Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Name of PST: Kaeth Laurence O.

Notario Date of Teaching: March 21, 2023


Name of Mentor: Mrs. Madznahara A. Angsa Date Submitted: March 16, 2023

Banghay Aralin sa Filipino V


Pasaklaw na Pamamaraan

I. Layunin
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan ang mga mag-aaral sa ikalimang baiting
ay inaasahang magawa ang mga sumusunod na may 80% na kawastuhan;
a. Nakikilala ang kaibahan ng opinyon at katotohanan sa isang pahayag
b. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan;
c. Napapahalagahan ang pagkakaiba ng pahayag na opinyon lamang at mga
pahayag na may katotohanan

II. Paksang- Aralin


Paksa: Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan
Sanggunian: Alab Filipino Batayang Aklat 5 (pahina 144-146)

III. Kagamitan:
Incentive chart, Mga tsart

IV. Pamamaraan

A. Paghahanda
Magandang umaga mga bata! (magandang umaga po teacher) Kumusta na kayo?
(mabuti lang po teacher) mabuti naman kung ganoon. Narito ang inyong incentive chart. Ano
ang nakikita niyo sa pisara? (Mga ladder/hagdan at mga bata po) Tama. Ang mga batang ito ay
sina Mario, Jun at Maria. Ngayon, gusto niyo ba silang tulungan upang makuha ito? (Opo) Ano
ang dapat niyong gawin upang sila ay matulungan? (Makilahok sa mga Gawain) Tama. Ang
bawat puntos ay may katumbas na isang hakbang pataas ng hagdan. Naintindihan ba? (Opo)
Ano- ano ang dapat ninyong gawin habang tayo ay nagkaklase at gumagawa ng gawain?
1. Makinig nang mabuti.
2. Huwag mag-ingay
3. Umupo nang maayos.
4. Mag- participate o makilahok.

Mahusay!

1. Pag-alala sa Tuntunin
Ngayon, tungkol saan ang ating talakayan kahapon? (Tungkol sa Opinyon o
Katotohanan po) Magaling mga bata! Paano mo malalaman kung ang pahayag ay Katotohanan?
(Malalaman natin na ang pahayag ay Katotohanan kung ito ay mapapatunayan ng mga
ebidensya o nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo.)
Magaling mga bata! Paano mo malalaman kung ang pahayag ay Opinyon? (Malalaman naman
na ang pahayag ay isang Opinyon kung ang isang pananaw ng isang tao o pangkat ay maaaring
totoo pero gawa-gawa o kuro-kuro o haka haka ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan )
Mahusay!

B. Pagbibigay Halimbawa
Ngayon mga bata ay may ibibigay akong isang gawain ngunit bago ang lahat ano ang
dapat tandan kapag tayo ay nagsasagawa ng isang Gawain?
1. Makinig sa panuto ng guro
2. Makilahok sa gawain
3. Iwasang mag-ingay
4. Tapusin sa takdang oras

Mahusaymga bata! Ang gawaing ito ay pangkatan. Handa na ba kayo? (opo teacher).

Panuto: Suriin kung ang pahayag ay isang katotohanan o opinyon. Isulat sa patlang ang
sagot.

_Katotohanan 1. Marami tayong pakinabang sa ating teritoryo


Katotohanan 2. Tungkulin lamang ng pamahalaan na pangalagaan ang teritoryo ng
Pilipinas.
Katotohanan 3. Masigasig na nangangalaga ng ating papawirin ang Hukbong Himpapawid.
Opinyon__ 4. Maaaring sumapi ang lahat ng mamamayang Pilipino sa hukbo sa oras ng
digmaan.
Opinyon__ 5. Magkakatulad ang mga gawain ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

C. Paglilitis
Ngayon, tingnan natin kung tama ang inyong mga sagot. Ano ang sagot sa unang
bilang? (Katotohanan po) Magaling Ano naman ang sagot sa pangalawang bilang?
(Katotohanan) Tama. Ano naman ang sagot sa pangatlong bilang? (Katotohanan) Tama. Sa
pang-apat naman, ano kaya ang sagot? (Opinyon) Magaling. At para sa panghuling bilang, ano
naman ang sagot rito? (Opinyon) Aba’y kay gagaling! Naunawaan at naintindihan ninyo ang
ating talakayan.

V. Pagbibigay Halaga
Ngayon naman ay nais kong sagutan ninyo ito.

Panuto: Isulat ang K kung katotohanan ang detalye batay sa pangungusap at O kapag
opinyon ang pangungusap.

O 1. Para sa akin, letchon ang pinakamasarap na pagkain.


O 2. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay MAxene.
O 3. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay kaysa sa dilaw.
K 4. Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon.
K 5. Ang nanay ang nagsilang sa anak.
K 6. Ang bata ay may pangalan
K 7. Ang pamilya ay may tinatawag na tahanan
K 8. Kailangan ng tao ang pagkain para mabuhay
O 9. Ang nanay ang natuturo sa anak ng araling hindi nito mauunawaan.
K 10. Habambuhay na magpapasalamat ang anak sa nanay.

VI. Takdang-Aralin
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan at batay sa pahayag
mula sa iyong nagging kasagutan, ipaliwanag mo kung bakit OPINYON o HINDI ang iyong
napiling sagot. (5puntos)

1. “Ang Wikang Filipino ay isang pagpapalawak ng bersyon ng Filipino”

You might also like