Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Junior High School

Baitang 8

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

GABAY SA EsP
Unang Kwarter - Unang Linggo

Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao


BaitangKompetensi:
8-EdukasyonNatutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
sa Pagpapakatao
ng aral o may positibong impluwensya
Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain sa sarili.
o karanasan sa (EsP 8PBla-1.1}
sariling pamilya Nasusuri ang pag-iral
na kapupulutan
ngmay
ng aral o pagmamahalan,pagtutulungan at pananampalataya
positibong impluwensya sa sarili. sa isang ang
(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri pamilyang
pag-iralnakasama ,
ng pagmamahalan,pagtutulungan at
naobserbahan,
pananampalataya o napanood
sa sa (EsP8PBla-1.2}
isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 8
Gabay sa EsP
Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Gabay sa EsP o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of GABAY sa EsP


Writer: Botts D. Ferrer
Illustrators: Armand Glenn S. Lapor, Susan L. Suganob, Lilybeth D.Beatizula

Layout Artists: Lilibeth E, Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Susan L. Suganob


Botts D. Ferrer

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Atty. Fevi S.Fanco, EdD.
Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B.Quiñon,
Armand Glenn S. Lapor, Luda G. Ahumada,
Ralph F. Perez, Susan L. Suganob

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay, Percy M.Boro,
Dr. Ruth Isabel B. Quiñon,

Percy M. Borro, Ruth Isabel B.Quiňon

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili. (EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at
pananampalataya sa sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Baitang 8.

Ang Gabay sa EsP ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gabay sa EsP na mapatnubayan ang mag aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay
na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa Gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili. (EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,pagtutulungan at
pananampalataya sa sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon

SIMULAN MO

Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang katagang ito? Marahil


napanood mo na rin minsan ang pelikulang ito. Gamitin natin itong gabay sa
pagpakilala sa ating aralin.

Ang mga magulang ay binibigyan ng napakahalagang misyon na arugain,


igalang, at mahalin ang kanilang mga anak. Ito ay isang misyon na hindi madali:
bagkus ay puno ng maraming hamon. Sa kasalukuyan, nahaharap sa maraming
banta ang pamilyang Pilipino, mas magiging mahirap para sa isang pamilya, lalong-
lalo na para sa isang magulang, ang isakatuparan ang napakahalagang misyon
upang maihanda ang mga anak sa pakikipagkapwa, mga misyon na itinuring ng iba
na imposible kasabay ang maraming pagbabago sa lipunan. Ano ang pananagutan
ng mga magulang sa mga anak. Paano nga kaya matitiyak na possible ang misyon
na ito?
Sa araling ito. Titingnan natin kung paano magiging Mission: Possible...ang
pagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon na ito.

SURIIN MO

Gawain
Madalas, ang tawag ng ilang kabataan sa kanilang mga magulang ay sirang
plaka. Lalo na sa mga pagkakataong may mga bagay silang nagawa o hindi
nagawa. Sa gawaing ito, babalikan mo ang mga salitang tulad nito.

Panuto:
1. Magtala ng mga katagang pauli-ulit mong naririnig sa iyong mga magulang
o kapamilya kapag may mga bagay kang nagawa o hindi nagawa o kaya
naman ay mga salitang palagi nilang paalala sa iyo mula noon hanggang
ngayon.

2. Matapos ito ay isulat mo kung ano ang malalim na aral na nais na


maitanim nila sa iyong puso at isipan kung bakit nila nasasabi ang mga
katagang ito.

3. Halimbawa “Mag-aral kang mabuti. Huwag puro laro at lakwatsa”.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao 1


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
4. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong:

A. Ano ang madalas na damdamin mo kapag paulit-ulit mong naririnig ang


mga katagang ito mula sa inyong kapamilya? Bakit?

B. Ano ang iyong nagiging reyalisasyon matapos mong magawa ang


inaatas sa iyong gawain? May nabago ba sa iyong damdamin at
paniniwala?

Hindi madali ang paggganap sa mga tungkulin ng pamilya para sa mga


kasapi nito. Lalo na yong mga banta sa pamilyang Pilipino. Ano ang mga banta sa
pamilyang Pilipino sa mga sumusunod na gampanin?

