ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at


pagsang-ayon sa pagpapahayag ng opinyon.

➢ Pahayag na Pagsang-ayon – ito ay nangangahulugan ng pagtanggap,


pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o idea.
Mga halimbawa:
• Bilib ako sa iyong sinabi na…
• Kaisa mo ako sa bahaging iyan…
• Maaasahan mo ako riyan…
• Iyan din ang palagay ko…
• Iyan ay nararapat
• Totoong…
• Sang-ayon ako
• Sige/ oo
• Lubos akong nananalig/naniniwala
• Talagang kailangan…
• Tama ang sinabi mo
• Tunay nga

4 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
➢ Pahayag na Pagsalungat – ito ay pahayag na nangangahulugan ng
pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o idea.

Mga Halimbawa:
• Ayaw ko ang pahayag na…
• Hindi ako naniniwala riyan
• Hindi ako sang-ayon dahil…
• Hindi ko matanggap ang iyong sinabi
• Hindi tayo magkasundo dahil…
• Hindi totoong…
• Huwag kang…
• Sumasalungat akong…
• Maling-mali talaga…

Sa puntong ito, halika’t basahin natin ang mga piling bahagi ng nobelang
Florante at Laura. Pansinin ang mga damdamin at paniniwalang nangingibabaw sa
bawat akdang babasahin.

Ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay isang tagumpay ng


mga Pilipino sa panitikan. Ito ay mananatiling bantayog na titingalain at magsisilbing
inspirasyon ng mga susunod pang makata ng bansa.

Ngayon, ang iyong kaalaman tungkol sa Florante at Laura ay madagdagan


sapagkat himay-himayin ng araling ito ang mga kabanata sa Florante at Laura.
Upang mas lalo mong mauunawaan, simulan na ang pagbabasa.

Ang Pagpaparaya ni Aladin


(Mga Saknong 347-359)

Buod ng Aralin
Nang matapos magsalaysay ni Florante sa kanyang kwuento, ang
Moro naman ang nagsasalaysay sa kanyang naging karanasan sa buhay.
Siya ay si Aladin, mula sa Persiya at anak ni Sultan Ali-Adab. Siya ang
namuno sa hukbong Persiyano na sumakop sa Albanya. Pero umalis siya
sa bayan ni Florante at umuwi sa kaharian ng kanyang ama. Ipinakulong
siya sa karsel ng palasyo ng sarili niyang ama sa bintang na iniwan niya ang
kanyang hukbo. Nang mabalitaan sa Persiya na nailigtas ni Florante ang
Albanya, ay hinatulan siyang pugutan ng ulo. Ngunit, isang heneral ang
nagdala ng patawad sa kanya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din.
Mabigat ang loob na tumupad si Aladin. Bagamat nakaligtas sa kamatayan
mas nais pang mamatay ni Aladin kaysa isiping ang pinakamamahal niyang
si Flerida ay napunta sa iba.

5 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
Ang Pagpaparaya ni Aladin
(Mga Saknong 347- 359)

347 354
"Ang pagkabuhay m'y yamang naipabatid, Anupa't pinalad na aking tinalo sa
tantuin mo naman ngayon ang kausap; katiyagaan ang pusong matipid;
ako ang Aladin sa Persiang siyudad, at pagkakaisa ng dalawang dibdib,
anak ng balitang Sultan Ali-Adab. pagsinta ni Amay pinilit pumagitna

348 355
"Sa pagbatis niring mapait na luha, "Dito na minulan ang pagpapahirap sa
ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata aki't ninasang buhay ko'y mawala;
Ay, Ama ko! Bakit?... Ay, Fledirang tuwa! at nang magbiktorya sa Albanyang s'yudad,
Katoto'y bayaang ako'y mapayapa. pagdating sa Persia'y binilanggo agad.

349 356
"Magsama na kitang luha ay matunaw, At ang binuhat sa kasalanan ko,
yamang pinag-isa ng masamang palad; di pa utos niiya’y iniwan ang hukbo;
sa gubat na ito'y hintayin ang wakas ng At nang nabalitang reyno’y nabawi mo,
pagkabuhay tang napuno ng hirap." ako’y sinentensiyahan pugutan ng ulo.

350 357
Hindi na inulit ni Florante naman, “Nang gabing malungkot na kinabukasan,
nang isang umaga'y naganyak maglibang wakas na tadhanang ako'y pupugutan,
Luha ni Aladi'y pinag-igihan; pinagbuti; sa karsel ay nasok ang isang heneral
tumahan sa gubat na may limang buwan dala ang patawad na lalong pamatay.

