Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paano ang pagsulatng isang mahusay na lathalain?

Mga Karaniwang Paksa ng Isang Lathalain

Karanasan o Pakikipagsapalaran o Paglalakbay (Experience orAdventure)

Paglalarawan ng isang tao, lunan opangyayari (Descriptive Feature)

Kasaysayan ng Isang Pangyayari(Historical Background)

Pangkatauhang - Dagli (PersonalSketch)

Pangkaunlarang Lathalain(Development feature)

Lathalaing "Ano" o "Paano" angGagawin (How-to-do and what-to-doarticles)

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulatng Isang Mahusay na Lathalain

Pagsulat ng Panimula

Ang panimula ay kinakailangang maikli subalit kaakit-akit. Nararapat na makaantig ng damdamin na


titimo kaagad sa pihikang panlasa ng mga mambabasa.

1. Panretorikal na Tanong (Rhetorical Question)

Halimabawa:

Totoo bang desperado na ang mga Pilipina? Prostitusyon at Cyber Sex na lang ba talaga ang alam nating
trabaho? Wala na bang iba pa?

2. Panggulantang na Pahayag (Starling Statement)

Halimbawa:

Babae po ako! Sigaw ng isang binatilyo na kumekendeng ang baywang at nakahawak sa dibdib ang isang
kamay na tila may sinasapo.

3. Pasalaysay na Panimula (Narrative Opening)

Halimbawa:
Maliit pa ako noong namatay na magkasunod ang tatay at nanay ko. Kaya't maaga kong hinarap na mag-
isa ang mga pagsubok sa buhay. Subalit ang pangyayaring iyon ang nagdala sa akin sa kinalalagyan ko
ngayon.

4. Siniping Sabi (Quoted Remark)

Halimbawa:

"Kung kaya nila, kaya ko rin", Isang paninindigang puno ng katapangan ang nakita ko sa isang
kapanayam. kabataan habang aking sa dibdib ang isang kamay na tila may sinasapo.

5. Isang kasabihan, salawikain talinghaga (Maxim, Proverb or Aphorism)

Halimbawa:

"May pera mula sa basura" Ito ang sagot ng "Kumikitang Kabuhayan", isang programa sa ABS-CBN, sa
naghihingalong pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Paano? Ganito ang paraan.

6. Suliraning dapat pagtalunan sa artikulo o isang pangyayaring dapat na patunayan. (Problems to be


discussed in the article or fact to be established)

Halimbawa:

Solusyon sa problema ng mahihirap. Pagtatanim.

Pagsulat ng Katawan

Sa katawan tinatalakay ang buong saysay ng kuwentong inyong isinusulat. Dapat manatili itong "tapat"
sa introduksiyon. Ibig sabihin, dapat masagot nito ang mga tanong о matalakay nang husto ang paksang
inyong isinusulat.

Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat tandaan ang ss.
na mga bagay:

1. Gumamit ng makukulay subalit hindi naman napakatatayog na mga salita (highfalutin words).

2. Manatiling nakapokus sa paksa.

3. Siguruhin ang coherence o ang wastong pagkakabit-kabit ng mga ideya.

4. Tiyaking hindi naman siksik na siksik ang mga impormasyon para hindi magsawa ang mga
mambabasa. Sa pagtalakay, mahalagang ilagay lamang ang pinakanakauugnay (relevant) o
pinakamahalagang impormasyon.

Pagsulat ng Wakas

Ang wakas ay kailangang makahikayat sa mambabasa na mag-isip, mag-usisa о sumalungat sa ideya ng


isang manunulat. Kailangang may punch- panggulat.
Kung gaano kahalaga ang panimula sa lathalain gayon din ang kahalagahan ng pangwakas nito.

1. Ibuod ang artikulo (Summary of the whole article)

Halimbawa:

Tunay na ang pananalig ang tanging pag-asa nating lahat dahil sa Kanya lamang nagiging posible ang
imposible. Subalit ang pananalig ay sabayan natin ng gawa.

2. Pahayag ng pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang pagkakataon (An announcement of the main


point for the first time)

Halimbawa:

Kaya nga ang pinakamahalagang katangian nanunungkulan sa gobyerno ay KATAPATAN.

3. Katanungang nabuo sa kaisipan ng mambabasa (A question left in the reader's mind)

Halimbawa:

Ang pagpatay ay talamak na sa ating lipunan sapagkat limang libo na lamang ang halaga ng buhay ng tao
sa kasalukuyan.

Mga Dapat Iwasan sa Pagsulat ng Lathalain

 Maligoy
 Masalita
 Paggamit ng malalalim na mga salita
 Sobrang haba ng mga pangungusap at talata
 Kulang sa dramatikong kalidad
 Sabog ang pagkakaayos ng mga ideya

You might also like