1st Long Test in Filipino 7 - 2nd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Achievers’ Review and Tutorial Center

“We Nurture the Future Today”


0921-898-6227

NAME: _____________________________________________________________DATE:___/____/____
SCORE:____
2nd Term
Long Test in Filipino 7

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.

_______ 1. Ang tugma ay isa sa mahalagang elemento ng tula. tama


_______ 2. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng talata sa tula. mali-bilang ng pantig
_______ 3. Mayroong apat na elemento lamang ang tula. mali-dalawa
_______ 4. Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya. tama
_______ 5. Ang blangkong berso ay walang tugma at sukat. mali-malayang taludturan

Panuto: Tukuyin ang uri ng tula at isulat sa patlang ang wastong kasagutan.

_______________________ 1. Ito ay tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. tulang dula
_______________________ 2. Ito ang uri ng tula na itinatampok ng makata ang kanyang damdamin at maging ang
kanyang pagbubulay-bulay. liriko o pandamdamin
_______________________ 3. Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. pasalaysay
_______________________ 4. Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata. pantigan

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Ito ay kalipunan ng mga taludtod.


a. Tula c. Saknong
b. Drama d. Tugma

_____ 2. Binubuo ang tula ng ____________ at ____________.


a. saknong at taludtod. c. Tugma at taludtod
b. Saknong at tugma d. Liriko at awit

_____ 3. Ito ay liriko tungkol sa pag-ibig.


a. Tula c. Soneta
b. Tugma d. Kanta/awit

_____ 4. Ito ay liriko tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.


a. Kanta c. Dalit/Hymno
b. Soneto d. Tula

_____ 5. Lirikong mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan.


a. Elihiya c. Dalit/hymno
b. Soneto d. Tula

_____ 6. Ito ay liriko may matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
a. Oda c. Dalit/hymno
b. Soneto d. Drama

_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang hindi epiko?


a. Hinilawod c. Biag ni Lam-ang
b. Florante at Laura d. Florante at Laura

_____ 8. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang naglalarawan ng isang tula?


a. Isang akdang pampanitikan na naglalayong ibahagi ang mga karanasan ng mga tao noong panahong hindi pa
ganap na malaya ang ating bansa sa pang-aalipin ng mga dayuhan.
b. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng saloobin at damdaming hango sa guniguni sa pataludtod
at pasaknong na pamamaraan.
c. Isang akdang pampanitikan na nagsusuri ng mga elementong sumisira sa moralidad ng sangkatauhan.
d. Isang akdang pampanitikan na tumatalakay sa kaisipan ng isang manunulat hango sa tunay na karanasan ng
buhay ng isang tao na piniling maging paksa.

_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa korido?


a. Ang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon.
b. Ito ay hango sa buhay ng dugong mahal at tungkol sa pag-ibig, pagtatagisan ng talino at tapang at
pananampalataya.
c. Binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod at kung awitin ay mabilis.
d. Nagtataglay ng kababalaghan at hindi kapani-paniwalang pangyayari.

_____ 10. Alin sa sumusunod na taludtod ang may tamang hati upang ito ay mabigkas ng wasto?
a. In/yong/ ma/ki/ki/ta/ ang/ mga/ ha/la/man
b. A/ko/’y/ gu/ma/wa/ sa/ ba/wat/ pa/na/hon
c. Sa/ am/ing/ pa/li/gid/ ma/ma/las/ pa/ din/
d. Hin/di/ na/ta/ta/kot/ ka/hit/ na /sa/ lam/ig

_____ 11. Alin ang HINDI nagpapahayag ng awiting-bayan?


a. Ito ay inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
b. Ito ay repleksyon ng pamumuhay ng sinaunang Pilipino.
c. Ito ay nasa anyong patula.
d. Ito ay karaniwang tinatanghal sa teatro.

_____ 12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


a. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na tumatalakay sa pag-ibig na nadarama ng isang tao na siyang
isinusulat sa patulang pamamaraan.
b. Ang talinhaga ay tumutukoy sa paggamit ng masining na salita na siyang nagbibigay ng karagdagang
kariktan sa tula.
c. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng taludtod sa bawat saknong ng isang tula.
d. Ang tugma ay tumutukoy sa paraan ng paglikha ng tunog upang makalikha ng kaakit-akit na tunog sa
dulumpantig ng bawat taludtod.

_____ 13. Ito ay isang dulang musikal na may tatlong yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag-ibig, paghihiganti at
iba’t-ibang masisidhing damdamin.
a. Komedya c. Moro-moro
b. Tibag d. Sarsuwela

_____ 14. Ito ay pagsasadula ng paghahanap nina Maria at Jose ng bahay na matutuluyan sa nalalapit na pagsilang kay
Hesus.
a. Panunuluyan c. Komedya
b. Tibag d. Moro-moro

_____ 15. Ito ay dulang na pumapaksa ng mga Muslim at Kristiyano na laging nagwawakas sa tagumpay ng mga
Kristiyano.
a. Sarsuwela c. Tibag
b. Moro-moro d. Komedya

_____ 16. Ito ay gumagamit ng nakaugaliang martsa para sa pagpasok at pag-alis ng entablado.
a. Komedya c. Moro-moro
b. Tibag d. Sarsuwela

_____ 17. Ito ay pagsasadula ng krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.
a. Panunuluyan c. Moro-moro
b. Komedya d. Tibag

_____ 18. Ano ang anyo ng tulang nasa ibaba?


O, Birheng Kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit,
liwanagan yaring isip,
nang sa layo’y di malihis.
-Unang Saknong ng Bernardo Carpio
a. Tradisyunal c. Malayang Taludturan
b. Blangkong Berso d. Tugmaan

_____ 19. Ito ay karaniwang sinasambit sa pagpapasinatabi kapag naparaan sa tapat ng isang nuno sa punso at ginagamit
din ng mga albularyo sa kanilang panggagamot.
a. bulong c. kundiman
b. balitaw d. kumintang
_____ 20. Nais magpahayag ng pag-ibig ni James sa kanyang sinisita sa pakantang pamamaraan gamit ang mga sinaunang
panitikang Pilipino. Alin sa mga sumusunod na awiting-bayan ang dapat niyang awitin?
a. Maluway c. Kundiman
b. Talindaw d. Kumintang

_____ 21. Napagdesisyunan ni Lyka na gumawa ng isang pagsasaliksik tungkol sa mga karaniwang nagiging paksa ng
mga awiting-bayan sa kanilang lalawigan. Alin sa mga sumusunod na paksa ang HINDI kabilang?
a. Pag-aaral c. Paggawa
b. Pag-ibig d. Pagpapahinga

_____ 22. Si Mang Pedro ay isang mangingisda sa baybayin ng Tingloy. Libangan na niya ang kumanta sa tuwing siya ay
papalaot upang maghanapbuhay. Alin sa mga sumusunod na uri ng awiting bayan ang kanyang kinakanta?
a. Balitaw c. Sambotani
b. Kutang-kutang d. Soliranin

_____ 23. Dumating na nga ang panahon kung saan napagdesisyunan ni Mark na pakasalan ang kanyang sinisintang si
Bea. Bilang bahagi ng tradisyunal na pamamanhikan ay napagplanuhan ni Mark na umawit para sa kanyang
minamahal sa araw na ganap na ngang hingin niya ang kamay ng dalaga. Alin sa mga sumusunod na awiting bayan
ang dapat niyang kantahin?
a. Kumintang c. Diyona
b. Dung-aw d. Talindaw

*Para sa bilang 24-27, gawing batayan ang tula sa ibaba.

Ang Guryon

Saka ‘pag sumimoy ang hanging itaas


At sa papawiri’y bayaang lumipad
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Source: www.slideshare.net

_____ 24. Batay sa tula, saan inihambing ang guryon?


a. Pag-ibig c. Kabataan
b. Pagsubok d. Buhay

_____ 25. Ano ang kahulugan ng salitang pisi batay sa gamit nito sa akda?
a. Kalooban c. Katatagan
b. Desisyon d. Pasensya

_____ 26. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang nangangahulugan ng pagsubok batay sa tula?
a. Hangin c. Papawirin
b. Pisi d. Wala sa nabanggit

_____ 27. Ang saknong ba ay may tradisyunal na anyo?


a. Oo, dahil ang mga dulumpantig ng bawat taludtod ay magkakatulad ang huling titik.
b. Oo, dahil ang huling pantig ay iisa ang bigkas.
c. Hindi, dahil ang dulumpantig ay iisa ang salita at huling titik.
d. Hindi, dahil ang dulumpantig ay hindi magkatunog.

