Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

SINTESIS O BUOD

Ay ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito ay isang bersyon ng


pinaikling teksto o babasahin. . Ito ay ang paghahalahad ng anuman kaisipan at
natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
-Pinaikling impormasyon sa isang kwento, pangyayari o impormasyong mahaba at
hindi madaling maintindihan.
- Taglay patn ng sintesis ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaganapan, pangyayari at
mga sitwasyon sa kwento.

MGA KATANGIAN NG SINTESIS O BUOD.


1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideyaat kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinalna
teksto.
4. Gumamit ng mga susing salita.
5. Gumamit ng mga sariling salita.

Sinopsis o buod
Ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa naratibo tulad ng
kwento,

Posisyong papel
- ay isang detelyadong ulat ng polisyang karaniwang nagpapaliwanag,
nagmamatuwid o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos. Ito rin ay
mabibigyang kahulugan bilang isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o pangkat o isang paksa o isyu. Ang posisyong papel
ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwang ng
awtor o ng tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal. Ang mga posisyong
papel ay Inilalathala sa akademiya, sa polotikal, sa batas at iba pang domeyn.

MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL


Ayon kina Axelrod at Cooper. (2013) mayroong iba't ibang anyo ng posisyong papel
at ito ay maisusulat gamit ang mga batayang katangian: depenadong İsyu, klarong
posisyon, mapangumbising argumento at angkop na tona.

1. Depenadong isyu
-Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na
pinagtatalanunan ng tao. Ang isyuy ay maaaring mula sa isang partikular okasyon o
sa isang nagaganap na debate. Ano't ano man ang pinagmulan ng isyu, klarong
posisyon, maipaliwanag nang malinaw ng manunulat ang isyu.
2. Klarong posisyon
-Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangan mailahad nang malinaw ng awtor
ang kanyang posisyon hinggil doon, Minsa, ang posisyon ay kwalipayd upang
maakomodeyt ang mga nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari.
3. Mapangumbinsing Argumento
-Hindi maaaring ipagpalitan lamang ng awtar ang kanyang paniniwala, Upang
makumbinsi ang mga mambabasa,, kailanagang magbigay ang awtoring matalinong
pangangatwiran at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon.

a. Matalinong Katwiran- Upang matiyak na may masusundan ng mambabasa ang


isang argumento, kailangan malinaw na maipaliwanag ang mga pangunahing
puntong sumusoporta sa pasisyon.
b. Solidong Ebidensya - Ang awtor ay kailangang din magbanggit ng iba't ibang uri ng
ebidensya sumusuporta sa kanyang posisyon, Ilan sa mga dito ay anekdota,
awtoridad at estadistika.
4. Angkop na tono - Isang harmon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang
pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin
at nang hindi nagsasara ng komunikasyon.

HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


1. Pumili ng paksa
- Ang posisyong papel ay linog sa iyong personal na paniniwala na sinusuportahan ng
pananaliksik

DALAWANG PARAAN UPANG MAKABUO NG N PAKSA SA ISUSULAT NA POSISYONG


PAPEL
1. Maaaring ito ay isang reaksyon mula sa isang paksang pinagtatalunan
2. Maaaring pagbibigay ng sagot o opinyon sa mga suliraning panlipunan
-Ang pagpili ng tiyak na paksa sa uri ng sulating ito ay napakahalaga dahil ito ang
magsisilbing binhi na magbibigay daan sa pagkakaroon ng mabungang diskusyon at
opinyon na maghahantong sa solusyon ng suliranin. Ang paksa ng posisyong papel ay
kailangan na napapanahon at isang isyu o suliraning nakikita sa kapaligiran o lipunan.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik
-Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung may mga ebidensyang
sumusuporta sa iyong posisyon. Ang pagbabasa ng mga aklat, dyaryo, journal,
magasin. pananaliksik at iba pang sanggunian ay higit na makatutulong upang mas
mapalalim pa ang pag-unawa sa paksa at maibigay ng malinaw at may
pangangatwiran ang posisyon ukol sa paksa.
3. Bumuo ng posisyon o pangangatwiran
- Mula sa mga nakuhang mga impormasyon at datos sa pananaliksik, Itala ang mga
argumento o pangangatwiran ukol sa paksa. Maaaring gumawa ng isang
talahanayanna nagpapakita ng mga argumentong ayon sa iyong posisyon sa paksa at
mga argumentong tumitiwalag. Mula rito, makakagawa ka ng paghahalintulad at
pagkakaiba na magbibigay daan sa mas malakas ng pangngatwiran ukol sa paksa.
4. Gumawa ng Balangkas
Upang mailatag ng maayos ang mga ideya at konsepto sa posisyong papel maaaring
gamitin ang mga huwarang ito:
a. Introduksyon- Sa bahaging ito, ipakilala ang paksa at ipaliwanag ang konteksto ng
usapin ukol dito. Maaari ding ilahad ang kabuuang posisyon o panindigan ukol sa
paksa.
b. Mga katwiran ng kabilang panig ilatag ang mga sariling katwiran ng kabilang panig
at ipaliwanag ito ng bahagya, Ilakip sa mga pagpapaliwanag ang mga sangngunia o
batayan ng pinagkunan ng mga katwirang ito.
c. Mga sariling Katuwiran- Ilatag ang mga sariling katuwiran ukol sa paksa. Sikapin
matapatan ang mga katuwiran ng kabilang panig sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag ng lubos.
d. Mga pangsuporta sa sariling katuwiran- Palawigin ang iyong katuwiran sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga karagdagan g ebidensya at
ilahad ang mga sangngunian at batayn ng katuwiran.
e. Huling Paliwanag kung bakit ang napiling paninindigan ang dapat- Sumulat ng
isang buod tungkol sa inilatag na mga katwiran at ipaliwanag kung bakit ito ang
sariling paninindigan ukol sa paksa.
f. Mungkahing kilos - matapos ilahad ang katuwiran ukol sa isyu maaaring magbigay
ng mga mungkahing kilos o rekomendasyon na kaugnay ng isang paninindigan upang
masolusyon an suliranin.

AGENDA
-Layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang planong ito
ay pinananatiling sikreto.
- Maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin
namang gumawa ng balangkas.
- Talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa Isang pormal
na pagpupulong
- Mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong.
- Nakasaad din ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag- usapan sa
pulong.
MGA HALIMBAWA NG AGENDA
- Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo.
kanilang pananaliksik.
Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang kanilang buhay.
- Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang mangyayari sa gaganaping
pagkikita.
-Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong.
- Maaaring magpulong para magplano, magbigay Impormasyon. komunsulta,
maglutas ng problema o magtasa.
BAHAGI NG AGENDA
I. Introduksyon
II. Pagtala ng bilang ng dumalo
III. Pagpresenta at pagtalakay sa agenda Karagdagan impormasyon
IV. Pangwakas na salita
LAYUNIN NG AGENDA
- Bigyang ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensyon. Mahalagang ideya! Ang agenda ay parang mapa.
Nagsisilbing itong gabay na nagbibigay ng malinaw na direksyon kung paano
mararating nang mabilis ang patutunguhan.
Tandaan:
- Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong responsable sa pagsulat ng agenda.
Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda
-Masisigurong tatakbo ng maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kahalokay
patungo sa isang direksyon..
Epekto ng Hindi Paghahanda ng Agenda
- Nawawala sa pokus ang mga kalahok, nagdudulot sa tila walang katapusang
pagpupulong ( na madalas ay wala naman talagang nangyayari).
-Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok
- Kakaunti ang bilang ng dumalo sa pagpupulong.
Nilalaman ng Agenda:
-Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos?
Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?
- Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot nito ang tanong na "Bakit tayo magkakaroon
ng pagpupulong?
Kahalagahan sa Pagsulat ng Agenda
- Upang masigurong tatakbo nang maayosang pagpupulong at ang lahat ng kalahok
patungo sa isang direksyon.

