Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ENGR. VIRGILIO V. DIONISIO MEMORIAL HIGH SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


sa Araling Panlipunan 10

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsanib ng iba’t ibang prosesong


pandaigdig.
a. globalisasyon
b. migrasyon
c. urbanisasyon
d. transisyon

2. Tinutukoy sa pananaw na ito na ang globalisasyon ay may anim na ‘wave’ o epoch o


panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
a. unang pananaw
b. pangalawang pananaw
c. pangatlong pananaw
d. ikaapat na pananaw

3. Tinutukoy sa pananaw na ito na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa tiyak na


pangyayaring naganap sa kasaysayan.
a. unang pananaw
b. pangalawang pananaw
c.pangatlong pananaw
d. ikaapat na pananaw

4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa unang pananaw ng globalisasyon?


a. Ang globalisasyon ay may anim na wave o epoch.
b. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
c. Ang globalisayon isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
d. Ang simula ng globalisasyon aymauugat sa tiyak na pangyayaring naganap sa kasaysayan.

5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa pangalawang pananaw ng


globalisasyon?
a. Ang globalisasyon ay may anim na wave o epoch.
b. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
c. Ang globalisayon isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
d. Ang simula ng globalisasyon aymauugat sa tiyak na pangyayaring naganap sa kasaysayan.
6. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na
sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang
makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang
kasalukuyan ay makabago na
a. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
b. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
c. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang
makipagkalakalan.
d. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
angkasalukuyan ay makabago na.

7. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. ekonomikal
b. sikolohikal
c. sosyo-kultural
d. Teknolohikal

8. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng malaking impluwensiya sa


pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang ating mga gawain ay
manipestasyon ng anong anyo ng globalisasyon?
a. ekonomikal
b. sikolohikal
c. sosyo-kultural
d. Teknolohikal

9. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at


sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito?
a. ASEAN
b. e-commerce
c. paggamit ng mobile phones
d. pagsunod sa kpop culture

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang manipestasyon ng anyo ng globalisasyong


sosyo-kultural?
a. Si Ryan ay bumili ng latest model ng cellphone.
b. Si Lala ay umaangkat ng mga produkto mula sa bansang China.
c. Ang bansang Canada ay nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.
d. Ang magkakaibigang Stephanie, Ross at Dwayne ay pupunta sa Korea upang panuorin ang
concert ng blackpink.

11. Ito ang sektor ng ekonomiya na nagpaparami ng pagkain o pangunahing pinagmumulan ng


pagkain at mga pangunahing produkto.
a. Sektor ng Agrikultura
b. Impormal na Sektor
c. Sektor ng Industriya
d. Sektor ng Paglilingkod

12. Ito ang sektor ng ekonomiya na nagproproseso ng mga hilaw na materyales na nagmumula
sa sektor ng agrikultura.
a. Sektor ng Agrikultura
b. Impormal na Sektor
c. Sektor ng Industriya
d. Sektor ng Paglilingkod

13. Ito ang sektor ng ekonomiya na may saklaw sa pananalapi, komersiyo, panseguro,
kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan,
medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at edukasyon.
a. Sektor ng Agrikultura
b. Impormal na Sektor
c. Sektor ng Industriya
d. Sektor ng Paglilingkod

14. Ang mga sumusunod ay mga suliranin na kinahaharap ng sektor ng agrikultura, MALIBAN
SA
a. land conversion
b. pananalasa ng mga kalamidad
c. paglaganap ng iba’t ibang industriya
d. pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino

15. Pagkatapos nating maranasan ang malawak na epekto ng pandemya dulot ng COVID-19 sa
buong mundo, paano natin makikita ang higit na kahalagahan ng sektor ng agrikultura?
a. Higit nating nakita ang kahalagahan ng sektor sa pagbibigay ng ating pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain.
b. Ang mga face masks na pangunahing gamit sa pag-iwas sa sakit ay gawa sa mga hibla na
mula sa pagtatanim tulad ng abaka.
c. Nauso ang pagtatanim ng halaman na naging magandang libangan ng tao lalo sa panahon ng
mahabang lockdown sa mga bansa
d. Lahat ng nabanggit

