Professional Documents
Culture Documents
AP6 Q3 Mod3 ReaksiyonNgPilipinoSaEpektoNgPagsasarilingBansa v5
AP6 Q3 Mod3 ReaksiyonNgPilipinoSaEpektoNgPagsasarilingBansa v5
Araling Panlipunan
Kwarter 3: Modyul 3
Reaksiyon ng Pilipino sa Epekto ng
Pagsasarili ng Bansa
Management Team
PABALAT
PAHINANG KARAPATANG SIPI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
Alamin……………………………………………………………………………8
Subukin……………………………………………………………………..……9
Balikan……………………………………………………………………..…….9
Tuklasin…………………………………………………….……..……….…… 9
Suriin……………………………………………………….……….……..…….10
Pagyamanin………………………………………………….……………..…..13
Isaisip……………………………………………………………………..……..13
Isagawa………………………………………………………………………….14
Tayahin…………………………………………………….…………….....……14
Karagdagang Gawain…………………………………………………………..14
Alamin…………………………………………………………….………………16
Subukin……………………………………………………….……………..……16
Balikan…………………………………………………………….………..…….17
Tuklasin……………………………………………………………….…….……17
Suriin………………………………………………………………….……..……18
Pagyamanin………………………………………………………..………..…..19
Isaisip………………………………………………………….…………..……...20
Isagawa………………………………………………….……………………….20
Tayahin………………………………………….………………………...………21
Karagdagang Gawain………………..………………………………………,….21
Susi ng Pagwawasto………………………………………..…………………...22
Sanggunian…………………………………………..……………………….…..22
Aralin
Reaksiyon ng mga Pilipino
Alamin
Panimula
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagpaganap:
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar.
Napapahalagahan ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto
sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan
tulad ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base
Militar.
1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng R ang patlang kung
ang pahayag ay tumutukoy sa reaksiyon ng mga Pilipino at E kung epekto ng
pagkakaroon ng Philippine Rehabilitation Act. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____ 1. Ang batas ay nagdulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa
rehabilitasyon ng bansa.
_____ 2. Pagbabayad sa mga pinsala sa bansa.
_____ 3. Marami ang tumuligsa sa naipasang batas.
_____ 4. Pagpapagawa ng panibagong gusali, tulay at daan sa Pilipinas.
_____ 5. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan.
Balikan
2
Tuklasin
Tingnan ang mga larawan ng perang papel. Alin dito ang nahawakan mo na? Kilalanin
ang mga tao na nasa sumusunod na perang papel. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
1.
2.
3.
Suriin
Suriin
B. D.
3
3. Anong batas ang naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao o
negosyo na naapektuhan ng digmaan ngunit may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act
Ang Philippine Rehabilitation Act of 1946 ay kilala rin bilang “War Damage
Act”. Ito ay batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao o
negosyo na naapektuhan ng digmaan ngunit may kasamang kondisyon. Ang mga
kondisyong nakapaloob dito ay:
1. Pagtatag ng Philippine War Damage Commission.
2. Pag-ootorisa sa pamahalaan ng Amerika na ibigay ang surplus military
equipment at property sa pamahalaan ng Pilipinas.
3. Pagbibigay ng karapatan sa mga amerikano na gamitin ang likas na yaman
ng bansa, kapalit ng tulong pinansyal.
4
Epekto ng Philippine Rehabilitation Act of 1946
Ang batas ay magdudulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa
rehabilitasyon at pagtatayo ng bansa, gayunpaman, bilang kapalit ng tulong pang-
ekonomiya ng Estados Unidos, inilatag ng Estados Unidos ang isang kondisyon, ibig
sabihin, ang Pilipinas ay dapat bigyan ang mga amerikano ng Parity o pantay na
karapatang gamitin at pakinabangan ang mga mapagkukunan ng bansa, at itatayo
ang mga mahahalagang pampublikong kagamitan sa Pilipinas.
