New Rites Edited Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Diyosesis ng Malolos

Pang-Diyosesis na Komisyong ng Kabataan

Biyahe ni Kuya Carlo Acutis

Ang Eukaristiya ang aking daan


patungong langit…
- Bl. Carlo Acutis

Ritu ng Pagtanggap at Pamamaalam


sa Imahe at Relikya ni

Beato Carlo Acutis


Pagpapakilala at Pagpapalaganap ng Debosyon Kay Beato Carlo Acutis
Ritu ng Pagtanggap sa Imahen at Relikya ni
Beato Carlo Acutis
Pagpapakilala at Pagpapalaganap ng Debosyon Kay Beato Carlo Acutis

Ang aklat-dasalang ito ay binuo upang tugunan ang pangangailangang pang-liturhikal


sa pagganap ng pagtanggap at pamamaalam sa Imahe at Relikya ni Beato Carlo Acutis
sa mga Parokyang bibisitahin nito. Ito’y gagamitin lamang para sa tiyak na gawaing ito.
Anu mang bahagi ng aklat-dasalang ito ay hindi maaaring sipiin ninuman ng walang
pahintulot mula sa mga may-akda, lupong tagapagpaganap, o ng punong tagapangasiwa
ng debosyon at pagpapakilala kay Beato Carlo Acutis sa Pilipinas.

Itinitik at Isinaayos nina

Bro. Francis R. Bartolome, O.P.


Kasangguni sa mga Gawain ng Paghubog

Bro. Alexander M. Villaluz, T.O.Carm., LPT


Kasanguni sa mga Gawaing pang-Liturhikal

Sinuri nina

Bro. Ismael Asky G. dela Cruz, O.P.


Pangulo

Fra Christoffer Denzell L. Aquino, SHMI


Punong Patnugot at Punong Tagapangasiwa ng Pagpapakilala at Pagpapalaganap ng
Debosyon kay B. Carlo Acutis sa Pilipinas
Mga Nilalaman
Pahina

Ritu ng Pagtanggap sa Imahen at


Relikya ni Beato Carlo Acutis

Kung ang pagtanggap ay susundan ng 2


Pagdiriwang ng Banal na Misa
Kung ang pagtanggap ay hindi susundan ng 8
Pagdiriwang ng Banal na Misa

Maiksing Katesismo sa Buhay at 17


Halimbawa ni Beato Carlo Acutis

Pamamaalam sa Imahe at Relikya ni


Beato Carlo Acutis

Kung ang pamamaalam ay sisimulan sa 21


Pagdiriwang ng Banal na Misa
(Maaari ding gawin sa huling Misa bago ang
paglisan ni Beato Carlo Acutis sa Parokya)
Kung ang pamamaalam ay hindi sisimulan sa 23
Pagdiriwang ng Banal na Misa

Mga Tagubilin 28
Beato Carlo, Kami’y Dinggin

1
Mga Kinakailangang Ihanda

 Sapat na bilang ng Mikropono


 Sapat na bilang ng Aklat-dasalan (maaari din namang ipalabas sa
LCD screens ang mga panalangin at pagtugon na kinakailangan)
 Altares (Para sa Imahe at Relikya ni Beato Carlo Acutis)
 Mga mangaawit (o inihandang audio para sa mga panimula at
pangwakas na awit)

Ritu ng Pagtanggap sa Imahe at Relikya ni


Beato Carlo Acutis
(Na susundan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa)
Magsisimula ang ritu mula sa labas na bahagi ng simbahan o sa
main door ng Parokya. Mula roon ipuprusisyon ang imahe at relikya
ni Beato Carlo Acutis. Ang pagkakasunod-sunod ng hanay ay (1)
ceriales, (2) bandera ng Biyahe ni Carlo Acutis, (3) Relikya ni Beato
Carlo Acutis (maaaring maglagay ng dalawang maghahawak ng kandila
sa unahan para dito), sa likod nito ay ang may dala sa certificate of
authenticity ng relikya, at (4) ang imahe ni Beato Carlo Acutis. Sa
puntong ito ang mga kabataan ng Parokya ay maaaring magdagdag ng
maliit na gawain sa pagsalubong kay Beato Carlo ayon na din sa
nakaugalin nilang paraan.