351 358
Kanilang nilibot ang loob ng gubat, "Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,
kahit bahagya nang makakitâng landas; huwag mabukasan spa Reyno ng Pers’ya,
dito sinalita ni Alading hayag ang kaniyang sa munting di-pagsunod buhay ko ang
buhay na kahabag-habag. sinunod ko't utos ng hari ko't ama.

352 359
Aniya'y "Sa madlang gerang pinagda'nan Ngunit sa puso ko'y matamis pang lubha
di ako naghirap ng pakikilaban, natuloy nakitil ang hiningang aba,
para nang paghirapan ang pusong matibay huwag ang may buhay na nagugunitang
ni Fleridang irog na iniluluha; iniyakan. iba ang may kandong sa langit ko't tuwa.

353
"Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa'y
Si Diana’” sa gitna ng maraming nimpa,
kaya’t kung tawagin sa Reynong Pers’ya,
isa sa Houris ng among propeta

6 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan
(Mga saknong 361-392)

Anim na taon nang naninirahan sa kagubatan sina Florante at Aladin.


Natigil ang kanilang pa-uusap nang marinig ang dalawang babaing nag-
uusap. Ayon sa unang tinig, nang malaman niyang pupugutan ng ulo ang
kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa Sultan upang patawarin ang
kanyang kasintahan, kapalit ay magpapakasal sa kanya ang dalaga.
Walang nagawa ang babae kundi sumang-ayon mailigtas lamang ang
kanyang iniibig. Subalit pinalayas ang kanyang nobyo sa kaharian noon din
kung kaya’t hindi man lang sila nagkausap. Habang inihanda na ang
kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon na rin
siyang naglagalag sa mga bundok at gubat sa paghahanap ng kanyang
kasintahan, hanggang mailigtas niya ang dalagang kausap.

Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin sa hindi inaasahang


pagtatagpong iyon. Hindi masusukat ang kaligayahan nina Florante,
Laura, Aladin at Flerida.

Si Laura naman ang nagsasalaysay. Ayon sa kanya, habang nasa


ibang bayan si Florante, nilason ni Adolfo ang isipan ng mga tao sa
pagsasabing gugutumin ng hari ang taong bayan kaya’t nagkagulo ang
mga ito. Sinamantala ni Adolfo ang kaguluhan, inagaw niya ang trono,
pinugutan ng ulo ang hari at ang mga matatapat na alagad nito at pinilit si
Laura na magpakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na nilolob,
pumayag si Laura, ngunit humingi siya ng limang buwang palugit upang
ipahatid kay Florante ang nangyari sa Albanya. Ngunit naunahan na ito ni
Adolfo na may pirma kunwari ni Haring Linceo at pinauuwing mag-isa si
Florante. Nadakip si Florante ng mga kawal ni Adolfo. Ikinulong siya sa
piitan at pagkalipas ng ilang araw ay pinadala sa gubat at doon iginapos.
Samantala, natanggap si Menandro ang liham ni Laura at sumugod agad
ang hukbo nito sa Albanya. Natalo nila ang hukbo ni Adolfo at itinakas nito
si Laura papuntang gubat upang pagsamantalahan. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana niya si Adolfo na namatay noon din.

7 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan
(Mga Saknong 360 - 392)

360 367
"May anim na ngayong taöng walang palya "Nang iginagayak sa loob ng reyno
na nilibot-libot na asama'y hirap,” yaong pagkakasal na kamatayan ko
Napatigil dito't sila'y may naulinigan, aking naakalang magdamit-gerero
nagsasalitaan sa loob ng gubat. kusang tumakas sa real palasyo

361 368
Napakinggan nila'y ang ganitong saysay: “Isang hating-gabing kadilima’y lubha. lihim
"Nang aking matatap na papupugutan ang na napatihulog ako sa bintana Walang
abang sinta kong nasa bilangguan, kasama kung hindi ang nasa Mahirap ang
nagdapa sa yapak ng haring makasarili. sinta kung nasaang lupa

362 369
"Inihinging-tawad ng luha at daing ang “May ilan nang taon akong gumala-gala
kaniyang anak na mutya ko't giliw; na pinapalasyo ang bundok at gubat;
ang sagot ay kung di kusa kong tanggapin Dumating nga rito’t kita’y naliligtas sa
ang pagsinta niya'y di patatawarin. masamang nasa niyong taong sukab

363 370
"Ano'ng gagawin ko sa ganitong bagay? Salita’y nahinto sa biglang pagdating
Ang sinta ko kaya'y bayaang mamatay? ng Duke Florante’t Prinsipe Aladin;
Napapayag na ako't nang mabuhay ang na pagkakilala sa boses ng giliw,
prinsipeng irog na kahambal-hambal. ang gawi ng puso’y di ma pigilpigil.

