Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino6
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino6
5. Sino ang kasama ni Gemma sa mga ginawa niya noong araw ng Sabado at Linggo?
A. ama B. ate C. kuya D. ina
6. Batay sa napakinggang anekdota ni Jose Rizal, bakit niya itinapon ang isang pares ng tsinelas?
A. sapagkat inutos sa kanya C. dahil nawala rin ang isa
B. upang pakinabangan pa ng iba D. ito ay nais lamang niya
Alin sa mga sumusunod ang wastong pandiwa sa pangungusap gamit ang salitang-ugat na apekto?
A. inapektuhan C. naapektuhan
B. aapektuhan D. naaapektuhan
14. Ang pamahalaan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bnsa.
Ang may salungguhit ay ginamit bilang pokus sa _____________.
A. aktor B. benepaktibo C. layon D. ganapan
15. Pinagdausan ng pulong ng mga guro sa Filipino ang silid-aralan ni Gng.Santiago. Ang ginamit na pokus sa
ganapan o lokatibo sa pangungusap ay______________
A. pulong B. silid-aralan C. Gng. Santiago D. guro
16. Ikinagulat ng ina ang pagsigaw ng kaniyang anak. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit?
A. Pokus sa sanhi B. Pokus sa tagaganap
C. Pokus tagatanggap D. Pokus sa direksiyon
17. Ipinambalot namin ang mga ni-recycle na mga bag. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit?
A. Pokus sa sanhi B. Pokus sa gamit
C. Pokus tagatanggap D. Pokus sa direksiyon
18. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ginamit ang pokus na instrumental o gamit?
A. Si Kapt. Reyes ay tumulong sa mga biktima ng baha sa kanilang barangay.
B. Ang cabinet ay pinagtaguan ng mga pinamiling pagkain.
C. Ang basahan ay ipinampunas ng maruming mesa.
D. Ang pangulo ay pumunta sa mga lalawigan sa Gitnang Visayas.
19. Labis na (tuwa) ang mga magulang ni Gloria nang tumanggap siya ng medalya sa kaniyang pagtatapos. Ano
ang angkop na pandiwa gamit ang salitang ugat na tuwa?
21. Si Maria ay balat-sibuyas kaya naman ay madali siyang umiyak. Ang may salungguhit ay nasa kayariang
___________.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
22. Ang mga sumusunod na pang-uri ay nasa kayariang payak MALIBAN sa ____________.
A. payapa B. sariwa C. balingkinitan D. abuhin
23. Ano ang salitang angkop itambal sa lakad upang mabuo ang isang tambalang salita na nangangahulugang
mabagal lumakad?
A. palaka B. pagong C. pating D. kalabaw
24. Magkasinghusay sa pagpipinta ang magkapatid na Kate at Kianna. Ang may salungguhit ay nasa kailanan
na _____________.
A. isahan B. dalawahan C. tatluhan D. maramihan
26. Matiyagang naglakad ang mga deboto ng Itim na Nazareno patungong Quirino Grandstand. Ang pang-abay
na pamaraan na ginamit sa pangungusap ay________________.
A. naglakad B. deboto C. matiya D. Quirino Grandstand
27. Maagang umalis ng bahay si Aling Sonia upang mamili ng mga panindang gulay sa Divisoria. Ang may
salungguhit ay ginamit bilang pang-abay na __________________.
A. panlunan B.pamanahon C. pamaraan D. pananggi
30. Alin sa mga sumusunod na pang-abay na pamaraan ang angkop sa pangungusap sa ibaba?
__________ tumakbo si Ronald kaya naman siya ang napiling manlalaro sa Track. and Field.
A. mabagal B. madulas C. masaya D. mabilis
Pista
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga
Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng
kani-kanilang tahanan. Sa araw ng kapistahan, magsisimba ang mga matatanda at
bata, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Sa
gabi sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng palabas. Pagkatapos ng pista, masaya
silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng mga pinagkainan at nagkukuwentuhan ng
mga pinagkagastusan subalit makikita mo sa kanilang mukha ang labis na
kaligayahan.
