mo po kami sa araw na ito upang mapalago namin ang aming sarili para maging mabuting nilikha mo. Nawa ang aming aralin ay magsilbing gabay para sa paghubog ng aming mabuting pagpapakatao. Amen. Pananagutan sa Makataong Kilos Ikalawang Markahan - Modyul 2 Layunin • Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito. • Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. SURIIN Ang makataong kilos ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. • Kailangang isaalang-alang ang pananagutan Pananagutan mo hindi lamang sa iyong sarili kundi sa lahat ng maaaring maapektuhan nito. • May kalayaan ang tao na piliin at gawin ang isang kilos. Tayo ay palaging may pananagutan sa kahihinatnan ng ating ginawa. • Ang tao ay palaging may dahilan sa paggawa ng isang kilos o bagay. • Ngunit tayo ay mayroon ding pananagutan sa pagsasagawa ng mga kilos na ito. • Ang kilos ay pagkukusang kilos o voluntary act, dapat na ang tao ay may kaalaman, kalayaan at pagsang-ayon sa kanyang piniling kilos. • Ang mga kilos na isinagawa ng kulang o wala ang alinman sa tatlong elementong nabanggit ay masasabing kilos na hindi kinusa. • Mahalaga ang maging mapanagutan at dapat maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos, dahil ang kilos na ito ay may kaakibat na pananagutan sa huli. • Ang ating kakayahan na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti patungo sa mabuting paraan ng pagkilos ay nagmumula sa ating konsensiya. • At ang kalayaang piliin ang mabuti ang magbibigay ng liwanag sa resulta o bunga ng ating piniling kilos. • Gamitin natin ang konsensiya bilang munting tinig sa loob ng tao na magbibigay ng payo at mag-uutos sa gitna ng moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon. • Maaari tayong magnilay upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama. Ang paghatol na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o masama. Ang obligasyong gawin ang mabuti.