Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Calbaza, Charles Emil

BSBA MM 21011
Pagsusuri ng pelikula
A.
Pamagat ng pelikula
 Guererro part 1
Direktor
 Carlo Ortega Cuevas
Prodyuser
 Stephen Cruz
Pangunahing Tauhan
 Genesis Gomez (Ramon)
o Panganay sa magkapatid
o Protagonistang karakter sa pelikula
o Boksingero
 Julio Cesar Sabenorio (Miguel)
o Nakababatang kapatid ni Ramon
o Na-comatose
 Joyselle Cabanlong (Abby)
o Ang iniibig ni Ramon
Tema ng pelikula
 Drama
 Pamilya
 Trahedya
 Pangarap
 Pagmamahal
 Karanasan
Boud ng pelikula

 Ito ay kuwento ni Ramon Guerrero, Miguel Guerrero na malapit sa isa’t isa pero
nagkahiwalay noong nagkasakit ito atnag sanhi na ma-comatose ng limang taon ng dahil
sa boksing. Si Ramon ay isang boksingerong isang beses pa lamang nanalo at ang
kaniyang mga hamon sa buhay ay salat sa buhay. Si Ramon Guerrero ay mayroong
masayang pamilya, ang kaniyang ina at kapatid ay palaging nakasuporta sa kaniya, kahit
labag ito sa kalooban ng kaniyang ina dahil ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang
kaniyang anak. Mas lalo pang naging makulay ang buhay ni Ramon ng makilala niya si
Abby. Na siyang ikinaselos ni Miguel dahil nauubusan na ito ng oras sa kaniyang
nakababatang kapatid. Si abby, Miguel, kaniyang ina at mga kaibigan ay todo ang suporta
sa laban ni Ramon, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, si Ramon ay bumagsak sa
suntok ng kalaban at naging dahilan ng kaniyang comatose na siyang tumagal ng 5 taon,
at sa kaniyang paggising ay napakarami na ang nangyari at hindi niya kalian pa nakitang
muli si Miguel.
Pangkalahatang impresyon sa pelikula
 Musika
o Ang kantang “nandyan” ay isang musikang nakakabighani pakinggan dahil
sa mensaheng hatid nito na hindi lamang pang pamilya, kung hindi pati na
rin ang sa karelasyon. Dagdag pa rito, ito ay tugma at nararapat lamang na
isama sa kanilang pelikula bagamat ito’s napakaganda
 Sinematograpiya
o Mayroong mga parte na hindi maays ang pagkakakuha dahil sa mga angguo,
ngunit ito ay hindi nagtatagal. Ang camera ay malinaw at ang ilaw ay
nakapwwesto nang tama. May mga oras lamang na hindi masyadong maganda sa
aking paningin ang mga scene.

 Banghay ng mga pangyayari


o Ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari ay naka organisa, at dahil rito
naintindihan ng mas maigi ang mensahe ng pelikula. Ngunit di maipagkakaila ang
mga kaganapang hindi inaakala.
 Dayalogo
o Ang dialecta ay maayos na naipahayag sa camera at ito ay naiitindihan nang mga
manonood. Hindi lamang iyon, ito ay naaangkop sa pangyayari sa bawat scene.
 Special effects
o Wala masyadong special effects na naganap sa pelikula bukod sa palipat lipat na
transition scene, at ito ay marapat lamag dahil hindi slideshow ang pelikula.
 Gamit ang Pagdulog realism
o Sa pelikulang ito ipinakita kung ano ang mga possibleng mangyare sa buhay ng
isang boksingero, hindi lamang iyon, pati na rin ang mga kayang gawn ng isang
tao para sakanilang pamilya.
 Pagdulog sosyolohikal
o Kung ating susuriin sa totoong pangyayari na dahil sa kahirapa may mga taong
kumakapit sa patalim, at nag uudyok na gawin ito kahit na delikado. Sa sitwasyon
ni Ramo, ito ay kaniyang nakahiligan at ang kaniyang napagdaanan ay
napakahirap.

 Pagdulog eksistenyalismo
o Sa realidad, ang buhay ng tao ay puno ng pagsubok at paghihirap na kailangang
pagdaanan upang mas tumibay at mas maging appreciative sa mga bagay na
mayron ngayon. Sa sitwasyon ni Ramon at ngkaniyang pamilya, kahirapan ang
kanilang unang pangunahin at ang nakahiligan na sports na kalaunan ay nagging
trabaho para mabuhay sa pang araw araw
 Ang mga aral nais ipabatid
o Ang buhay ay hindi lagging sumasang ayon sa gusto ng isang tao, ito ay iba iba at
nakadepende sa sitwasyon ng bawat isa. May mga mahihirap na masaya ngunit
kulang sa pinansyal, mayroong may kaya ngunit hindi masaya. Ngayon ang
pelikulang ito ay nagpapakita na ang pamilya ang magiging sandalan hanggang sa
huli ng isang tao. At may mga pagsubok sa buhay a kailangang harapin imbis na
takas an. Hindi lamang iyon, lahat ay kayang gawin ng isang tao para lamang sa
kaniyang mahal sa buhay, kahit buhay pa nito ang kapalit. At panghuli, ang
pangarap ay isa sa magiging pag-asa sa buhay para magpatuloy sa anumang
pagsubok.

You might also like