Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GEN. T.

DE LEON NATIONAL HIGH SCHOOL


Cor. Mercado St., Gen.T.De Leon, Valenzuela City
Semi-Final na Pagsusulit sa Filipino 10
El Filibusterismo
Pangalan___________________Pangkat:_____________Guro:____________Marka: _________

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat ni Dr. Jose Rizal bilang ______.

A. pagpaparangal at pag-aalay sa Inang-bayan

B. pag-alala sa mga paring Gomez, Burgos at Zamora

C.pagtatanggol sa karapatan ng mga ilustrado sa Espanya

D. udyok ng paghahangad na huwag munangpayagang makapagsarili ang Pilipinas

bilang kolonya ng Espanya

_____2. Sa kanyang pag-aalay ng El Fili, binanggit ni Rizal ang ganito: “Sa inyo na mga biktima ng

walang katapusang kasamaang layunin kong hanapin at tapusin, sa sinumang mangangahas na

pupula sa inyong alaala bilang mga martir, hayaan ninyong maligwakan ang kanyang kamay ng

sariwang dugong inialay sa sangkaPilipinuhan.” Ang pahayag ay may layuning ___.

A. Maibalik ang karangalan ng mga martir

B. Magkibit-balikat sa mga nagaganap na pang-aabuso.

C. Itampok sa daigdig ang mga nagaganap na kaapihan.

D. Mabigyan ng katarungan ang mga namatay sa digma.

___3. Sa mga sumusunod na isyung panlipunan, alin sa mga ito ang hindi natalakay sa akda.

A. Pang-aapi at pang-aabuso sa mga kababaihan.

B. Kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol laban sa karapatang pantao.

C. Pagpapasakit at pag-uusig ng pamahalaang Espanyol sa mga Pilipino sa usapin sa

lupa.

D. Ipinagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag at

pagpapakalat ng nobela.

___4. Ang kondisyon ng panahon kung kailan naisulat ang El Filibusterismo ay nagpapakita ng____.

A.pagpapanibagong simula matapos ang labanan.

B.tumitinding pagnanasa na makalaya sa kaapihan.

C. pagsusumikap ng mga mamamayan na umunlad.

D. pagpapayabong sa mga bagong tuklas na kaalaman.

___5. Dinanas ni Rizal ang mga sumusunod na suliranin sa pagsusulat ng El Filibusterismo maliban sa ____.

A.Nakaranas siya ng kakulangan sa pananalapi.

B.Kinailangan niyang mangutang kay Maximo Viola.

C.Nakarating sa kaniya ang balitang ikinasal si Leonor Rivera.

D.Tinangka niyang sunugin ang manuskrito dahil sa nawawalan na siya ng pag-asa.

Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na pahayag (6-15)

___6. “Ang mga amang duwag ay mag-aanak lamang ng mga alipin.”- Simoun

A.Dapat na maging matapang ang mga anak.

B.Mamanahin ng mga anak ang pag-aari ng magulang.

C.Ipagtatanggol ng mga anak ang kanilang mga magulang.


D.Ang konsikwensya ng di pagkibo ng magulang sa nararanasang kaapihan ay mauulit

sa kanyang mga anak.

___7. “Ang isang bayang mahina at nagugumon sa kasamaan ay dapat lipulin upang magbigaydaan sa pagsibol ng isang
bago at malusog na binhi.” -Simoun

A. Wala ng pag-asa, kaya magsimula muli sa una.

B. Ang nagpalakas sa bayan ay ang mga kabataan.

C.Hadlangan ang karapatan ng mga kabataan upang d lumaki ang ulo.

D. Huwag sumuko sa mga pagsubok, para sa mga darating na henerasyon.

_____8. “Hindi rin kita pinararatangan. Malaya mong masasabi kung ano ang palagay mo sa mga

Dominikano.”Ang wika ni Padre Fernandez kay Isagani. Ang ibig sabihin ng malaya mong

masasabi kung ano ang palagay mo ay…

A.maging prangka C.maging madaldal

B.maging maligoy D.maging mapagmalaki

______9. “Diyos lamang ang may karapatang gumiba sapagkat Siya lamang ang maaring

lumikha.”

A.. Ipinapasa-Diyos ang pagpaparusasa iba.

