Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DULA- DULAAN – PAGHAHANDA SA PANAHON NG KALAMIDAD

TAGPUAN: Sa isang pamayanang malapit sa ilog.

Mga Tauhan:

Althea

Alexa

Margaux

Gaelle

Liam

Micah

Princess

Alexa: (Narrator) Ang mag-anak nina Nanay Gaelle at Tatay Liam


ay nakatira sa isang maliit na pamayanang malapit sa ilog.
Problema ng pamilya ang kanilang kalagayan tuwing dumarating
ang tag-ulan sapagkat lubhang mapanganib ang kanilang
kalagayan. Nararanasan nila ang paghihirap tuwing binabaha ang
kanilang lugar idagdag pa dito ang kahinaan ng pundasyon ng
kanilang bahay.

Aling Gaelle(Nag-aalala) Liam, Ilang araw ng hindi tumitila ang


ulan, umaapaw na ang tubig sa ilog. Kailangan na nating
maghanda ng mga kakailanganin at lumikas tayo sa lalong
madaling panahon.

Tay Liam: Sige Gaelle at tatawagin ko na ang ating mga anak upang
ihanda ang mga kakailanganin sa ating paglikas. (Tatawagin ang
mga anak) Althea, Micah, Princess, Margaux, pumasok kayo dito sa
sala! May mahalaga po tayong pag-uusapan.
Alexa (Narrator): (Nakaupo sa sala ang buong mag-anak )Pinag-
usapan nila ang mga paghahandang dapat gawin sa paparating na
kalamidad.

Aling Gaelle: Oh, mga anak, natatandaan po ba ninyo ang mga


dapat gawin at mga kailangang dalhin sakaling kailanganin na
nating lumikas dahil sa paparating baha?

Althea: Opo Nanay, palagi po akong mag-aantabay sa balita sa


radio upang malaman ang mga anunsyo na ibibigay ni Kapitan at
icha-charge ko na din po ang ating mga celphone.

Margaux: Ako naman po ay ihahanda ang Go Bag na naglalaman


ng mga kakailanganin natin sa evacuation center gaya ng mga
pagkaing de-lata, noodles at tubig.

Micah: Ako naman po Tatay ay ihahanda ang ating


health kit, sisiguraduhin ko po na may mga gamot gaya
ng paracetamol at mga panlinis sa sugat gaya ng
betadine, ointment at bandage.
Princess: Ako naman po Tatay ay dadalhin sa isang makapal na
plastic ang mga mahahalagang dokumento gaya ng aming mga
birth certificate, mga ID po natin at titulo ng ating lupa upang
siguraduhing hindi po ito mababasa.

Tatay Liam: Salamat mga anak at handa kayong sumunod sa mga


ipinag-uutos namin sainyo upang manatili tayong ligtas sa oras ng
kalamidad.

Nanay Gaelle: Oh Tatay, mga anak, nandito na pala ang sasakyan


na ipinadala ni Kapitan, magsipaghanda na po kayo upang tayo ay
makalipat na ng pansamantala sa pinakamalapit na evacuation
center.

Althea: Nanay, saan po ang evacuation center na pupuntahan


natin?
Nanay Gaelle: Sa Tiwi Central School tayo pupunta anak, dahil ito
ang pinakamalapit na evacuation sa ating bahay.

Alexa (Narrator): At sumakay na ang mag-anak sa jeep na


magdadala sa kanila sa evacuation center. Tatandaan po natin na
ang paghahanda sa oras ng kalamidad ay seryosong gawain na
dapat nating gampanan upang manailing ligtas ang ating sarili at
pamilya sa kapahamakan sa oras ng pagtama ng anumang uri ng
kalamidad.

You might also like