Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Deskripsyon ng Produkto ay maikling sulatin sa label o lakip na leaflet na nagpapaliwanag sa

katangian, komponent o gamit ng produkto. Ito ay ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto
para sa isang negosyo.

Mahalaga ang deskripsyon ng produkto sapagkat:

1. Maipababatid sa mga mamimili ang benipisyo, katangian,


gamit, estilo, presyo at iba pang produktong nais ibenta.
2. Maipakikita na akma sa pangangailangan ng mga mamimili
ang produkto.
3. Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan dahil nagpapalakas ito
ng kompetisyon ng mga kompanya lalo na’t marami na ang
pinapasok ang online selling.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto

1. Simple at maikli lamang ang deskripsyon ng produkto.


2. Magtuon sa Buyer Persona.
3. Manghikayat gamit ang benipisyo at patunay ng produkto.
4. Buhayin ang imahinasyon ng mga mambabasa.
5. Huwag gumamit ng mga gasgas na pahayag sa deskripsyon ng
produkto.
6.Patunayan paggamit ng superlatibo.
7.Magkwento sa maikling kasaysayan ng produkto.
8.Gumamit ng mga larawan o dayagram sa paglalagay ng
deskripsyon.
9. Paglalagay ng presyo.

Ang Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto


Isang nakatalang hakbangin o proseso sa pagbuo at
paggawa ng isang bagay o produkto. Ito ay isang pagpapatibay
sa mga pagsusuri at lagom ng isang mananaliksik sa isang
bagay o produkto ng pananaliksik.

Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/produkto


ay nararapat na magtaglay ng mga sumusunod na kalikasan:

1. Tiyak na mga kagamitan na kailangan,


2. Sunod-sunod na mga hakbangin sa pagsasagawa o pagbuo ng
bagay at
3. Pantulong na larawan sa paggawa.

You might also like