B. May lubos na pananalig sa sariling kakayahan.

C. Ang pagpaparusa sa nagkasala ay nasa sariling kamay.

D. Kapag gumawa ang kamay ng Diyos, lahat ay magiging maayos

______10. “Pagdating ng araw na nasa inyo nang mga kamay ang pagsasarili, tandaan lamang

ninyo na sa Espanya ay may mga puso ring tumitibok para sa inyong kapakanan at

ipinakipaglaban ang inyong karapatan,”(Mataas na Kawani).Ipinakikita ng pahayag na:

A. May mga kastilang nagmalasakit sa ikabubuti ng Pilipinas.

B. Hindi lahat ng mga mananakop ay naging mapang-abuso sa mga Pilipino.

C. Parehong ipinakita ni Rizal ang magkabilang panig ng kanyang mga tauhan.

D. Lahat ng sagot ay katanggap-tanggap.

______11. “Ang kasalukuyan ay madaling lumipas..kaya’t wala akong dapat pansinin hangga’t

nakakaya ng aking budhi.”

A. hinihikayat ang iba na kumilos.

B. Nagtitiyagang asikasuhin ang kapwa.

C. Walang pagmamalasakit sa sariling kalagayan.

D. Walang pakialam kahit na napapahamak na ang kapwa.

_____12.“Natutuwa ako at makukulong na tayo. Mawawalan na ng klase.”Sa sinabing ito ni

Tadeo, nais ni Rizal na ___.

A. punahin ang mga mag-aaral sa panahon niya na walang pagpapahalaga sa

pag-aaral.

B. ipakita na walang nagagawang buti ang edukasyon sa panahon ng Kastila.

C. may mga Pilipino na nasisiyahan sa kaapihang kanilang nararanasan.

D. libakin ang mga gurona gumagawa ng katiwalian sa paaralan.

_____13. Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiago. Napakarangal ng libing. Mahirap

mapantayan ito. Ipinagunita ng kura paroko kay Padre Irene na namatay si Kapitan Tiago nang di

nangungumpisal.Ngunit ngumiti na nanlilibak ang butihing pari…Ang ibig sabihin ng ngumiti na


nanlilibak sa pahayag na ito ay…

A. kakikitaan ng pagkatuwa

B. kakikitaan ng pang-uuyam

C. kakikitaan ng pagmamalaki

D. kakikitaan ng pagbabakasakali

_____14. “Higit itong matapang kaysa dinamita. Pinaghalu-halo itong luha ng mga inapi sa

lipunan. Ito ang kasagutan ng mga walang lakas na tinapak-tapakan ng mga may

kapangyarihan.” Ang sinabing ito ni Simoun patungkol sa lampara ay nangangahulugang

A. may mga problemang kailangang malutas agad.

B. matindi ang magiging ganti ng isang lahing inapi.

C. marami siyang nalalamang lalaban sa mga kastila.

D. nalalapit na ang isang trahedyang gugupo sa kanya.

_____15. “Ang inyong kamahalan ay hindi hinirang ng sambayang Pilipino kundi ng Espanya. Ito’y

isa pang dahilan kung bakit dapat ninyong tingnang mabuti ang mga Pilipino upang huwag

maparatangan ang Espanya.” Ang paalala ng Mataas na Kawani sa Kapitan Heneral. Ang ibig

sabihin ng maparatangan ay…

A.mapagsabihan B.mapagkaisahan C.mapagbintangan D.mapagkasunduan

_____16. “Nagising si Simoun at napansing wala na ang baril sa pinaglagyan. Sa halip ay may sulat

na iniwan si Tales kalakip ang laket ni Maria Clara. Kumalat ang balita na tatlo ang pinatay nang

nakaraang gabi – ang kura, ang bagong may-ari ng lupa at ang asawa nito. Nakalagda sa dugo

ng mga pinatay ang – TALES.”

Ang bahaging ito sa buhay ni Kabesang Tales ay nagpapakita na ___.

A. inilagay ng kabesa ang batas sa sarili niyang kamay.

B. nagalit si Simoun sa pagnanakaw na ginawa ni Tales.

C. nabigla ang mag-aalahas na makita ang laket ni Maria Clara.

D. inutusan ni Simoun si Tales na paslangin ang mga nang-api sa kanya.

_____17. Ang tunggaliang ipinapakita sa ikinilos ni Kabesang Tales sa pahayag bilang 16 ay tao

laban sa __

A. sarili B.tao C.kapaligiran D.kalikasan

_____18. Ang suliraning panlipunan sa kasalukuyan na maiuugnay sa nasa bilang 16 ay ___

A. pagnanakaw kahit may nakaharap na CCTV.

B. pagpatay bilang ganti sa mga kaaway.

C. may mga tinatamaan ng ligaw na bala.

D. pagpalsipika ng mga titulo ng lupa.

_____19. “Ang pamahalaang ay dapat nating palakasin sa pamamagitan ng pagbibigay-tiwala

sa kaniya. Ipahatid natin na tayo ay may tiwala sa mabubuti niyang mga adhikain, na dapat ang

panuntunan ay katarungan at kabutihan para sa nasasakupan.” Ang pahayag na ito ni

Sandoval ay nagpapakita ng ___.

