Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI- Kanlurang Visayas

SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO

Junior High School

JuniorBaitang 8
Hih School
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

GABAY SA EsP
Unang Kwarter – Ikalawang Linggo

Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Baitang 8-Ed Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga
tungo sa makabuluhang
angkop pakikipagkapwa.(
na kilos tungo EsP8PBIb-1)
sa pagpapatatag Naisasagawa
ng pagmamahalan ang mga angkop
at pagtutulungan na kilospamilya.(
sa sariling tungo EsP8PBIb-1.4)
sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.( EsP8PBIb-1.4)
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 8
Gabay sa EsP
Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Gabay sa EsP o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng

mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of GABAY sa EsP

Writer: Botts D. Ferrer
Illustrators: Armand Glenn S. Lapor, Susan L. Suganob, Lilybeth D.Beatizula

Layout Artists: Lilibeth E, Larupay, Armand Glenn S. Lapor,

Susan L. Suganob, Botts D.Ferrer

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Atty. Fevi S.Fanco, EdD.

Assurance Team: Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B.Quiñon
Armand Glenn S. Lapor, Luda G. Ahumada
Ralph F. Perez, Susan L. Suganob

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason Jr.

Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay Percy M. Borro
Dr. Ruth Isabel B. Quiñon

Percy M. Borro, Ruth Isabel B.Quiňon

Baitang 8-Ed Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga
angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.( EsP8PBIb-1.4)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Baitang 8.

Ang Gabay sa EsP ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng

mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gabay sa EsP na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay
na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa materyal na ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa Gawain ay isulat sa hiwalay na papel –

Activity Sheet/Worksheet.

Baitang 8-Ed Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga
angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.( EsP8PBIb-1.4)
Ang Pamilya Bilang Natural Na Institusyon

SIMULAN MO

Noong nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay sa mga aralin

tungkol sa sarili. Dumaan ka sa mahabang proseso ng pagkilala at pagpapaunlad
ng inyong pagkatao. Inaasahang handa ka ng tuklasin at ibahagi ang iyong sarili at
ituon ang iyong panahon sa mga tao sa iyong paligid. Sa pagkakataong ito, pag-
uusapan na natin ang pinakamalapit mong kapwa…ang iyong PAMILYA.
Bilang isang Pilipino, alam kong may malaking puwang sa iyong isip at
puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga kaya ang pagkakakilala at pag-unawa
mo sa tunay na saysay ng pamilya sa iyong sarili at lipunan? Paano maiuugnay ang
pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa?
Tutulungan ka ng araling ito upang masagot mo ang mga tanong na ito?
Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit itinuring na natural na institusyon
ang pamilya?
Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Handa ka na ba? Halika
at ating tuklasin ang halaga ng pamilya bilang isang natural na institusyon.

SURIIN MO

Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Sa

pagkakataong ito maglaan ka ng panahon upang isa-isahin ang mga naiaambag ng
mga kasapi ng iyong pamilya para sa iyong sarili, para sa mga kapwa kasapi ng
pamilya, para sa buong pamilya, at maging para sa pamayanan.

Panuto: 1. Gumuhit ng bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.

2.Gamitin ang estruktura ng bahay at ang ilang kagamitan na naririto upang

ilarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahalagang
kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi o sa buong pamilya.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

1
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
Halimbawa:

: Ang aking AMA at INA ang haligi ng

aming tahanan
dahil_______________
______________________________.

Ang aking KUYA at ATE ay

maihahalintulad ko sa PADER ng
aming tahanan dahil _____
________________.

3. Tiyakin na mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong

sarili. Ibahagi ito sa iyong gurong tagapagdaloy.

4. Itala sa notebook ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong

pagbabahagi.

5. Sagutin ang mga Tanong :

a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag
b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang
kanilang tungkulin? Ipaliwanag.

c. Paano mo mapahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong

pamilya sa iyo?

d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang naimpluwensiya ng

iyong pamilya? Ilarawan.

Ang Pamilya bilang Likas na Institusyon

Tandaan natin na:
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (Community of persons) na kung
saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa
ugnayan.

2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng

nagpasiyang magpakasal at magsama nang habangbuhay.

3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang

pundasyon ng lipunan.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

2
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang
buhay ( the first and irreplaceable school of life).

6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay
sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.

8. May pagtutulungan ang pamilya.

PAG-ISIPAN MO

Gawain: Ako ay AKO dahil sa Aking Pamilya

Panuto:1. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na nakapulutan ng
aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili.

2. Suriin mo rin kung paano ka inihanda ng iyong pamilya sa malaking

mundo ng pakikipagkapwa, itala sa kwaderno ang mahalagang
reyalisasyon mo tungkol dito.

3. Mas magiging makabuluhan kung lilikha ka ng isang photo journal sa

computer gamit ang movie maker o powerpoint . Maari ding gumupit ng
mga larawan mula sa lumang magasin at gamit upang ipahayag ang
bunga ng gawain at pagsusuri.

