Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mayor ng Maguindanao del Sur, inambush sa Pasay

Ludy Bermudo - Pang-masa

February 24, 2023 | 12:00am

facebook sharing buttonmessenger sharing buttontwitter sharing button

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa kamatayan ang isang alkalde ng Maguindanano del Sur na nasugatan nang
tambangan ng dalawang armadong lalaki habang bumabaybay sa service road ng Roxas Boulevard, sa Pasay City,
kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas at nasa ligtas nang kalagayan sa Asian Hospital ang biktimang si Ohto Montwal Caumbo, Mayor ng
Datu Montawal (dating Pagagawan), Maguindanao del Sur na nagtamo ng mga bala sa balakang at kaliwang braso.

Sa inisyal na ulat, bago naganap ang pamamaril, alas-6:30 ng gabi ay kagagaling lang sa League of Municipalities of the
Philippines (LMP) 2023 General Assembly sa Manila Hotel ang biktima.

Habang binabagtas ang service road sa R. Blvd. patungong Gil. Puyat Avenue, sakay ng Toyota Hi-Ace (NCN 7620), ay
may dalawang lalaki na lumapit sa kanilang sasakyan at pinaputukan sila.

Tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Gil Puyat, habang ang biktima ay dinala sa kalapit na Ospital ng Maynila at
kalaunan ay inilipat sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.

Patuloy pa ang pagsasagawa ng imbestigasyon, kabilang ang pagre-review ng mga kinalap na CCTV footages para sa back
tracking.

Ang biktima ay dumadalo sa 3-araw na 2023 League of Municipalities of the Philippines (LMP) simula Pebrero 21
hanggang 23, sa Manila Hotel, sa Ermita, Maynila.

Pagtugis sa hoarders at smugglers ng agricultural products, paigtingin pa

Joy Cantos - Pang-masa ,February 23, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines — Higit pang paigtingin ang pagtugis sa mga hoarders at smuggler ng agricultural products sa
bansa, partikular na ng bawang at sibuyas.

Ito ang paghikayat ni House Speaker Martin Romualdez sa mga otoridad dahil sa epektibo ang ginagawang raid sa mga
warehouse at container van na hinihinalang naglalaman ng mga smuggled na produkto.

Ayon sa mambabatas na mula sa Leyte, lumilitaw na itinatago lang ang mga “tusong negosyante” ang mga agricultural
products para manipulahin ang presyo.

Sinabi pa ni Speaker Rumualdez, sa ngayon ay unti-unti ng bumababa ang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang agri-
products dahil lumalabas na sa merkado ang mga ito.

Ikinatuwa ni Speaker Romualdez ang mabilis na pagtugon ng mga law enforcement agencies sa kanyang kahilingan na i-
raid ang warehouses na hinihinalang nagtatago ng mga sibuyas at bawang na nagpapahirap sa maraming Pilipino.

Muling binalaan ni Speaker Romualdez ang mga ‘evil hoarder’ na itigil na ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa
taumbayan na siyang dahilan ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kamakailan ay sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Custom (BoC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido
Rubio ang 24 warehouse sa Maynila at Malabon at nakuha sa mga ito ang tinatayang P150 milyong halaga ng imported
na bawang at sibuyas.

You might also like