31. Ano ang ginagawa ng mga tao bago sumapit ang pistang bayan?
33. Ano ang napapanood tuwing sasapit ang gabi sa araw ng pista?
A. nakikisaya sa mga taong dumaraan
B. sumasama sa prusisyon at nanonood ng palabas
C. nakikisayaw sa mga parada
D. nakikilahok sa paligsahan
34. Paano natatapos ang pagdiriwang kapistahan? Ang mga tao ay _______________.
A. pinag-usapan ang lahat ng mga nagastos
B. pinagsasauli ang mga kalderong nagamit
C. natutulog pagkatapos ng handaan
D. naglilinis,nagliligpit ng mga pinagkainan at masayang nagkukwentuhan
35. Masayang umuwi ng bahay si Fred galing sa paaralan. Tuwang-tuwa siya sa nakahain sa mesa at agad
siyang napaupo at sarap na sarap siya sa kanilang ulam, ang paborito niyang adobong manok. Pagkatapos
kumain lumapit siya sa bintana at himas-himas ang busog na tiyan. Tumingin siya sa labas nang bigla siyang
natigilan nang ____________________________.
A. may panauhing dumating
B. umalis ang kaniyang mga magulang
C. tahol ng tahol ang kaniyang alagang aso
D. nawawala sa kulungan ang alagang manok
36. Kinakabahan si Tomy. Hindi siya mapakali. Ngayon ibibigay ang resulta ng pagsusulit. Tinawag ang
kaniyang pangalan. Nakangiti siya nang bumalik sa upuan.
A. Siya ay nakapasa sa pagsusulit.
B. Hindi nakapasa ang kaniyang kaibigan.
C. Wala sa talaan ang kaniyang pangalan.
D. Mababa ang kaniyang nakuhang iskor.
37. Nais ni Karlo mamitas ng mangga ngunit malaki at mataas ang puno. Kumuha siya ng hagdang kawayan at
isinandal sa puno. Nakaakyat nga siya ngunit pagdaan ng naghahabulang mga bata, nabundol nila ang hagdan at
nabuwal ito. Upang makababa ___________________.
A. nagpasalamat sa mga tumulong sa kaniya.
B. sumigaw si Karlo para humingi ng tulong.
C. pinapabalik ang hagdan para siya ay makababa.
D. pinagalitan ang mga batang nakabundol sa hagdan.
38. Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit ng ina na patitigilin
sila sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.
A. Mahirap mag-aral.
B. Kailangan mapera para makapag-aral.
C. Ang mahirap ay hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
D. Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
39. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis ang kapaligiran at
makalikom ng pondo.
A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
40. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro
upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
C. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
D. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase. Kaya dapat siya
ay laging handa.
41. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase, huwag siyang
kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na parehong mahusay sa Filipino at
Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.
A. Matutong makipagkaibigan.
B. Iwasan na mapalapit sa baguhan.
C. Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito.
42. Napansin ni Aling Iska ang natuyong dugo sa kanyang talampakan. "Heto ang pera, pumunta ka sa doktor at
nang magamot iyan. Mahirap na baka ma- leptospirosis ka pa. Baka nakakalimutan mo Itoy, na leptospirosis
ang ikinamatay ng tatay mo."
A. matulungin B. mapagmalasakit
C. maawain D. mapagbigay
43. Napalitan ng pagkabalisa ang kanina'y masayang mukha nang maalala niya ang nanay na inaapoy ng lagnat
na iniwan niya sa bahay. Dumaan siya sa botika at bumili ng gamot para sa kanyang sugat at para na rin sa
nanay niyang maysakit.
A. mapagkalinga B. masunurin C. mabait D. masinop
44. Si Harold ay mag-aaral ni Bb. Velasco. Siya ang umaalalay sa kanya dahil hirap sa pagsulat si Harold. Si
Bb. Velasco ay _____________________
A. masipag B. matiyaga C. magalang D. maaasahan
45. Naglalaro isang araw ang magkaibigang Fred at Ted. Dahil si Ted ay mahirap lamang, sabik na sabik siyang
malaro ang laruan ni Fred. Ang sabi ni Fred, “Ted sa iyo na ang laruang ito. Pahiramin mo ang kapatid mong si
Lito.” Si Fred ay ________________.
