Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

6Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
GUIMBAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guimbal, Iloilo

SUMMATIVE TEST (UNANG MARKAHAN ARALIN 3 & 4)


I. Basahin mabuti ang bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
2. Sa yamang pangisdaan ng Hilagang Asya,anong produktong panluwas ng rehiyon?
A.Tuna B. Isda C. Caviar D. Bangus
3. Bansa sa Hilagang Asya na nangunguna sa produksiyon ng Ginto.
A. Tajikistan B. Uzbekistan C.Kyrgyzstan D. Turkmenistan
4. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya?
A. Pagsasaka B. Pangingisda C.Pagmimina D. Pagpapastol
5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng_________.
A. Natural Gas B. Langis ng niyog at kopra C. Trigo at Barley D. Tabako
6. Nagtatanim ng mga punong Mullberry upang maging pagkain ng mga silkworm kaya nangunguna ang Japan sa __.
A. Pagtatanim ng Trigo B. Pagsasaka C. Industriya ng Telang Sutla D. Pagpapastol
7. Ang Indonesia ay mayaman sa yamang mineral, particular sa _______.
A. Langis at natural gas B. Petrolyo C.Tanso D. Ginto
8. Ang kanlurang asya ay sagana sa yamang mineral particular sa ______________.
A. Natural Gas B. Liquefied C.Gas Zinc D. langis at petrolyo
9. Pangunahing pananim nito ay palay, at siyang nagunguna sa produksiyon nito sa buong mundo.
A. China B. Japan C. Pilipinas D. Malaysia
10. Bansa sa kanlurang Asya na nangunguna sa produksiyon ng Dates.
A. Israel B. Saudi Arabia C. Iran D. Iraq

II. PANUTO: Tukuyin kung anong URI NG LIKAS NA YAMAN ang mga sinalungguhitan sa pahayag. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

A. Yamang Mineral B. Yamang Lupa C. Yamang Tubig D. Yamang Kagubatan

1. Sa Hilagang Asya ang produktong panluwas ng rehiyon ang Caviar (itlog) ng sturgeon, ang malaking isdang likas dito.
2. Makapal at mayabong ang gubat sa timog-kanluran ng Sri Lanka na hitik sa puno ng mahogany at ibat ibang uri ng palm.
3. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral particular sa langis at petrolyo.
4. Palay ang pangunahing produkto sa mga bansang nabibilang sa rehiyon ng Timog Asya.
5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng langis ng niyog at kopra.
6. Makapal at mayabong ang gubat sa timog-kanlurang Sri Lanka na hitik sa puno ng mahogany at iba’t ibang uri ng palm.
7. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia.
8. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga oasis.
9. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya naming
pinagkukunan ng koryente.
10. Ang ilang bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan.

I. Panuto: Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong Formatted: No bullets or numbering
sagutang-papel.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

1. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog-Silangang Asya ay karaniwang nakatira sa bahay-kubo.


2. Ang South Korea ay kabilang sa mauunlad na bansa sa Asya, ang pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal,
paggawa ng barko, bakal, tela, damit, sapatos, tsinelas, at pagpoproseso ng pagkain.
3. Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas
ng krudo, petrolyo at natural gas.
4. Kilala ang bansang Malaysia bilang nangunguna sa pagluluwas ng goma dahil sa pangunahing itinatanim dito ang rubber tree at palm tree.
5. Ang bansang Vietnam sa Timog-Silangang Asya ang nangungunang exporter ng bigas na mahigit 6.5 tonelada kada taon sa buong daigdig.
6. Sa Japan, ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang naninirahan sa malalayong pulo ng bansa.
7. Ang mga tirahan sa Bhutan ay kailangang makatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
GUIMBAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guimbal, Iloilo

UNANG MARKAHAN
(ARALING PANLIPUNAN 7 : ARALING ASYANO)
I. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa bawat aytem at isulat ito sa sagutang papel.

1. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
A. North America B. Africa C. Europe D. Asia
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga bansa sa Asia?
A. Spain B. Mongolia C. Pakistan D. Turkey
3. Matatagpuan sa asya ang ibat-ibang anyong lupa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa anyong lupa?
A. Mt. Mayon B. Arabian Peninsula C. Dead Sea D. Hindu Kush
4. Ilan ang rehiyon ng Asya?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
5. Ano ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon sa mahabang na panahon?
A. Klima B. Panahon C. Oras D. lugar
6. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo?
A. Mt. Kangchenjunga B. K2 C. Himalayas D. Mt. Everest
7. Ano ang tawag sa ibat-ibang uri nang panamin na nakabalot sa lupain ng daigdig?
A. Kagubatan B. kapatagan C. Vegetation Cover D. Damuhan
8. Ano ang tawag sa uri ng kagubatang binubuo ng mga punong coniferous?
A. Taiga B. Tundra C. Rainforest D. Savanna
9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Silangang Asya?
A. Japan B. North and South Korea C. Philippines D. Taiwan
10. Sa silangang bahagi ng Asya matatagpuan ang hanay ng mga aktibong bulkan na kung tawagin ay______?
A. Pacific Ring of Fire B. Roof of the World C. house of snow D. vegetation cover
11. Ano ang katangian ng klima sa Hilagang Asya?
A. Moonson Climate B. Sentral Kontinental C. Hindi palagian ang klima D. Tropikal
12. Distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog equator.
A. Longitude B. Prime Meridian C. Equator D. Latitude
13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bulubundukin?
A. Mt. Everest B. Himalayas C. K2 D. Mt. Kanchenjunga
14. Ang tangway ay isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. Taiwan at Sri Lanka B. Japan at Pilipinas C. China at Mongolia D. India at Turkey
15. Mayroong apat na katangi- tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya. Ano ang pinakamalalim na lawa sa Asya?
A. Lake Baikal B. Dead Sea C. Caspian Sea D. Aral Sea
16. Batay sa tradisyon, alin sa mga sumusunod ang hangganan ng Asya at Europa sa hilagang bahagi nito?
A. Atlantic Ocean B. Caucasus Mountains C. Pacific Ocean D. Ural Mountains
17. Anong rehiyon sa Asya ang pinagmumulan nang pinakamaraming deposito ng langis?
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Silangang Asya D. Timog Asya
18. Ang Mt. Everest ay pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ito ay bahagi ng tinaguriang “roof of the world”. Ano ang tawag sa
pinakamahabang bulunbundukin sa mundo?
A. Andes B. Caucasus Mountains C. Himalayas D. Ural Mountains
19. Ang Asya ay nabiyayaan ng iba’t-ibang anyong lupa at tubig. Kabilang sa mga ito ay ang mga disyerto. Alin sa mga ito ang itinuturing
na pinakamalaking disyerto sa Asya?
A. Gobi Desert B. Libyan Desert C. Sahara Desert D. The Great Basin
20. Ang minsang binansagang Farther Asia India at Little China dahil sa impluwensiya ng mga nasabing kultura at kabihasnan nito .
A. Hilagang Asya B. Timog Asya C. Timog Silangang Asya D. Silangang Asya
21. Karamihan sa mga bansa sa Timog at Timog-Silangang Asya ay matatagpuan o di kaya ay malapit sa ekwador. Ano ang karaniwang
klima ng mga ito?
A. Madalas na binabagyo B. Mainit sa halos buong taon C. Madalas umulan ng yelo/nyibe D. Tropikal

22. Isang malawak na tangway ang Arabian Peninsula. Ito rin ay napapalibutan ng mga katubigan. Gayunman, kakaunti lamang ang
nakatira dito. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan nito?

