Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Unang Panahunang Pagsusulit sa
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II

Pangalan: _________________________________________ Iskor:_________________


Baitang at Pangkat:________________________________ Petsa:________________

I. PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA PANGUNGUSAP.


ISULAT
ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL.

____1. May palatuntunan sa paaralan. Sinabi ng iyong guro na ikaw ay


tutula. Ano ang dapat mong isagot sa iyong guro?
a. “Opo at magsasanay po ako.”
b. “Ayoko po dahil nahihiya po ako sa aking mga kamag-aral.”
c. “Iba na lang po ang piliin ninyo.”
d. “Opo, pero ayaw ko pong magsanay dahil mas gusto ko po ang
maglaro.”
____2. Mabilis na tumakbo si Karen at nais niyang sumali nang may
paligsahan
ng takbuhan sa kanilang paaralan. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hindi niya ipaaalam na mabilis siyang tumakbo.
b. Magsasanay pa sa pagtakbo at sasabihin sa guro na nais niyang
sumali.
c. Ipagyayabang niya sa mga kaklase na mabilis siyang tumakbo.
d. Hindi na lang sasali dahil baka lang siya matalo.
____3. Nalaman mong may paligsahan sa pagguhit sa paaralan. May ganito
kang kakayahan. Dapat ka bang sumali?
a. Hindi, sapagkat nahihiya ako.
b. Hindi, sapagkat mapapagod akong gumuhit.
c. Opo, sapagkat may sapat akong kakayahan.
d. Opo, pero napipilitan lang akong sumali.
____4. Magaling kumanta si Marie. Ano ang dapat niyang gawin upang
mapaunlad ang kanyang kakayahan?
a. Palaging magsanay at magkaroon ng tiwala sa sarili.
b. Itago ang kakayahan dahil nakakahiyang malaman ng iba.
c. Huwag kumanta sa harap ng mga tao dahil baka pulaan lang
siya.
d. Huwag aminin na may talento siya sa pag-awit.

____ 5. Magaling maglaro ng basketball si Gian. Kapag hindi siya abala,


tinuturuan niya ang kanyang kapatid sa paglalaro nito.
a. Tama, upang mahikayat din niya ang kapatid na magkaroon ng
kakayahan sa pagba-basketball.
b. Mali, para siya lang ang marunong maglaro nito.
c. Hindi na lang, para mas gumaling ang kanyang kapatid.
d. Wala sa nabanggit ang tamang sagot.
____ 6. Patuloy akong magsasanay sa aking pagguhit upang ______________.
a. mahasa ang aking talento at kakayahan.
b. mapaunlad ko pa ang talentong mayroon ako.
c. maipakita ko sa aking kapwa na ako ay may talento at magamit
ito sa tama.
d. Lahat ng sagot ay tama.
____ 7. Marunong kang sumayaw at nagkataong mayroong paligsahan sa
inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ako magsasayaw kung hindi papalakpak ang buong klase.
b. Magsasanay akong mabuti pero hindi ako magsasayaw sa harap
ng klase na wala ang aming guro.
c. Hahayaan ko lang sila at hindi ko sasabihin na mayroon akong
kakayahan sa pagsasayaw.
d. Sasali ako sa pagsasayaw upang maipakita ko ang aking
kakayahan.
____ 8. Mayroon kang natatanging kakayahan sa pag-awit. Nais mong
sumali
sa paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magmamalaki sa aking mga kaibigan at kaklase.
b. Mas lalo akong magsasanay bago ang paligsahan upang
madagdagan pa ang aking husay sap ag-awit.
c. Uupa ako ng magsasanay sa akin dahil marami akong pera.
d. Hindi na ako magsasanay dahil magaling na akong umawit.
____9. Si Missie ay isang batang mahiyain, paano niya mapauunlad ang
kanyang angking galing sa pagsasayaw?
a. Sasayaw sa mga palatuntunan sa paaralan.
b. Sasayaw lamang kapag may premyo na ibibigay.
c. Hindi na lang sasayaw kahit pilitin pa siya ng guro.
d. Hindi na lang niya sasabihin na marunong siyang sumayaw.
____10. Mayroon kang natatanging kakayahan at talento. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Hindi ko sasabihin kahit kanino.
b. Ipakikita ko at pauunlarin ang aking talento at kakayahan.
c. Ikahihiya ko ang aking kakayahan.
d. Tatahimik lang ako para hindi malaman ng iba ang aking talento.

