Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

9  

   

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7.b: Ang
Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
(Linggo: Ikaanim)

 
 
Edukasyong  Pagpapakatao  –  Ikasiyam  na  Baitang    
Alternative  Delivery  Mode  
Ikalawang   –   Modyul   7.b:   Ang   Paggawa   Bilang   Paglilingkod   at   Pagtataguyod   ng  
Dignidad  ng  Tao  
 
  Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring  magkaroon  ng  
karapatang-­sipi   sa   anomang   akda   ang   Pamahalaan   ng   Pilipinas.   Gayonpaman,   kailangan  
muna  ang  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng  pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  
ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga  maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  
ang  pagtakda  ng  kaukulang  bayad.  
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  brand  
name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  modyul  na  ito  
ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang   matunton   ang   mga   ito  
upang   makuha   ang   pahintulot   sa   paggamit   ng   materyales.   Hindi   inaangkin   ng   mga  
tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  anomang  gamit  maliban  sa  
modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.    
 
Walang   anomang   parte   ng   materyales   na   ito   ang   maaaring   kopyahin   o   ilimbag   sa  
anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.  
 
Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon  
Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones  
Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio  
 

Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul  


 
Manunulat:  Kevin  V.  Elmido  
Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagasuri:  Anna  Mae  I.  Tejada  |  Amancio  M.  Gainsan  Jr.  
Tagaguhit:  Junelyn  Q.  Vailoces  
Tagalapat:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera  
           Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.     Maricel  S.  Rasid  
           Nilita  L.  Ragay,  Ed.D.                                                            Elmar  L.  Cabrera  
           Donre  B.  Mira,  Ed.D.  
 
 
Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________  
 
Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental
 
Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental
Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117  
E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph  

 
 
 

9  

Edukasyong
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
7.b:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod
at Pagtataguyod ng Dignidad ng
Tao
(Linggo: Ikaanim)

 
   

 
 
 

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

 
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

   

ii  
 
 

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii  
 
 

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv  
 
 

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!  

v  
 
 

 
Ang  Paggawa  Bilang  Paglilingkod  at  Pagtataguyod  ng  
Dignidad  ng  Tao  
 

Alamin  
 
 
 
 
MGA  KASANAYANG  PAMPAGKATUTO:  
Napatutunayan  na  sa  pamamagitan  ng  paggawa,  nakapagpapamalas  ang  tao  ng  mga  
pagpapahalaga   na   makatutulong   upang   patuloy   na   maiangat,   bunga   ng   kaniyang  
paglilingkod,  ang  antas  kultural  at  moral  ng  lipunan  at  makakamit  niya  ang  kaganapan  
ng  kaniyang  pagkatao  (EsP9TTIIf-­7.3)  
 
Nakabubuo   ng   sintesis   tungkol   sa   kabutihang   naidudulot   ng   paggawa   gamit   ang  
panayam   sa   mga   manggagawang   kumakatawan   sa   taong   nangangailangan  
(marginalized)  na  nasa  iba’t-­ibang  kurso  o  trabahong  teknikal-­bokasyonal  
(EsP9TTIIf-­7.4)  

 
Mga  Layunin  
 
Ang  modyul  na  ito  ay  ginawa  upang  maibahagi  sa  iyo  ang  mga  kaalaman  na  
nararapat  ninyong  matutuhan  sa  nasabing  baitang.  Pagkatapos  pag-­aralan  ang  
modyul  na  ito,  magagawa    mo    ang  sumusunod:  
1.   Naipaliliwanag  ang  Batayang  Konsepto  ng  aralin;;  
2.    Naisasagawa  kung  ang  paggawang  nasaksihan  sa  pamilya,  paaralan,  
barangay/pamayanan  ay  nagtataguyod  ng  dignidad  ng  tao;;  
3.   Nakatatamo  ng  kasiyahan  sa  pagsagot  sa  mga  gawain.  
 
 

1  
 
 

Subukin  
 
 
Panuto:  Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  pahayag.  Isulat  ang  tamang  sagot    
                           sa  iyong  kwaderno.  
 