Ang awit sa pagpasok ni Beato Carlo ay maaaring


- Not I, But You Lord
- Beato Carlo, Kami’y Dinggin
- O ano mang awit na angkop sa selebrasyon

2
Panimulang Panalangin at Pagtanggap
Commentator: Mga kapatid sa mga sandaling ito, ang Papuri at
Pagdakila ay sa Panginoon. Ating salubungin ang pagdating ng Imahe
at Relikya ni Beato Carlo Acutis, magsitayo po ang lahat. (Pagnailagay
na sa altar ang Imahen at Relikya ni Beato Carlo Acutis, simulan ang
pambungad na mga panalangin)

Pambungad na Panalangin

(Kung may Pari – Nakatayo ang lahat)


Pari: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo
Lahat: Amen

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Lahat: at sumaiyo rin

Pari: (Pambungad na pananalita, matapos nito’y isusunod ang


panalangin ng pagtanggap)

(Kung walang Pari – Nakatayo ang lahat)


Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo
Lahat: Amen

Namumuno: Ang Banal na pagtulong ay nagmumula sa Maykapal


Lahat: Na may gawa ng langit at lupa (agad na isusunod ang
panalangin ng pagtanggap)

3
Panalangin ng Pagtanggap
(Maaaring dasalin ng Pari, ng PPC head, o ng PCY Head)

Panginoong Hesukristo / sinasamba Ka namin / Ikaw na bukal ng lahat


ng biyaya at awa / kami na nagkakatipon sa Iyong Banal na tahanan/ na
pinagbubuklod ng iisang pananampataya, pag-asa, at pag-ibig / ay
dumudulog at nagsusumamo sa Iyong Mabathalang Awa. / Sa Iyong
kabutihan, / ipinagkaloob Mo sa amin ang isang kabataan/ upang
maging ehemplo ng kababaan ng loob, / tunay na pagtalima, / at pag-
aalay ng sarili sa Iyo. / Ang buong Parokyang ito ng/ni (banggitin ang
pangalan ng Parokya) ay buong giliw na tinatanggap ang pagbisitang ito/
ng imahe at relikya ni Beato Carlo Acutis, / upang sa pamamagitan ng
kanyang mga halimbawa at mga panalangin / ay maging ganap kaming
tumatalima sa kalooban Mo. / Ikaw na nagwika sa amin, / na lagi Ka
naming kapiling hanggang sa wakas ng panahon, / ay siya nawa naming
mahalin at ibigin / hanggang sa wakas ng aming buhay. / Tulad ni Beato
Carlo/ kami nawa ay tumindig, at magpahayag ng aming pag-ibig at
pagsamba sa Iyo, / Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama/
at ng Espiritu Santo, / iisang Diyos ngayon at magpasawalang hanggan.

Commentator: Amen
Commentator: Magsiupo ang lahat, at ating pakinggan ang katesismo
patungkol sa buhay at halimbawa ni Beato Carlo Acutis

4
(Ang isa sa mga Biyahero ni Carlo Acutis ay lalapit sa ambo upang
magbigay ng katesismo, matapos nito agad na isusunod ang pang-wakas
na panalangin)

Maiksing Katesismo sa Buhay at Halimbawa ni Beato Carlo Acutis


(Page 17)

Pangwakas na Panalangin
Commentator: Magsiluhod po ang lahat

Namumuno: Bilang mga kapatid kay Kristo, taglay ang mga pusong
mapagpakumbaba, halina at tumawag tayo sa ating Amang nasa langit.
Ama namin…

