Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
20
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

Pangalan: _______________________________________ Guro: ______________________________


Baitang at Pangkat: _____________________________ Petsa: _____________________________

IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 6
Summative Test 3 (Week 5-6)
MELC:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang anekdota
Nababago ang Dating Kaalaman Batay sa Bagong Ideyang Nakapaloob sa Teksto

Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa bawat patlang.

Ang Bayaning Kasambahay


(Anekdota ni Apolinario Mabini)

Pinag-uusapan sa Pilipinas ang kapakanan at benipisyong dapat maipagkaloob sa mga katulong o kasambahay.
Katunayan, may batas na para sila mapangalagaan at magamit ang kanilang mga karapatan.
Alam mo bang si Apolinario Mabini, ang binansagang Dakilang Lumpo at Utak ng Himagsikan ay pumasok na
katulong para lamang makapag-aral?
Isang katawa-tawang pangyayari ang hindi malilimutan ni Pule (palayaw ni Mabini) noong siya’y namasukang
katulong sa isang mayamang pamilya. Isang umaga, habang abala sa paglilinis ng bahay si Pule ay nakakita siya ng
limang barya na nakakalat sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang mga iyon at ipinagtanong sa mga anak ng kanyang
pinaglilingkuran kung sino ang nagmamay-ari.
“Sa akin iyan,” sabi ng panganay. “Kumonti kasi ang mga barya ko sa ibabaw ng aking mesa.”
“Aba, sa akin iyan. Hindi ko matandaan kung saan ko ibinaba ang sukli sa tinapay na binili ko kanina,” sabi
naman ng nag-iisang anak na lalaki.
“Nagkakamali kayo,” sabi ng bunso. “Sa akin ang mga baryang iyan. Sobra iyan sa mga baryang ibinigay sa
akin ni Ama.”
“Hindi ko malaman kung sino talaga sa inyo ang nagmamay-ari ng mga baryang ito. Mas makabubuti kung
ibabalik ko na lang sa dating kinalalagyan nito,” sabi ni Pule.
Hindi nakakibo ang magkakapatid habang ibinabalik ni Pule ang mga barya sa ilalim ng mesa.

_____ 1. Ayon sa anekdota,ano raw ang mainit na pinag-uusapan sa ating bansa?


A. Kampanya kontra Droga
B. Benipisyo para sa Kasambahay
C. Bakuna kontra sa Covid-19
D. Mga politikong sasabak sa susunod na halalan
_____ 2. Sino ang binansagang “ Dakilang Lumpo ”?
A. Jose Rizal B. Andres Bonifacio C. Apolinario Mabini D. Antonio Luna
_____ 3. Upang matustusan ang pag-aaral,ano ang pinasok ng pangunahing tauhan sa anekdota?
A. katulong B. tindero C. mang-aawit D. mananayaw
_____ 4. Ano ang palayaw ng pangunahing tauhan sa anekdota?
A. Pepe B. Jose C. Pule D. Pole
_____ 5. Ano ang ginagawa ng tauhan sa anekdota,nang makakita ng nakakalat na barya?
A. nagluluto B. naghuhugas ng pinggan C. nagdidilig D. naglilinis ng bahay
_____ 6. Ilang barya ang kanyang natagpuan?
A. apat B. lima C.anim D. pito
_____ 7. Saan nakita ang mga nakakalat na barya?
A. sa ilalim ng mesa C. sa tabi ng mesa
B. sa gilid ng upuan D. sa tabi ng pintuan

_____ 8. Sino ang binansagang “ Utak ng Himagsikan”?


Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna
Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746
A. Jose Rizal B. Andres Bonifacio C. Apolinario Mabini D. Antonio Luna
_____ 9. Ano ang suliranin sa kuwento?
A. Sino ang maglilinis ng bahay C. Sino ang paboritong anak
B. Sino sa magkakapatid ang nagmamay-ari ng barya D. Sino ang magluluto
_____ 10. Alin sa mga katangian ng anekdota ang taglay ng kuwento?
A. maikli B. may aral C. kawili-wili D. lahat ng sagot

II.Panuto: Tukuyin ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot na nasa loob ng kahon
Isulat ang titik ng sagot sa bawat patlang.

A. anekdota E. korido I. parabula


B. alamat F. maikling kuwento J. talambuhay
C. balita G. nobela K. tula
D. epiko H. pabula

_____ 11. pagsasalaysay na may saknong at tugma na umiikot sa isang paksa.


_____12. kuwento na hango sa bibliya.
_____ 13. mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga kabayanihan at pakikipagsapalaran ng mga
hari, reyna, prinsipe, prinsesa at maharlikang mga tao.
_____ 14. kuwento kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
_____ 15. kuwento o tala nang personal at mahahalagang detalye ng buhay ng isang tao.
_____ 16. isang mahabang tula. Ito ay nagsasalaysay ng mga kuwento ng pakikipagsapalaran o
kabayanihan ng isang tao o tribo.
_____ 17. kuwento o pagsasalaysay ng buhay ng mga tao na nagbibigay aliw at pumupukaw sa
damdamin ng mga mambabasa.
_____ 18. maikling pagsasalaysay ng mga pangyayari na kapupulutan ng mabuting aral.
_____ 19. pagsasalaysay ng mahahalagang impormasyon at pangyayari sa ating pamayanan.
_____20. kuwento kung saan ang mga tauhang gumaganap sa kuwento ay mga hayop.

Good Luck

_____________________________________________________
Lagda ng Magulang/Petsa

Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna


Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746

You might also like