1.  Ang  mga  sumusunod  na  sitwasyon  ang  nagpapakita  ng  tunay  na  gumagawa  
       maliban  sa  isa.    
       A.  Si  Mang  Joel  ay  matagal  ng  karpintero,  nakilala  na  siya  sa  kaniyang  komunidad                
dahil  sa  kaniyang  pulidong  trabaho.  Hindi  lamang  siya  umaasa  sa  disenyo  ng    
arkitekto  o  inhinyero  kundi  nagbibigay  din  siya  ng  mungkahi  sa  mga  ito  kung    
paano  mas  mapatitibay  at  mapagaganda  ang  pagkakagawa  ng  isang  bahay.  
       B.  Si  Henry  ay  isang  kilalang  pintor.  Ang  kaniyang  panahon  ay  kaniyang  inilalaan    
sa  loob  ng  isang  silid  para  sa  buong  maghapong  pagtatapos  ng  isang  obra.  
       C.  Si  Renato  ay  isang  batang  nagpupunta  sa  mga  bahay  upang  kumolekta  ng    
mgabasura.  Umaasa  lamang  siya  sakaunting  barya  na  ibibigay  ng  kaniyang    
mga  kapitbahay  upang  may  maipambaon  sa  paaralan  dahil  gusto  niyang            
makatapos.  
       D.  Mula  pagkabata,  si  Anthony  ay  napilitang  tumira  sa  isang  pabrika  bilang    
trabahador.  Iniwan  na  siya  ng  kaniyang  mga  magulang  sa  lugar  na  ito  dahil    
mayroon  siyang  naiwang  utang  at  hindi  nabayaran.  Bilang  kapalit,  si  Anthony    
ay  magtatrabahao  rito  ng  ilang  taon.  
2.  Ano  ang  epekto  ng  paggawa  ng  kabutihan  sa  ating  buhay?  
       A.  Mabibiyaan  ka  sa  ginawa  mong  kabutihan  at  mas  maraming  tao  ang  magiging    
               malapit  sayo.  
       B.  Mas  maraming  tao  ang  magtitiwala  sayo,  ang  tiwala  ay  napakahalaga.  
       C.  Mas  malapit  ka  sa  ating  panginoong  Diyos  at  makakaasa  ka  sa  kung  ano  man    
               ang  hihilingin  mo.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
3.  Paano  natin  maipagmamalaki  ang  produktong  gawang  Pilipino?  
       A.  Sa  pamamagitan  ng  pagpapakita  na  ikaw  ay  makabansa,  may  pagmamahal  at    
               pagpapahalaga  sa  bayan.  
       B.  Sa  pamamagitan  ng  paggawa  ng  mga  komersyal  sa  radio  pahayagan  at    
                 telebisyon  na  nagpapakita  ng  kagandahan,  kahusayan  at  kapakinabangan  ng    
                 mga  produktong  Pilipino.  
       C.  Sa  pamamagitan  ng  pagtangkilik  sa  mga  produkto  natin  -­  ang  pagsusuot  ng  mga    
                 damit,  at  palamuti  sa  ating  katawan  na  gawa  sa  sarili  nating  bayan.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
4.  Paano  nasasabi  na  ang  paggawa  ay  isang  moral  na  obligasyon  para  sa  kapwa,  sa          
       kaniyang  pamilya,  sa  lipunan  na  kaniyang  kinabibilangan  at  sa  bansa?    
       A.  Kapag  hindi  iniisip  ng  tao  ang  kaniyang  sarili  sa  kaniyang  paggawa.    
       B.  Kapag  kinakailangang  isama  sa  layunin  ng  tao  sa  paggawa  ang  makatutulong    
                 sa  kaniyang  kapwa.    
       C.  Kapag  kinakailangang  ng  tao  na  maghanap  ng  hanapbuhay  na  ang  layunin  ay        
                 makatulong  at  magsilbi  sa  kapwa.    
       D.  Lahat  ng  nabanggit    
5.  Paano  kinikilala  sa  ibang  bansa  ang  Pilipino  sa  larangan  ng  paggawa?  
       A.  May  mabagal  na  pagkilos  at  di  pulidong  pagtatrabaho  
       B.  May  kasipagang  angkin,  hindi  matatawarang  talino  at  labis  na  pagmamahal  sa          