16. Sa sekondaryang sektor na ito nagmumula ang ating ginagamit na tabla, torso at mga
plywood para sa mga produktong furnitures?
a. paggugubat
b. paghahalaman
c. paghahayupan
d. pangingisda

17. Sa ating mga sambahayan higit nating makikita ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura
dahil ___________________________.
a. ito ay isang magandang libangan
b. dito nanggagaling ang ating pagkain sa araw-araw.
c. sa gandang idinudulot ng mga halaman sa ating bakuran.
d. sa sayang naidudulot ng mga hayop at halaman sa ating lahat.

18. Sa kabuuan, ang sektor ng agrikultura ay lubhang mahalaga sa ating pambansang


ekonomiya sa kadahilanang ______________________.
a. maraming produkto mula rito ang nailuluwas ng ating bansa at malaki ang naibabalik na kita
pabalik ng ating bansa.
b. sa kabila ng mahirap at mababang kita mula rito, marami pa ring mga Pilipino ang
nakadepende ang kabuhayan sa sektor na ito.
c. ito ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyal na kailangan ng sektor ng industriya upang
makalikha ng mga sekondaryang produkto.
d. lahat ng nabanggit

19. Ang mga sumusunod ay mga hakbangin upang masolusyunan ang mga isyu sa paggawa sa
sektor ng agrikultura MALIBAN SA
a. pagbibigay ng mga libreng binhi at pataba sa mga magsasaka
b. pagsasagawa ng mga trainings/ seminar tungkol sa tama at maayos na pangingisda
c. pagtatayo ng mga bahay kalakal sa mga agricultural land
d. Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka.

20. Ang industriya ay nahahati sa apat na sekondaryang sektor. Alin sa mga ito ang tumutukoy
sa mga kompanya na ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa tubig, kuryente at gas?
a. konstruksiyon
b. pagmamanupaktura
c. pagmimina
d. utilities

21. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa sektor ng
industriya
a. Ang sektor ng industriya ang siyang tagapaglikha ng kailangang produkto at serbisyo ng
ekonomiya.
b. Sa sektor ng industriya nagmumula ang mga hilaw na materyales na kailangan upang
makabuo ng mga produkto.
c. Ang Sektor ng Industriya ay nagbibigay ng hanapbuhay at kabuhayan sa mga mamamayan.
d. Ang mga manggagawa sa mga pabrika ay kabilang sa sektor ng industriya.

22. Napakahalaga ng gampanin ng sektor ng industriya sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


Alin sa pahayag sa ibaba ang hindi sang-ayon sa naunang pahayag?
A. Ito ang gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at
halaga.
B. Ito ay nagbibigay ng dagdag ng trabaho sa mga mamamayan.
C. Ito ay nagsisilbing pamilihan ng mga tapos na produkto ng sektor ng
agrikultura.
D. Ito ang nakakapag parami ng mga tao sa mga lugar na may mga
pabrika.
a. Ito ang gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.
b. Ito ay nagbibigay ng dagdag ng trabaho sa mga mamamayan.
c. Ito ay nagsisilbing pamilihan ng mga tapos na produkto ng sektor ng agrikultura.
d. Ito ang nakakapag parami ng mga tao sa mga lugar na may mga pabrika.

23. Alin sa mga sumusunod ang hakbangin upang masolusyunan ang mga isyu sa paggawa sa
sektor ng industriya?
a. pangangalaga ng kalikasan at ng mga likas na yaman
b. pagtataas ng pasahod
c. pagbibigay ng dagdag benepisyo sa mga manggagawa
d. Lahat ng nabanggit

24. Ang mga guro, doktor, at bumbero ay mga manggagawa na kabilang ng anong sektor?
a. Sektor ng Agrikultura b. Sektor ng Industriya
c. Sektor ng Paglilingkod d. Impormal na Sektor

