Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 7

3 RD QUARTER PERFORMANCE TASK #5


INDIVIDUAL TASK

(Isang Tula Para Sayo)

PANGALAN: Gulay, Rechell Ann G.


SECTION: Grade 7- Benevolence

Ang tulang ito ay inihahandog ko sa lahat ng mga


kababaihan sa buong mundo higit lalo sa mga
kababaihan na nakaranas ng diskriminasyon at
karahasan. Saludo po ako sa ipinakita ninyong
tatag, tapang at kadakilaan.

Diskriminasyon dito, diskriminasyon doon


'Yan ang natatamo ng mga kababaihan mula noon
hanggang ngayon
Babaeng binabalewala at sinasaktan ng walang awa
Dito sa mundong umiikot lamang sa pang-
aalipusta't panghuhusga
Sa kamay ng mga taong mapagsamantala.

Kababaiha'y kabiyak ng kalalakihan, nilikha upang


maging katuwang at kapareha. Kahalagaha'y di
matutumbasan, itapat man ito sa anumang yaman.
Mga gawai't responsibilidad ay tinitiyak na
magagampanan, kanilang trabaho'y hindi
mababasta-basta lamang. Bawat babae'y mahalaga
sa lipunan, dapat ay panatilihin ang sa kanila'y pag
respeto. Dahil hindi biro ang maging isang babae,
lalo na kung hindi mo alam ang kanilang hirap na
pinagdaraanan.

Ang dating mahina't kinakawawa


Ngayon ay marunong ng lumaba't dinadakila
Ang dating takot ipakita ang sarili sa iba
Ngayon ay matapang na't 'di nahihiya
Malakas ang loob at walang 'di kinakaya.
Tunay na wala sa kasarian ang kakayahan na ilabas
ang nalalaman
Kundi sa kung ano ang kaya't makakaya mong
gawin para sa sarili't bayan
Bawat tao ay may kahinaan at kalakasan
Hindi maling maging mahina paminsan-minsan
At mas lalong 'di rin mali maging matapang kung
kinakailangan.

Ang pagiging babae ay 'di makasalaan


Iba't-iba man ang ugali't pinanggagalingan
Mga ipinaglalaban at hinahangad na makamtan
Tayo ay pantay-pantay sa mata ng batas at lipunan
Ikaw ay may puwang at instrumento sa pag-unlad
ng bayan, 'yan ang lagi
mong pagkatandaan!

You might also like