Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

TUHOG 12: SKILLFULNESS

FILIPINO SA PILING LARANG

Nang unang dumating sa aming kaalaman ang pelikulang 'Tuhog,' na itinampok ang mga
kilalang personalidad na sina Eugene Domingo, Leo Martinez, at Enchong Dee, agad naming
naramdaman ang halong kuryusidad at excitement. Si Eugene Domingo, sa kanyang mga
nakaraang proyekto, ay laging nagbibigay-saya at nagbibigay-buhay sa lahat ng kanyang
ginagampanang papel. Kaya naman, noong narinig namin ang tungkol sa 'Tuhog', ito agad ay
naging isang pinakahihintay na pelikula para sa amin.

Ang pelikula ay naglalarawan ng isang di-kapani-paniwalang pangyayari na nagmumula sa


kakaibang sitwasyon ng tatlong indibidwal na hindi magkakakilala. Ang kanilang mga buhay ay
biglang nagtagpo dahil sa isang aksidente sa bus, at ito ang naging simula ng kanilang
masalimuot na paglalakbay sa pagharap sa kanilang mga pinakatago-tagong hinanakit at
personal na mga suliranin.

Si Tonio, na ginampanan ni Leo Martinez, ay nagbibigay ng isang kapansin-pansin na karakter.


Ang kanyang papel ay nagdala ng malalim na damdamin at pagmamahal para sa kanyang mga
ginagampanan bilang ama. Si Fiesta na ginagampanan ni Eugene Domingo, bilang isang bus
conductor, ay nagbigay ng natural na pagganap na nagpapakita ng karaniwang pinagdadaanan
ng marami sa atin. Ngunit sa kabila ng paghanga ko kay Ms. Eugene, hindi maikakaila na ang
kwento ni Enchong bilang si Caloy ang talagang kumawala sa amin.

Si Caloy, bilang pinakabata sa kanilang tatlo, ay mayroong kuwento na laging bumabalik sa


aking isipan. Galing siya sa isang pamilyang nasira at iniwan ng kanyang ina. Ang lungkot na
dala ng pagmamahal niya sa isang babaeng mayroon nang kasintahan ay nagpapakita ng isang
aspeto ng pag-ibig na hindi biro. Maaaring ito ay isang tema na karaniwan na sa iba, ngunit may
kakaibang kiliti ito na tumagos sa amin.

May mga hindi sigurado kung paano iintindihin ang mensahe ng pelikula, ngunit para sa amin,
ang 'Tuhog' ay isang malalim at makabuluhan na pelikula na nagbibigay-halaga sa totoong
buhay at nagbibigay-inspirasyon sa mga manonood. Ito ay higit pa sa isang simpleng kuwento,
ito ay isang pagtatangkang ipaalam sa atin ang katotohanan ng buhay, ang kagandahan sa
pagharap sa mga hamon nito, at ang kahalagahan ng pagtanggap sa sarili at sa iba."

You might also like