2  
 
 

                 paggawa  
       C.  May  mataas  na  pagtingin  sa  sarili  na  ibinabatay  sa  trabahong  nababagay  sa    
                 kanila  
       D.  Sumusunod  sa  tamang  oras  ng  pagpasok,  pagpapahinga  at  pagtatapos  sa  
                 paggawa  
6.  Sa  paanong  paraan  nagiging  hindi  makabuluhan  ang  paggawa?  
       A.  kapag  ang  tao  ay  tinitingnan  ang  paggawa  bilang  tunguhin  (goal)  at  hindi  daan      
               (means)  sa  pagkamit  ng  tunguhin.  
       B.  kapag  ang  pagbibigay  ng  iyong  lahat  ng  panahon  at  pagod  sa  paggawa  ay    
                 hindi  nagwawaglit  sa  pag-­aalay  nito  para  sa  kapurihan  ng  Diyos.  
       C.  kapag  ibinibigay  ng  tao  ang  lahat  ng  kaniyang  makakaya  sa  paggawa  upang        
                 kaniyang  matamasa  ang  bunga  ng  kaniyang  pinagpaguran.  
       D.  kapag  nakikita  at  nauunawaan  ng  tao  ang  katuturan  ng  kaniyang  paggawa  
7.  Ang  tao  ay  gumagawa  upang  kitain  ang  salapi  na  kaniyang  kailangan  upang        
       matugunan  ang  kaniyang  pangunahing  pangangailangan.  Ang  pangungusap  ay:    
       A.  Tama,  dahil  likas  sa  tao  na  unahing  tugunan  ang  kaniyang  pangunahing    
                 pangangailangan.    
       B.  Tama,  dahil  hindi  mabibili  ng  tao  ang  kaniyang  pangangailangan  kung  wala    
                 siyang  pera.    
       C.  Mali,  dahil  hindi  nararapat  na  pera  ang  maging  layunin  sa  paggawa.    
       D.  Mali,  dahil  mas  mahalagang  isipin  na  matugunan  ang  pangangailangan  ng    
                 kapwa  bago  ang  sarili.    
8.  Ano  ang  nagiging  epekto  sa  pagiging  produktibo  ng  tao  at  paggawa  ng  pag-­  
       unlad  ng  agham  at  teknolohiya?    
       A.  Hindi  nagkakaroon  ng  pagkakataon  ang  tao  na  magamit  ang  kaniyang    
                 pagkalamikhain.    
       B.  Mas  nababawasan  ang  halaga  ng  isang  produkto  dahil  hindi  ito  nahawakan  ng    
                 tao.    
       C.  Nagkakaroon  ng  katuwang  ang  tao  sa  mabilis  na  paglikha  ng  maraming    
                 produkto.    
       D.  Nababago  na  ang  kahulugan  ng  tunay  na  paggawa.    
9.  Ang  paggawa  ay  isang  moral  na  obligasyon  para  sa  kapwa,  sa  kaniyang  pamilya,    
       sa  lipunan  na  kaniyang  kinabibilangan,  at  sa  bansa.  Ito  ay  nangangahulugang:  
       A.  Hindi  nararapat  na  isipin  ng  tao  ang  kaiyang  sarili  sa  kaniyang  paggawa.  
       B.  Kailangang  kasama  sa  layunin  ng  tao  sa  paggawa  ang  makatulong  sa    
kaniyang  kapwa.  
       C.  Kailangan  ng  tao  na  maghanap  ng  hanapbuhay  na  ang  layunin  ay  makatulong    
at  magsilbi  sa  kapwa.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
10.  Alin  sa  mga  sumusunod  ang  hindi  nagpapakita  ng  panlipunang  dimensiyon  ng    
           paggawa?  
           A.  Ang  paggawa  ay  para  sa  kapwa  at  kasama  ang  kapwa.  
           B.  Ang  paggawa  ay  paggawa  ng  isang  bagay  para  sa  sarili.  
           C.  Ang  paggawa  ay  nagbubukas  para  sa  pagpapalitan,  ugnayan,  at    
pakikisangkot  sa  ating  kapwa.  
           D.  Ang  paggawa  ay  pagkilala  sa  kagalingan  ng  mga  likha  ng  kapwa.  
 
 
 
 

3  
 
 

 
Balikan  
 
Panuto:  Sagutin  ang  mga  sumusunod  na  tanong.  
1.  Bakit  mahalaga  ang  paggawa?  
         ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
 2.  Anu-­ano  ang  mahahalagang  layunin  ng  paggawa?  Punan  ang  dayagram  na  nasa              
       Ibaba.  
 
 
                   
 
 
 
 
 
  Mahahalagang
  Layunin ng
Paggawa
 
 
 
 
 
 

Tuklasin  
 
 
Dangal  sa  Paggawa  
Saan  mang  lupalop  ako  makarating,  
Hindi  nahihiya  sa  angking  gawain;;  
Nililinis  ko’y  imburnal  na  malalim  
Kahit  anong  dumi  aking  lulusungin.  
 
Sapagkat  gawain  ko’y  totoong  marangal  
Sa  mata  ng  tao  at  Poong  Maykapal;;  
Di  ko  itatanggi  kahit  kaninuman  
Ang  pinagmumulan  ng  ikinabubuhay.  
 
