AP8 Q4 Ver4 Mod6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

8

Araling Panlipunan
Quarter 4 - Module 6
Ang Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat at Alyansa
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 6: Ang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Author: Vivian G. Daday


Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Elvira Ruvi U. Camocamo
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist: Norebel A. Balagulan
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief
Members Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 4 - Module 6
Ang Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat at Alyansa
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita ...................................................................................................... i


Alamin.................................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto ........................................................................................ i
Icons sa Modyul na ito .......................................................................................... ii

Subukin ................................................................................................................ iii

Leksyon 1: Ang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa


Alamin .............................................................................................. 1
Tuklasin . ......................................................................................... 1
Gawain 1 – Tuklasin Mo! ........................................................... 1
Suriin . ............................................................................................. 2
Gawain 2 – Basahin at Matuto ................................................. 2
Pagyamanin . ................................................................................... 3
Gawain 3 – Outline Mo! ............................................................ 3
Isaisip .............................................................................................. 4
Gawain 4 – Sagutin Mo! .......................................................... 4

Buod .................................................................................................................. 4
Pagtatasa: (Post-Test) ..................................................................................... 5
Susi sa Pagwawasto ......................................................................................... 6
Sanggunian ....................................................................................................... 8
Paunang Salita

Noong ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, lumaganap ang malawakang diwang


nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika, relihiyon
at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay
nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa.
Subalit sa pagsimula ng ikalawang dekada ng ika-20 siglo, maraming pangyayari ang
naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang una at ikalawang
digmaang pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, cold war at ang malawakang neo-
kolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di-pagkakaunawaan
bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna sa pag-aayos ng
lahat ng sigalot ng mga bansa.
Sa module na ito, susuriin natin kung ano ang bahaging ginampanan ng mga
pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

Alamin

Binabati kita sa matagumpay mo na pagkakamit ng mahahalagang kaalaman tungkol


sa mga ideolohiya, Cold War at epekto ng neo-kolonyalismo sa nakaraang aralin.
Ngayon, pag-aaralan mo sa araling ito ang bahaging ginampanan ng mga
pandaigdigang organisasyon, pangkat, at alyansa sa pagsusulong ng pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain, inaasahang higit na madaragdagan at lalawak
ang iyong kaalaman sa paksa. Inaasahan ring matalino mong masasagot ang katanungang:
Paano mapananatili ng mga organisasyong pandaigdig ang pagkakaroon ng kapayapaan at
pagkakaisa sa daigdig?

Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
• Basahin at unawain ng mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksyon o panuto habang binabasa ang mga materyales.
• Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
• Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Icons sa Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Pagtatasa antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.
Pagwasto

ii
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ayon sa sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sa sagot sa iyong kwaderno sa asignaturang Araling Panlipunan.

1. Anong organisasyon ang heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-


Silangang Asya?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
2. Anong pandaigdigang samahang ang nakabase sa Washington, D.C. Estados Unidos?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
3. Ano ang mga aktibidad ng Unyong Europeo na sumasakop sa patakarang publiko,
patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
4. Ano tawag sa samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan
ang interes sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at
pagkakaunawaan?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
5. Ano ang isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa
mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran?
A. World Bank B. International Monetary Fund
C. World Trade Organization D. ASEAN
6. Ano ang isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamanihalaan at magbigay
ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal?
A. World Bank B. International Monetary Fund
C. World Trade Organization D. ASEAN
7. Ano anong organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang
sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balanse
ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinasyal na tulong kapag hiningi?
A. World Bank B. International Monetary Fund
C. World Trade Organization D. ASEAN
8. Anong kasunduan ng mga bansa na kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang
rehiyunal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa
taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa?
A. ASEAN Free Trade Area B. Trade Bloc
C. North American Free Trade Agreement (NAFTA) D. ASEAN
9. Ano ang nabigyang bisa noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang trade bloc
na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang purchasing power parity sa
GDP?
A. ASEAN Free Trade Area B. Trade Bloc
C. North American Free Trade Agreement (NAFTA) D. ASEAN
10. Anong kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-
Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local manufacturing)
sa lahat ng mga bansa sa ASEAN?
A. ASEAN Free Trade Area B. Trade Bloc
C. North American Free Trade Agreement (NAFTA) D. ASEAN
iii
Aralin
Ang Mga Pandaigdigang
1 Organisasyon, Pangkat at Alyansa

Alamin

Masusuri sa araling ito ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon


sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
• Mga organisasyon at alyansa
• Mga pang-ekonomikong organisasyon at trading blocs.

Tuklasin

Gawain 1: Tuklasin Mo!