Pagyamanin
5
Isaisip
Tandaan!
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon
ang iyong tamang sagot at isulat sa kwaderno.
Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng
Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo
2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit
may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMA kung ito ay
nagpapahiwatig ng reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine
Rehabilitation Act at isulat ang MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____1. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian
_____2. Nagka-isa ang lahat ng Pilipino na sundin ang kasunduan.
_____3. Nagdiwang ang mga Pilipino dahil sa bagong batas.
_____4. Tumutol ang maraming mamamayan ng bansa.
_____ 5. Nagalit ang maraming Pilipino sa desisyon ng Amerikano.
_____6.Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa kasunduan.
_____7. Masayang tinanggap ni Manuel A. Roxas ang pagbibigay ng parity rights sa
mga Amerikano.
_____8. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan na ipinapatupad
ng Amerika.
_____9. Naging masaya ang mamamayan ng bansang Pilipinas dahil maraming
pera ang natanggap mula sa Amerika.
_____10. Walang nagawa ang mga Pilipino sa kondisyon ng pagpapautang ng
bansang Amerika.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
1.Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights?
7
Aralin
Alamin
Panimula:
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagpaganap:
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduanag Base Militar.
Napapahalagahan ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
ng Parity Rights.
8
Subukin
Panuto: Basahin nang mabuti ang pangungusap. Isulat ang R kung ang pahayag
ay reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto ng Parity Rights at isulat ang E
kung ito ay epekto ng Parity Rights. Isulat ang iyong sagot sa Kwaderno.
Balikan
Tuklasin
9
https://www.slideshare.net/franzasturias/ap-iv-ang-ating-likas-na-yaman
Suriin
A. Balikan natin ang nasa larawan sa itaas. Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating
aralin ngayon? Sagutin ang mga katanungan at isulat sa kwaderno.
1. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang
Amerikano?
A.Mapaunlad ang mga ito.
B.Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
2. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na
yaman?
A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act
10
3. Ano ang Parity Rights?
A. Hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at amerikano.
B. Karapatan ng lahat ng Pilipino na makinabang sa likas na yaman.
C. Pantay ang pakinabang ng mga Amerikano at Pilipino sa likas na
yaman ng bansang Pilipinas.
D. Pagbigay karapatan sa mga Amerikano sa pagpapaunlad sa lahat ng
lupang agrikultural at likas na yaman.
4. Alin kaya ang epekto ng Parity Rights sa ating bansa?
A. mabuti
B. masama
C. matagumpay
D. mabuti at masama
10
5. Alin sa sumusunod ang naging reaksyon ng karamihan ng mga Pilipino sa
epekto ng Parity Rights?
A. natuwa C. nabigla
B. tumutol D. nabahala
https://www.tripadvisor.com/LocationPhotoDirectLink-g298452-d1536444-
i58048213-Manila_Marriott_Hotel-Pasay_Metro_Manila_Luzon.html
11
https://dlimm16.wordpress.com/2014/12/08/kulturang-pilipino-ang-daanan-
ng-pag-unlad/
3. Nagkaroon ng mabuting ugnayan sa dalawang bansa
https://en.wikipedia.org/wiki/Philippines%E2%80%93United_States_relations
4. Nauubos ang ating likas na yaman.
http://yamanglupa12sam.blogspot.com/2014/08/ang-pagkasira-ng-likas-na-
yaman.html
12
5. Pagsasamantala ng Amerikano sa ating likas na yaman.
Ilan ang mabuting epekto ng Parity Rights na nabanggit sa itaas? Ilan naman
ang masamang epekto?
12
Masamang Epekto ng Parity Rights
1. Nauubos ang ating likas na yaman.
2. Pagsasamantala ng Amerikano sa ating likas na yaman.
Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Parity Rights
● Maraming mga Pilipino ang tumutol.
● Ang mga pulitikong Pilipino ay suportado ng mga Amerikano.