364 371
"Ang di nakumbinsi matibay kong dibdib Aling dila kaya ang maksasayod ng tuwang
ng suyo ng hari, balä at pagluha, natamo ng magkasing irog?
naglambot na kusa't humain sa sakit sa hiya ng sakit sa lupa’y lumubog,
at nang mailigtas ang buhay ng ibig. dala ang kaniyang napulpol na tunod.

365 372
"Sa tuwa ng hari'y pinawalan agad Saan kalangitan napaakyat kaya
ang dahil ng aking luhang pumapatak; ang ating Florante sa tinamong tuwa;
dapuwat tadhanang umalis sa s'yudad ngayong tumititig sa ligayang mukha
at sa ibang lupa'y kusang maglagalag. ng kaniyang Laurang inaasamasam

366 373
Lumisan sa Persia ang irog ko't buhay Ano pa nga yaong gubat na malungkot,
na hindi man kami nagkasalitaan; sa apat ay naging paraiso't lugod;
tingin kung may luha akong ibubukal, makaitlong hintong kanilang nalimot
na maitutumbas sa dusa kong taglay! na may hininga pang sukat na malagot.

8 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
374 382
Sigabo ng tuwa'y nang dumalang-dalang, "Umakyat sa trono ang kondeng malupit
dininig ng tatlo ang kay Laurang.buhay; at pinagbalaan ako nang mahigpit,
nasapit sa reynong mula nang pumanaw na kung di tumanggap ng haing pag-ibig,
ang sintang nanggubat, ganito ang kwento. dustang kamataya'y aking mararatin

375 383
"Di pa nagtatagal noong pagalis mo, "Sa pagnanasa kong siya'y magantihan
o sintang Florante, sa Albanyang Reyno, at sulatan kita sa Etoliang bayan,
narinig sa baya'y isang tahimik gulo na pinilit ang pusong huwag ipamalay sa lilo
umalingawngaw hanggang sa palasyo. ang aking kaayawa't suklam.

376 384
"Ngunit di mangyaring mawataswatasan "Limang buwang singkad ang hininging taning,
ang bakit at hulo ng bulungbulungan; ang kaniyang sinta'y bago ko tanggapin;
parang isang sakit na di mahulaan ngunit pinasiyang tunay sa panimdim
ng medikong pantas ang dahil at saan. ang magpakamatay kung di ka dumating.

377 385
"Di kaginsa-ginsa palasyo'y nakubkob "Niyari ang sulat at ibinigay ko sa tapat
ng magulong baya't baluting soldados; na lingkod nang dalhin sa iyo;
o araw na lubhang kakilakilabot! di nag-isang buwa'y siyang pagdating mo't
araw na sinumpa ng galit ng Diyos! nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.

378 386
"Sigawang malakas niyong bayang gulo, Sa takot sa iyo niyong taksil,
Mamatay, mamatay ang Haring Linceo, kung ikaw'y magbalik na may hukbong dala
na nagmunakalang gutumin ang reyno't nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka,
lagyan ng epagkamkam ang kakani't trigo!' ng may selyong sulat at sa haring pirma.

379 387
"Ito'y kay Adolfong kagagawang lahat "Matanto ko ito'y sa malaking lumbay
at nang magkanulo yaong bayang bulag; gayak na ang puso na magpatiwakal,
sa ngalan ng hari ay pinasabog ay siyang pagdating ni Menandro naman,
gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab. sinakop ng hukbo ang Albanyang bayan.

380 388
"Noon di'y hinugot sa tronong luklukan "Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggap
ang ama kong hari at pinapugutan; ng sa iyo'y aking padalang kalatas,
may matuwid bagang makapanglulumay kaya't nang dumating sa Albanyang s'yudad,
sa sukab na puso't nagugulong bayan? lobong nagugutom ang kahalintulad.