Anumang  gawain  dapat  tumbasan  
Ng  hustong  paggalang  at  ng  katapatan;;  
Magsimula  sa  oras,  gumawa  buong  araw  

4  
 
 

Tiyak  mong  ang  sweldo  ay  pinaghirapan.  


 
Magara  nga’ng  damit,  malinis  na  kamay  
Nakadukot  naman  sa  ibang  lukbutan;;  
Dito  na  ako  sa  mabahong  imburnal    
Salamat,  salamat,  O  Poong  Maykapal.  
 
Panuto:  Mula  sa  Gawain  1  sagutin  ang  sumusunod  na  katanungan.  
1.  Sino  ang  nagsasalita  sa  tula?    
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
2.  Bakit  hindi  niya  ibig  ang  malilinis  na  kamay?  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
3.  Anu-­ano  ang  magagandang  saloobin  niya  sa  paggawa?  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
4.  Ikinararangal  mo  ba  ang  ganitong  uring  gawain?  Ipaliwanag.  
         ________________________________________________________________  
         ________________________________________________________________  
         _________________________________________________________________  
 
 

Suriin
 
n  
 
Ang  paggawa  ay  higit  sa  pagkita  lamang  ng  salapi  kundi  ito  ay  daan  tungo  sa  pagbuo  
ng  tao  ng  kanyang  pagkakakilanlan  at  kakayahan,  pagkamit  ng  kaganapang  pansarili  
at  pagtulong  sa  kapwa  upang  makamit  ang  kanyang  kaganapan.  
 
Ang  Panlipunang  Dimensiyon  ng  Paggawa  
                     Ang  paggawa  ay  mayroon  ding  panlipunang  dimensiyon.  Ang  gawain  ng  tao  ay  
likas  na  nakaugnay  sa  gawain  ng  kaniyang  kapuwa.  Ang  paggawa  ay  paggawa  para  
sa  kapuwa  at  kasama  ang  kapuwa.    Ito  ay  paggawa  ng  isang  bagay  para  sa  iba.  Hindi  
ba’t  alam  naman  natin  na  ang  bunga  ng  ating  ginagawa  ay  para  sa  kapakinabangan  
ng   mas   marami?   Ang   bunga   ng   paggawa   ng   tao   ang   nagbubukas   para   sa  
pagpapalitan,  ugnayan,  at  pakikisangkot  sa  ating  kapuwa.  Ang  panlipunang  kalikasan  
ng   paggawa   ang   tunay   na   tataya   sa   paggawa.   Ito   ay   dahil   hindi   magbubunga   ang  
pagsisikap  ng  tao  kung  wala  ang  kaniyang  kapwa,  kung  walang  mga  pamantayang  
pangkaayusan   ng   lipunan   na   naglalagay   ng   limitasyon   sa   paggawa   at   sa  
manggagawa,  kung  hindi  magkaugnay  ang  mga  hanapbuhay,  na  umaasa  sa  isa’t-­isa  

5  
 
 

(interdependent)  at  hindi  nagtutulungan  ang  lahat  upang  gawing  ganap  ang  bawat  isa  
at  ang  pinakamahalaga,  hangga’t  hindi  nagkakaisa  magkakaisa  ang  isip,  material  na  
bagay   at   paggawa   upang   sila   ay   maging   buo.   Mahalagang   parang   iisang   taong  
kumikilos  ang  lahat.  Mahalagang  naibabahagi  ang  pag-­asa,  paghihirap,  pangarap,  at  
kaligayahan   at   napagbubuklod   ang   loob,   isip   at   puso   ng   lahat   ng   tao   habang  
gumagawa.  Sa  pagkakataong  ganito  makakamit  ang  tunay  na  pagkakapatiran  –  ang  
tunay  na  panlipunang  layunin  ng  paggawa.  
                     Ang  tunay  na  halaga  ng  tao  ay  nakabatay  sa  kung  paano  niya  pinagsisikapang  
hubugin  ang  pagkatao  tungo  sa  kabutihan.    
 
 

Pagyamanin  
 
 
Panuto:  Basahin  ang  kwento  ni  Manny  Pacquiao  at  sagutin  ang  mga  sumusunod  na    
                           katanungan.  