A. alinlangan sa magagawa ng pamahalaan.

B. Pag-aalok ng tulong sa lahat ng kababayan.

C. Lubos na pananalig sa magagawa ng gobyerno.

D. Pagtatanong sa kakayahan ng mga namiminuno.


_____20. Ang tauhang nagsasalita sa pahayag bilang 19 ay masasabing ____.

A. naghahangad ng pagbabago.

B. umiiwas sa anumang pakikipag-alitan.

C. positibo sa paniniwala sa kanyang pinuno.

D. Nagmumungkahi ng solusyon sa problema.

_____21. Ang gawaing maaaring magawa upang makatugon sa kaisipang isinasaad sa pahayag

sa bilang 19 ay ___

A. magpahuli sa takdang araw ng pagbabayad ng buwis.

B. pag-iimpok ng malaking halaga sa bangko.

C. Pagsali sa mga welgang bayan.

D. pagboto tuwing eleksyon.

_____22. Sa pagtatalo nina P. Fernandez at Isagani, nasambit ng mag-aaral ang ganito,

“Obligasyon ng pamahalaan na itaguyod ang edukasyon, paunlarin ang kabataan sa mga

larangang pisikal, intelektwal at moral, akayin upang marating ang tagumpay.” Ang pahayag na

ito ni Isagani ay nagpapakita na siya ay may_

A. malawak ang kaalaman sa mabuting pamamahala.

B. mataas kung mangarap at may diwang palaban.

C. Mag-aaral na maraming salaghati sa buhay.

D. payak kung mangusap at mag-isip.

_____23. Ang gawain ng paaralan na tumutugon sa paniniwala ni Isagani sa bilang 22 ay

A. Ipaunawa ang halaga ng edukasyon sa pagpapakatao.

B. magsanay para sa iba-ibang anyo ng palakasan.

C. ituro ang lahat ng kaalamang kailangan sa buhay

D. lahat ay katanggap-tanggap na sagot.

_____24. “Huwag kang mabahala Senyor Simoun, hindi natutulog ang Diyos. Ititindig niya ang

aping dinuhagi. Di ka dapat mawalan ng pag-asa.” Ang pahayag na ito ni P. Florentino ay ____.

A. nagbabanta sa masama. C. nagpapakalma sa galit ng puso.

B. nagkakait ng pagpapatawad. D. nagpapatatag sa pangangatawan.

_____25. Ang pangyayari sa kasaysayan na maiuugnay sa nasa bilang 24 ay ____.

A. Pagsalanta ng Bagyong Yolanda C. Paputok ng Bulkang Pinatubo

B. Pagdedeklara ng Batas Militar D.People Power Revolution

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

_____26. Ang pangyayaring nagpapakita ng teoryang Romantisismo ay ___.

A. Inilahad ng mga mag-aaral ang pagtitiwala sa Espanya.

B. Binigyang-diin ni P. Florentino ang pagtitiwala sa mabuting paggawa.

C. Maramdamin ang tagpo kung saan nalaman ni Simoun na patay na si Maria

Clara.

D. Lahat ay wasto.

_____27. “Kailanma’y di magbubunga ng mabuti ang masasamang gawa.” Ang sinabing ito ni P.

Florentino ay masasabing nasa teoryang ___.

A. Humanismo B. Romantisismo C. Realismo D. Feminismo

_____28. “Ang lahat ng nangyayari’y kalooban ng Dakilang Lumikha.” Ang pahayag na ito na
kayumangging pari kay Simoun ay may himig ____.

A. Romantisismo B. Klasismo C. Humanismo D.. Realismo

_____29. “Ano ang katatakutan ko? Hindi ko ba magagawa ang lahat ng maibigan ko?”

Ang sinabing ito ng Kapitan Heneral ay nagpapakita ng teoryang ___.

A. Humanismo B.Romantisismo C. Realismo D. Feminismo

_____30. Naniniwala si Simoun na siya ang makakapagbago sa takbo ng pamamahala sa

Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang lakas at karahasan. Ito ay masasabing ____.

A. Romantisismo A. Klasismo C. Humanismo D. Realismo

Tukuyin ang mga kaisipang lumutang sa akda kung ito ay----

A. Maka-Diyos B. Makabayan C. maka-Magulang D.maka-Kapwa-Tao

_____31. “Nais kong linisin ang bayan at wasakin ang binhi ng masasama,” wika ni Simoun

_____32.“Ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan dahil

nagpapakapagod sila sa araw-araw nilang pagkain,” ang pagtatanggol ni Simoun.

_____33. Nahabag ang mataas na kawani sa sinapit ng guro na matapos humingi ng tulong at sa

halip tulungan ay inalisan pa ng hanapbuhay.