381 389
"Sa araw ring yao'y naputlan ng ulo “Nang walang magawa ang Konde Adolfo
ang tapat na 100b ng mga konseho; ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
at hindi pumurol ang tabak ng lilo dumating ang gabi umalis sa reyno
hanggang may-mabait na mahal sa reyno. At ako’y dinalang gapos sa kabayo

9 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
390 392
"Kapagdating dito, ako'y dinadahas at ibig "Nang paghanapin ko'y ikaw ang nataos,
pagsamantala kong ingat; mana'y isang pinipilit niyong taong balakiyot;
tunod na kung saan buhat pumako sa hindi ko nabata't bininit sa búsog
dibdib ni Adolfong sukab. ." ang isang palasong sa lilo'y tumapos.”

391
Sagot ni Flerida: "Nang dito'y sumapit ay
may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko'y binibigyang-sakit,
nahambal ang aking mahabaging dibdib.

Ang Pagdating ni Menandro sa Kagubatan (Masayang Wakas)

BUOD

(Habang nag-uusap ang magkasintahang pinagtagpo-tagpo ng


mahiwagang kapalaran, dumating ang hukbo ni Menandro na ang hanap
ay si Adolfo. Laking tuwa niya nang makitang buhay si Florante.
Ipinagbunyi nila ang pagkakatagpo kina Florante at Laura. Nagsibalik ang
lahat sa palasyo, ikinasal ang dalawa at naging hari at reyna ng Albanya.
Samantala, sina Aladin at Flerida, ay nagpabinyag bilang Kristiyano at
pinag-isang dibdib. Nasawi si Sultan Ali- Adab, kaya bumalik na sina Aladin
at Flerida sa Persiya. Nagpasalamat sa Diyos ang buong Albanya dahil
nasisiyahan sila sa pamumuno nina Florante at Laura at naging matiwasay
at maunlad ang kanilang nasasakupan. Mula noon ay natigil na ang
digmaan ng Albanya at Persiya.)

Aralin 28: Ang Pagdating ni Menandro sa Kagubatan (Masayang Wakas)


Mga Saknong:

393 394
Di pa napapatid itong paguusap, si “Yaong ehersitong mula sa Etolya,
Menadro’y siyang pagdating sa gubat; ang unang nawika sa gayong ligaya:
dala’y ehersito’t si Adolfo’y hanap, nakita’y “Biba si Floranteng hari ng Albanya
katoto, laking tuwa’t galak! Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!”

10 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
395 398
Dinala sa reynong ipinagdiriwang sampu Kaya nga’t nagtaas ng kamay sa langit,
ni Aladi’t ni Fleridang hirang, sa pasasalamat ng bayang tangkilik;
kapwa tumanggap na mangabinyagan; ang hari’t ang reyna’y walang iniisip
magkakasing sinta’y naraos na kasal. kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

396 399
Namatay sa bunying Sultan Ali- Adab, Nagsasama silang lubhang mahinusay
nuwi si Aladin sa Persiyang Syudad; hanggang sa nasapit ang payapang bayan
ang Duke Florante sa trono’y naakyat, (Tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
sa piling ni Laurang minumutyang liyag. sa yapak ni Selya’t dalhin yaring Ay! Ay!)

397
Sa pamamahala nitong bagong hari,
sa kapayapaan ang reyno’y nauwi;
dito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati. https://www.slideshare.net.com

Pamprosesong Tanong

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pahayag na sumasang-ayon at


sumasalungat?
2. Ano ang masasabi mo sa mga piling bahagi ng Florante at Laura na binasa?
Nagustuhan mo ba ito o hindi? Ipaliwanag
3. Sa tulang “Ang Pagdating ni Menandro sa Kagubatan”, anong damdamin ang
nangingibabaw rito? Magbigay ng katuwiran.

PAGYAMANIN

Panuto: Ilahad o ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga na


maaaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga kaisipang hango sa
binasa. Isulat ang iyong mga sagot kwaderno.

1. Posible bang maging mabuting magkaibigan at magsama nang matagal sa


kagubatan ang isang Moro at at isang Kristiyano na kabilang sa magkabilang
lahi? Ipaliwanag.

2. Isang pana ang pinakawalan ni Flerida na naging sanhi ng pagkamatay ng


buhong na si Adolfo nang makita niyang pinagtangkaan nito nang masama si
Laura.

11 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
3. Kung ikaw si Flerida tatanggapin mo ba ang alok na kasal ni Sultan Ali-Adab
upang maligtas sa kamatayan ang iyong kasintahan. Bakit?
4. Tama bang nagparaya si Aladin sa kanyang ama kahit mahal na mahal niya si
Flerida?

5. Sa iyong palagay, tama bang yakapin ng magkasintahang Aladin at Flerida ang


paniniwalang Kristiyano at magpabinyag?