25. Si Mely ay dating guro sa Pilipinas na ngayon ay nagtratrabaho na bilang isang caregiver sa
Canada. Anong suliranin sa sektor ng paglilingkod ang ipinapahiwatig ng naunang
pangungusap?
a. job mismatch b. overworked c. flexible labor d. wala sa nabanggit

26. Batay sa isang artikulo ng Pilipino Star Ngayon sa panayam nito sa Private Hospitals
Association of the Philippines Inc. (PHAPI) noong June 21, 2023, “40-50% ng kanilang mga
nurses ang nag-resign sa loob ng nakalipas na dalawang taon para mangibang bansa.” Anong
suliranin sa sektor ng paglilingkod ang ipinapahiwatig ng naunang pangungusap?
a. job mismatch b. overworked c. flexible labor d. wala sa nabanggit

27. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay


isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel
na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
a. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
b. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang
bansa.
c. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang matugunan
ang mithiin ng pangangailangan.
d. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

28. Ang mga sumusunod ay mga hakbangin upang masolusyunan ang mga isyu sa paggawa sa
sektor ng paglilingkod, MALIBAN SA
a. pagbubukas ng oportunidad sa ibang bansa
b. pagtataas ng pasahod
c. pagbibigay ng dagdag benepisyo sa mga manggagawa
d. lahat ng nabanggit

29. Ito ang uri ng manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang kailangan ng


nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng isang taon sa trabaho.
a. Apprentice/ learner b. casual worker c. regular employee d. seasonal worker
30. Ito ang uri ng manggagawa na mahalaga ang trabaho sa kompanya ngunit hindi
kasinghalaga ng mga regular na empleyado.
a. Apprentice/ learner b. casual worker c. regular employee d. seasonal worker

31. Si Redentor ay graduate ng Bachelor of Science in Business Administration subalit siya ay


nahihirapan na maghanap ng trabaho na mapapasukan. Anong konsepto ang inilalarawan ng
naunang pangungusap?
a. brain drain b. overworked c. unemployment d. underemployment

32. Ano ang migrasyon?


a. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
b. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
c. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa
lugar na pinagmulan.
d. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.

33. Ito ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na
siyang nakakatulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang pinagtratrabahuhan.
a. forced labor b. remittance c. subsidy d. tariff

34. Mababa lamang ang tinapos ni Anna kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang
domestic helper sa Hong Kong. Anong uri ng migrasyon ang isinasaad sa naunang
pangungusap?
a. lokal na migrasyon c. panloob na migrasyon
b. panlabas na migrasyon d. wala sa nabanggit

35. Ito ang uri ng pandarayuhan na hangad na manirahan sa bansang kaniyang nilipatan.
a. family reunification migrant c. permanent migrant
b. forced migrant d. temporary migrant

36. Ito ang uri ng pandarayuhan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa kapaligiran,
problemang politikal o sakuna.
a. family reunification migrant c. permanent migrant
b. forced migrant d. temporary migrant

37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino?
a. mas higit na mataas ang pasahod sa mga mauunlad na bansa
b. mas maraming oportunidad ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.
c. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.
d. manirahan kasama ang mga mahala sa buhay sa ibang bansa.

38. Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?


a. Ang migrasyon ay nagsimula sa ating mga ninuno kung saan sila naglilipat lipat ng lugar
upang maghanap ng matitirhan na may matatabang lupa na pagtataniman at para sa kanilang
pangangaso.
b. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdami ng mga Overseas Filipino
Workers (OFWs).
c. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa mga batas na ginawa upang mapagtibay
ang ugnayang-panlabas ng bansa.
d. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdating ng mga dayuhan sa ating
bansa.

39. Si Sheila ay napilitan na mamasukan bilang isang factory worker sa Taiwan. Ito ay bunsod
ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang
kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Sheila?
a. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
b. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
c. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
d. Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.

40. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino?
a. Brain Gain
b. Brain Drain
c. Pagbubukas ng mga pinto ng oportunidad para sa mga migrante sa iba’t ibang panig ng
daigdig
d. kakayahan na makapagnegosyo, makapag-impok at mamuhunan sa iba’t ibang larangan.