_____34. “Ang kanilang kahilingan (pag-aaral ng wikang Kastila) ay makabuluhan at wala

tayong karapatang pigilin ito dahil lamang sa ating pala-palagay,” sambit ng mataas na

kawani.

_____35.”Kapitan ang anak pong dalaga ni Kabesang Tales ay muling naparito upang

hilingingmapalaya ang kanyang nuno.Ikatlong araw na ngayong siya’y naparito,” dagdag ng

kawani.

Para sa 36-40.Tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na may salungguhit na

ginamit sa binasang akda.

____36. “Ikaw at ako ay mga basura ng hustisya at sa halip na magsiraan , dapat tayong

magtulungan.”-Simoun

A.mga taong magbabasura

B.mga taong away nang away

C.mga taong pinagkaitan ng hustisya

D.mga taong hindi sumusunod sa batas

___37. “Ah, laging kulang sa karanasan at nangangarap ang kabataan, laging hinahabol ang

mga paruparo at bulaklak!..

A.masayahin sa buhay C.kabataang mahilig maglaro

B.hindi pa seryoso sa buhay D.mga kabataang mahilig sa kasiyahan

___38.”Hindi ko gustong aakusahan ang Espanya ng mga darating na panahon bilang…

bampira ng mga lahi, ang manunupil ng maliliit na pulo,dahil iyon ay nakapangingilabot

na pagkutya sa mga dakilang prinsipyo ng mga sinaunang hari.-Mataas na opisyal

A.hari ng isang lahi

B.kumakain ng hindi kalahi

C.mandirigma at manlalakbay

D.umubos sa mga yaman ng ibang lahi

___39.”Ngayong gabi, maririnig ng Filipinas ang pagsabog na gagawing basura ang walang

hugis na monumentong tinulungan kong mabulok.”-Simoun


A.isang bagay na walang kabuluhan

B. isang reboltong ginagigiliwan ng tao

C.isang pangyayaring lalaganap sa bansa

D. magiging watak-watak ang sambayanan

___40.”Ang kailangang gawin ay durugin ang masama, patayin ang dragon, at paliguan ng dugo

ang mga bagong tao upang gawin silang malakas at hindi nasasaktan.”

A.labanan ng mga taong-bayan

B.lagpasan ang isang malaking hadlang

C.hulihin ang mga masasamang loob sa lipunan

D.patayin ang mga taong may masasamang kalooban

Para sa bilang 41-44. PAGHAHAMBING

___41. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit. Ang pahayag ay
nangangahulugang____.

A. Parehong mahirap ang pagsusulit


B. Mahirap ang nakaraang pagsusulit kaysa ngayon
C. Mahirap ang pagsusulit ngayon kaysa noon
D. Parehong madali ang pagsusulit

__42. Si Basilio ay di-gasinong matalino na gaya ni Isagani. Ang pahayag ay nagpapahiwatig na____.

A. Pareho silang nakakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.


B. Laging may medalya si Basilio
C. Si Isagani ay laging nangunguna sa klase
D. Magaling si Basilo kaysa kay Isagani

__43. Gajoleng ang bukol ni Arman sa noo dahil sa tama ng lato-lato. Ang pinaghahambing sa pangungusap ay___.

A. Bukol-noo
B. Lato-lato-bukol
C. Jolen-lato-lato
D. Jolen-bukol

__44. Ano ang wastong pahayag kung nais nagtataglay ng parehong kagandahan ang pinaghahambing?

A. Di-hamak na maganda siya kaysa kay Maria


B. Di-gasinong maganda siya gay ani Maria
C. Magkasingganda sila ni Maria.
D. Higit na Maganda siya kaysa kay Maria

Para sa bilang 45-50. PAGLALARAWAN

Piliin ang titik ng paglalarawang angkop sa bawat pahayag.

A. Paglalarawan sa tao C. Paglalarawan sa bagay


B. Paglalarawan sa damdamin D. Paglalarawan sa tanawin o lugar

__45. Kabigha-bighani ang ang luntiang damo at mga bulaklak na namumukadkad sa parang.

__46. Siya ay nagtataglay ng katawang timbang na timbang at malaporselanang kutis.

__47. Ang tila halimaw na makinang lumalamon sa palayan ay nagpapabilis sap ag-ani ng mga magsasaka.

__48. Hindi maikubli ng binata ang panibughong namunuo sa kayang dibdib.

__49. Nagpupuyos siya sa galit nang malamang iniwanan siya ng kanyang mga kasama.

__50. Malaparaisong kagubatan ang sasalubong sa iyong pagdating.

“Ang pagiging Tapat ay walang Katapat”

You might also like