Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusumnod na may 80% ng kawastuhan sa loob ng 50 minuto.

a. Natutukoy ang likas na yaman ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon, at


b. Nailalarawan ang pakinabang pang-ekonomiya ng mga likas na yaman ng lalawigan
at rehiyon.
c. Nakikilahok sa talakayan at sa pangkatang gawain.

II. Nilalaman

Paksa:Mga likas na yaman sa lalawigan at rehiyong kinabibilanagan ko


Sanggunian:Araling panglipunan Ikaapat na markahan-modyul 2
Kagamitan:Talaan ng puntos, mga larawan, tarpaper, pilot pen, sagutang papel
Pagpapahalaga: Kooperasyon

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

Paghahanda

1. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po teacher!

2. Pagdarasal
Bago tayo magsimula tumayo muna
ang lahat para sa ating panalangin.
Maari mo bang pamunuan an gating
panalangin? Shenny! Opo teacher!
Sa ngalan ng ama, ng anak, at espirito santo
Ameen!....

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsi upo ayusin muna ang
inyong upuan at pulutin ang nakakalat Inaayos ang mga upuan at pinulot ang mga
sa sahig. nakakalat sa sahig.

4. Pagtatala ng pumasok at lumiban sa klase


Mga bata may lumiban ba ngayong Teacher wala pong liban sa klase, narito po ang
araw? lahat!
mabuti naman kung ganon!

Ok! Bago tayo magsimula nais ko


munang ipaalala sa inyo ang safety
health protocols. Alam naman natin na
ang panahon ngayon ay dumaranas ng
pandemya na tinatawag na CIVID19,
kaya kinakailangan natin itong iwasan.
So sa paanong paraan ito upang
maiwasan?
Ang unang gagawin ay:
1. Magsuot ng face mask kapag
lalabas ng bahay. (Nakikinig at Sasagot)
2. Panatilihin ang social distancing. Opo teacher!
3. Umiwas sa matataong lugar.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin

Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin


atin munang balikan an gating tinalakay
nong nakaraan.

Natatandaan pa ba ito mga bata?


Ok! Magaling! (Sasagot)
Opo teacher!
Ngayong umaga mayroon akong
inihandang pagsusulit tungkol sa nakaraan
nating leksyon. Kaya sagutan ninyo ito ng
tamang sagot. Opo Teacher!

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba


at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

(Sasagot ang mga mag-aaral)


1. Kapatagan, Kabundukan, baybay
dagat/dalampasigan
2. Kapatagan: palay, mais, tubo,
Kabundukan: Tabla, pagmimina, tanso, apog,
tingga,ginto bakal at marmol
Baybaydagat/dalampasigan: Isda, hipon sugpo

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipabasa ang tula sa mga mag-aaral


ipapasagot ang mga tanong:

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang


mga sumusunod na tanong.

Yaman ng aking Rehiyon


Ni: Paul Carlos G. Roxas

Gitnang Luzon ang aking rehiyon


Mga likas na yaman akoy nagkakanlong
Baybay dagat, kapatagan at kabundukan
Mga biyayang handog n gating panginoon.

Malawak na kapatagan ating pagmasdan


Luntiang kabukiran kaysarap balik-balikan Sabay-sabay na nagbabsa ang lahat ng mag-
Lupang kayumanggi sagana sa aaral.
kayamanan
Pagsasaka’t paghahayupan pangunahing
kabuhayan.

Tarat na’t akyatin ating mga kabundukan


Matatayog na mga puno’t ating
masisilayan
Ating tuklasin natatgo nitong kayamanan
Pagmimina’t pagtotroso kanilang
kabuhayan.

Magagandang dalampasigan hindi dapat


lampasan
Maraming turistang pilit binabalik balikan
Mga surfing at diving kanilang
kinagigiliwan
Tunay ngang kamangha –mangha ating
kayamanan.

Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang mga biyayang handog ng Ako po teacher!
panginoon? Mga sagot:
3. Ano ang kabuhayan sa kapatagan? Sa 1. tungkol sa yaman ng rehiyon
kabundukan? At sa baybay dagat? 2. kapatagan, kabundukan,baybay dagat
3. kapatagan: pagsasaka at paghahayupan
Kabundukan: pagmimina at pagtotroso
Baybay dagat: surfing at diving

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa

Ngayong umaga ating tatalakayin ang mga


likas na yaman n gating rehiyon.
Halimbawa na dito ang tula na ating
binasa na ang pamagat ay ang yaman n Makikinig ang mga mag-aaral.
gating rehiyon.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

(Magtatalakay ang guro)