____11. Si Adel ay mahusay bumigkas ng tula. Anong kakayahan ang dapat


niyang ipakita?
a. pagtula b. pag-awit c. pagpinta d. pagsayaw

____12. Alin sa mga batang nasa larawan ang nagpapakita ng hindi


pagpapahalaga sa kanyang talento?

a. b. c. d.

___13. Malungkot ang iyong best friend dahil napagalitan siya ng kanyang
nanay. Ano ang maaari mong gawin?
a. Hindi papansinin upang hindi ka madamay sa kalungkutan niya.
b. Lalayo na lang at sasama sa iba mo pang kaibigan.
c. Tutuksuhin siya upang mainis siya at ng lalong bumigat ang
kanyang damdamin.
d. Gagawa ng paraan upang mapasaya siya at mapawi ang
kalungkutan na kaniyang nadarama.

___14. Ikaw ay may kahusayang taglay sa agham at teknolohiya. Paano mo


ito gagamitin upang makatulong sa iba?
a. Sasali ka sa gawain ng pangkat upang matalo ang iyong kaaway.
b. Sasali ka sa proyekto ng pangkat upang maipakitang magaling
ka talaga.
c. Tutulong sa kaklase upang maintindihan din niya ang aralin.
d. Hindi ipapaalam na magaling ka sa asignaturang ito.
___15. Paano ka makatutulong sa iyong mga kamag-aral at kaibigan sa
inyong takdang-aralin sa Matematika? Ikaw ay mahusay dito.
a. Huwag silang pansinin.
b. Kumampi lamang sa iba.
c. Iwasan silang tulungan upang hindi umabuso.
d. Makibahagi sa mga gawain sa silid-aralin gamit ang iyong
talento at kakayahan.

___16. May kahusayan sa pag-awit ang iyong kaklase ngunit siya ay isang
pilay. Paano mo siya matutulungan na mapaunlad ang kanyang
kakayahan sa pag-awit?
a. Tutulungan ko siya sa pagsasanay at pupurihin.
b. Tatawanan at sasabihing huwag na siyang umawit.
c. Sasabihin sa guro na siya ay may kapansanan.
d. Pagtatawanan siya sa harap ng buong klase.

___17. Ikaw ay may taglay na kakayahan sa pagguhit at nais ng iyong


kapatid na magpaturo ngunit siya ay bata pa,ano ang gagawin mo?
a. Tuturuan habang pinapagalitan.
b. Sasabihing ayaw mo siyang turuan.
c. Isasabay mo siya sa iyong pagsasanay.
d. Hindi kailanman siya tuturuan baka gumaling ito sa pagguhit.
___18. Gumamit ng sepilyo at toothpaste sa paglilinis ng ngipin.
a. tama b. mali c. hindi wasto d. ewan
___19. Upang maging malinis ang iyong katawan, ano ang dapat gawin?
a. Maligo ng dalawang beses sa isang Linggo.
b. Gumamit ng gunting sa paggupit ng iyong mga mahabang kuko.
c. Gumamit ng shampoo sa buong katawan upang maging malinis.
d. Maligo araw-araw upang mapanatiling malinis ang katawan.
___20. Piliin sa larawan kung saang bahagi ng katawan ginagamit ang nail
cutter upang mapanatili ang kaayusan nito?
a. b. c. d.

___21. Alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi dapat gawin upang
maging malusog ang katawan?
a. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw.
b. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
c. Panatilihing madumi ang loob at labas ng tahanan.
d. Kumain ng gulay at prutas.

