ARPAN Week 3-4

You might also like

Download as ppsx, pdf, or txt
Download as ppsx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ARALING PANLIPUNAN

GRADE 7
KABIHASNANG ASYANO
3RD TO 4TH WEEK
MR.FLAVIO C.CAMPANO,JR.
Pre-test

Panuto:Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin


ang tamang sagot sa apat na pagpipilian.
Isulat sa one half crosswise ang inyong mga tamang sagot.
1.Ito ay kapirasong lupa na halos napapaligiran ng tubig.
a.Kapuluan
b.Tangway
c.Kabundukan
d.bulkan
2.Ito ay binubuo ng maraming pulo.
a.Tangway
b.Kapuluan
c.Kabundukan
d.Bulkan
3.Ito ay kapatagan sa itaas ng bundok.
a.Kapuluan
b.Talampas
c.Tangway
d.Kabundukan
4.Ito ay malawak na lupaing patag.
a.Tangway
b.Kapatagan
c.Bulkan
d.Kapuluan
5.Saan matatagpuan ang bulkang Mayon?
a.Hapon
b.Pilipinas
c.Indonesia
d.Tsina
6.Saan matatagpuan ang bulkang Fuji?
a.Pilipinas
b.Hapon
c.Tsina
d.Indonesia
7.Saan matatagpuan ang bulkang Krakatoa?
a.Tsina
b.Java,Indonesia
c.Pilipinas
d.Hapon
8.Saan matatagpuan ang disyertong Kara Kum?
a.Mongolia
b.Turkmenistan
c.Israel
d.Tsina
9.Saan matatagpuan ang disyertong Gobi?
a.Turkmenistan
b.Mongolia
c.Israel
d.Tsina
10.Saan matatagpuan ang disyertong Negeb?
a.Mongolia
b.Israel
c.Tsina
d.Turkmenistan
Mga Anyong lupa

1.Tangway=Ito ay kapirasong lupa na halos napapaligiran


ng tubig.May mahahabang tangway sa India,Indotsina,
Malaysia,Korea at Saudi Arabia.
2.Kapuluan=Ito ay binubuo ng maraming pulo.Ang mga
Kapuluan sa asya ay ang Pilipinas,Hapon,Maldives,at
Indonesia.
3.Kabundukan=Sa mga hanay ng bundok sa asya pinaka-
tanyag ang Himalayas na kinabibilangan ng pinakamataas
na bundok,ang Everest.Ang iba pang mga bundok ay ang
Hindu Kush,Kunlun,Altai,Zagros,Ural,Caucasus,at ang
Pamir
4.Bulkan=Nasa asya ang mga tanyag na bulkan ng daigdig
Tulad ng:Mayon sa Pilipinas;ang Fuji sa Hapon;ang maka-
saysayang Krakatoa sa Java,Indonesia;at ang pinakamaliit
na bulkan,ang Taal.
5.Talampas=Kapatagan sa itaas ng bundok.Tampok sa mga
Talampas sa asya ay ang Talampas Tibet na may taas na
4,545m.at kabuuang sukat na 1,040,000 km2.
6.Kapatagan=Malawak na lupang patag.May kapatagan sa
India,Tsina,Gitnang Luzon sa Pilipinas,Thailand,at Vietnam.
7.Disyerto=Ang mga tanyag na disyerto sa Asya ay ang
Kara Kum sa Turkmenistan,Gobi sa Mongolia,Negeb sa
Israel;ang Taklamakan sa Tsina at mga disyerto sa Saudi
Arabia,Kuwait,Iran,Iraq,at India.
Mga Anyong Tubig

1.Karagatan=Nasa Asya ang tatlong malalaking karagatan


Sa daigdig,ito ay ang Pasipiko(165,882,600 km2.).Ang
Indian(73,725,600 km2.).at ang Arktiko(14,144,000 km2.).
2.Dagat=Ang dagat Timog Tsina ay ang pinakamalaking
Dagat sa Asya na may sukat na 2,986,100 km2.Ang iba
pang dagat ay ang Bering,Mediterranean,Celebes,Caspian,
Itim,Pula,Sulu,Java,Banda,Timor,Moluccas,Pilipinas,Arafura
At Andaman.
3.Ilog=Ang mga dakilang ilog sa Asya ay ang Indus,Ganges,
atBrahmaputra ng India,ang Amur,Huang Ho,Yangtze,Si
Kiang ng Tsina;ang Mekong sa Vietnam;ang Tigris at
Euphrates sa Iraq,at ang mga ilog sa Siberia,gaya ng Yenisey
At lena.
4.Lawa=Nasa Asya ang pinakamalaking lawa sa daigdig,
AngCaspian Sea(143,550 mi2.)Samantalang ang lawa Baikal
naman ang pinakamalalim(1,773 m.).
5.Golpo=Malaking bahagi ng dagat na pinapaligiran ng lupa
.Ang tanyag at pinakamahalagang golpo ay ang Golpo ng
Persia.
6.Look=Bahagi ng tubig na napapalibutan ng lupa.Ang
Kilalang look sa Asya ay ang Look ng Bengal na siyang
Pinakamalaki sa daigdig na may baybaying sukat na 2,250
mi.
7.Kipot=Makitid na kanal na nag-uugnay sa dalawang
Malaking bahagi ng tubig,Ang pinakamahabang kipot sa
Daigdig ay matatagpuan sa pagitan ng Malaysia at Sumatra
,ang Kipot ng Malacca(485 mi.).

Pagsusulit
Panuto: Isulat sa One half crosswise.Pag isa-isahin ang mga
sumusunod.
1-7 Mga anyong lupa
1-7 Mga anyong tubig
Takdang Aralin

Panuto:Isulat sa one-half crosswise.Ipaliwanag (10 pts.)


Gaano kahalaga ang mga anyong lupa at anyong tubig sa
Buhay ng mga tao at hayop?

Good luck And God bless…

You might also like