Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maituturing na regalo ng kalikasan ang buhay-ilang.

Isang biyayang nararapat na ingatan


at pahalagahan ng sangkatauhan. Ito ay may malaking ambag at kaugnayan sa ating
buhay. Ngunit atin ba itong napananatili hanggang sa kasalukuyan?

Bilang handog sa isang espesyal na pagdiriwang, buong puso at malugod na ibinabahagi


ng Sta. Monica High School ang Mala-arkong float na nagpapakita ng kahalagahan at
pagmamahal sa ating mga buhay -ilang.

Ang daong ni Noe ang naging susi at inspirasyon sa obrang ito, ang daong na sumagip ng
mga buhay at buhay-ilang mula sa isang napakalaking pagsubok ng pagbaha. Sa iyong
pagmamasid sa float na ito, nawa’y maibalik din sa iyong alaala ang kuwento ni Noe at
higit sa lahat, mapagtanto ng bawat isa na patuloy na nag-aalab ang pagmamahal at
pagpapahalaga ng Diyos sa lahat ng nilalang sa kalupaan.

Patuloy na lumalaban sa mga pagsubok ang ating buhay-ilang. Hindi natin batid ang
hirap na kanilang pinagdaraanan mula sa kanilang pagkain sa araw-araw at kung
mayroon pa ba silang nasisilungan.

Kaya naman habang may panahon pa, ibuhos ang ating pagmamahal, patuloy silang
ingatan at pahalagahan. Sila’y may buhay na nangangailangan ng kalinga mula sa ating
mga mamamayan. Tayo nawa ang kanilang maging pangunahing katuwang at maging
boses upang masagip sila mula sa maaaring kapahamakan.

Nabuo ang float na ito ay mula sa mga materyales na sumisimbolo sa pagmamahal at


nararapat na pagkalinga sa ating buhay-ilang.

Ang Kugon na nagsisilbing bubong na nagpapakita na anomang panahon, tag-init o tag-


ulan, ang ating buhay- ilang ay nararapat na may masisilungan.

Ang kahoy at patong naman o uri ng kawayan ay nagpapakita ng tibay ng buhay ng mga
hayop saan man sila dalhin ng kanilang kapalaran, mga gulong na anoman ang kanilang
kahinatnan ay tuloy pa rin ang pag-ikot ng kanilang mga buhay kahit nanganganib man
paminsan-minsan.

Matatanaw rin ang mga goma at alambre na nagsisilbing matibay na pundasyon ng


kanilang tahanan.

At syempre ang mga taong sakay nito na kinatawan nating mga mamamayan na handang
maging tagapagtanggol ng mga buhay ilang.

Kaya naman mula sa Sta.Monica High School nais naming isigaw sa lahat na dapat nating
ingatan ang sari-saring buhay na bumubuo sa ating kalikasan. Ating pahalagahan,
ipagsigawan. Bawat isa ay may karapatang mabuhay, bawat nilalang ay may silbi sa
lipunan. Bawat isa ay nararapat protektakahan.

Nang sa gayon, sama-sama nating masilayan ang masagana at masayang mga araw.

Maligayang Pagdiriwang ng Subaraw!

You might also like