 
Pacquiao  Galante  sa  mga  Kapuspalad  na  Pinoy;;  Opisina  sa  
 
Senado  Laging  ‘Pila-­Balde’  
 
 
 
 
 
    Hindi  na  kailangang  dumating  ang  Pasko  para  magbigay  ng  regalo  ang  isang  
  taong   natural   nang   may   busilak   na   puso.   Pasko   o   hindi   ay   palaging   bukas   ang  
  kanyang  mga  palad  sa  pagpapasaya  at  pagtulong  sa  kanyang  kapwa.  
    ‘Yun  si  Senador  Manny  Pacquiao  para  sa  mga  kababayan  niya  sa  General  
  Santos  City,  mula  Enero  hanggang  sa  katapusan  ng  taon  ay  nandiyan  lang  siya  para  
  dumamay   sa   mga   pangangailangan   ng   mga   kababayan   niya,   hindi   pinagbago   ng  
  kasikatan  at  kayamanan  ang  Pambansang  Kamao.  
    Kuwento  ng  mga  kaibigan  naming  nagtatrabaho  sa  Senado  ay  ang  room  ni  
  Senador   Pacquiao   ang   palaging   pinipilahan   ng   mga   kababayan   nating  
  nangangailangan  ng  ayuda.  
    Sabi  pa  nito,  “Sa  Senate,  alam  na  alam  mo  kung  sino  ang  mambabatas  na  
 
madaling   lapitan.   Palaging   may   pila   sa   kuwarto-­opisina   niya.   ‘Yung   mga   kilalang  
 
sarado  ang  mga  palad,  walang  kapila-­pila!  
 
  “E,   si   Senador   Manny,   hindi   nawawalan   ng   pila   sa   office   niya.   Madali   kasi  
 
  siyang  hingan  ng  tulong,  maraming  nagpupuntahan  sa  kanya  dahil  napakabukas  ng  
  palad  niya,”  sinserong  kuwento  ng  aming  source.  
    Kaya   naman   patuloy  ang  pagbaha   ng   mga   biyaya   para   sa   ating   kampeong  
  boksingero,   lahat   ng   tulong   na   ibinibigay   niya   ay   ibinabalik   din   sa   kanya   ng  
kapalaran,  mas  maraming-­maraming  doble  pa  nga.    
https://bandera.inquirer.net/140003/pacquiao-­‐galante-­‐sa-­‐mga-­‐kapuspalad-­‐na-­‐pinoy-­‐opisina-­‐sa-­‐senado-­‐laging-­‐pila-­‐balde#ixzz6RfqAuj00  
1.  Ayon  sa  maiksing  sanaysay  tungkol  kay  many  Pacquiao,  ano  ang  kaniyang  
Katwiran   ni   Pacman,   kapag   nawala   tayo   sa   mundo   ay   walang-­wala     tayong  
layunin  sa  paggawa  o  pagtulong  sa  mga  mahihirap?  
madadala,  ang  tanging  maiiwanan  lang  natin  ay  ang  magagandang  alaala  mula  sa  
       ________________________________________________________________  
mga  taong  minsan  isang  panahon  ay  nasagip  natin  sa  matinding  kagipitan.  
   
6  
 

 
 

       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
       ________________________________________________________________  
2.  Ano  ang  nagtulak  sa  kaniya  o  ang  kaniyang  motibasyon  sa  pagpili  ng  trabaho  o    
karera  sa  buhay  na  kaniyang  pinasok?  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
3.  Anu-­ano  kaya  ang  mga  hamon  at  pagsubok  na  kaniyang  pinagdaanan  bago  niya    
narating  ang  kaniyang  kinallagyan  ngayon?  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
4.  Kung  ikaw  ang  nasa  katayuan  ni  Manny  Pacquiao  noong  bago  pa  siya  naging    
tanyag,  gagawin  mob  a  ang  mga  paggawa  na  ginawa  niya?  At  kung  ikaw  naman    
ang  nasa  katayuan  ni  Manny  Pacquiao  ngayong  umunlad  na  siya,  gagawin  mo  ba    
angkaniyang  mga  gawain  na  pagtulong  sa  mga  mahihirap?  Kung  Oo  ang  sagot    
Bakit?  At  kung  Hindi  ang  sagot,  Bakit  Hindi?  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
       _________________________________________________________________  
 

Isaisip  
 
 
 

Napag  alaman  ko  na  ____________________________________.  