*Para sa bilang 28-30, gawing batayan ang tula sa ibaba.

Kailan Nagiging Dakila


ni: Avon Adarna

"Kailan nagiging dakila


Ang isang pag-ibig?"

Kung mahigpit ba ang kapit


Sa sinisinta’y mahigpit, Kung nagseselos kahit sa kaibigan
At bawat galaw ng liyag Na wala namang kasalanan,
Ay may bantay na katapat? Ang nais ay lakwatsa lamang
At sinehang may halakhakan?
Ganyan ba ang dakilang pag-ibig,
Kung pati ang suot na palda, Malakas ang kunyapit,
Ay pinapansin sa tuwina, Walang pagsalang mahigpit
Ang nais ay mahabang-mahaba, Sa kilos at pananamit?
Na tulad ni Maria Clara?
Kailan nagiging dakila ang pag-ibig?
Kung pati haba ng buhok Kung hindi makahulagpos sa sakit?
Ay idinidikta’t iniuutos Kung hindi makagalaw kahit ang dibdib?
Na sa wari’y may gapos Kung hindi makakilos pati na ang isip?
Na hindi matapos-tapos?

_____ 28. Ano ang damdaming umiiral sa tula?


a. Kaligayahan c. Pagtatagumpay
b. Kalungkutan d. Pighati

_____ 29. Alin sa mga sumusunod na saknong ang may tugmaang patinig?
a. Unang Saknong
b. Ikalawang Saknong
c. Ikatlong Saknong
d. Ikaapat na Saknong

_____ 30. Para kanino isinulat ang tula?


a. Para sa magulang ng mga umiibig
b. Para sa mga tanong umiibig
c. Para sa mga taong nasaktan
d. Para sa mga taong malupit kung magmahal

_____ 31. San ginaganap ang duplo?


a. sa entablado sa harap ng mga tao c. sa harap ng mga hurado
b. sa bakuran ng namatayan d. wala sa nabanggit

_____ 32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tulang Batutian?


a. nanggaling sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat
b. pagtatalo sa nawawalang loro ng lahi
c. tulang pangangatwiran
d. sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa

_____ 33. Ito ay tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula bilang pangangatwiran sa isang paksa ng pagtatalunan.
a. Balagtasan c. Karagatan
b. Duplo d. Batutian

_____ 34. “Sipilya ang kalsada sa Barangay Mahakot dahil sa kanilang kapitan na masigasig na nagpagawa nito.”
Ang salitang sipilya ay...
a. patag c. malayo
b. madulas d. malalim

_____ 35. Batay sa pangungusap na “Nabali ang kanyang kamot dahil sa isang aksidente kaya’t hindi na siya
makapagpinta tulad ng dati.”, ano ang kamot sa Filipino?
a. noo c. kamay
b. palad d. hita

_____ 36. “Gumawa si Donna ng kanyang talamdaman upang maayos niya ang kanyang oras para sa darating nilang
pagsusulit.”
Ang salitang talamdan ay .....
a. libro c. lalagyan
b. iskedyul d. diksyonaryo

_____ 37. “Nagluto siya ng tinola. Gustung-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom.”
Ang aslom ay ....
a. pait c. asim
b. tamis d. init

_____ 38. Anong tuntunin ang angkop para sa salita sa ibaba?


gutom --– tom-guts
a. pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita
b. pagbaliktad sa mga titik ng isang salita
c. paggamit ng salitang Ingles
d. pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan

_____ 39. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng salitang lalawiganin?
a. Yumano na sila papuntang palengke.
b. Asan na ang ipinabili ko sa iyo?
c. Naghihintay na aking ina sa aking pagdating.
d. Maganda ang bago niyang tsikot.