___22. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa iyong kapatid


na masasakitin?
a. Sabihin sa kanya na dapat kumain ng masusustansyang pagkain
upang hindi magkasakit.
b. Pagalitan ito dahil puro junk foods ang kinakain.
c. Bilhan ng mga pagkain na gusting-gusto niya kahit nagdudulot ito
ng hindi maganda sa katawan.
d. Sabayan sa pagkain ng hindi masusustansyang pagkain.
___23. Anong uri ng pagkain ang inyong dapat bilhin sa kantina upang
mapanatiling malusog ang inyong katawan?

a. b. c. d.

___24. Oras ng pananalangin ng Pamilya De Guzman ngunit hindi pa tapos


sa paggawa ng takdang-aralin si Chesca. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Tatapusin muna ang kanyang takdang-aralin at saka sasama sa
pananalangin.
b. Kunwari ay hindi niya alam na oras na ng pananalangin.
c. Sasama muna siya sa pananalangin at saka niya na lang ituloy
ang
pagsagot sa takdang-aralin.
d. Hindi na lamang sasama sa pananalangin.
___25. Inutusan ka ng iyong ina na bantayan ang niluluto niyang sinaing
sapagkat siya ay pupunta sa tindahan. Bigla ka namang tinawag ng
iyong kaibigan sa labas upang maglaro. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama sa kaibigan upang maglaro.
b. Hindi ako sasama sapagkat may iniutos ang aking ina.
c. Iiwanan ko ang sinaing at makikipaglaro muna ako sa labas.
d. Uutusan ko ang aking ate na bantayan ang sinaing ni nanay.
___26. Sabay-sabay ang pamilya Soriano sa pagkain ng hapunan. Ano ang
dapat ginagawa habang kumakain?
a. Magkukwentuhan ng masasayang pangyayari.
b. Magsigawan habang nagkukwentuhan sa harap ng
hapagkainan.
c. Manonood sa cellphone habang kumakain.
d. Lahat ay tama.

___27. Mayroon kayong takdang aralin ngunit inaaya ka ng iyong kaklase na


dumalo sa handaan sa bahay nila. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ako gagawa ng takdang aralin at sasama ako sa kanya.
b. Gagawin ko muna ang aking takdang aralin.
c. Bukas ko na lang gagawin sa paaralan ang aking takdang aralin.
d. Magkukunwari ako na natapos ko na aking takdang aralin para
payagan akong sumama sa kaklase ko.
___28. May gawain kayo sa simbahan ngunit napuyat ka dahil sa panonood
ng TV. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pumunta sa simbahan at doon na lamang matulog.
b. Pupunta pa rin at gagawin ang nararapat na gawain sa
simbahan.
c. Matutulog na lamang sa bahay upang makabawi sa puyat.
d. Sasabihin na napuyat kaya hindi makapupunta sa simbahan.

___29. Inutusan ka ng iyong guro na magdilig ng halaman. Dapat mo ba


siyang sundin? Bakit?
a. Opo, dahil baka paluin niya ako kapag hindi ako sumunod.
b. Opo, dahil ang pagsunod ay pagpapakita ng paggalang sa
aming guro.

c. Hindi po, dahil bakit ko siya susundin samantalang sa amin nga ay


hindi naman ako nagdidilig ng halaman.
d. Hindi po, dahil mas gusto kong mag-aral na lang ng aming aralin.

___30. Paano ka makatutulong sa iyong ina sa mga gawaing bahay habang


siya ay naghahanda ng pagkain para sa inyong hapunan?
a. Tutulong ako sa pag-aayos ng mga plato sa hapag-kainan.
b. Magtutulug-tulugan ako para hindi ako mautusan ni nanay.
c. Mauuna na lang akong kakain para hindi mautusan.
d. Sasabihin ko sa kanila na busog pa ako para mauna na silang
kumain.
Inihanda ni:

FELICIANO T. CARIAGA, JR.


Master Teacher II

Sinuri ni: Pinansin ni:

EVELYN P. SOLIS, EdD JAYNE M. GARCIA, EdD


EPS, EsP/Guidance/SPED Chief, CID

You might also like