Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagsasalin


ng Kapangyarihan sa mga Pilipino Tungo sa Pagsasarili .
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Liezl G. Tupas
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle
Teknikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Pangyayaring Nagbigay Daan sa
Pagsasalin ng Kapangyarihan sa mga
Pilipino Tungo sa Pagsasarili

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 6) ng
Modyul para sa araling Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagsasalin ng
Kapangyarihan sa mga Pilipino Tungo sa Pagsasarili !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa (Mga
Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagsasalin ng Kapangyarihan sa mga Pilipino Tungo
sa Pagsasarili ) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahan na
naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pagsasalin ng
kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili.

PAUNANG PAGSUBOK

Lagyan ng bituin ( ) ang mga ginagawa ng mga Amerikano upang


maipatupad ang mga programa at patakarang pangkabuhayan.

______1. Binigyan ng lupa ang mga magsasaka

______2. Itinatag ang Kagawaran ng Agrikultura

______3. Nagtayo ng ilang korporasyon

______4. Nagpatupad ng malayang kalakalan

______5. Nilikha ang National Economic Council

BALIK-ARAL

Lagyan ng tsek (/) kung ang pampublikong paaralang inilalarawan ay


noong panahon ng Espanyol, Amerikano o ngayon.

Mga Katangian Espanyol Amerikano Ngayon

1. Bukas para sa lahat


2. Sundalo ang mga guro
3. Nababagay sa mayayaman
4. Sinubaybayan ng simbahan
5. Ingles ang wikang ginamit na
panturo

ARALIN

Sa iyong palagay, ano ang kahulugan ng salitang Pilipinisasyon?


Isulat sa ibaba ng mapa.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Ipaliwanag.
Paano kaya natamo ang Pilipinisasyon noong panahon ng pananakop ng
mga Amerikano sa Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga hakbang na isinagawa at batas na ipinatupad para sa pagsasarili ng


ating bansa mula sa pananakop ng United States. Narito ang ilan.

Philippine Organic Act of 1902 o Batas ng Pilipinas, 1902


Noong Hulyo 1902, inilipat sa Kongreso ng United States ang pamamahala
sa Pilipinas batay sa isang batas na kilala sa tawag na Philippine Organic
Act of 1902 o Batas ng Pilipinas, 1902. Ang batas na ito ay inakda ni
Kinatawan Henry Allen Cooper kaya tinawag ding “ Batas Cooper”.
Pinagtibay noong 1902. Ito ang nagkaloob ng karapatan sa mga Pilipino at
nagsilbing Batas Organiko ng Pilipinas. Ang pinakamahalagang tadhana ng
batas na ito ay ang paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang
kapulungan. Ang Komisyon ng Pilipinas ang magiging mataas na
kapulungan at ang Asembleya ng Pilipinas ang magiging mababang
kapulungan na bubuuin ng mga kinatawan na inihalal ng taong bayan.

Pagbuo ng Partidong Politikal


Nang matiyak na ang kapayapaan at kaayusan ng bansa noong
1905, naghanda ang mga Pilipino para sa halalang itinadhana ng Philippine
Organic Act of 1902. Nagtatag sila ng mga lapiang political. Ang layunin ng
Partido Nacionalista ay makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa lalong
madaling panahon at ang layunin naman ng Partidong Progresista ay ang

maghintay ang mga mamamayan hanggang sa ang Pilipinas ay magkaroon


ng maunlad na kabuhayan at kultura bago humingi ng kalayaan sa United
States.
Ang Asemblea
Hulyo 1907 nang idaos ang halalan para sa Asemblea ng Pilipinas.
Limampu’t siyam ang nanalo sa Nacionalista, 16 ang sa Progresista at lima
sa Independiente. Ang pagkakaroon ng halalan ay nagpatunay na ibig na ng
mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan.
Oktubre ika-16 taong 1907, nagkaroon ang mga Pilipino ng
pagkakataong makalahok sa pamamalakag ng pamahalaan. Nahirang si
Sergio Osmena bilang tagapagsalita o ispiker, at si Manuel Quezon naman
an glider ng mayorya o majority floor leader. Pinatunayan ng mga Pilipino
ang kanilang kakayahan sa pamahalaan at sa paggawa ng batas para sa
sariling bayan.