 
Napagtanto  ko  na  _______________________________________  
 
Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
7  
   
 
 

Isagawa  
 
 
 
A.  TAMA  O  MALI  
         Panuto:  Basahin  ang  mga  kaisipan  tungkol  sa  paggawa.  Isulat  sa  patlang  kung    
                                       ang  ipinahahayag  ay  TAMA  o  MALI.  
         __________  1.  Ang  paggawa  ay  paggamit  ng  kakayahan.  
         __________  2.  Ang  magpalimos  ay  hindi  ginagawa  ng  taong  mapamaraan.  
         __________  3.  Marangal  na  gawain  ang  pagmamasahe.  
         __________  4.  Ang  gawain  ng  mga  pari,  pastor  at  madre  ay  kabilang  sa    
                                                           paggawang  ispiritwal.  
         __________  5.  Ang  gawaing  sumusunod  sa  batas  ng  tao  at  ng  Diyos  ay    
                                                           marangal.  
B.  PAGKILALA  
         Panuto:  Ang  mga  sumusunod  ay  pag-­uugali  sa  paggawa.  Isulat  ang  B  kung  ito    
                                     ay  nagsasaad  na  mabuting  saloobin  at  H  kung  hindi.  
         __________  1.  Nagsisimula  agad  sa  dapat  gawin.  
         __________  2.  Naghihintay  na  utusan.  
         __________  3.  Kusang  gumagawa  ng  takda.  
         __________  4.  Hindi  namimili  ng  gawain.  
         __________  5.  Hindi  tumatanggap  ng  kamalian.  
 
 

Tayahin  
 
Panuto:  Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  aytem.  Isulat  ang  mga  sagot  sa  
                           iyong  kuwaderno.  
1.  Alin  sa  mga  sumusunod  ang  hindi  nagpapakita  ng  panlipunang  dimensiyon  ng    
       paggawa?  
       A.  Ang  paggawa  ay  para  sa  kapwa  at  kasama  ang  kapwa.  
       B.  Ang  paggawa  ay  paggawa  ng  isang  bagay  para  sa  sarili  
       C.  Ang  paggawa  ay  nagbubukas  para  sa  pagpapalitan,  ugnayan,  at  pakikisangkot  
                 sa  ating  kapwa.  
       D.  Ang  paggawa  ay  pagkilala  sa  kagalingan  ng  mga  likha  ng  kapwa.  
2.  Paano  kinikilala  sa  ibang  bansa  ang  Pilipino  sa  larangan  ng  paggawa?  
       A.  May  mabagal  na  pagkilos  at  di  pulidong  pagtatrabaho  
       B.  May  kasipagang  angkin,  hindi  matatawarang  talino  at  labis  na  pagmamahal  sa          
                 paggawa  
       C.  May  mataas  na  pagtingin  sa  sarili  na  ibinabatay  sa  trabahong  nababagay  sa    
                 kanila  
       D.  Sumusunod  sa  tamang  oras  ng  pagpasok,  pagpapahinga  at  pagtatapos  sa  
                 paggawa.  
3.  Sa  paanong  paraan  nagiging  hindi  makabuluhan  ang  paggawa?  
       A.  kapag  ang  tao  ay  tinitingnan  ang  paggawa  bilang  tunguhin  (goal)  at  hindi  daan      

8  
 
 

               (means)  sa  pagkamit  ng  tunguhin.  


