Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jose Corazon De Jesus

Kilala rin bilang Huseng batute, ay isang makatang


pilipino na sumulat ng mga tula sa tagalog upang
ipahayag ang pagnanasa ng mga pilipino na maging
malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos
sa pilipinas.
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz Manila
noong Nobyembre 22,1986 na anak nina Vicente de
Jesus, ang unang director ng kagawaran ng kalusugan ng
pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng
Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecillo De Jesus
ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng corazon (puso sa
Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.

Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa
nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na
nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay
17 taong gulang.

Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte
sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang
dela Rama at Maria Santos. Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na
naging actor sa ilang mga pelikulang Pilipino.

Noong siya ay namatay, binigyan ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng
pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya
sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang
Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Mga Tula na Naggawa


Si Jose Corazon de Jesus ay kinikilalang “Hari ng Balagtasan” na nangangahulugang may
malaking kontribusyon sa sining at wikang Filipino. May mga 4,000 tula siyang naisulat sa
kanyang kolum na Buhay Cavite
Ang ilan sa mga naggawa niyang tula ay: Ang Tren, Ang Posporo ng Diyos, Bayan Ko, Kahit
Saan, Ang Magandang Parol, Biyolin, Agaw-Dilim, Itanong Mo Sa Bituin, Pangungulila,
Ang Mithi, Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

You might also like