A. matulungin B. madamot C. maawain D. mapagbigay
46. Kahit iika-ika ang lakad at nararamdaman niya ang sakit tuwing itatapak ang kanang paa sa paghakabang ay
tinahak pa rin niya ang bahay ni Aling Iska.
A. determinado B. pabaya C. matiisin D. responsible
47. Kailangan ng mga taga-nayon ang isang kapilya para may mapagsimbahan sila. Nagpulong ang Kapisanan
ng Kababaihan. Nagkaisa silang manghingi ng donasyon sa mga taga-nayon upang maisagawa ang proyekto.
Dahil sa pagkakaisa, malaki ang nakolekta nilang pera. Bunga ng pagkakaisa, naitayo nila ang Kapilya ng Sto.
Niño. Ang pangunahing diwa ng kuwento ay _________.
A. Nabuo ang proyekto sa pagpupulong.
B. Nabuo ang proyekto sa pagkakaisa.
C. Nabuo ang proyekto sa tulong ng Sto. Niño.
D. Nabuo ang proyekto dahil sa donasyon.
48. Ginagayakan ng mga dalaga ang bahay nina Nana Bebang at Tata Berong kasi magdiriwang sila ng ika-50
anibersaryo ng kasal. Tumulong sa pagluluto ang mga kamag-anak nila. Tumulong naman sa paghahanda ng
mesa ang mga anak na dalaga ng kanyag mga kaibigan. Masaya ang lahat nang mabilis nilang natapos ang mga
gawain. Ang pangunahing diwa ng kuwento ay __________.
A. Masaya kapag ipinagdiriwang ang ika-50 anibersaryo ng kasal.
B. Masayang tumulong kapag may handaan.
C. Maraming ginagawa kapag may handaan.
D. Madaling matapos ang gawain kapag nagtutulungan.
49. Ang magkakapitbahay kung malapit ang kalooban sa isa’t isa ay daig pa ang magkakamag-anak. Kung may
kagipitang dumarating, mga kapitbahay ang tumutulong. Hindi makatutulong ang isang kamag-anak gaanoman
ito kamahal sa kanya kung siya ay nasa malayong lugar. Ang pangunahing diwa ng kuwento ay __________.
A. Ang kamag-anak sa malayo ay hindi makatutulong sa oras ng kagipitan.
B. Ang mabuting kapitbahay ay maaasahan sa oras ng kagipitan.
C. Ang magkakapitbahay ay magkakamag-anak.
D. Mababait ang mga kapitbahay.
TALAARAWAN
Ngayon ay Sabado at ito na ang pinakahihintay kong araw dahil aalis kami ni mama papuntang mall upang mamili ng
mga gamit ko para sa recognition. Maaga akong gumising, kumain, naligo at umalis na. Excited na akong mamili ng mga
damit ko at sapatos. Pagkatapos naming mamili ni mama kumain kami sa isang kainan ng batchoy at umuwi na.
Linggo ngayon at araw ito para sa Poong Maykapal. Maaga kaming naghanda dahil magsisimba kami. Pagkatapos naming
magsimba, pumunta kami sa mall, namasyal at kumain. Walang ano-ano, biglang sumakit ang tiyan ko dahil naparami ang
kain ko ng kanin, fried chicken at inom ng softdrinks. Niyaya ko na sina mama na umuwi dahil masakit ang tiyan ko.
Nagmamahal,
Gemma
Anekdota
Pares ng Tsinelas
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may
halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga
bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na naghahabulan. Ang bangka
ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming
gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang
kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ito ay ginagamit
namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayong dagat. Mas mabilis ito kaysa
gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming
nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang
gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para
kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala
ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang isa pang tsinelas at dali-
dali kong itinapon sa ilog, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas. “Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” Tanong sa akin ng
kasamahan ko sa bangka. “Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino
man, ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang
batang katulad ko.