Patakarang Pilipinisasyon

Naging patakaran ng mga Amerikano na maglagay ng mga Pilipinong


may kakayahan sa mga tungkulin sa pamahalaan. Ginawa ito upang
masanay at maihanda sa mga Pilipino na mamahala sa sariling
pamahalaan. Ang patakarang ito ay tinawag na PIlipinisasyon. Nang
mahirang si Gobernador Francis Burton Harrison, isang Amerikanong
may liberal na kaisipan, lalong dumami ang mga Pilipinong nahirang sa
pamahalaan. Lumiit naman ang bilang ng mga Amerikano sa pamahalaan.
Bago natapos sa panunungkulan si Harrison mayroon lamng 614
Amerikano na naglilingkod sa pamahalaan. Ang bilang ng mga Pilipinong
nasa pamahalaan ay umabot na sa 13, 240. Dahil ditto napamahal sa mga
Pilipino si Francis Burton Harrison. Bilang Pasasalamat ay ginawaran siya
ng pagkamamamayang Pilipino ng Lehislatura ng Pilipinas.

Sanggunian ng Estado
Bagamat wala sa tadhana ng Batas Jones, lumikha si Gobernador
Francis Burton Harrison ng Sanggunian ng Estado alinsunod sa mungkahi
ni Sergio Osmena. Ang Sanggunian ay binubuo ng gobernador sibil, kalihim
ng mga kagawaran, Ispiker ng Mababang Kapulungan at ang Pangulo ng

Senado. Tungkulin nito na magpayo sa gobernador sibil ukol sa


pamamalakad ng bansa. Dahil ditto, nangkaroon nang higit na
partisipasyon ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa.

Ang Philippine Autonomy Act of 1916


Noong ika-29 ng Agosto 1916, pinagtibay ng Kongreso ng America ang
Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act of 1916 bilang kapalit ng
Philippine Bill of 1902. Dahil dito, ang sangay ng lehislatibo ay lubusang
napasakamay ng mga Pilipino. Sa pambungad nito, isinaad na ang layunin
ng United States sa pagsakop sa Pilipinas ay hindi ang palakihin ang
kanilang lupain kundi ang ipagkaloob ang kasarinlan ng mga Pilipino sa
sandaling ito ay magkaroon ng metatag na pamahalaan.

Mga Misyong Pangkalayaan


Ang paghahangad ng mga Pilipino na lumayo ay hindi namatay nang
isuko ang kanilang laban sa mga Amerikano. Pinatunayan ito ng mga
pagkakapanalo ng mga Nacionalista sa Asembleya at sa Lehislatura ng
Pilipinas. Dahil dito, lumikha ang lehislatura ng Komisyon sa Pagsasarili
upang mangampanya sa Kongreso ng Amerika na bumuo ng batas para sa
kalayaan ng Pilipinas. Maraming ipinadalang misyon ngunit walang
nangyari. Subalit nanatiling tapatang mga Pilipino sa pag-asa na sila’y
magiging Malaya balang araw.

Batas Hare-Hawes Cutting


Noong 1931 nagpadala si Manuel L. Quezon ng isa pang misyon sa
Estados Unidos. Tinawag itong Misyong Os-Rox dahil pinamumunuan ito
nina Sergio Osmena at Manuel Roxas. Dahil sa kanilang pagsisikap,
pinagtibay ng KOngreso ng Amerika noong 1932 ang Batas Hare-Hawes
Cutting. Itinadhana nito ang pagtatatag ng sampung taong pamahalaang
Komonwelt at pagkatapos ay ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas.
Ngunit hindi ito pinagtibay ng lehislatura ng Pilipinas dahil maraming
tadhana na hindi ayon sa interes ng mga Pilipino.

Batas Tydings Mc Duffie


Nang hindi maaprubahan ang Batas Hare-Hawes Cutting, tumulak si
Manuel L. Quezon sa Washington DC. Dahil sa maganda niyang talumpati
sa KOngreso ng Amerika, nahikayat niyang bumuo muli ng isang batas para
sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay isinulat ni Senador Tydings at Congessman
McDuffie. Ang batas ay nilagdaan nina Pangulong Franklin Roosebelt noong
Marso 24, 1934. Ito ay pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas noong Mayo 1,
1934.

Ang Saligang Batas ng 1935


Gaya ng itinadhana ng Philippine Independence Act of 1934 o Batas
Tydings-McDuffie, nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kumbensiyon
sa Maynila para sa paghahanda ng Saligang Batas noong Hulyo 10, 1934.
Dalawandaang delegado ang nahalal na bubuo sa Kumbensiyon. Nahalal
na Pangulo ng Kumbensiyon si Claro M. Recto at si Ruperto Montinola
bilang Pangalawang Pangulo. Ilang buwan din nilang pinag usapan at
pinagtalunan ang mga tadhana ng Saligang Batas. Pinagtibay ito noong
Pebrero 8, 1935.

Tanong:
1. Paano naipatupad ang Pilipinisasyon ng pamahalaan ng ating bansa?

____________________________________________________________________

2. Naging makabuluhan baa ng Philippine Autonomy Act para sa mga


Pilipino? Paano?

