Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

AP 10 – Kalagayan, Suliranin, at Pagtugon sa Isyu ng Paggawa December 5, 2023

Sa pag-iral ng globalisasyon, maraming nabago sa buhay ng mga tao tulad ng aspetong


pulitikal, ekonomikal, kultural, at sosyal. Napabilis ang mga ugnayan ng tao at nabuksan ang
maraming oportunidad sa mga malalaki at maliliit na bansa dahil sa mabilis na integrasyon at
komunikasyon. Sa pagbilis nito kasabay ang pagbukas ng ekonomiya ng mga bansa tulad natin.

Sa pag-usbong ng ganitong sistemang pang-ekonomiyang, mahalagang masuri natin ang


naging kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.

Mga Suliranin ng Sektor ng Paggawa

1. Mababang Pasahod
2. Kawalan ng Seguridad
3. Job Mismatch
4. Kontraktuwalisasyon (Contractualization)

A. Kontraktuwalisasyon o “Endo”
- Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalin ng benepisyo, at
tanggalin ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Ang kontraktuwalisasyon
ay isa sa mga patakarang neo-liberal na ipinalaganap ng mga imperyalistang bansa
simula noong huling bahagi ng dekadang ’70 para mawasak ang kilusang paggawa
at makapagkamal ng mas malaking tubo sa harap ng tumintinding krisis ng
pandaigdigang kapitalismo.
- Ipinagkakait sa manggagawa ang katayuang “regular employee” ng kompanya o
kapitalista.
1. Ang mga manggagawa ay hindi binabayaran ng karampatang sahod at benepisyo
sa isang regular employee
2. Naiiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation pay, SSS,
PhilHealth, atbp.
3. Hindi natatamasan ang benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement.
4. Hindi maaaring bumuo o sumapi ang mga manggagawa sa isang unyon dahil
walang katiyakan o pansamantala lamang ang kanilang seguridad sa paggawa.
5. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong “Employee-Employer”

You might also like