Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 4
PATAKARANG PISKAL

ALAMIN

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga pagsasanay, kaalaman at konsepto tungkol sa


patakarang piskal ng bansa at kung paano mo maaring gamitin ang iyong personal na
karanasan o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga gawain.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto


Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal.

Sa araling ito, inaasahang:


a. naipapaliwanag ang konsepto ng patakarang piskal;
b. nasusuri ang paraan na ginagamit ng pamahalaan sa pangangasiwa sa paggamit ng
pondo;
c. natatalakay ang pinagmumulan ng kita ng pamahalaan.

Batay sa nakaraang aralin, ipaliwanag ang kahulugan ng implasyon batay sa pag-unawa sa


konsepto.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TUKLASIN AT SURIIN

PATAKARANG PISKAL

Ang Patakarang Piskal ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa


paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa
pagbabadyet. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta
upang mabago ang galaw ng ekonomiya. (Balitao et al., 2017, p. 320)
Ang Patakarang Piskal (Fiscal Policy) ay may kinalaman sa pagkontrol ng pamahalaan sa
kanyang paggastos at pagpataw ng buwis na ang layunin ay palaguin ang ekonomiya at
balansehin ang mga presyo sa pamilihan. (https://www2.slideshare.net/biancad/patakarang-piskal)

Paraan na ginagamit ng Pamahalaan sa Pangangasiwa sa paggamit ng pondo.

Expansionary Fiscal Policy - ay patakaran na ginagawa ng gobyerno para pangasiwaan


ang ekonomiya. Isa itong pangangasiwa na nakakaapekto sa mga salik ng
makroekonomiks tulad ng implasyon, kawalan ng trabaho, at palitan ng lokal at

dayuhang pananalapi. (https://brainly.ph/question/514381)

Paraan:
1. Paggasta sa mga proyektong pampamahalaan.

1
2. Pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang pribadong sektor ay mahina o may
bantang hihina ang paggasta.

Contractionary Fiscal Policy - ang pagpasa at pagpapatupad ng mga batas ng gobyerno


na may kinalaman sa pagtataas ng buwis. Ito ay para pabagalin ang paggastos ng
gobyerno o ng tao na kadalasan nagpapabagal ng implasyon.
Sa pagtaas ng buwis ng gobyerno at hindi nila paggastos nito (tumigil ang
proyekto), mas maiipon ng gobyerno ang pera upang pabagalin ang pagdaloy
nito. Ginagawa ito ng gobyerno upang pabagalin ang daloy ng isang mabilis na
ekonomiya. Ang masyadong mabilis na daloy ng ekonomiya ay magdudulot ng mataas na
implasyon. (https://brainly.ph/question/514381)

Paraan:
1. Pagbabawas sa paggasta ng pamahalaan.
2. Pagtaas ng halagang binabayaran na buwis.

Ang pamahalaan, bilang siyang pinkamalaki at pinakamakapangyarihang


institusyon sa lipunan ang may responsibilidad na gumawa at magpatupad ng mga patakarang
ito. (Balito et al., 2017, p. 321)

Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan

Pambansang Badyet
 Naglalaman ng halaga ng
salaping inaasahang
matatanggap ng pamahalaan sa
isang takdang taon.
 Ito ay nagpapakita kung
magkano ang inilalaang pondo
ng pamahalaan sa bawat sector
ng ekonomiya.
 Naglalaman ito ng inaasahang
kita at ipinakikita rin kung
paano gagastusin ang kitang ito.
https://www.google.com/search?q=budget+clipart (Balitao et al., 2017, p. 322)

2
Paghahanda ng Pambansang Badyet
Ang Paraan ng paghahanda ng badyet ay may sinusunod na hakbang:

1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat
ng ahensiya ng pamahalaang pambansa. Isinasaad sa Budget Call ang mga hangganan ng
pambansang badyet kabilang ang kabuuang paggasta, ang tamang dapat gugugulin ng
badyet, at anginaasahang malilikom na buwis at iba pang kita upang tustusan ang
paggasta. Ang mga hangganang ito ay batay sa pagtaya ng DevelopmentBudget
Coordination Committee.
2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa
pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan. Ito ang tinutukoy na
participatory o bottom-up budgeting.
3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM. Pag-aaralan
ng DBM ang mga mungkahing badyet at maghahain ng kaukulang rekomendasyon.
4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board na binubuo
ng kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ngpamahalaan.
5. Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang panukalang
pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng executive review board.
6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin.
7. Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget, kabilang na rito
ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang
aprubahan bilang isang ganap na batas.