___________________________________________________________________

3. Bakit nagkaroon ng mga misyong pangkalayaan?

__________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang Saligang Batas ng 1935?

________________________________________________________________________

Punan ang Graphic Organizer:

Mga Pangyayaring May kinalaman sa pagsasalin


ng kapangyarihan ng mga Pilipino tungo sa
Pagsasarili
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay I Isulat ang W kung katotohanan ang isinasaad ng
pangungusap, at O kung ito ay opinion.

_____1. Matatalino ang mga nanguna sa misyong pangkalayaan.


_____2. Nakipaglaban ang mga Pilipino upang makamit ang kalayaan.
_____3. Gumugol ng malaking pera ang mga Pilipino upang maging
malaya.
_____4. Bumuo ng mga misyon ang mga Pilipino upang makamit ang
minimithing kalayaan.
_____5. Hindi nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino upang makamit ang
minimithing kalayaan.

Pagsasanay II Lagyan ng bilang 1 hangang 5 ayon sa pagkakasunud-sunod


ang mga pangyayari kaugnay sa pagkakatatag Pamahalaang
Komonwelt.

_____1. Pinagtibay ang Batas Tydings-McDuffie.


_____2. Pinagtibay ang Saligang Batas ng mga Pilipino.
_____3. Nagpulong ang mga delegado para sa Kumbensiyon.
_____4. Sumulat ng Saligang Batas ang mga delegado sa Kumbensiyon.
_____5. Nagpadala ng mga misyong pangkasarinlan ang mga Pilipino sa
United States.

Pagsasanay III Buuin ang pyramid. Isulat ang tinutukoy sa ibaba.

1. _______
2. ____________

3. _______________

4. ____________________

5. ___________________________

1. Tawag sa malasariling pamahalaan na itinatag sa Pilipinas


2. Ang mga ipinadala sa United States upang maitatag ito
3. Ang binuo upang maging batayan ng pamahalaan
4. Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito
5. Ang mga karapatang ibinigay nito sa mga mamamayan.

PAGLALAHAT

Bakit mahalaga ang Pilipinisasyon?


_______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Kung ikaw ang tatanungin, nakatulong ba ang mga hakbang na isinagawa at


batas na ipinatupad para sa pagsasarili ng ating bansa mula sa pananakop
ng United States? Sa papaanong paraan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ng bawat bilang.


_______ 1. Mithiin ng mga Pilipino na makapagtatag ng sariling Pamahalaan,
Dahil dito
A. Nagsagawa ng mga misyon at batas pangkalayaan ang mga
Pilipino.
B. Nagsagawa ng madahas na pamamaraan ang mga Pilipino.
C. Pumili ng mga namumunong magagaling para mamuno sa
malasariling pamahalaan.
D. Humiling ng kalayaan ng may kapalit.

_______ 2. Kailan pinasinayaan ang Asemblea ng Pilipinas?


A. Agosto 15, 1902
B. Oktubre 16, 1907
C. Oktubre 27, 1906
D. May 1, 1934

________3. Ang Misyong Os-Rox ay pinamunuan nina Osmena at Roxas. Ano


ang layunin nito?
A. Hilingin ang batas ng Pilipinas.
B. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas.
C. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas.
D. Magkaroon ng pagmamay-ari ang Pilipinas.

_________4. Ang Batas Tydings-McDuffie ay isa sa mga hakbang ng mga


Pilipino upang makamit ang kalayaan. Ano ang isinasaad nito?
A. Batas na nagtatadhana para magbigay ng kasarinlan ng
Pilipinas.
B. Batas para magbigay ng kalayaan sa mga Amerikano.
C. Batas para ipagbawal ang paggamit ng Ingles.
D. Wala sa nabanggit.

_________5. Ito ang batas na pinagtibay ng Kongreso ng United States


bilang kapalit ng Philippine Bill of 1902at kilala rin bilang Batas
Jones.
A. Philippine Autonomy Act of 1916
B. Batas Tydings-McDuffie
C. Saligang Batas ng Pilipinas
D. Philippine Organic Act of 1902

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay I Pagsasanay II

1. 1. O 1. 2
2. 2. O 2. 5
3. 3. W 3. 3
4. 4. O 4. 4
5. 5. O 5. 1

Pagsasanay III Panapos na Pagsusulit


1. Pamahalaang Komonwelt 1. A
2. Misyong Os-Rox 2. B
3. Saligang Batas 3. B
4. Ehekutibo, lehislatura at hudisyal 4. A
5. Kalayaan sa pagsusulat, paglalathala, 5. A
pagsasalita, pagsamba sa anumang
relihiyon

SANGGUNIAN

Antonio, Eleanor, Banlaygas, Emilia and Dallo, Evangeline. Kayamanan 6.


New Edition. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M. Recto Ave. Manila,
Philippines. REX Book Store Inc. 2015
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q3-lesson-19-sa-ilalim-ng-
mga-mga-hapon

You might also like