MEMORANDUM
- Ay isang memo ay naglalaman ng isang mahahalagang impormasyon para Ipaalala
sa mga tao ang isang bagay, pangyayari, mga pagbabagong magaganap sa isang
kompanya, trabaho at negosyo.
KAHALAGAHAN NG MEMORANDUM
Ang mga meme ay nagsisilbi ng dalawang layunin:
1. nakakakuha sila ng pansin sa mga problema
2. nakakatulong sila upang ayusin ang mg alto.
Nakamit nila ang kanilang layunin pamamagitan ng pag-alerto sa mambabasa
tungkol sa bagong impormasyon.
HALIMBAWA:
Halimbawa nito ay tulad ng mga pagbabago sa patakaran o pagtaas ng presyon, o sa
pamamagitan ng paghimok sa mambabasa na kumilos, tulad ng pagdalo sa isang
pulong o pagbabago ng kasalukuyang pamamaraan ng produksyon.
HETO ANG ILAN PANG MGA HALIMBAWA KAUNG KAILAN DAPAT GAMITIN ANG
ISANG MEMO O MEMORANDUM:
- ang isang pulong o kaganapan ay dapat ipahayag o kumpirmahin
- Ang mga tagubilin ay dapat ibigay.
- Pagbigay ng ulat sa katayuan ng proyekto.
-Humihiling ng feed back o mungkahi
Pagkatapos ng isang pulong, ibuod ang mga aksyon na dapat na gawin.
- Linawin o baguhin ang isang umiiral na patakaran o proseso.
-Ipimahagi ang mga minuto ng pulang o kaganapan o mga handout. Ipaalam sa iba
ang tungkol sa isang isyu o paglutas ng isang problema.
-Magbigay ng maikling buod ng isang kaganapan o desisyon.
Karaniwang binubuo ng ulo at katawan ang isang memo.
ulo
- Pangalan at titulo ng tatanggap ng memo o pangalan ng opisina o departamentong
padadalhan.
-Pangalan at titulo ng nagpapadala
-Petsa kung kailan isinulat ang memo
-Tungkol saan ang memo, binibigyan ito ng diin.

katawan
-Sa unang talata, naglalaman ito ng mensahe at dapat na tiyak at maikli
-Sa ikalawang talata naman ay naglalaman ng mga suportang detalye lamang.
-Sa pangwakas ay karaniwang nanghihingi ng tugon.

KATANGIAN NG MEMORANDUM
-Ang pagiging organisado at malinaw ng mga sulatin
- Nagtaglay ito ng mga salitang kayang intindihan ng babasa nito at malinaw na paksa.
- Ito ay kadalasang maikli lamang na ang pangunahing
KALIKASAN
Ang kalikasan ng memorandum ay mula sa salita Latin na memeorandum est' na ang
ibig sabihin sa Ingles ay "It must be remembered"
- Isa itong uring komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maipabatid ang
mensahe sa mga taong kasama sa pagpupulong o mga taong kasamang sumusulat na
tanggapan.
- Ang pinaikli o abbreviation ng salitang ito ay "memo"
LAYUNIN
- Sa pamamagitan ng memorandum naisasaad ang pakay ng gagawing miting o
pulong.
- Naisasaloob ang oras, petsa, lugar o impormasyon sa malinaw at diretsyang
pamamaraan upang pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alintuntuning dapat
isakatuparan.
- Naglalayon ding magpahayag ng pormal upang unawaan ng mabuti.