Pinagkunan: Department of Budget and Management halaw mula sa aklat na Pambansang


Ekonomiya at Pag-unlad nina Balitao et. al. 2014.

Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program

Ang Expenditure Program ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat


upang matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon.
Ang nasabing ceiling ay suportado ng mga tinatayang pinagkukunang pinansiyal.
Tatlong uri ng Pinagkakagastusang Pinansiyal
1. Current Operating Expenditures – nakalaang halaga para sa pagbili
ng mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga
gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon. Kabilang dito ang
Personal Services at ang Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE). (Balitao et al., 2017, p. 324)

a. Personal Services - nakapaloob ang mga kabayaran para sa sahod,


suweldo at iba pang mga compensation gaya ng mga dagdag sahod at

3
cost of living allowance ng mga permanente, pansamantala,
kontraktuwal, at casual na empleyado ng gobyerno.

b. Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) – mga


gastusin kaugnay ng pagpapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno gaya
ng supplies, mga kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at
kuryente), kumpunihin, at iba pa.

2. Capital Outlays – panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang
kapakinabangang makukuha mula rito ay maaaring magamit sa loob ng maramig taon at
maaaring makadagdag sa mga asset ng gobyerno.
3. Net Lending – paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito.
(Balitao et al., 2017, p. 325)

Tax o Buwis
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
 Salapi na sapilitang kinukuha
ng pamahalaan sa mga
mamamayan.

 Ito ay maaring ipataw ng


pamahalaan sa mga ari-arian,
tubo, kalakal o serbisyo.

 Ang buwis ay sakop ng


kapangyarihan ng
https://www.google.com/search?q=budget+clipart
pamahalaan. (Balitao et al.,
2017, p. 329)
Iba pang Pinagkukunan ng Pananalapi ng Pamahalaan:

 Mga kita sa korporasyon at ari-ariang pag-aari o kontrolado ng pamahalaan.


(Halimbawa: National Transmission Corporation)
 Mga panloob at dayuhang utang.
 Mga kita mula sa pagkuha ng mga lisenya at iba pang dokumento sa mga
ahensiya. (Halimbawa: sedula)
 Kita mula sa mga OFW(www.facebook.com/arielrivera)
IBA’T IBANG URI NG BUWIS
URI DEPINISYON HALIMBAWA
Ayon sa Layunin
Para kumita Pangunahing layunin ng Sales tax, income tax
(revenue generation) pamahalaan na ipataw ang
mga buwis na may ganitong
uri upang makalikom ng

4
pondo para magamit sa
operasyon nito.
Para magregularisa Ipinapataw ang ganitong uri Excise Tax
(regulatory) ng buwis upang mabawasan
ang kalabisan ng isang
gawain o negosyo.
Para magsilbing proteksiyon Ipinapataw upang Taripa
(protection) mapangalagaan ang interes
ng sector na nangangailangan
ng proteksiyon mula sa
pamahalaan o proteksiyon
para sa local na ekonomiya
laban sa dayuhang
kompetisyon.
Ayon sa kung Sino ang Apektado
Tuwiran (direct) Buwis na tuwirang Withholding tax
ipinapataw sa mga indibidwal
o bahay-kalakal.
Hindi tuwiran (indirect) Buwis na ipinapataw sa mga Value-added tax
kalakal at paglilingkod kaya
hindi tuwirang ipinapataw sa
mga indibidwal.
Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw
Proporsiyonal (proportional) Pare-pareho ang porsiyentong Halimbawa ang pagpapataw
ipinapataw anuman ang ng 10% buwis sa mga
estado sa buhay. mamamayan, magkakaiba
man ang halaga ng kanilang
kinikita.
Progresibo (progressive) Tumataas ang halaga ng Sa Pilipinas, 5% lamang ang
buwis na binabayaran kinakaltas sa mga kumikita
habang tumataas ang kita ng nang mas mababa sa Php
isang indibidwal o 10,000 bawat buwan.
korporasyon. Isinasaad sa Maaring umabot sa 34% ang
1987 Saligang Batas na kaltas sa kumikita ng higit sa
progresibo ang sistema ng Php 500,000 bawat buwan.
pagbubuwis ng pamahalaan.
Regresibo (regressive) Bumababa ang antas ng Ang ad valorem (ayon sa
buwis kasabay ng paglaki ng halaga) ay regresibo dahil
kita. habang lumalaki ang kita ng
isang indibidwal, maliit na
bahagi ang napupunta sa
buwis.
(Balitao et al., 2017, p. 330)

