Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION _____________________
DIVISION OF _________
_______________ District
NAME OF SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


SCIENCE 3

Pangalan:__________________________________________________ Iskor: _________


Baitang at Seksyon: _________________________ Pirma ng Magulang: __________

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at Isulat sa
patlang.

______1. Si Anna ay nakikinig ng musika habang kumakain ng kanyang almusal. Anong


pandama ang kanyang ginagamit?
a. Tenga at Mata c. Dila at Ilong b. Tenga at Dila
______2. Ang tunog ay pumapasok sa ating pinna at dadaan sa iba pang bahagi ng ating
tainga hanggang makarating sa ating utak. Aling bahagi ng tainga ang nagkakaroon ng
vibration?
a. ear canal b. ear drum c. nerve
______3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ating dila?

a. Kumain ng mga pagkain na sobrang init o lamig.


b. Ipasok sa bibig ang matutulis na bagay.
c. Linisin o sepilyuhin ang dila.
______4. Ang mga sumusunod ay tamang pangangalaga sa iba’t ibang pandama ng katawan
maliban sa isa. Alin ito?
a. Paggamit ng toothpick na panlinis sa ilong.
b. Paggamit ng malinis na damit sa paglilinis ng tainga.
c. Paggamit ng goggles kapag lumalangoy sa dagat.
______5. Aling pangkat ng mga hayop ang nakatira lamang sa lupa?
a. whale, sea horse, eel
b. buwaya, pagong, ibon
c. pusa, kuneho, aso
______6. Alin sa mga sumusunod na hayop ang naiiba ang kilos o galaw?
a. ibon b. pating c. tutubi
______7. Ano ang mga karaniwang bahagi ng mga hayop?
a. ulo, katawan at binti b. binti, katawan at tuka c. ulo, paa at binti
______8. Paano naiiba ang mga ibon sa mga baka, aso, at pagong?
a. May mga buntot sila.
b. Mayroon silang mga kaliskis.
c. Mayroon silang mga pakpak.
______9. Gustung-gusto ni Jack na pumunta sa bukid kasama ang kanyang Lolo Nonoy.
Pareho silang nakasakay sa isang hayop na may apat na paa. Ito ay naglalakad, tumatakbo at
kung minsan ay tumalon. Anong hayop ito?
a. aso b. kambing c. kabayo
______10. Ano ang naitutulong ng mga baka sa mga tao?
a. nagbibigay gatas at karne
b. nagbubungkal ng lupa
c. nagbabantay ng bahay
______11. May mga hayop na nakakatulong sa gawain ng mga tao. Tinutulungan nila ang
mga magsasaka sa pag-aararo sa bukid. Alin sa mga hayop ang nakakatulong sa mga
magsasaka?
a. kambing at baboy b. kalabaw at baka c. oso at tupa
______12. Bakit mahalaga ang mga hayop sa tao?
a. nakatutulong sa transportasyon
b. nagsisilbing pagkain
c. lahat ng nabanggit
______13. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng mga dahon?
a. daanan ng tubig
b. humahawak sa mga bunga
c. gumagawa ng pagkain
______14. Anong bahagi ng halaman ang kumukuha ng nutrients, minerals at tubig mula sa
lupa?
a. bunga b. ugat c. tangkay

______15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng halaman?


a. Pinitas ni Lotlot ang mga bulaklak sa parke.
b. Diligan ni Ana ang mga halaman ng kanyang ina.
c. Binato ni Miko ng bola ang mga halaman sa paso.
______16. Alin sa mga sumusunod ang maaring panggamot sa ubo?
a. kangkong b. pinya c. oregano
______17. Ang mga halaman ay nagbibigay ng mga materyales sa paggawa ng mga damit.
Anong klase ng dahon ang kadalasang ginagamit sa paggawa ng "barong"?
a. dahon ng pinya b. dahon ng papaya c. dahon ng narra
______18. Alin sa mga sumusunod ang non – living thing?
a. kabute b. puno c. Araw

______19. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng non-living things?


a. di gumagalaw b. lumalaki C. dumarami
______20. Ang isang mag –aaral ay nagtanim ng isang monggo at inobserbahan niya ito ng
dalawang araw. Napansin niya na ito ay umusbong, humaba at nagkaroon ng maliit na
dahon. Bakit kaya ito nangyari?
a. Ito ay isang non–living thing.
b. Ito ay isang living thing.
c. Ito ay isang bagay
______21. Ano ang tawag sa pagpasa o pagmamana ng mga katangian ng magulang
sa kanilang anak?
a. heredity b. growth c. living
______22. Alin sa mga sumusunod ang katangiang pisikal na maaaring mamana sa
magulang?
a. pag awit at pagpinta
c. pakikisama sa ibang tao
c. kulay ng mga mata
______23. Ano ang pangunahing pangangailangan ng tao at hayop na nagbibigay ng
enerhiya at nagpapanatiling malusog at malakas ang katawan?
a. pagkain b. hangin c. tirahan
______24. Ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, hayop, at halaman?
a. tubig, pagkain, hangin, tirahan at araw
b. tubig, hangin, araw, at laruan
c. sasakyan, tirahan, damit, laruan, tubig
______25. Bilang isang bata ano ang gagawin mo para mapangalagaan ang pinagkukunan
natin ng ating mga pangangailangan?
a. aalagaan at protektahan
b. pababayaan na lang
c. hayaang mapinsala ang mga ito
______26. Bakit mahalaga ang kapaligiran?
a. dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangunahing pangangailangan.
b. dahil maganda sa paningin ang kapaligiran
c. dahil bigay ito sa atin ng Maykapal
______27. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng mabuting kasanayan sa
pagprotekta sa kapaligiran?
a. Kahit saan itinatapon ni Regine ang mga balot ng kendi.
b. Pinuputol ni Roneanne ang puno para gawing panggatong.
c. Nililinis ni Raeneil ang kanal para dumaloy ang tubig.
______28. Ang tubig ay bahagi ng kapaligiran at ito ay mahalaga sa atin. Paano natin ito
mapangangalagaan?
a. Hayaang nakabukas ang mga gripo pagkatapos gamitin.
b. Magtipid sa paggamit ng tubig.
c. Paglaruan ang tubig sa gripo.
______29. Ano ang maaaring mangyari kapag pinutol ang mga puno sa kabundukan?
a. Magkakaroon ng pagbaha.
b. Maaring gumuho ang lupa kapag umuulan
c. Lahat ng nabanggit
______30. Alin ang tamang paraan ng pangangalaga sa ating kalikasan?
a. Pagsunog ng mga basura.
b. Pagputol ng mga puno sa kagubatan.
c. Pag-iwas sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.

ANSWER KEY
1. c
2. b
3. c
4. a
5. b
6. b
7. a
8. c
9. c
10.a
11.b
12.c
13.c
14.b
15.b
16.c
17.a
18.c
19.a
20.b
21.a
22.c
23.a
24.a
25.a
26.a
27.c
28.b
29.c
30.c

You might also like