● Hindi natuwa ang mga Pilipino dahil sa pagkasira ng kalikasan.
● Natuwa din ang ibang mga Pilipino.
Pagyamanin
Isaisip
Tandaan!
Isulat sa kwaderno ang tamang sagot.
1. Ano ang Parity Rights?
2. Ano ang epekto nito sa ating bansa?
3. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights?
13
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay tama at ekis (X) naman
kung mali. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
_______ 1. Maluwag sa kalooban ng lahat ng Pilipino ang desisyon ni pangulong
Manuel A. Roxas ang paglagda sa Parity Rights.
_______ 2. Hindi natuwa ang mga Pilipino dahil sa pagkasira ng kalikasan.
_______ 3. Nakinabang din ang ating bansa sa pagkakaroon ng Parity Rights.
_______ 4. Mas umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa Amerika dahil sa
Parity Rights.
_______ 5. Pantay ang pakinabang ng mga Amerikano at Pilipino sa likas na yaman
ng bansang Pilipinas.
T
Tayahin
Tayahin
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung natuwa ang mga Pilipino sa
epekto ng Parity Rights at malungkot na mukha kung hindi natuwa ang
mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights. Iguhit ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Pagkasira ng likas na yaman.
2. Mas malaki ang dolyar na lumabas sa Pilipinas kaysa sa kinita nila.
3. Umunlad ang pangangalakal at industriya.
4. Mabuti ang ugnayan ng US at Pilipinas.
5. Nauubos ang likas na yamang mineral ng bansa
6. Hindi pantay ang paglinang ng likas na yaman.
7. Dumagsa ang maraming produktong Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.
8. Umunlad nang bahagya ang pagsasaka.
9. Pagpataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa Pilipinas.
10. Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa.
14
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Bakit kaya hindi lahat ng mga Pilipino sang-ayon sa Parity Rights?
2. Sang-ayon ka ba sa Parity Rights? Bakit?
15
Alamin
Aralin Reaksiyon ng mga Pilipino
3 sa Di-pantay na Kasunduang
Base Militar at Pagsandal sa
United States
Panimula
Magandang buhay sa inyong lahat. Ipakita ang ngiti sa inyong pisngi
dahil sa araw na ito pagkatapos ng aralin 1, inaasahang
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagpaganap:
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar.
16
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng TAMA ang patlang
kung ang pahayag ay nagpapahayag ng reaksiyon sa di-pantay na kasunduan
at pagsandal sa United States at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
17
Balikan
Tuklasin
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat sa inyong kuwaderno ang iyong sagot.
18
Suriin
Panuto: Basahin ng mabuti ang tanong at piliin ang titik ng iyong tamang sagot. Isulat
sa kwaderno ang iyong tamang sagot.
1. Ano kaya ang nararamdaman ng mga Pilipino sa di- pantay na kasunduan?
A. Sila ay natuwa.
B. Silay ay natakot sa posibleng mangyari.
C. Sila ay nagalit dahil sa di pantay na kasunduan.
D. Sila ay nagulat sa kasunduan ng Amerikano at Pilipino.
2. Sino ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito?
A. Ang Pangulong Roxas
B. Ang mga mamamayan
C. Ang mga sundalo
D. Ang mga Amerikano
3. Kanino nakasalalay ang katatagan ng bansang Pilipinas sa paniniwala ni Pangulong Roxas?
A. Sa mga Hapones
B. Sa mga Sundalo
C. Sa mga Amerikano
D. Sa mga nagdaan pangulo
4. Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na
pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
A. Ito ay nakasaad na bibigyan ang United States ng karapatan upahan ang mga base
military sa loob ng 99 na taon.
B. Ito ay nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military( Military Assistance Agreement)
C. Ito ay nakasaad sa pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty)
D. Ito ay nakasaad sa bawat Pilipino na bibigyang parusa kung sino amnmg lalabag sa batas
military.
5. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang reaksyon sa kasunduang base military ng
Pilipino at Amerikano?
A. Sila ay nagwelga habang nambabato sa embahada ng US.
B. Silay ay nagsayawan at nagkantahan dahil sila ay nasiyahan sa kasunduan.
C. Sila ay nagkaroon ng malaking handaan.
D. Sila ay umalis sa ating bansa at doon naninirahan sa iabng bansa.
19
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar
na pirmahan noong Mayo 14,1947 kung saan binigyan ang Estados Unidos ng karapatang
upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukos sa Kasunduang Tulong Militar
(Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947 ay nilagdaan pa
ang isa pang kasunduan noong Agosto 30,1951. Ito ang kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t
isa( US-RP Mutual Defense Treaty).
Pagyamanin
Hanapin mo!
Panuto: Suriin ang mga letrang nasa palais ipan (puzzle).Hanapin at isulat sa
kwaderno ang limang salitang kaugnay sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa
Kasunduang Batas Militar.
S N A G A L I T S N
L A G T U U R U O A
U R M U U H R M O G
N G D A N N K U O R
G I I E N S M T M A
K K T O S G A O S L
O R R R Y D L L D L
T T R O H D U O F Y
A F R W W U I M O K
O W R H T F O M O B
20
Isaisip
Tandaan!
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa kuwaderno.
1. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa
Amerika?
A. Upang ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
B. Upang magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
C. Upang mabigyang lutas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas
dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
D. Upang makuha ang bansang Amerika.
2. Anong kasunduan ang isinasaad na bibigyan ang United States ng karapatang
upahan ang mga base military upang maitanggol ang isa’t isa.
A. Kasunduang Base Militar
B. Kasunduang Parity Rights
C. Kasunduang Base Militar
D. Kasunduan Bell Trade Act
3. Kalian pinirmahan ang Kasunduan ng Base Military?
A. Mayo 14,1947
B. Mayo 21,1946
C. Marso 21,1947
D. Marso 14,1946
4. Paano ipinahayag ng mga mamamayan ang kanilang damdamin tungkol sa di-
pantay na kasunduan ng base military?
A. pagwewelga
B. pagkakaroon ng malakng handaan
C. pagpupunit ng papel ng kasunduan
D. pagkakaroon ng sayawan,at kantahan
5. Bakit nagkaroon ng kasunduan ang Amerika at ang bansang Pilipinas?
A. Nagkaroon dahil sa malaking suliranin na idinulot ng digmaan.
B. Nagalit ang ibang bansa kaya nakiisa sa bansang Amerika.
C. Nabaon sa utang ang bansang Pilipinas.
D. Nawalan nang pagkakakitaan ang bansang Amerika.
Isagawa
Panuto: Bilugan ang limang salita sa loob ng malaking kahon ang mga reaksyon ng
mga Pilipino sa di-pantay na Kasunduan ng bansang Pilipinas sa bansang Amerika.
21
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng TAMA ang patlang kung ang
pahayag ay nagpapahayag ng reaksiyon sa di-pantay na kasunduan at pagsandal sa
United States at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Maraming tumuligsa sa naipasang batas.
2. Natuwa ang lahat ng mga Pilipino.
3. Mas gusto nilang gamitin at tangkilikin ang mga gawang state side.
4. Pagsaad ng saloobin sa pamamagitan ng pagrally.
5. Nakalimutan ng maraming Pilipino ang pagtangkilik sa mga gawang local.
Karagdagang Gawain
22
Susi ng Pagwawasto
Aralin 1
Aralin 2
Aralin 3
Sanggunian
Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo,2017 Kayamanan 6, pahina
173-175. Rex Printing Company, Inc.
Michael J. Cabrera, Pilipinas 6,pahina 116-121, Salesiana Books Don Bosco Press
DLP-Division of LANAO DEL NORTE Grade 6
23
For inquiries or feedback, please write or call: