Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gabrielle Ann C.

Fabito Synthesis 1
BA History 4-2 Nobyember 22,
2023

Maayos at mahusay na natalakay at naanalisa ng mga reporter ang kani-


kanilang mga libro. Sinimulan ni Paolo Garcia ang unang lupon ng mga reporters para
sa rebuy. Napansin kong medyo mabilis ang kanyang naging pagtalakay at mas
generalized ang approach ng kanyang pagkakareport maging ang nakasulat sa
kanyang slides. Para sa mga hindi pa nakakabasa ng kanyang gawa, maaari itong
maging vague para sa kanila. Ngunit sa pangkalahatan naman ay naging maayos
naman ang kanyang report. Sinundan ito ni Blesselda Girado na masasabi kong
komprehensibo ang naging kanyang pagtalakay at pagrerebyu sa kanyang aklat.
Natalakay niya nang masinsinan ang mga kabanata at maayos rin itong naibuod.
Naging mahusay ang kanyang pagrerebyu dahil naging detalyado ang kanyang naging
pamamaraan. Isama na rin ang mga detalye na kanyang ibinahagi na hindi ganong
mapapansin ng mga mababasa sa unang tingin. Iyon nga lamang ay may bahagi sa
kanyang report na medyo mabilis ang pagsasalita. Panghuli ay si Margot Gulfan, na
napahaba nang kaunti ang pagtalakay dahil bawat kabanata ay kanyang ikinwento.
Isama na rin ang kadahilanang wala siyang iskrip kaya maraming sumusulpot na ideya
sa kanyang isipan kapag tinatalakay ang mga kabanata; kaya napahaba ang buod.
Nguit, sa kanilang banda ay nabigyan nito kami ng mas malawak na pagsipat sa aklat.
Naging komprehensibo rin ang kanyang pagrebyu sa aklat dahil detalyado at kritikal
ang kanyang mga naging pagpuna at pagbasa rito.
Para naman sa kabuuang nilalaman ng 3 libro na nireport: (1) Vergara’s
Displaying Filipinos, (2) Rice’s Dean Worcester’s Fantasy Islands Photography, Film,
and The Colonial Philippines at, (3) Fermin’s 1904 World's Fair: The Filipino Experience
aking napansin ang pagkakapareho ng mga ito kung saanipinakita ang externalis’ts
view na pagtingin ng mga Amerikano sa mga Filipino ethno-linguistic groups. Kung
saan masasabing kulang na kulang ang kanilang kaalaman patungkol sa Pilipinas lalo’t
higit sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino (socio-cultural aspect) kaya, gayun na
lamang kababa ang tingin nila sa mga ito. Maaari rin kasing maiugat sa ganitong
pagtingin ang Manifest’s Destiny na ginawang justification ng mga Amerikano sa
pananakop sa Pilipinas at iba pa nitong kolonya, kung saan makikita rito ang
superiority complex at ang konsepto ng racism ng mga Amerikano dahil naniniwala
silang sila ang superior na at mas sibilisado na lahi habang uncivilized at savages
naman ang kanilang mga kolonya.
Naging justification ito dahil gagawin nilang “civilized” kuno ang mga Pilipino. Ang
tatlong libro na ito ay makapagbibigay kaalaman kung paano ba sinisipat at tinuturing
ng mga Amerikano ang mga Pilipino at ang ating mga ethno-linguitikong grupo. Ang
nakakalungkot rito ay ang mababang pagtingin sa atin na umabot pa sa puntong
ineexhibit pa ang mga Pilipino para lamang makita ang gap ng civilization level ng
mga Pilipino at Amerikano (dahil may partes a mga librong ito na isinasagawa nila ang
exhibit para ipakita ang kung gaano na kasibilisado ang mga Pilipino). Hindi ako suhay
rito sapagkat, katulad ng sinabi ni Margot hindi obhetibo ang pagiging sibilisado, at ang
mga standard na ini-impose ng mga Amerikano ay mula lamang sa tingin nilang tama.
Ikinukulong nila ang ideya at konsepto ng pagiging sibilisado base kung paano nila
tingnan or kung ano ba dapat para sa kanila ang pagiging sibilisado. Sa esenya,
mahihinuha na ignorante ang mga Amerikano sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
Kung saan, tayo ay may kanya-kanyang kultura at sistema ng pamumuhay na hindi
nasusukat ng ano pa mang istandard ang ating pagiging sibilisado dahil nag-iiba-iba
naman ang konteksto at pamantayan nito depende sa lugar, panahon at kultura perse.
Patungkol naman sa mga batis, gumamit ng maraming primaryang batis ang
mga awtor. Napansin ko rin na sa set ng mga inireport ngayon, talagang nagamit nila
ang potograpiya sa pagsulat ng mga ito. Base rin kasi sa napansin ko, mahilig
magdokumento at magsinop ng mga rekords ang mga Amerikano (ie. iyong mga annual
reports ng commission at ibat ibang bureau o sangay ng pamahalaan.) Pero katulad
nga nung nabanggit ni Margot, maaaring tingnan kung bakit ganito ang mga Amerikano
upang ipakita ang progreso o pagbabago ng kanilang kolonya (Pilipino) kasi nga hindi
raw tayo sibilisado kaya ibinibida nila ang kanilang naging pagtulong kuno sa mga
Pilipino para maging sibilisado. Magandang tingnan rin ang naging paalala ni Blesselda
na Magandang nagamit ang potograpiya sa mga ito, ngunit hindi doon natatapos ang
pagsusuri. Kailangan pa ring alamin kung gaano ka-authentic at kredibol ang mga ito’t
lalo pa sa aklat ni Worcester ay maraming naging disparity at photo manipulation sa
kanyang mga kuha.

You might also like