       B.  kapag  ang  pagbibigay  ng  iyong  lahat  ng  panahon  at  pagod  sa  paggawa  ay    
                 hindi  nagwawaglit  sa  pag-­aalay  nito  para  sa  kapurihan  ng  Diyos.  
       C.  kapag  ibinibigay  ng  tao  ang  lahat  ng  kaniyang  makakaya  sa  paggawa  upang        
                 kaniyang  matamasa  ang  bunga  ng  kaniyang  pinagpaguran.  
       D.  kapag  nakikita  at  nauunawaan  ng  tao  ang  katuturan  ng  kaniyang  paggawa  
4.  Ano  ang  epekto  ng  paggawa  ng  kabutihan  sa  ating  buhay?  
       A.  Mabibiyaan  ka  sa  ginawa  mong  kabutihan  at  mas  maraming  tao  ang  magiging    
               malapit  sayo.  
       B.  Mas  maraming  tao  ang  magtitiwala  sayo,  ang  tiwala  ay  napakahalaga.  
       C.  Mas  malapit  ka  sa  ating  panginoong  Diyos  at  makakaasa  ka  sa  kung  ano  man    
               ang  hihilingin  mo.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
5.  Ang  paggawa  ay  isang  moral  na  obligasyon  para  sa  kapwa,  sa  kaniyang  pamilya,    
       sa  lipunan  na  kaniyang  kinabibilangan,  at  sa  bansa.  Ito  ay  nangangahulugang:  
       A.  Hindi  nararapat  na  isipin  ng  tao  ang  kaiyang  sarili  sa  kaniyang  paggawa.  
       B.  Kailangang  kasama  sa  layunin  ng  tao  sa  paggawa  ang  makatulong  sa    
                 kaniyang  kapwa.  
       C.  Kailangan  ng  tao  na  maghanap  ng  hanapbuhay  na  ang  layunin  ay  makatulong    
                 at  magsilbi  sa  kapwa.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
6.  Sino  sa  mga  sumusunod  ang  hindi  nakatutulong  sa  pag-­angat  ng  antas  kultural  ng    
       bansa  sa  pamamagitan  ng  kanilang  paggawa?  
       A.  Si  Antonio  na  gumagawa  ng  mga  muwebles  na  yari  sa  rattan  at  buli  at    
                 nilalapatan  ng  modernong  disenyo.  
       B.  Si  Renee  na  gumagawa  ng  mga  damit  na  yari  sa  material  na  tanging  sa  bansa    
                 nakikita  at  inilalapat  sa  yari  ng  mga  damit  ng  mga  banyaga.  
       C.  Si  Romeo  na  nag-­eexport  ng  mga  produktong  gawa  sa  mga  kalapit  na  bansa  
       D.  Si  Shiela  na  gumagawa  ng  mga  pelikulang  tungkol  sa  mga  isyung  palipunan  ng    
                 bansa  na  inilalahok  sa  mga  timpalak  sa  buong  mundo.  
7.  Ano  ang  nagiging  epekto  sa  pagiging  produktibo  ng  tao  sa  paggawa  ng  tao  sa    
       pag-­unlad  ng  agham  at  teknolohiya?  
       A.  Hindi  nagkakaroon  ng  pagkakataon  ang  tao  na  magamit  ang  kaniyang    
                 pagkamalikhain.  
       B.  Mas  nababawasan  ang  halaga  ng  isang  produkto  dahil  hindi  ito  nahawakan  ng    
                 tao.  
       C.  Nagkakaroon  ng  katuwang  ang  tao  sa  mabilis  na  paglikha  ng  maraming    
                 produkto.  
       D.  Nagbabago  na  ang  kahulugan  ng  tunay  na  paggawa.  
8.  Ang  tao  ay  gumagawa  upang  kitain  ang  salapi  na  kaniyang  kailangan  upang    
       matugunan  ang  kaniyang  pangunahing  pangangailangan.  Alin  sa  mga  pahayag    
       ang  tama?  
       A.  Likas  sa  tao  na  unahing  tugunan  ang  kaniyang  pangunahing  pangangailangan.  
       B.  Hindi  mabibili  ng  tao  ang  kaniyang  pangangailangan  kung  wala  siyang  pera.  
       C.  Hindi  nararapat  nap  era  ang  maging  layunin  sa  paggawa.  
       D.  Mas  mahalagang  isipin  na  matugunan  ang  pangangailangan  ng  kapwa  bago    
                 ang  sarili.  
9.  Ang  mga  sumusunod  na  sitwasyon  ang  nagpapakita  ng  tunay  na  gumagawa    
       maliban  sa  isa.    
       A.  Si  Mang  Joel  ay  matagal  ng  karpintero,  nakilala  na  siya  sa  kaniyang  komunidad    

9  
 
 

