Kabanata 31 - Balambao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG SERMON (KABANATA 31)

Sa panimula ng kabanata tatlongpu't isa,


Nagsimula ang sermon sa pangunguna ni Padre Damaso.

Padre Damaso:"Noong ako'y nag-aaral bilang padre, mayroon akong


nakilalang isang dakilang taga pag-sermon sa Maynila, kanyang
tinuro na dapat nating matutunan Ang mga salita ng diyos, kailangan
nating masaulo ang mga kasulatan ng diyos na ginawad para sa
atin!" Saad ni Padre Damaso

Padre Damaso:"Kanya ding itinuro na mahalagang purihin ang mga banal


na santo ng simbahan sa kadahilanang ang inyong mga
makasalanan na espiritu ay dapat mangag-sisisi!" Dugtong niya

Sa puntong ito nagsisimula pa lamang Ang pagse-sermon ni Padre


Damaso. Dahil kapag sya ang napiling tagapag-sermon tumatagal ng
ilang oras ang kanyang pagse-sermon.

Padre Damaso:"Pakinggan ninyo ang wika ng diyos ama, siya ang dahilan
kung bakit tayo napaparirito sa panahong ito, kung gayon kayo ay
makinig!" Parinig ni Padre Damaso

Padre Damaso:"Hindi kayo napaparirito sa simbahan upang magdasal


lamang, kayo ay narito upang matuto at sauluhin ang wika ng diyos
at santong banal!"

Padre Damaso: "Batid ko'y kayo ay nawawalan na ng gana sa pakikinig sa


aking sermon ngunit kayo ay maraming matutunan!" Saad nito.

Si Maria Clara ay nasa loob ng simbahan, ngunit wala kay Padre Damaso
ang kanyang atensyon, sapagkat na kay Ibarra.

Maria Clara: "Nasaan na kaya ang aking irog, pakiramdam ko'y sya ay
malapit sa akin" Saad nya sa kanyang isipan

Padre Damaso: "Ang pag saulo ng santong kasulatan ay dapat ninyong


gawin, kahit kaunti na oras ang ilaan niyo sa pag-saulo ay hindi nyo
maibigay! Ibig nyo bang mamatay ng hindi nagsisisi?"
Ang mga tao sa simbahan ay tahimik, nakikinig at nakatingin lang sa
nagse-sermon.

Padre Damaso: "Mamamatay kayo ng hindi ninyo pinagsisihan ang inyong


mga kasalanan, nais nyo bang mapunta sa impyerno mga taksil sa
diyos!"

Padre Damaso: "Ang impyerno ay isang lugar na hindi nyo nais marating
sapagkat dito napupunta ang mga makasalanang nilalang! Kaya
ngayon palang kayo'y aking tinutulungan na mabawasan ang inyong
mga kasalanan upang kayo'y makarating sa langit" pagtuloy ng
kanyang testimonia

Alkalde: "Sinong katauhan naman ang nais na mapunta sa impyerno?


Hindi bat lahat naman ng tao nais makarating sa langit?"
Saad ng alkalde sa kanyang katabi.

Padre Damaso: "Sa ilang oras na aking pagse-sermon sa simbahan na ito,


Ang aking naririnig sa inyong mga bibig pag-labas ng simbahan ay
tanging masasamang salita lamang! Hindi ba tumatatak sa inyong
mga isip ang mga aral na aking sinasabi, Bakit hindi ninyo
isinasabuhay! Mga Hangal!

Si Padre Damaso ay nanginginig at naiinis na ang tono, habang ang mga


tao sa loob ay nakatingin lamang sa nagse-sermon sa kanilang
harapan.

Padre Damaso: "Sa inyong pagkalabas ng simbahan na ito dapat ay


ikinakalat ninyo ang inyong mga natutunan, hindi puro kababuyan
ang nilalabas ng inyong mga bibig! Ganoon ba kahirap ikalat ang
salita ng diyos?" Pagtuloy sa kanyang sermon.

Padre Damaso: "Matatanaw ng diyos mula sa itaas Ang inyong mga


ginagawang kababuyan! Kung nais ninyong makarating sa langit
nararapat ninyong gawin ang tama, at ang tama na iyon ay Ang
purihin ang diyos at isabuhay Ang santong kasulatan”

Padre Damaso: "Kayo ay nagsisimba upang kayo'y may matutunan, dapat


ang inyong mga natutunan sa mga sermon ay may pinatutuunan. Sa
pag-labas ninyo sa simbahan aking inaasahan na mayroon
patutunguhan ang mga pagse-sermon na idinaong ko sa misa na ito.
Magsi-luhod ang lahat at tayo'y mag-dasal ng 'Aba Ginoong Maria'"

Nagsi-luhod ang mga tao sa loob ng simbahan at idinasal ang Aba


Ginoong Maria. Matapos nilang mag dasal nag-salita muna si Padre
Damaso.

Padre Damaso: “Nawa’y marami kayong naunawaan at natutunan sa


aking pagse-sermon sa misa na ating iginawad sa araw na ito.

Nagsimula ng magka-roon ng buhay ang mga tao na nasa loob ng


simbahan, sila’y nag-unat at nagsi-upo ng maayos upang pakinggan ang
talumpati ng Padre.

Padre Damaso: “Kayo’y aking pinapasalamatan sa pagdalo at pakikinig ng


aking sermon, maaari na kayong magsi-upo ng maayos at makinig sa
susunod na parte ng Misa”

Pagkatapos bumaba ni Padre Damaso sa altar binati sya ni Padre Salvi.

Padre Salvi: “Mahusay isang napakaganda na sermon na naman ang


aking narinig mula sa iyo Padre!”

Papuri na sabi ni Padre Salvi Kay Padre Damaso

Matapos ang pag-uusap nila naupo at nakinig sila sa mga susunod na


parte ng misa. Lumipas pa ang mahigit isang oras bago matapos Ang
Misa na iginawad.

You might also like