KATITIKAN NG PULONG
- Ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang Ingles.
- Ito ay ang isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga
mahahalagang pinag-uusapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at
desisyon na angyari sa isang pagpupulong o pag-uusap.
-Nakasaad sa Katitikan ng Pulong ang mga sumusunod:
- paksa
- petsa
- oras
- lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong oras ng pagsisimula
- oras ng pagtatapos
- mga napag-usapan
- mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong
KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG
- Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-
usapan at makatotohanan. Ibig sabihin hindi pwedeng gawa-gawa hinokus- pokus na
mga pahayag.
- Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATATITIKAN NG PULONG
1. Heading- Naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon
kagawaran, makikta din dito ang petsa at lokasyon at oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo- dito nakalagay ang mga nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong at pangalan lahat ng dumalo.
3. Pagbasa at pagapaptibay ng nagdaang katitikan ng pulong
- Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay nagpatibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action Items o usaping napagkasunduan
- Dito makikita ang mahahalagang talahinggil sa paksang tinatalakay kasama sa
bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang
pulong.
5. Balita o Patalastas
- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang balita o
patalastas mula sa dumaloo maaaring ilagay dito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong
-nakatala sa bahaging ito kung gaganapin at kailan ang susunod na pulong.
7. Pagtapos -inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulongat kung kailan ito isumkite.
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
-Ayon kay Sudprasert (2014) na 'english for the workplace 3) ang kumukuha ng
katitikan ng pulong ay kinakailangang:
1. HANNGAT MAARI AY HINDI PARTICIPANTS SA NASABING PULONG
Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulang kaya napakahalaga na ang
naatasang kumuha nito ay may sapat na atensya sa pagtatala
2. UMUPO MALAPIT SA TAGAPANGUNA O PRESIDER NG PULONG
Magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna ang mga ilang mga bagay
na hindi nya lubos maunawaan kapag siya ay malapit rito.
3. MAY SIPI NG MGA PANGALAN NG MGA TAONG DADALO SA PULONG
Mahalaga na malaman kung sino sino ang dumalo sa pulong at maging ang mga iba.
4. HANDA ANG MGA SIPING ADYENDA AT KATITIKAN NG NAKARAAN NG PULONG
-Kung hindi naipahayag nang maaga ang adyenda na napag-uusapan sa
pulongmahalagang maibahagi ito kasama ang sipi ng katitikan ng nagdaang pulong
upang masmaging organisado at sistematiko ang daloy ng pulong.
5. NAKAPOKUS O NAKATUON LAMANG SA NAKATALANG ADYENDA
- Bilang kalihim mahalagang mabantayan lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay
yaong lamang kasama o nakasaad sa adyenda upang hindi masayanag ang oras.
6. TIYAKING ANG KATITIKAN NG PULONG NA GINAGAWA Y ANGTATAGLAY NG
TUMPAK AT KOMPLETONG HEADING
-Kialangang malinaw na nakatala ang pangalan, samahan o organisasyon, petsa, oras
at lugar ng pulong.
7. GUMAMIT NG RECORDER KUNG KANAKAILANGAN
-Makatutulong ng malaki kung gagamit ng recorder kung may puntos na nais balikan.
8. ITAAL ANG MGA MOSYON O PORMAL NA SUHESTIYONG NG MAAYOS
-Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa pulong at sinusunod ng iba pang
kasami at dapat maitala ng maayos sa katitikan ng pulong.
9. ITALA LAHAT NG PAKSA AT ISYUNG NAPAGDESISYUNAN NG KOPONAN
-Mahalaga na matala lahat ng paksa at isu gaano man ito kaliit o kalaking bagay.
10. ISULAT O ISAAYOS AGAD ANG MGA DATOS NG KATITIKAN PAGKATAPOS NG
PULONG
-Ang pag-oorganisa hisa at pagsusulat ng katitkan ng pulong ay ay dapat na
maisagawa agad upang hindi makaligtaan.

TATLONG URI NG ESTILO SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG


1. Ulat ng katitikan
- Sa ganitong uri lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala maging ang
pangalan ng nagsalita o tumatalakay sa paksa.
2. Salaysay ng katitikan
- Uri ng mahahalagang detalye lamang ng pulong ang isinasalaysayat maituturin na
ligal na dokumento.
3. Resolusyon ng katitikan
- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan lamang.

PICTORIAL ESSAY
-Ay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang mga litrato na
nagbibigay kulay o kahulugan, kaalin sabay ng mga teksto, sa paglalahad o
pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu.
-Koleksyon ng mga larawang maingat na inaayos upang maglahad ng pagkasunod-
sunodng pangyayari. Maaaring serye ng imahen
- Naglalarawan ng partikular na konsepto at pagpapahayag ng damdamin
-Gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay katulad ng iba pang uri ng sanaysay
Kalikasan ng Pictorial Essay
-Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang teksto ay
maaaring suporta lamang.
-Ang isang deskripsyon ng larawan ng pictorial essay ay hindi dapat lalagpas na 60
na salita.
- Simple lang dapat at hindi pupunuin ng mga salita
- Inaayos ayon sa kronolihikal na pagkakasunod-sunod o ayon sa damdaming
gustong ipahayag
HAKBANG SA PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
1. Pumili ng paksa at tema
2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay
3. Hanapin ang "tunay na kwento", Matapos ang pananaliksik, maaari munang
matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kwento kahit na ang bawat
ideya ng kwento ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay
nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kwento.
4. Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay larawan sa madla ay
ang mga damdaming nakapaloob sa kwento at gamitin ito sa mga larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan. Magsimula sa paglikha ng isang listahan
ng mga kuha para sa kwento. Ang bawat "shot" ay tulad ng isang pangungusap sa
isang kwento sa isang talata.

You might also like