5
MGA GAWAIN
GAWAIN 1: Concept Map
Panuto: Buoin ang Concept Map na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng tekstong
nabasa. Sagutin ang mga tanong sa pagproseso ng gawain upang lubos na maunawaan
ang dayagram. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Patakarang Piskal

Pagproseso ng Gawain:

1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang uri ng patakarang piskal?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ibigay bawat layunin ng Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 2: Tukuyin Mo!

Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay sanhi ng contractionary fiscal policy o
expansionary fiscal policy. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Ginagawa upang mabawasan ang kawalan ng trabaho ng isang bansa.


__________ 2. Layunin nito na babaan ang buwis.
__________ 3. Nagpataw ang pamahalaan ng dagdag na buwis sa mga sinehan.
__________ 4. Nagbigay ng tax incentive ang pamahalaan sa mga nais magnegosyo.
__________ 5. Binawasan ng pamahalaan ang sinisingil na income tax sa mga manggagawa.

Gawain 3: TAX is REAL!


Panuto: Ibigay ang mga uri ng buwis na naiaambag mo bilang mag-aaral sa pondo na
ginagamit ng pamahalaan. Magbigay ng limang halimbawa o higit pa. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
6
TAYAHIN
I. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa sagutang papel.

1. Dito nakapaloob ang mga kabayaran para sa sahod, suweldo at iba pang mga
compensation gaya ng mga dagdag sahod at cost of living allowance ng mga
permanente, pansamantala, kontraktuwal, at casual na empleyado ng gobyerno.

a. Capital Outlays c. Net Lending


b. Current Operating Expenditures d. Personal Services

2. Salapi na sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa mga mamamayan.

a. Buwis b. Income Tax c. Taripa d. Vat

3. Kung ikaw ay isang manggagawa, anong uri ng buwis o tax ang dapat ibawas mula sa
iyong kinikita?

a. Sales Tax b. Sin Tax c.VAT d. Withholding Tax

4. May kinalaman sa pagkontrol ng pamahalaan sa kanyang paggastos at pagpataw ng


buwis na ang layunin ay palaguin ang ekonomiya at balansihin ang mga presyo sa
pamilihan.

a. Contractionary Fiscal Policy c. Expenditure Program


b. Expansionary Fiscal Policy d. Patakarang Piskal

5. Ginagawa upang isulong ang ekonomiya. Kabilang dito ang pamumuhunan ng


pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na buwis.

a. Contractionary Fiscal Policy c. Expenditure Program


b. Expansionary Fiscal Policy d. Patakarang Piskal

II. Panuto: Buoin ang pie graph sa pamamagitan ng pagpili sa loob ng kahon ng mga
pinagkakagastusan ng iyong pamilya.Ipaliwanag ang iyong nabuong pie graph. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Pagkain
2. Tubig
3. Damit
4. Kuryente
5. Gadgets
6. Load
7. Bigas
8. Transportasyon

https://www.google.com/search?q=buudget+clipart

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

7
III. Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan sa balanseng kita at gastos ng badyet ng
pamahalaan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR


Nilalaman Lohikal ang presentasyon at magkakaugnay 5
ang mga konsepto 5
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa mga 5
pangunahing konsepto. 5
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap at malinis ang 5
pagkakagawa. 5
Kabuoang Epekto sa pagwawasto 5
Epekto 5
Kabuoang 20 20
Iskor

You might also like