Panuto: Subukang sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sa sagot sa iyong
kwaderno sa asignaturang Araling Panlipunan.

1. Anong bangko na nagbibigay ng tulong-pinansiyal at teknikal sa mga bansang


papaunlad para sa mga programang pangkaunlaran?

_OR_D B_N_

2. Anong isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa


Timog-Silangang Asya?

_SE_N

3. Anong samahan kung saan ang mga bansang Muslim ay naglalayong siguruhin at
protektahan ang interes sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang
pandaigdig at pagkakaunawaan.

_I_

1
Suriin

Gawain 2 : Basahin at Matuto!


Ang Mga Pandaigdigang Organisasyon
Bukod sa United Nations, marami pang organisasyong pandaigdig na nabuo na may
layuning pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan at
kaunlaran, ito ay ang sumusunod:

1. European Union (EU)


Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at pampolitikal na unyon ng 27
malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang estado
na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992. Ang mga aktibidad ng Unyong
Europeo ay sumasakop sa patakarang publiko, patakarang ekonomika sa ugnayang
panlabas, tanggulan, pagsasaka, at kalakalan.

2. Organization of American States (OAS)


Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano ay isang pandaigdigang samahang
nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu’t limang
kasaping nagsasariling estado ng Amerika. Layunin nitong makamit ang kapayapaan at
hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang
pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang
kanilang kalayaan.

3. Organization of Islamic Cooperation (OIC)


Ang OIC ay isang internasyunal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng
mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes sa
pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)


Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay
isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng
ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at
pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.
Narito ang iba pang mga pandaigdigang organisasyon:
World Bank - Ang World Bank ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-
pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan.
International Monetary Fund - Ang International Monetary Fund (IMF) ay isang
organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema
sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng
mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinasyal na tulong kapag hiningi.
World Trade Organization - Ang World Trade Organization (WTO) ay isang organisasyong
pandaigdig na itinatag upang mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang
pang-internasyunal. Ang WTO ay nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng Pangkalahatang
Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).
2
Iba pang Organisasyong Pandaigdig

• Nilikha ang mga organisasyong ito upang magbigay tulong sa pananalapi,


magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa
pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa.

• Ang trade bloc ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay


magkakaanib sa isang samahang rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin,
o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa pagitan ng mga
miyembrong bansa.

Narito ang halimbawa ng trade blocs:

• ASEAN Free Trade Area


- Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) ay isang kasunduan
ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-
Silangang Asya.
- Ito nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local manufacturing)
sa lahat ng mga bansa sa ASEAN.
- Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay Palakihin ang hangganang
pagkainaman bilang batayang pamproduksyon sa pandaigdigang
pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAN, ng mga
salabid ng taripa at walang-taripa; at akitin ang maraming panlabas na
tuwirang pamumuhunan sa ASEAN.

• North American Free Trade Agreement (NAFTA)


- Isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United na lumilikha
ng trilateral trade bloc sa North America.
- Nabigyang bisa noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang
trade bloc na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang
purchasing power parity states sa GDP.

Pagyamanin

Gawain 3 – Outline Mo!

Panuto: Subukang gawan ng outline ang mga organisasyong binanggit. Isulat ang iyong sa
sagot sa iyong kwaderno sa asignaturang Araling Panlipunan.

Organisasyon/Pangkat/ Taon ng Layunin/


Alyansa Pagkakatatag Aktibidad
1. European Union (EU) 1992 sumasakop sa patakarang publiko,
patakarang ekonomika sa ugnayang
panlabas, tanggulan, pagsasaka, at
kalakalan.
2.

3.
4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Isaisip

Gawain 4 – Sagutin Mo!


Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sa sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagpapanitili ng


kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad?

4
Buod

Upang maiwasan at tuluyang matuldukan ang sigalot na mga bansa sa daigdig,


itinatag ang United Nations at ang mga sangay nito. Gayundin ang iba’t ibang organisasyon
at alyansa tulad ng European Union (EU), Organization of American States (OAS),
Organization of Islamic Countries, at ASEAN.
Naitatag din ang mga pang-ekonomikong organisasyon at trade bloc tulad ng GATT,
World Trade, IMF, World Bank, APEC, Asean Economic Community, NAFTA, AFTA, OPEC,
at iba pa.
Ang trade bloc ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa
isang samahang rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang ang mga taripa
at mga hadlang sa taripa sa mga miyembrong bansa. Nilikha ang mga ito upang magbigay
tulong sa pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa
pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. Layunin nitong patatagin ang kooperasyon
ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran. Sa pamamagitan ng mga samahang nabanggit,
pinapangalagaan ang kapayapaan, kalayaan, at katarungan ng daigdig.

