Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa pagsisimula ng pang-akademikong taon 2022-2023 noong ika-21 ng Agosto binuksan ng Binday

National High School (BNHS) ang bagong track na TVL o Technical, Vocational, and Livelihood sa senior
highschool. Layon ng TVL track na hasain ang mga kakayanan ng mga estudyante na konektado sa
livelihood at mga teknical na larangan.

Ayon kay Ginang Christine L. Bacalzo, Head Teacher 3 ng BNHS, binuksan ang TVL track para sa mga
estudyante na nagnanais kumuha ng track na ito upang hindi na nila kaylanganin pang bumiyahe ng
malayo makapasok lang sa isang eskwelahan na mayroon ang track na gusto nila.Isa pa sa mga nag-
udyok sa pamunuan ng paaralan na simulant ito ay ang resulta ng survey na malaking porsyento ng mga
estudyante sa ikasampung baitang noong nakaraang taon na 2021-2022 ang nagpahayag na nais nilang
pasuking ang naturang ng track.

Upang tuluyang mabuksan ang TVL track, naghanda ng ICT room at Cookery room ang BNHS sa
pangunguna ng mga guro na ginagamit ng mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 26 na istudyanteng kumuha ng track na ito at naglalayon pa ang BNHS
na makapagbukas ng iba pang track na maaaring kunin ng mga mag-aaral.#

You might also like