ISAISIP

Ang pagpapahayag ng sariling damdamin at paniniwala


ay napakahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito
nailalahad ng tao ang mga bagay na kanyang pinaniniwalaan,
nararamdaman o di kaya’y mga opinyon na pinanghahawakan.
At, lagi pa ring tatandaan na magkaiba man ang ating
paniniwala o pananampalataya, hindi pa rin ito balakid upang
makamtan ang pagkakaisa. Sa anomang laban, ang taong may
mabuting kal ooban ay siyang magtatagumpay.

ISAGAWA

A. Panuto: Isalaysay ang nangyari sa mga pangunahing tauhan sa pagtatapos


ng kuwento.

Gabay na Tanong: Sa pagtatapos ng kuwento, ano ang nangyari sa mga


sumusunod na mga tauhan?

1. Florante at Laura

2. Aladin at Flerida

3. Konde Adolfo

12 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
B. Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga tanong sa ibaba.

1. Sa iyong palagay, naging masaya ba ang pagtatapos ng


kuwento?
2. Sang-ayon ka ba sa ginawang wakas ng kuwento? Bakit?
3. Kung ikaw ang papipiliin, saang bahagi ng kuwento ang hindi mo
nagustuhan? Bakit?

TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik na kinalolooban ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang dalawang babaeng nag-uusap sa loob ng gubat?


A. Flerida at Laura C. Florencia at Laura
B. Flerida at Florencia D. Floresca at Laura

2. Kaninong hukbo ang dumating sa kagubatan?


A. Florante C. Adolfo
B. Aladin D. Menandro

3. Sino-sino ang kapwa pumayag na maging Kristiyano?


A. Flerida at Aladin C. Florante at Laura
B. Floresca at Duke Briseo D. Menandro at Aladin

4. Ang bagong hari ng Albanya.


A. Miramolin C. Sultan Ali-Adab
B. Osmalik D. Florante

5. Ang lugar kung saan umuwi ang bagong kasal na sina Aladin at Flerida.
A. Albanya C. Etolia
B. Persiya D. Crotona

13 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
B. Lagyan ng bilang mula 1-10, ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa huling bahagi ng Florante at Laura.

___1. Nagtagpo-tagpo sina Florante, Laura, Aladin at Flerida sa kagubatan ng


Albanya.
___2. Ipinagbunyi nila nag pagkakatagpo kina Florante at Laura.
___3. Matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib din sina Aladin at Flerida
___4. Kumalat ang balitang patay na si Sultan Ali- Adab.
___5. Laking tuwa ni Menandro at nang buong hukbo nang makitang buhay Si
Florante.
___6. Nagsibalik ang lahat sa palasyo at ikinasal sina Florante at Laura.
___7. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamayang nasisiyahan sa pamumuno nina
Florante at Laura.
___8. Umuwi sa Persya sina Aladin at Flerida upang doon mamumuno sa sariling
bayan.
___9. Mula noon ay natigil na ang digmaan ng Albanya at Persiya.
___10. Naging kapwa matiwasay at maunlad ang kanilang nasasakupan.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag na makikita sa ibaba. Ibigay ang iyong
sariling opinyon ukol dito. (Gumamit ng mga salitang sumasang-ayon o
sumasalungat).

“Dakila ang pag-ibig na nagpaparaya”

14 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2 15
SUBUKIN TAYAHIN
A. 1. A A. 1. A
2. B 2. D
3. D 3. A
4. A 4. D
5. D 5. B
B. 1. Tama B. 1. 1
2. Tama 2. 5
3. Mali 3. 2
4. Tama 4. 6
5. Tama 5. 3
6. Mali 6. 4
7. Mali 7. 8
8. Mali 8. 7
9. Mali 9. 10
10. Tama 10. 9
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
Amba, H., et.al. Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino Sanayang Aklat 8.

Cruz, E., et.al. Florante at Laura. C&E Publishing, INC. 2008. 839 EDSA, South
Triangle, Quezon City.

Macapaz, M. published Aug. 21, 2017. Pagsang-ayon at Pagsalungat sa


Pagpapahayg ng Opinyon. slideshare.net

Reyes, A.R. Diwa ng Wikang Panitikan 8. Diwa Learning Systems Inc.2013.4/F


SEDCCO 1 Bldg. 120 Thailand Corner Legazpi Streets, Legaspi
Village, Makati City, Philippine.

16 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

17 NegOr_Q4_Filipino8_Module8_v2

You might also like