5
Pagtatasa: (Post-Test)

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ayon sa sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sa sagot sa iyong kwaderno sa asignaturang Araling Panlipunan.

1. Anong pandaigdigang samahang ang nakabase sa Washington, D.C. Estados Unidos?


A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
2. Anong organisasyon ang heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
3. Ano ang mga aktibidad ng Unyong Europeo na sumasakop sa patakarang publiko,
patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
4. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at
protektahan ang interes sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at
pagkakaunawaan?
A. ASEAN B. OAS C. OIC D. EU
5. Ano ang isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa
mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran?
A. World Bank B. International Monetary Fund
B. World Trade Organization D. ASEAN
6. Ano ang isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamanihalaan at
magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal?
A. World Bank C. World Trade Organization
B. International Monetary Fund D. ASEAN
7. Ano anong organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa
pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng
palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinasyal na
tulong kapag hiningi?
A. World Bank C. World Trade Organization
B. International Monetary Fund D. ASEAN
8. Anong kasunduan ng mga bansa na kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang
rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang
sa taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa?0
A. ASEAN Free Trade Area
B. Trade Bloc
C. North American Free Trade Agreement (NAFTA)
D. ASEAN
9. Ano ang nabigyang bisa noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang trade
bloc na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang purchasing power
parity sa GDP?
A. ASEAN Free Trade Area
B. North American Free Trade Agreement (NAFTA)
C. Trade Bloc
D. ASEAN
10. Anong kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-
Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local
manufacturing) sa lahat ng mga bansa sa ASEAN?
A. ASEAN Free Trade Area
B. Trade Bloc
C. C. North American Free Trade Agreement (NAFTA)
D. ASEAN

6
Susi ng mga Sagot

Subukin: (Pretest) Pagtatasa: (Post-test)


1. A 1. B
2. B 2. A
3. D 3. D
4. C 4. C
5. A 5. A
6. C 6. C
7. B 7. B
8. B 8. B
9. C 9. C
10. A 10. A

Tuklasin: Hulaan Mo!

1. WORLD BANK
2. ASEAN
3. OIC

Organisasyon/Pangkat/alyansa Layunin

1. European Union (EU) Sumasakop sa patakarang publiko, patakarang


ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan,
pagsasaka, at kalakalan.
2. Organization of American Layunin nitong makamit ang kapayapaan at
States (OAS) hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga
estadong kasapi, patatagin ang kanilang
pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang
awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang
kanilang kalayaan.
3. Organization of Islamic Naglalayong siguruhin at protektahan ang
Cooperation (OIC) interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong
ng kapayapaang pandaigdig at
pagkakaunawaan.
4. Association of Southeast layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang
Asian Nations (ASEAN) paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at
pagpapalaganap ng kapa- yapaang panrehiyon.
5. World Bank Nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa
mga bansang umuunlad para sa mga
programang pangkaunlaran tulad ng mga tulay,
kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan.
6. International Monetary Fund Pinagkatiwalaang mamahala sa
pandaigdigang sistema sa pananalapi sa
pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng
palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon
din ang pag-alok ng teknikal at pinasyal na
tulong kapag hiningi.
7. World Trade Organization Mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa
kalakalang pang-internasyunal. Ang WTO ay
nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng
Pangkalahatang Kasunduan sa mga Taripa at
Kalakalan (GATT).
8. trade blocs. Naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin
ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa
pagitan ng mga miyembrong bansa.

8
Sanggunian:
A. Aklat
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,
ISBN:978-9601-67-8
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

B. Module

• https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6062
• https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5938
• https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16787

C. Mga Sanggunian sa internet:

Slideshare.net. “Institusyong Pananalapi.” Accessed, July 16, 2020, https://www.slideshare.


net/jenewelazuelo/institusyong-pananalapi
Slideshare.net. “Mga Pandaigdigang Organisasyon at Alyansa .” Accessed, July 16, 2020,
https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-14-mga-pandaigdigang-
organisasyon-at-alyansa
Academia.edu. “Ang Kontemporaryong Daigdig.” Accessed, July 16, 2020,
https://www.academia.edu/10367017/MODYUL_4_ANG_KONTEMPORARYONG_D
AIGDIG_IKA-20_SIGLO_HANGGANG_SA_KASALUKUYAN_MGA_SULIRANIN_
AT_HAMON_TUNGO_SA_PANDAIGDIGANG_KAPAYAPAAN
Coursehero.com. “Institusyong Pananalapi.” Accessed, July 16, 2020, https://www.
coursehero. com/ file/55289293/institusyongpananalapippt/

You might also like