Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAILY LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN

FEBRUARY 10, 2020


4th Quarter
GRADE II
I. Layunin
Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang
Pangnilalaman pansibiko bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad
Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng
Pagganap komunidad sa sariling pagunlad at nakakagawa ng makakayanang hakbangin
bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad
Mga Kasanayan sa Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa
Pagkatuto komunidad (e.g. guro, pulis, brgy. tanod, bumbero, nars, duktor, tagakolekta ng
basura, kartero, karpintero, tubero, atbp.)

Natatalakay ang mga paglilingkod/ serbisyo ng mga kasapi ng komunidad


AP2PKKIVa-2
Contextualized Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa
lesson komunidad (e.g. guro, pulis, brgy. tanod, bumbero, nars, duktor, tagakolekta ng
basura, kartero, karpintero, tubero, atbp.)

KBI Pagpapahalaga sa Komunidad


II. Nilalaman “Kabahagi Ako ng Aking Komunidad”
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian -Curriculum Guide p.32
-Teacher’s Guide
B. Karagdagang Manila paper, pentelpen, mga larawan
Kagamitan

IV. Pamamaraan
A. Paghahabi sa
Layunin ng Aralin
1. Pagbabalik-aral Pagtatanong sa nakaraang leksiyon.
1. Ano ang mga uri ng likas na yaman?
2. Magbigay ng ilang halimbawa.
3. Paano natin mapapangalagaan ang ating mga likas na yaman?

2. Pagganyak Magpakita ng isang larawan.


Ipatukoy ito sa mga bata.

Itanong:
Ano-ano ang makikita sa isang komunidad?
Paano mapapanatiling malinis ang ating kapaligiran?
Bakit dapat panatilihing malinis ang paligid?

3. Pagtalakay Basahin ang isang maikling kwento.


Pagtatanong tungkol sa maikling kwento

1.Anu-ano ang mga hanapbuhay ng mga anak ni Lolo Pedro?


2.Isa sa mga anak ni lolo Pedro ay isang street sweeper at magsasaka, dapat
ba nating ikahiya ang ganitong uri ng trabaho?
3.Ilan ang anak ni Lolo Pedro?
4.Dapat ba nating ipagmamalaki ang mga hanapbuhay ng mga anak ni Lolo
Pedro? Bakit?
5.Dapat ba nating tularan si Lolo Pedro sa pagpapalaki sa kanyang mga
anak? Bakit?

Pagpapakita ng mga larawan ng mga hanapbuhay o trabaho sa komunidad


gamit ang PowerPoint sa pagtuturo.

Pagbabasa sa mga hanapbuhay sa komunidad.

Pagpapakita ng mga larawan sa uri ng hanapbuhay dito sa ating pamayanan o


sa Barangay Canbañez at hayaan ang mga bata na ilarawan ang bawat
hanapbuhay ng mga nakatira dito.
- Paano namumuhay ang mga tao dito sa ating barangay?

Talakayin:
- Anong uri ng trabaho kung ito’y tumutulong sa doktor sa pag-aalaga ng
maysakit?
- Ano naman ang tawag sa mga taong nag-aayos at nagkintab ng mga
sapatos?
- Sino naman ang nagtatanim at nag-aalaga mga pananim?
- Sino ang tagahatid ng mga pasahero?
- Sa ating barangay, anu- ano ang mga pangunahing uri ng
hanapbuhay?
- Sa palagay ninyo , magkapareho ba ang lahat na uri ng hanapbuhay ng
mga tao sa ating lalalawigan o sa pamayanan?
- Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng hanapbuhay?

Bilang isang modelong mamamayan, paano mo maipapakita ang


pagpapahalaga sa mga taong naglilingkod sa ating mamamayan?

Anu-ano ang mga uri ng hanapbuhay ng mga tao sa ating lalalawigan?


4. Paglalahat

A. Sabihin at tukuyin kung anu-ano ang mga uri ng hanapbuhay dito sa


5. Paglalapat ating barangay.
B. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat:
Idikit ang tamang larawan sa patlang kung ito’y nagsasabi ng tamang uri ng
hanapbuhay.
Ikalawang Pangkat:
Tukuyin ang tamang uri ng hanapbuhay na makikita sa loob ng kahon.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Ikatlong Pangkat:
Basahin ang bawat pangungusap .Sabihin ang tamang uri ng kanilang
hanapbuhay.
C. Magkaroon ng isang laro. “Guess Who”
Ibigay ang alituntunin sa paglalaro.
Bigyan ng premyo ang mga mananalo.

IV. Pagtataya Pagdugtungin ng guhit ang larawan sa mga hanapbuhay sa komunidad.

A B
1. A. Magsasaka

2. B. Pulis

3. C. Bumbero

4. D. Drayber

5. E. Guro

V. Takdang Aralin Gumuhit ng tatlong (3) hanapbuhay sa inyong barangay.


VI. Remarks
VII. Reflection

Prepared by:
ODEZA L. ALMENARIO
T-I

Observed by:
CELINA C. PARADO
P-I

EDITA G. MARCOS
MT-I

You might also like