Professional Documents
Culture Documents
Esp8 First Periodical Test Sy23 24
Esp8 First Periodical Test Sy23 24
Department of Education
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Birbira High School
Camiling, Tarlac
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
FIRST QUARTER TEST
S.Y. 2023-2024
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon ng lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. Pamilya C. Barangay
B. Pamahalaan D. Paaralan
2. sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para
sa panlipunang buhay (social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang anak.
B. Ang mga magulang ang unang naging guro na gumagabay at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
C. Ang pamilya ang palaging nandiyan at madalas kahalubilo sa loob ng bahay.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at tanging makakasalamuha sa buhay.
3. Bakit dapat makisangkot ang isang pamilya sa mga isyung pampamayanan o pambansa?
A. Sapagkat nakasaad ito sa ating mga batas.
B. Sapagkat karapatan ng lahat ang makisangkot sa isyu.
C. Sapagkat nakaaapekto ang mga isyu sa kagalingan at buhay ng pamilya.
D. Sapagkat pinapayagan ito ng lahat ng relihiyon.
4. Mahalaga ang pakikipagkaibigan sapagkat ito ay ___________________.
A. isang paraan upang makasiguro sa pagdamay ng kapwa sa oras ng kagipitan.
B. nagsisilbng interaksyon upang malaman ang sensitibong impormasyon tungkol sa kapwa.
C. nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikipag-ugnayan.
D. nakadaragdag sa kasiyahan na nadarama sa tuwing sila ay kasama.
5. Bakit mahalagang pamahalaan ang emosyon?
A. Dahil ito ay nagbibigay ng kulay at saysay sa buhay ng tao.
B. Dahil nakakatulong ito upang di makasakit ng damdamin ng kapwa.
C. Upang magkaroon ng maayos na pangangasiwa ng ugnayan sa sarili at sa kapwa.
D. Upang malaman kung ang iyong nararamdaman ay mabuti o masama.
6. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mgatao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.
7. Nag- iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging
biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba
siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________.
A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/ email kung nasa malayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
8. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit
at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya ng
isang magaling na mag-aaral?
A. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral.
B. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan.
C. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral.
D. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Birbira High School
Camiling, Tarlac
19. Gandang-ganda si Edrei kay Roda. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na lapitan ito at kausapin.
Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Edrei. Ano ang ugnayang umiiral sa sitwasyon?
A. I-it
B. Komunikasyon
C. Monologo
D. I-thou
20. Sa pagiging abala ng mag-asawang Manny at Jane ay hindi na nila nabibigyang pansin ang anilang anak na si Julian kung
kaya lumaki itong malayo ang loob at tahimik. Anong hadlang sa komunikasyon ang nilalarawan ng sitwasyong ito?
A. Pagiging umid o walang kibo
B. Takot na ang sasabihin ay daramdamin
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. Mali o magkaibang pananaw
21. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
A. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay
maisakatuparan
B. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
C. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
D. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
22. Likas sa tao ang maghanap ng taong makakaugnay dahil siya ay_________
A. politikal na nilalang
B. solitary being
C. palakaibigan
D. panlipunang nilalang
23. Ayon kay ______, ang tunay na pakikipagkaibigan ay maari lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao.
A. Aristotle
B. George Washington
C. Andrew Greely
D. Emerson
24. Nalilinang ng tao ang kaniyang __________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
A. tungkulin at Karapatan
B. talino at kakayahan
C. sipag at tiyaga
D. kusa at pananagutan
25. Bakit kinakailangang magkaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pinuno at mga tagasunod?
A. magkakaroon ng kaayusan sa buong pangkat
B. magiging maayos ang buong pangkat
C. magiging magkaibigan ang bawat miyembro ng pangkat
D. magkakaroon ng isang makatwirang pagpapasiya para makamit ang layunin ng pangkat
26. Ang sumusunod ay katangian ng epektibong lider maliban sa:
A. kakayahang makibagay sa mga tao
B. kakayahang pamahalaan o pamunuan ang tao
C. kakayahang makibagay sa sitwasyon
D. kakayahang makibagay sa personalidad
27. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
B. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
D. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
28. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng ________________.
A. isip
B. damdamin
C. konsensya
D. kalooban
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Birbira High School
Camiling, Tarlac
Noted:
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
DIAGNOSTIC TEST S.Y. 2023-2024
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Birbira High School
Camiling, Tarlac
ANSWER KEY
1. A 36. C
2. B 37. A
3. C 38. B
4. C 39. A
5. C 40. B
6. B 41. D
7. D 42. D
8. B 43. C
9. D 44. A
10. C 45. A
11. D 46. A
12. B 47. A
13. B 48. A
14. C 49. C
15. D 50. B
16. A
17. C
18. A
19. D
20. A
21. B
22. D
23. A
24. D
25. D
26. D
27. C
28. B
29. B
30. D
31. A
32. D
33. C
34. B
35. C