Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isang magandang araw po sa ating lahat...

pakisabi ng apo sa inyong katabi na

salamat at kasama kita ngyun at salamat dahil hindi natin binigo ang Diyos sa araw

na ito. Amen...! siguro po kung makikita natin ang Muka ng Diyos ngayung mga

oras na ito Siya any nakangiti dahil nakasama niya tayo sa ating pananalangin...

Amen! isipin nga din po ninyo ang pagkakataon na sa sobrang saya ninyo ay tila

ba yaw na ninyong matapos ang oras na iyon... (ang sarap po sa pakiramdam noh)

Isipin nga po ninyo ung isang pagkakataon na sobra kayong nasaktan, yung tipong

naghalo na ang luha at sipon ninyo sa kakaiyak...

Narinig natin sa Ebanghelyo sa araw na ito kung paano tumangis si Hesus habang

tinatanaw Niya ang lungsod ng Jerusalem, dahil nakita Niya na ang lungsod na ito

ay sisirain at wawasakin ng mga kaaway at walang matitira ni kahit na isang bato

sa ibabaw pa ng isang bato, sinabi din niya na dumating sa kanilang piling ang

tagapagligtas ngunit hindi nila ito kinilala. Mga kapatid sa ating pagninilay ngayun

tila ba may kurot sa ating puso dahil nakita natin kung paano tumangis ang Diyos

kung paano umiyak ni Hesus dahil sa pagkadismaya sa mga tao noon sa lungsod

ng Jerusalem. Alam ninyo po na pag ang Diyos na ang tumangis para bang

napakalaking kasalanan na ang ginawa ng isang tao, kapag and Diyos na ang

nasaktan kapag ang Diyos na ang lumuha, ibig sabihin noon ay nakalimutan na

natin o hindi na natin Siya nakikilala sa buhay natin. Maga kapatid tandaan po

natin na ang Diyos ay nakipamayan sa atin nakipamuhay sa atin sabi nga sa ibang
kasulatan na ang Diyos ang Salita na nagkatawang tao, pero hindi ito

marecognized ng mga tao noon panahon ni Hesus, gumawa Siya ng madaming

himala, nangaral Siya tungkol sa kaharian ng Diyos, nagpagaling ng mga may

sakit, at nagpalayas pa Siya ng mga demonyo, pero kahit na anong gawin ni Hesus

noon ay hindi pa din Siya tinatanggap ng mga tao kaya ganoon na lamang ang

pagtangis Niya, ganoon na lamang ang pagiyak Niya. tumangis Siya sapagkat Siya

ay nanghihinayang sa oportunidad, nanghihinayang Siya sapagkat nasa harap na

nila ang pagkakataon na sana’y maliligtas ang mga tao na sana’y ang mga tao ay

makikilala ng harap harapan ang Diyos at makakadaupang palad pa nila pero

sinayang nilang ang napakagandang pagkakataon na iyon na makaisa ang Diyos, at

matanggap ang Diyos sa kanilang buhay. Ano po ang kaugnayan nito sa ating

buhay? Alam ninyo po tumatangis din ang Diyos sa mga oras na hindi natin

nararamdaman ang kanyang presensya, sa mga pagkakataong hindi natin

pinapahalagahan ang kanyang mga biyaya at sa mga pagkakataong tayo ay

nagkakasala, sa mga pagkakataong hindi natin tinatangap ang kanyang presenya sa

buhay natin, sa mga pagkakatong pinagpapalit natin ang Diyos sa mga

makamundong bagay, tumatangis ang Diyos nanghihinayang ang Diyos, sapagkat

andito na siya sa piling natin lumalapit na Siya sa atin nagpapakilala na Siya sa atin

pero hindi pa din natin Siya pinapansin, mga kapatid isang hamon sa atin ngayon

na wag sana nating hayaan na lumuha ang Diyos, wag sana nating hayaan na
tumangis ang Diyos dahil pag ang Diyos ay tumangis isa lang ang ibig sabihin

niyan napakamakasalanan na natin, napakalaking paglayo at pagyurak ang

ginagawa natin sa kanyang pagkaDiyos. Wag sana nating hayaan mawala ang

napakagandang ngiti ng Diyos sa kanyang mga labi sa tuwing tayo ay susunod sa

kanya, nawa’y pawiin natin ang mga luha sa mga mata ng Diyos sa bawat

kasalanan na ating ginagawa. Katulad ng ginawa ni Matatias sa unang pagbasa

kung ating napakingan na mabuti dahil sa labis na pananampalataya niya sa Diyos

mas pinili niyang lisanin ang kanyang bayan kasama ng kanyang pamilya kesa

sundin ang gusto ng hari na itakwil nila ang kanilang pananampalataya, ganito din

ang inaasahan Diyos sa atin sa tuwing madami ng kasalanan at kasamaan ang

nagyayari sa ating kapaligiran bilang pagmamahal natin sa Diyos maging iba tayo

sa kanila tayo ang magsilbing gabay sa mga taong nagkakasala upang sa gayon ang

pagtanging ng Diyos sa kanilang buhay ay mapalitan ng mga ngiti at pagmamahal

kaya sabi nga po sa salmon tugunan ang masunirin sa Diyos ay sasagipin nyang

lubos. Amen!

You might also like