Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ATHENS

ANG ATHENS AT ANG PAG UNLAD


NITO
Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit
na bayan sagitna ng tangway ng Greece na tinatawag na
Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka
kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho
sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o nagging
mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga
kolonyaang Athens.
Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na
nagging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay
sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang
kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na
noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong
ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na
umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal
ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga
mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo
naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan.
Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na
pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan.
ANG PERSIA
Ang Banta ng Persia

Hangarin ng Persia napalawakin ang imperyo nito sa


kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni Cyrus the Great
ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang
nagmana ng trononicyrus the Great, ang hangaring ito.
Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na
kolonyang Greek.
Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga
kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong
494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni
Darius naparusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong
at gawin itong hakbang sa pag sakop sa Greece. Bilang
paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o
fleet na pandigma.
ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA
(499-479 B.C.E.)
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap
noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota
ng Persia ang Aegean Sea at bumabasa Marathon,
isang kapatagan sa hilagang - silangan ng Athens.
Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit -
kumulang 25,000 puwersa ng Persia. (Battle of
Marathon) Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang
tangkang pagpapa bagsak sa Athens.
Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa
Thermopylae, isang makipot nadaanan sa gilid ng bundok
at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong
Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga -Sparta sa ilalim ni
Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong
una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang
mga Greek.
Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng
mga taga - Sparta sa pakikipag digma. Sa loob ng tatlong
araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan
patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas
ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng
kanyang puwersa ang Thermopylae (HOT GASES)
Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang
karamihan sa tropa ni Leonidas. Sinalakay at sinakop ni Xerxes
ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa
dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barkoni Xerxes ang
maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito
hanggang sa mabutas. Isa – isang lumubog ang plota ng Persia.
Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga
lungsod estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta

You might also like