Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tularan ang Kapakumbabaan ni Eliseo sa Paglilingkod kay Jehova

Kung kayo ang tatanungin: Paano nyo ilalarawan ang isang taong mapagpakumbaba?
Malamang na maiisip nyo ang isang tao na hindi mayabang at hindi mapaggiit ng sarili nyang
opinyon.

Tama kayo diyan, ganyan mismo ang pakahulugan ng ating aklat na Kaunawaan: Ang
Kapakumbabaan ang "Kabaligtaran ng pagmamapuri at kapalaluan; at sya ay may kababaan ng pag-
iisip."

Bueno, paano ba naipakita ni Eliseo ang katangiang ito? At paano natin sya matutularan?

Balikan natin sandali ang isang pangyayari sa buhay nya, minsan, habang nag-aararo si Eliseo,
dumating si propeta Elias. Inihagis ng propeta ang kaniyang opisyal na kasuutan kay Eliseo. Nakuha
ni Eliseo ang ibig sabihin nito, inaanyayahan sya ni Elias na sumama sa kanya bilang kaniyang
tagapaglingkod at sanayin.

Paano tumugon si Eliseo sa imbitasyon? Basahin natin ang 1Hari 19:20 at 21... kung nariyan na kayo
(BASA)

Napansin niyo ba kung paano tumugon si Eliseo?


Alam nyang si Elias ay Propeta ng Diyos, kaya tiyak na naisip nyang ang imbitasyon ay talagang
galing kay Jehova. Kaya agad-agad siyang kumilos, kahit na busy sya sa gawaing bukid noong
panahong iyon, hindi siya nagdalawang-isip, pagkatapos ng inihanda nyang farewell party, sumunod
o sumama siya agad kay Elias, para paglingkuran ito.

Dahil handa si Eliseo na maglingkod nang lubusan sa Diyos, ginamit siya ni Jehova at nang maglaon
ay naging propeta na kapalit ni Elias.

Marahil ay mga anim na taóng naglingkod si Eliseo kay Elias.


Ayon sa ulat ng 2 Hari 3:11 noong panahong iyon, si Eliseo ang ‘nagbubuhos ng tubig sa mga kamay
ni Elias.’
Kaugalian kasi noon ang pagkain nang nakakamay.
Pagkatapos kumain, binubuhusan ng tubig ng isang lingkod ang kamay ng kaniyang panginoon para
makapaghugas ito. Kaya ang ilan sa mga atas ni Eliseo ay maituturing na mababa.
Pero para sa kaniya, isang pribilehiyo ang maging tagapaglingkod ni Elias.

Ano ang aral na matututuhan natin dito mga kapatid?


Tiyak na gusto rin nating maglingkod ng "higit" kay Jehova taglay ang kapakumbabaan gaya ni
Eliseo.

Nakakatuwa, maraming mga Kristiyanong pumapasok sa ibat-ibang uri ng buong panahong


paglilingkuran.

Tinutularan ng maraming mapagpakumbabang kabataan si Eliseo anupat boluntaryong naglilingkod


sa tahanang Bethel.
Ang iba naman ay mapagpakumbabang naglilingkod bilang construction worker sa LDC.
Tulad ni Eliseo para magampanan ang kanilang atas, kinailangan nilang iwan ang kanilang tahanan,
pamilya at mga kaibigan para magtrabaho sa Bethel, sa mga konstruksiyon, at iba pa, na baka sa
paningin ng marami ay mababang gawain.

Paano naman kung wala pa tayo sa kalagayan ngayon para maglingkod ng buong-panahon?
Paano kaya natin pwedeng matularan si Eliseo?
Hindi lingid sa inyong kaalaman, sa kasalukuyan ay may panawagan para sa boluntaryong
paglilingkod dito mismo sa ating kongregasyon, marahil ay napapansin nyo ang kasalukuyang
renovation project ng ating Kingdom Hall, puwede din tayong sumuporta sa pamamagitan ng ating
lakas kung nasa kalagayan tayo o di naman ay sa materyal na paraan.

Kung gagawin natin ito, ano sa palagay ninyo ang pananaw dito ni Jehova?

Napakaganda ng katiyakang binanggit sa Hebreo 6:10. (BASA)


Dito ay tinitiyak sa atin na "hindi lilimutin ni Jehova ang lahat ng ating ginagawa para sa kaniya"
Sulit ang lahat ng ating sakripisyo dahil gagantihan ito ni Jehova ng higit pa sa kaya nating isipin.

Kaya maging determinasyon nawa nating lahat na


"Tularan ang Kapakumbabaan ni Eliseo sa Paglilingkod kay Jehova."

You might also like