Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Panukalang

Proyekto
Outline

Miyembro:
Juliane Benedict Abrera
Lejay Jules Pohino
Muriel Anne Base
Kate Torreon
Khloe Marie Siscon Bacon
Dave Bryan Concepcion
Emmanuel Nerviol
Rexie Ann Padin
Analyn Juanito
Suliranin: Kakulangan sa Madaling Access sa Printers
Pangangailangan para sa Proyektong On-Campus Printing Station:
Kagamitan at Pasilidad:
Modernong printer, scanner, at computer.
Espasyo para sa pagtatayo ng on-campus printing station.
Kagamitan sa Paggana:
Sapat na suplay ng kuryente at mabilis na internet connection.
Layunin ng Proyekto:
Ang layunin ng proyektong ito ay upang maglaan ng mas mabilis at komprehensibong access sa
mga printer sa loob ng paaralan. Sa pagtataguyod ng on-campus printing station, nais nating
bigyan ang mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng mas kumportableng paraan para sa
kanilang pangangailangan sa pag-iimprenta.
Plano ng Paggawa ng Printing On-Campos Printing Station sa Ocana National Highschool

1. Pagsusuri at Pag-audit ng Pangangailangan (2 Linggo)


- Isagawa ang pagsusuri sa pangangailangan ng paaralan pagdating sa pag-iimprenta.
- Kunin ang feedback mula sa guro, staff, at estudyante hinggil sa kanilang pangangailangan sa
pag-iimprenta.

2. Pagbuo ng Proposal (1 Linggo)


- Gumawa ng detalyadong proposal para sa pagtatayo ng printing station, kasama ang layunin,
benepisyo, at pagsusuri sa pangangailangan.
- Ilahad ang plano ng proyekto, kinakailangang kagamitan, at ang pondo na kinakailangan.

3. Pagpapasa at Pag-apruba ng Proposal (2 Linggo)


- Isusumite ang proposal sa administrasyon ng paaralan para sa pagsusuri.
- Pagpupulong para sa pag-apruba ng proposal mula sa mga kinauukulan.

4. Pagtatalaga ng Pondo (3 Linggo)


- Pagtukoy ng mga mapagkukunan ng pondo mula sa paaralan, lokal na gobyerno, o mula sa
mga sponsor.
- Paghahanap at pagsusuri ng mga grant at scholarship na maaaring suportahan ang proyekto.

5. Pagpaplano ng Lokasyon at Disenyo ng Printing Station (3 Linggo)


- Pagtukoy ng tamang lokasyon para sa printing station na accessible sa mga guro, estudyante,
at iba pang miyembro ng komunidad.
- Gumawa ng disenyo ng imprastruktura na tatalima sa pangangailangan ng paaralan at
maaayos ang daloy ng trabaho sa loob ng printing station.

6. Pagsasagawa ng Bidding (2 Linggo)


- Paghahanda ng dokumentasyon para sa bidding process.
- Pag-anyaya sa mga potensyal na kontratista na magsumite ng kanilang tawad para sa
pagtatayo ng imprastruktura.

7. Pagpili ng Kontratista at Pagtatalaga ng Schedule (2 Linggo)


- Pagsusuri at pagpili ng pinakasuitable na kontratista.
- Pagtatalaga ng timeline para sa simula at pagtatapos ng konstruksiyon.

8. Pagtatayo ng Printing Station (4 na Buwan)


- Simulang itayo ang printing station ayon sa itinakdang disenyo at schedule.
- Regular na pagmomonitore ng progreso ng konstruksiyon.

9. Pag-audit ng Kagamitan at Software (2 Linggo)


- Pag-audit ng mga kinakailangang kagamitan at software na kailangan para sa operasyon ng
printing station.

10. Pagsasanay ng Personnel at Pagpapatakbo ng Test Run (2 Linggo)


- Pagsasanay sa mga personnel na magsusuplay at mag-ooperate ng printing station.
- Pagsasagawa ng test run para sa maayos na operasyon bago ito opisyal na buksan sa publiko.

11. Pagpapasinaya at Paglulunsad (1 Araw)


- Paghahanda para sa seremonya ng pagpapasinaya at paglulunsad ng printing station.
- Pag-anyaya sa mga stakeholders, opisyales ng paaralan, guro, magulang, at estudyante.

12. Post-Implementation Evaluation (2 Linggo)


- Pagsusuri sa tagumpay ng proyekto pagkatapos ng ilang buwan ng operasyon.
- Pagtanggap ng feedback mula sa mga gumagamit upang makapagbigay ng posibleng mga
pagpapabuti.

You might also like