Professional Documents
Culture Documents
Mga Bugtong
Mga Bugtong
7. Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay
lagare.
Sagot: Tipaklong
14. Yao’t dito, roo’y mula, laging ang ginagawa’y magtago at mamulaga sa
matatanda at sa bata.
Sagot: Unggoy
16. Hindi naman platero, hindi naman panday, lapat ang buhay.
Sagot: Talaba
24. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko ay gatas din ng
anak mo.
Sagot: Baka
25. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling.
Sagot: Kalapati
27. Ang abot ng paa ko’y abot rin ng ilong ko. Anong hayop ako?
Sagot: Elepante
71. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay
lantang katuray.
Sagot: Talong
81. Hugis-puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung
kainin.
Sagot: Mangga
95. Maasim talaga ang kanyang bunga, may sampal na kasama mula sa ada.
Sagot: Sampalok