41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng di-mabuting epekto ng migrasyon
sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
a. Si Anna na isang Doctor sa Pilipinas ay nagpunta sa Canada upang maging Swine Farmer.
b. Si Michael ay ipinadala ng kaniyang kompanya sa America upang maging isang trade
employee.
c. Si Anna at nagpapadala buwan-buwan ng 30,000 pesos sa kanilang pamilya na naiwan sa
Pilipinas.
d. Ang mga anak ni Estela na naiwan sa Cotabato ay lumipad na papuntang Australia upang sila
ay magkasamasama.

42. Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung alin dito ang nagpapakita ng negatibong
epekto ng migrasyon.
a. Nagiging palaasa o dependent ang ibang miyembro ng pamilya sa OFW.
b. Nasasayang ang pinagaralan ng ibang mga migrante sapagkat sa paghahangad ng mas
mataas na sahod ay pumayag na hindi ang napag-aralan ang siyang maging trabaho.
c. diskriminasyon
d. Lahat ng nabanggit

43. Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung alin dito ang nagpapakita ng positibong
epekto ng migrasyon.
a. Mas nabubuksan ang pinto ng oportunidad sa mga migrante sa iba’t ibang panig ng daigdig.
b. Ang remittances na ipinapadala ay nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.
c. Nagkakaroon ng mas mataas na pagtingin sa OFW at sa kanilang mga pamilya.
d. Lahat ng nabanggit

44. Ito ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga permanenteng OFW sa iba’t
ibang bansa.
a. Commission on Filipino Overseas
b. Department of Foreign Affairs
c. Overseas Workers Welfare Adminstration
d. TESDA

45. Ito ang ahensya ng pamahalaan na itinatag sa bisa ng R.A.7796 at nagsusulong na hikayatin
ang partisipasyon ng industriya, paggawa at lokal na pamahalaan at mga instistuyong teknikal
at bokasyunal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng manggagawa sa bansa.
a. Commission on Filipino Overseas
b. Department of Foreign Affairs
c. Overseas Workers Welfare Adminstration
d. TESDA

46. Si Ernesto ay nag-apply bilang isang caregiver sa bansang Malaysia. Ngunit pagdating ng
Malaysia ay hinarang siya sa airport dahil sa bagahe niya na may laman na mga droga, at siya
ngayon ay hinatulan ng kamatayan sa bansang inakala niya ay magdudulot ng magandang
oportunidad para sa kaniyang pamilya upang guminhawa. Ano ang tawag sa sitwasyon ni
Ernesto?
a. forced labor c. sexual ecploitation
b. human trafficking d. slavery

47. Ito ay ang sapilitang pagpatratrabaho sa isang tao na labag sa kaniyang kalooban. May mga
pagkakataon na sobrang daming gawain ang ipinagagagawa sa kanila na nagdudulot ng
pagkakasakit o minsan ay kamatayan.
a. forced labor
b. human trafficking
c. sexual ecploitation
d. slavery

48. Ito ay isa mga hakbang sa pagtugon ng pamahalaan na naglalayon na hikayatin ang mga
lokal na negosyante at bigyan sila ng proteksiyon upang makasabay sa mga naglalakihang
dayuhang namumuhunan.
a. 4Ps c. Guarded Globalization
b. Fair Trade d. Pagtulong sa Bottom Billion

49. Ito ay isa mga hakbang sa pagtugon ng pamahalaan na naglalayon na hikayatin ang mga
pinakamayayaman na bansa at kompanya na magbahagi ng kanilang kita upang makatulong sa
isang bilyong pinakamahihirap na tao sa buong mundo.
a. 4Ps c. Guarded Globalization
b. Fair Trade d. Pagtulong sa Bottom Billion
50. Sa iyong palagay, ano ang kailangang gawin ng ating pamahalaan upang hindi magdagsaan
ang mga tao sa mga lungsod kagaya ng Kalakhang Maynila?
a. Magbigay ng pantay na sweldo sa probinsya at sa lungsod.
b. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
c. Ipagsawalang bahala ang diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na nagpupunta sa Maynila.
d. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila

Goodluck and God Bless!

You might also like