Sagutin ang mga tanong:

a. Ano ang iyong naging dadamin sa pagsasagawa ng gawaing ito?
b. Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong nakuha mula sa gawain?
c. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong
ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.

d. Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang

indibdwal upang mapaunlad ang kaniyang sarili tungo sa
pakikipagkapwa?

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

3
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
SANAYIN MO

Panuto: Gabay ang larawan buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha

mula sa mga nagdaang gawain at babasahin. Isulat sa kwaderno.

….

PAMILYA ay _____________ ng ____________ at ____________.

a. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?

b. Anu-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa araling ito?

ISAPUSO MO

Gamit ang bond paper, gumawa ng mahalagang repleksyon na nakuha sa

aralin . Ilagay sa unang pahina ang mga hindi malilimutang karanasan, ang mga
tanong at pag-aalinlangan na nananatili sa iyong isipan. Ilagay ang mga mahalagang
aral na napulot mula sa gawain at babasahin. Idagdag sa ikalawang pahina ang
mga payo na maaaring ibigay sa mga kilala o kaibigan kaugnay ng pagpapaunlad ng
pagmamahal at pagtutulungan ng pamilya. Mas mainam kung maglalakip ng larawan
mula sa pagsasagawa ng mga gawain. Maaring itong gawin ng sariling sulat kamay
o kaya naman ay gamit ang computer.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

4
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
ISAGAWA MO

Panuto: Gumawa ng malikhaing paraan kung paano mapaunlad ang

pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya. Maaring sundin ang
halimbawa.

1. Gawing kabahagi ang mga kasapi ng pamilya sa pagpaplano kung paano

maisasagawa ang gawain na ito para sa buong pamilya.

2. Magkaroon ng kasunduan kung paano maisasakatuparan at

mababantayan ang pagsasakatuparan ng plano at gawain.

3. Gumawa ng pare-parehong bond bracelet (gamit ang yarn o anumang

sinulid o ribbon) para sa lahat na kasapi ng pamilya. Magplano ng
pagkakataon para magtipon ang lahat na kasapi ng pamilya.

4. Sa pagkakataon na magtitipon ang pamilya ay ibigay sa bawat kasapi nito

ang bond bracelet at ipaliwanag ang kahulugan at kahalagan nito para sa
iyo at sa iyong pamilya.

5. Gamitin ang pagkakataon na ito upang maibahagi sa pamilya ang mga

pagkatuto sa aralin. Ibahagi ang iyong nais na mas mapaunlad ang
pagmamahalan at pagtutulungan sa inyong pamilya. At hingin ang kanilang
reaksyon dito.

6. Lumikha ng isang family log upang maitala ang lahat ng mga kaganapan sa
kolektibong pagkilos para sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling tahanan.

Kung hindi maisakatuparan ang planong tipunin ang lahat ng kasapi ng

pamilya, maaring lumikha ng isang liham para sa kanilang lahat. Isulat ang lahat na
mensaheng nais at ang mga plano, kalakip dito ang bond bracelet. Maaring hindi
maging mabilis ang tugon, huwag kang malungkot, mahalagang hakbang ang iyong
naisagawa, patuloy na isagawa ang plano sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

5
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
SUBUKIN MO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng institusyon o sector. Alin sa mga

institusyon ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng
lipunan?
A. paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa

sumusunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng
pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at
pagpapahalaga sa kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay

(Law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa
nasabing batas?
A. Isang ama na naghahanapuhay upang maibigay ang pangangailangan
ng kaniyang pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kaniyang anak upang sa pagdating
ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay para sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang
mabigyan ng karagdagang baon sa eskwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanilang pagtanda kung
kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang anak.
4. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa”.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa. Kung ano ang
nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang
bumubuo sa lipunan.
D. Pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan.

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

6
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin
sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin
ang magiging pakikitungo nito sa iba.
C. Sa pamilya unang natutuhan ang kagandahang-asal at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.

6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa

paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pinagsama ng kasal ang magulang
B. pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya

7. Hindi nakakaligtaan ng pamilya Santos ang manalangin nang sama-sama

higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang
ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag.
B. May disiplina ang bawat isa.
C. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman.
D. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos.

Para sa bilang 8-10

8. Ano-ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
Patunayan.
______________________________________________________________

________________________________________________________.

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul Para sa Mag-aaral

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

7
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)
SUSI SA PAGWAWASTO
Gabay sa EsP – Q1 – Week 2

Sanayin Mo:
Ang pamilay ay ugat ng pagmamahalan at pagtutulungan

Subukin Mo:

1. B
2. C
3. A
4. C
5. D
6. A
7. A
8. – 10 Malayang Sagot

Baitang 8-Edukasyon sa Pagpapakatao

8
Kompetensi: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PBIb-1.3) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PBIb-1.4)

You might also like