A. Pagbibigay Edukasyon

B. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya

C. Paghubog ng Pananampalataya

At paano ito malampasan? Bakit mahalagang malampasan ito? Ano ang


magiging bunga ng pagsisiskap na malampasan ang mga banta sa pamilyang Pinoy,
para sa kabataang Pilipino at para sa lipunan? Ipaliwanag.

PAG-ISIPAN MO

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Sa inyong palagay, bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting
edukasyon? May mungkahi ka bang paraan?

2. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting


pagpapasiya? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga


kasapi nito? Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga
kasapi nito?

4. Paano matiyak ang matagumpay na pagsasakatuparan ng mga misyon ng


pamilya sa kanilang mga anak?

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
SANAYIN MO

Panuto: Gamit ang graphic organizer, buuin ang mahalagang konsepto na


nahinuha, mula sa nagdaang gawain at babasahin na binasa.

EDUKASYON

PAGPAPASYA PANANAMPALATAYA

A. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pagpa unlad bilang tao?

B. Anu-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto mula
sa araling ito?

ISAPUSO MO
Panuto:
1. Humanap ng isang larawan sa internet o sa mga lumang magasin na
maaring magsimbolo sa edukasyon, pagpapasiya, at pananampalataya.
2. Pagkatapos ay hati-hatiin ito upang maging puzzle pieces.

3. Bawat piraso ng puzzle ay naglalaman ng iyong mahalagang pagkatuto na


may kaugnayan sa halaga na maisakatuparan ang misyon para sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya ng pamilya,
at paghubog ng pananampalataya.

4. Isulat sa likod ng bawat piraso ng puzzle ang mga pagkatuto.

5. Idikit ang mga puzzle pieces sa plastic cover upang mabasa maging ang
mga nakasulat sa likod nito.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
ISAGAWA MO

Magkaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng mga pagkatuto sa bawat aralin


sa EsP kung unti-unting mailalapat sa buhay ang mga ito hanggang maging bahagi
na ng pang-araw-araw na pagkilos. Gawin ang sumusunod.
Panuto:
1. Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo:
A. mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral;
B. matitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasiya; at
C. mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya.
2. Ilagay sa chart upang mabantayan ang pagsakatuparan ng mga hakbang
na ito sa loob ng dalawang linggo.

SUBUKIN MO

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang.


Piliin ang pinakaangkop na sagot.
1. Ang Karapatan para sa _________ ng mga bata ay orihinal at
pangunahing karapatan.
A. kalusugan C. buhay
B. edukasyon D. pagkain at tahanan

2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang


magkaroon ng mga anak. Ito ay ___________

A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal


B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang
pananagutan bilang magulang
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo

3. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring


magbunga ng mga sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:

A. pagtanggap C. katarungan
B. pagmamahal D. pagtitimpi

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao 4


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}
4. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting
pagpapasiya maliban sa:

A. pagtitiwala
B. pagtaglay ng katarungan
C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

5. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang


pagpapahalaga sa mga gawaing espiritwal maliban sa________.

A. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya


B. iparanas ang tunay na mensahe at mga aral ng pananampalataya
C. maglaan ng tiyak na panahon upang nakinig at matuto sa mga aral
ng pananampalataya
D. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat
tungkol sa pananampalataya

6. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng


kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?

A. Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa


katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Si Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa
mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang
buhay para sa kanilang hinaharap.
C. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga
anak, katuwang ng mga ito sa kanilang gawain,
pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong
kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
D. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na
magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga
pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap
ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.

Panuto: Sagutin ang mga tanong:


7. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang
magulang?
___________________________________________________
8. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?
___________________________________________________

9. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng


mga misyon ng pamilya?
___________________________________________________

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul Para sa Mag-aaral.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Kompetensi: Natutukoy sa mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.(EsP 8PBla-1.1} Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama , naobserbahan, o napanood (EsP8PBla-1.2}

You might also like