                 dahil  sa  kaniyang  pulidong  trabaho.  Hindi  lamang  siya  umaasa  sa  disenyo  ng    
                 arkitekto  o  inhinyero  kundi  nagbibigay  din  siya  ng  mungkahi  sa  mga  ito  kung    
                 paano  mas  mapatitibay  at  mapagaganda  ang  pagkakagawa  ng  isang  bahay.  
       B.  Si  Henry  ay  isang  kilalang  pintor.  Ang  kaniyang  panahon  ay  kaniyang  inilalaan    
                 sa  loob  ng  isang  sila  para  sa  buong  maghapong  pagtatapos  ng  isang  obra.  
       C.  Si  Renato  ay  isang  batang  nagpupunta  sa  mga  bahay  upang  kumolekta  ng    
                 mga  basura.  Umaasa  lamang  siya  sakaunting  barya  na  ibibigay  ng  kaniyang    
                 mga  kapitbahay  upang  may  maipambaon  sa  paaralan  dahil  gusto  niyang    
                 makatapos.  
       D.  Mula  pagkabata,  si  Anthony  ay  napilitang  tumira  sa  isang  pabrika  bilang    
                 trabahador.  Iniwan  na  siya  ng  kaniyang  mga  magulang  sa  lugar  na  ito  dahil    
                 mayroon  siyang  naiwang  utang  at  hindi  nabayaran.  Bilang  kapalit,  si  Anthony    
                 ay  magtatrabahao  rito  ng  ilang  taon.  
10.  Paano  natin  maipagmamalaki  ang  produktong  gawang  Pilipino?  
       A.  Sa  pamamagitan  ng  pagpapakita  na  ikaw  ay  makabansa,  may  pagmamahal  at    
               pagpapahalaga  sa  bayan.  
       B.  Sa  pamamagitan  ng  paggawa  ng  mga  komersyal  sa  radio  pahayagan  at    
                 telebisyon  na  nagpapakita  ng  kagandahan,  kahusayan  at  kapakinabangan  ng    
                 mga  produktong  Pilipino.  
       C.  Sa  pamamagitan  ng  pagtangkilik  sa  mga  produkto  natin  -­  ang  pagsusuot  ng  mga    
                 damit,  at  palamuti  sa  ating  katawan  na  gawa  sa  sarili  nating  bayan.  
       D.  Lahat  ng  nabanggit.  
 
 
 
 
 
  Karagdagang  
  Gawain  
 
   
Panuto:  Sundin  ang  mga  sumusunod  at  sagutin  ang  mga  katanungan  sa  iyong    
                           kwaderno.  
1.  Tumulong  sa  magulang  sa  mabibigat  na  gawaing  bahay.  
2.  Gampanan  ang  papel  na  ito  sa  loob  ng  kalahati  o  isang  araw.  
3.  Ang  lahat  ng  mga  karanasan  ay  kailangang  isulat  sa  kwaderno.  Maglakip  ng  mga    
larawan  na  patunay  sa  pagsasagawa  ng  gawain.  
4.  Matapos  ang  gawain,  sagutin  ang  sumusunod  na  tanong:  
       a.  Naging  masaya  k  aba  o  hindi  sa  naging  gawain?  Bakit  o  bakit  hindi?  
       b.  Ano  ang  pinakamahirap  mong  naranasan?  Ipaliwanag.  
       c.  Ano  ang  natutuhan  mo  mula  sa  pagsasagawa  nh  mga  naiatas?  Ipaliwanag.  
       d.  Ano  ang  nagtulak  sa  iyo  upang  tapusin  ang  gawain?  Ano  ang  iyong  naging    
               damdamin  nang  matapos  ang  gawain?  
       e.  Ano  ang  nabago  sa  iyong  pananaw  sa  paggawa?  Ipaliwanag.  
 
 
 
 

10  
 
 
11  
Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated    
 
Philippines  1600  
Unang  Edisyon,  5th  Floor  Mabini  Bldg.,  DepEd  Complex  Meralco  Avenue,  Pasig  City  
Sheryll  T.  Gayola  et.al,  2015,  Edukasyon  sa  Pagpapakatao-­Ikasiyam  na  Baitang,  
 
Sanggunian  
 
 
 
Balikan  
Sagot:  
 
Sapagkat  ang  paggawa  ay  isang  moral  na  obligasyon    
para   sa   kapwa,   sa   kaniyang   pamilya,   sa   lipunan   na  
kaniyang  kinabibilangan  at  sa  bansa.    
 
Tuklasin  
 
Ang  sagot  ay  maaaring  magkaiba-­iba.  
 
 
Pagyamanin  
Ang  sagot  ay  maaaring  magkaiba-­iba.    
 
Isagawa    
A.  TAMA  o  MALI   Subukin  
1.  TAMA          2.  TAMA          3.  TAMA            4.  TAMA        
5.  TAMA   1.  D  
B.B  -­  Mabuting  saloobin  /  H  -­  Hindi    
1.  H                        2.  B                          3.B                            4.H                      5.  B   2.  D  
  3.  D    
Tayahin   4.  D  
1.  B    
2.  B   5.  B  
3.  B   6.  B    
4.  D   7.  A  
5.  D    
6.  C   8.  C  
7.  C   9.  D    
8.  A   10.  B  
9.  D    
10.  D    
   
Karagdagang  Gawain  
Ang  sagot  ay  maaaring  magkaiba-­iba.  
Pagwawasto    
  Susi  sa  
 
 

Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:  


 
Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental  
Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental  
 
Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117  
Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph  
Website:  lrmds.depednodis.net  

 
 
 

 
 

You might also like