Mga likas na yaman sa lalawigan at rehiyong


kinabibilangan ko ang rehiyon III na tinatawag
ding gitnang Luzon ay sagana sa mga likas na
yaman na kaloob n gating panginoon. Ito ay may
malawak na kapatagan mayamang kabundukan
at magagandang baybay dagat o dalampasigan.
Malaki ang ginagampanan ng mga likas na
yaman sa ating rehiyon dahil ito ang
pangunahing pinagkukunan at pagkakakitaan ng
mga mamamayan sa rehiyon. Ang mga likas na (Sabay-sabay na nagbabasa ang lahat ng mag-
yamang ito ay nakakatulong sa pag-unlad ng aaral)
ating ekonomiya dahil sagana sa ulan, mayaman
at mataba ang lupa sa kapatagan ng gitnang
Luzon kung kaya mainam at angkop ito sa
pagsasaka. Mayroon ding maayos na inigasyon
ang rehiyon kaya’t kahit tag-init ay may sapat na
tubig para sa pananim. Ang gitnang Luzon ay
tinatawag na kamalig ng bigas ng pilipinas dahil
sa malaking produksyon ng bigas na galing sa
malawak na kapatagan. Ang lalawigan ng nueva
ecija ang nangunguna sa produksyon ng palay sa
rehiyon at sa buong pilipinas. Mayroon ding ibang
pananim sa rehiyon tulad ng mais, melon, tubo
pakwan at matatamis na manga sa zambales at
iba pang uri ng gulay na pinagkakitaan ng mga
mamamayan. Ang paggawa ng asukal ang
pangunahing industriya sa Pampanga at tarlac.
Mayroon din naghahayupan. Sa bulacan,
Pampanga at bataan ay matatagpuan ang
malaking manukan, babuyan at palaisdaan ng
bangus, tilapia, hito sugpo at iba pa. Isa pa sa
kayamang taglay ng rehiyon ay ang malalawak
na kabundukan ng zambales at aurora na kung
saan mayroong magaganda at matitibay na mga
punong kahoy. Ito’y pinagkukunan ng table at
poste ng ginagamit sa paggawa ng bahay, mesa,
upuan, aparador, mwebles, at iba pang gamit na
yari sa kahoy. Sa kabundukan ng zambales ay
may minahan ng bakal apog at marmol. Mayroon
ding minahan ng manganese sa tarlac luwad at

buhangin naman Pampanga. Ang gitnang luszon


ay sagana rin sa yamang dagat tulad ng hipon
posit at iba pa. ito ang pinagkakakitaan ng mga
tao lalo na sa lalawigan ng bulacan, bataan at
zambales. Ang zambales, aurora at bulacan
mayroong magagandang dalampasigan o
baybaying dagat namadalas gawin pasyalan ng
mga turista ang industriya ng turismo ay malaking
tulong sa pag-unlad at pagsulong ng ekonomiya
ng rehiyon. Hindi lamang pagsasaka, pagmimina
at pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan
sa rehiyon mayroon ding hanapbuhay na
pantahanan tulad ng paggawa basket at upuan
na yari sa yantok sa tarlac ay may pagawaan ng
kutsilyo, itak, bakya, at paso. Ang Pampanga
naman ay bantog sa paggawa ng makukulay at
higanteng parol at mwebles.

E. Pagtatalakay ng bagong konspeto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

1. Ano ang tinaguriang kamalig ng bigas


ng pilipinas dahil sa malaking produksyon
ng bigas na inaani rito?
2. Ang lalawigang ito sa rehiyon III ang
nangunguna sa produksyon ng palay sa
buong pilipinas?
3. Saan makikita ang magagandang (Mga sagot ng mga mag-aaral)
dalampasigan o baybaying dagat na 1. Gitnang Luzon
madalas gawing pasyalan ng mga turista? 2. Nueva Ecija
3. Zambales, Aurora at Bataan

F. Paglinang sa Kabihasan

Magbibigay ng pasulit tugkol sa binasang


teksto.
Panuto: lagyan ng tsek ()ang patlang bago
kung ang isinasaadng pangungusap ay
tama at ekis (×) naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1) Sagana’t sa ibat ibang likas na


yaman ang gitnang Luzon.
2) Pagsasaka lamang ang
ikinabubuhay ng mga
mamamayan sa ating rehiyon.
3) Ang karaniwang ikinabubuhay (mga sagot ng mag-aaral)
sa mga kabundukan ng gitnang 1. 
Luzon ay ang pagmimina. 2.×
4) Ang magagandang 3.
dalampasigan na makikita sa 4. 
rehiyon ay malaking tulong sa 5. ×
industriya ng turismo.
5) Walang mga yamang dagat na
makukuha sa gitnang Luzon.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw


na buhay

Papangkatin ang mga bata sa dalawang


pangkat at bibigyan ng pagsusulit ang
bawat pangkat. Kanya-kanya na itong pumunta sa kani kanilang
mga pangkat.

Pangkat 1
Panuto; Isulat sa wastong hanay ang mga
produktong makukuha sa mga sumusunod
na likas na yaman.

Palay chromite hipon


Tanso marmol isda
Mais pusit tubo

Likas na yaman produkto

Kapatagan Posibleng sagot:


Kapatagan: palay,mais,tubo
Kabundukan: tanso, marmol, chromite
Kabundukan Baybay dagat/dalampasigan: isda, hipon, pusit

Baybay
dagat/dalampasigan

Pangkat 2
Panuto:Punan ng wastong salita ang
patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon sa ibaba.

1) Tinaguriang ng pilipinas
ang gitnang Luzon dahil sa making
produksyon ng bigas na
nanggagaling sa malawak na
kapatagan.

Kamalig ng bigas kamalig ng ginto


Kamalig ng lupa

2) Ang paggawa ng ang


pangunahing industriya sa tarlac at
Pampanga. Tahimik din nagsasagot ang ikalawang pangkat.

Paputok asukal chicharon


Pagkatapos sagutin ay ibinigay sa guro ang chant
3) Ang matitibay na mga sa na kanilang sinagutan.
kabundukan ng zambales at aurora
ay ginagamit sa paggawa ng bahay,
aparador at mwebles.

Punung kahoy tubo gulay

4) Ang ang nangunguna sa


produksyon ng palay sa rehiyon III
at sa buong pilipinas.

Zambales nueva ecija bataan


5) Mayroon minahan ng bakal apog at
marmol sa bataan at

Bulacan aurora nueva ecija

H. Paglalahat ng Aralin

Magbibigay ng paalala ukol sa tinalakay

Tandaan:
Ang sector ng agrikultura ang may
pinakamalaking ambag sa ekonomiya ng
rehiyon. Ito’y makikita sa mataas na (Nakikinig ang mga mag-aaral)
produksyon ng palay, mais at iba pang
pananim at panghahayupan. Sumusunod
dito ay ang mga ikinabuhay sa mga
industriya.

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang ating tinalakay?
2. Saang lugar maaring magmina at (Sumagot ang mga mag-aaral sa tanong ng guro)
magtroso?
3. Saang kapaligiran maaring magsaka at Mga posibleng sagot:
mag-alaga ng mga hayop? 1. tungkol sa mga likas na yaman ngating
lalawigan at rehiyon.
2. Sa kabundukan
3. Sa kapatagan
Naiintindihan ba mga bata?
Opo teacher!

I. Pagtataya ng Aralin

(Magbibigay ng pasulit)

Panuto: Basahin ang mga pahayag at


sagutin ang mga tanong. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang lalawigan ng aurora ay may


magandang dalampasigan. Anong
pakinabang ang makukuha ng lalawigan
sa dalampasigang ito?
a. Paghahayupan
b. Pagmimina
c. Pagsasaka
d. Turismo
2. Ang lalawigan ng zambales ay
pinagpala sa malawak na kagubatan kung Mga sagot:
saanmaraming matitibay na mga punong 1. d
kahoy. Anong pakinabang ang makukuha 2. a
ng lalawigan sa kagubatang ito? 3. b
a. Pagkukunan ng tabla 4. a
b. Pagsasaka 5. b
c. Pagsusurfing
d. Pangingisda
3. Ang pamilyang guterrez ay naninirahan
sa lalawigan ng nueva ecija na may
malawak na kapatagan na angkop na sa
pagtatanim ng palay. Ano ang pakinabang
na maidudulot nito sa lalawigan?
a. Pagmimina
b. Pagsasaka
c. Pagsusurfing
d. Pangingisda
4. Si juan ay nakatira sa lalawigan ng
bulacan kung saan may malawak na
kapatagang napaligiran ng maraming
damo. Anong pakinabang ang makukuha
niya sa lalawigan ito?
a. Paghahayupan
b. Pagsusurfing

c. Pagmimina
d. Pangingisda
5. Ang mga lalawigan ng bataan ay
mayaman sa yamang mineral tulad ng
bakal, apog at marmol. Anong
pakinabang ang makukuha ng mga tao
sa mga lalawigang ito?
a. Paghahayupan
b. Pagmimina
c. Pagsusurfing
d. Turismo

J. Karagdagang gawain para sa


takdang-aralin at remediation

Ipakuha ang kanilang kwaderno para sa


takdang aralin at ipasulat ang kanilang
takdang aralin.

Panuto: Itala sa loob ng tsar tang mga


hanapbuhay at mga produktong makukuha
sa kapaligiran ng bawat lalawigan sa
gitnang Luzon.

Lalawigan Hanapbuhay Mga


produkto
1. Aurora Itatala sa kwaderno ang kanilang pagsusulit sa
2. Bataan takdang aralin.
3. Bulacan
4. Nueva
Ecija
5.Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales

Magsusulat ng tahimik at magpapaalam na sa


guro para umuwi.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Instructor

You might also like