A. Maraming bulkan sa ilalim ng tangaway. C. Natatakot ang mga tao na baka magkaroon ng tsunami.
B. Malayo ito sa kabihasnan at kalakalan. D. Masyadong mainit ang lugar at walang gaanong suplay ng tubig
na maiinom
23. Tinaguriang pinakamalaking Archipelagic State sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo.
A. Pilipinas B. East Timor C. Japan D. Indonesia
24. Rehiyon sa Asya ang may pinakamaraming bansang nasasakupan?
A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
25. Alin sa sumusunod na mga bansa ang hindi isang kapuluan?
A. Japan B. Pilipinas C. Sri Lanka D. Indonesia
26. Anong klima ang nagdudulot ng pagkaranas ng taglamig sa loob ng halos buong taon?
A. continental B. katamtaman C. tuyo D. tropical
27. Ang mga sumusunod ay mahahalagang ilog sa Asya MALIBAN sa ____________.
A. Ilog Euphrates B. Ilog Ganghes C. Ilog Nile D. Ilog Huang Ho
28. Bakit naging maunlad ang mga lugar malapit sa mga lambak at mga ilog?
A. Ang mga lugar ay sentro ng komunikasyon. C. Ito ay naging sentro ng kalakalan ng mga sinaunang tao.
B. Nagsilbi ito pangunahing paraan ng transportasyon. D. Ginamit ang tubig bilang inumin at patubig sa mga pananim.
29. Ang halos lahat ng bansa ay naghahangad na maging maunlad at industriyalisado. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting
naidudulot nito?
A. pagkasira ng mga likas na yaman C. pagkakasakit ng mga tao
B. pagkawala ng biodiversity D. polusyon
30. Pangunahing pananim nito ay palay, at siyang nagunguna sa produksiyon nito sa buong mundo.
A. China B. Japan C. Pilipinas D. Malaysia
31. Bansa sa kanlurang Asya na nangunguna sa produksiyon ng Dates.
A. Israel B. Saudi Arabia C. Iran D. Iraq
32. Sinasabing may malawak na damuhang matatagpuan sa Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong
nabubuhay rito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa likas na yaman ng nasabing rehiyon?
A. Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may trigo, jute at tubo.
B. Paghahayupan ang pangunahing gawain dahil sa mainam itong pagpastulan ng mga alagang hayop.
C. Troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyon
D. Tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto at mga yamang mineral.
33. Alin sa mga sumusunod na likas na yaman ang nasa tamang pangkat?
A. Ginto, tanso, natural gas, Mayapis C. Bakal, karbon, Palay
B. Trigo, palay, barley, bulak at gulay D. Ganges, Brahmaputra, hydroelectric power
34. Dahil sa lawak ng kalupaang sakop ng Timog Asya, alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mahalagang yaman nito?
A. Bakal at karbon B. Palay C. Lupa D. Mahogany at palmera
35. Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa mga sumusunod ang
pangunahing produkto ng Malaysia?
A. Tanso B. Liquefied petroleum gas C. Telang silk o sutla D. Sibuyas, ubas at mansanas
36. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-kanlurang Sri-Lanka na hitik sa puno ng mahogany.
B. Ang Bangladesh ay sagana sa paghahayupan.
C. Ang pinakamahalagang likas na yaman ng India ay lupa.
D. Sa mga lambak ng Irrawady at Sitang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar.
37. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?
A. Ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
B. Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.
C. Ang Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.
D. Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.
38. Anong bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?
A. Brunei B. Myanmar C. Cambodia D. Vietnam
39. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang
pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopra, palay at trigo C. Palay at trigo
B. Natural gas at liquefied gas D. Tilapia at bangus
40. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito
ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Gubat D. Yamang Mineral
41. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang
pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay nang matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
42. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastik
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
43. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
II . Panuto: Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

44. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog-Silangang Asya ay karaniwang nakatira sa bahay-kubo.
45. Ang South Korea ay kabilang sa mauunlad na bansa sa Asya, ang pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal,
paggawa ng barko, bakal, tela, damit, sapatos, tsinelas, at pagpoproseso ng pagkain.
46. Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas
ng krudo, petrolyo at natural gas.
47. Kilala ang bansang Malaysia bilang nangunguna sa pagluluwas ng goma dahil sa pangunahing itinatanim dito ang rubber tree at palm tree.
48. Ang bansang Vietnam sa Timog-Silangang Asya ang nangungunang exporter ng bigas na mahigit 6.5 tonelada kada taon sa buong daigdig.
49. Sa Japan, ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang naninirahan sa malalayong pulo ng bansa.
50. Ang mga tirahan sa Bhutan ay kailangang makatagal sa mahaba at napakalamig na klima.

GOD BLESS!

Inihanda ni:

Gng. AILEEN JOY G. GERONGCA


Mga Guro sa Araling Panlipunan 7

You might also like