_____ 40. Nasa anong antas ng wika ang salitang "nasan"?


a. kolokyal
b. balbal
c. lalawiganin
d. pormal

_____ 41. Alin sa mga sumusunod ang salitang kolokyal?


a. nasnip c. pista
b. kilig to the bones d. linggo

_____ 42. Ang salitang yosi, werpa, petmalu ay halimbawa nito


a. balbal
b. pampanitikan
c. pambansa
d. kolokyal

_____ 43. Nasa anong antas ng wika ang salitang "kahati sa buhay"?
a. balbal
b. kolokyal
c. lalawiganin
d. pormal

_____ 44. Nasa anong antas ng wika ang pahayag na "Meron ka bang dala?"
a. kolokyal
b. lalawiganin
c. pormal
d. balbal
_____ 45. Nasa anong antas ng wika ang salitang "buang"?
a. lalawiganin
b. balbal
c. pormal
d. kolokyal

_____ 46. Nasa anong antas ng wika ang salitang "chicks"?


a. kolokyal
b. balbal
c. lalawiganin
d. pormal

_____ 47. Ito ay lirikong binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro.
a. Oda c. Dalit/hymno
b. Soneto d. Drama

Panuto: Tukuyin ang uri ng awiting-bayan.

______________________ 1. Ito ay awit na panrelihiyon o himno ng pagkadakila sa Maykapal. Dalit


______________________ 2. Ito ay awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya. Balitaw
______________________ 3. Awit sa patay ng mga Ilokano. Dung-aw
______________________ 4. Mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan. Kutang-kutang
______________________ 5. Ito naman ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog. Kundiman
______________________ 6. Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog. Pangangaluluwa
______________________ 7. Awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal. Diyona
______________________ 8. Awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag na lullaby sa Ingles. Oyayi o Hele
______________________ 9. Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban. Kumintang
______________________ 10. Awit ng pagtatagumpay. Sambotani
______________________ 11. Awit sa sama-samang paggawa. Maluway
______________________ 12. Awit sa paggagaod o pamamangka. Soliranin
______________________ 13. Isa pang uri ng awit sa pamamangka. Talindaw

Panuto: Isulat ang kaisipan na nais iparating ng mga sumusunod na awiting-bayan.

Kumbento, sa diin ang cura? (Kumbento, nasaan ang pari?


Munisipyo, sa diin ang hustisya? Munisipyo, nasaan ang hustisya?
Yari si Danso’y makiha, Heto si Dansoy, may kaso
Makiha sa paghigugma. Kinasuhan dahil umibig. )

Kaisipan:
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Ay! Ay! Kalisud, kalisud sang binayaan (O, aking mahal, nahan ngayon ang iyong habag?
Adlaw gab-i firme kita guina tangisan Bakit di mo lingapin ang pusong nagdurusa?
Ay! Ay! Inday nga walay sing kapalaran, Aanhin ang buhay kung di ka matanaw?
Walay guid, walay guid sarang ko kalipayan. Nanaisin pang pumanaw yaring sawi kong buhay.)

Kaisipan:
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Ako kini si Angi, Ang pangalan ko ay Angi


An opisyo ko’y pananahi; Ako ay isang mananahi,
Adlaw ug gabii Araw-gabi ako ay nananahi,
Kanunay ako nagtahi. Nagtatahi ng walang pahinga.

Kaisipan:
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod.

1. Mga elemento ng tula (tugma, sukat)


_____________________________
_____________________________

2. Mga anyo ng tula.


_____________________________
_____________________________
_____________________________
3. Ano ang tula?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4. Bakit masasabing walang kamatayan ang awiting-bayan?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

5. Ibigay ang halimbawa ng:


Tulang Pandamdamin oda, elehiya, soneto
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Tulang Pasalaysay epiko, awit, korido


_____________________________
_____________________________
_____________________________

Tulang Dula moro-moro, komedya, tibag, panunuluyan, sarsuwela


_____________________________
_____________________________
_____________________________

Tulang Patnigan karagatan, duplo, balagtasan, batutian


_____________________________
_____________________________
_____________________________

Panuto: Ibigay ang detalyeng hinihingi batay sa mga tulang makikita sa ibaba.

WALANG MALAY
Elemento: Ang ulan ay pag-asa,
Tugma: ____________________ Sa mga magsasaka,
Sukat: ____________________ At sikmura ng bansa,
Anyo: ____________________ Bakit tingi’y pinsala?
Kahulugan:________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

INOSENTE
Elemento: Nagtampong kalikasan
Tugma: ____________________ Sa kurakot ng bayan
Sukat: ____________________ Ang walang kasalanan
Anyo: ____________________ Ang pinaghigantihan.
Kahulugan:________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

You might also like