Namumuno: Kasama ni Maria ang tala sa ating buhay, ipagkatiwala


natin sa kanya ang ating mga panalangin. Aba Ginoong Maria…

Namumuno: Panalangin ng pagtatalaga, tayo pong lahat…

Lahat: Ama naming mapagmahal, / tinawag Mo kami bilang Iyong mga


anak, / kaming pinapagkaisa Mo sa iisang binyag, / at ang biyaya ng
buhay ay naging ganap. / Sa kumpisal kami ay Iyong pinatatawad, /
upang ang aming kamalian ay maging aral sa buhay naming nilalakaran
/ at ang kasalanan ay tuluyan naming talikuran. / Sa Banal na
Pakikinabang / kami ay binibigyan Mo ng lakas, / sa pakikipagisa sa
Iyong Anak / ang tinapay na bumaba mula sa langit at nagbibigay buhay

5
sa lahat / ay ang pagkain ding bumubusog sa aming puso at kaluluwa. /
Ama, / Ikaw na binubukalan ng buhay, / kami’y nagtatalagang muli ng
aming mga sarili sa Iyo / at muling pinapanibago ang aming mga
pangako / na tatalikuran ang kasalanan at mamumuhay ng banal sa
piling Mo. / Sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo, / kami ay binigyan ng bukang liwayway sa buhay na ito / at
pinasilip sa amin ang kagandahan ng kalooban Mo. / Sa tulong ng
Espiritu Santo / kami nawa’y tumahak sa landas ng kat’wiran / upang
ang aming buhay na ito, ay maging ganap sa pagtalima sa Iyo. / At sa
mga halimbawa nawa ni Beato Carlo, / kami nawa ay makatagpo ng
lakas at pag-asa / na kahit sa maliit naming nagagawa na may pag-ibig at
pagtitiwala / ay makapagdudulot din ng bago at banal na simula / na
laging hahantong sa puso mong mapagkalinga. / Purihin at Sambahin
ka nawa / Ama, Anak, at Espiritu Santo ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen

Commentator: Magsitayo po ang lahat

Pari / Namumuno: Purihin ang Pangalan ng Panginoon


Lahat: Ngayon at magpasawalang hanggan

(Kung may Pari)


Pari: Sumainyo ang Panginoon
Lahat: at sumaiyo din
Pari: At pagpalain kayo ng Makapangyarihan at Mapagmahal na
Diyos, Ama, Anak, at + Espiritu Santo.
Lahat: Amen
Pari: Taglay ang pusong nagtitiwala, ihanda natin ang ating mga
sarili para sa Banal na Pagdiriwang na ating gaganapin.

6
(Kung walang Pari)
Namumuno: +Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula
sa lahat ng kasamaan, at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen

Namumuno: Kamahal-mahalang Puso ni Hesus


Lahat: Maawa ka sa amin
Namumuno: Mahal na Birheng Maria, Ina, Tala,
at Inspirasyon ng mga kabataan
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Beato Carlo Acutis
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Lahat: Amen

Namumuno: Taglay ang pusong nagtitiwala, ihanda natin ang ating


mga sarili para sa Banal na Pagdiriwang na ating gaganapin.

(Pang wakas na awit)


Isang Bansa
(Ofrasio)

1. O kay ganda ng ating buhay, na pupuspos ng pagpapala ng


Sakramentong mahiwaga, kaloob ni Hesus sa ‘ti’y gabay.
2. O kay tamis ng pagsasama, nagmumula sa pagkakaisa,
bumubukal sa pagsasalo, sa iisang hapag ay dumalo.
Koro:
Purihin si Hesus sa sakramento; purihin ng lahat ng tao!
Purihin siya ng Pilipino, sa pagkakaisa lingapin Mo!

7
Ritu ng Pagtanggap sa Imahe at Relikya ni
Beato Carlo Acutis
(Na hindi susundan ng Banal na Misa)
Magsisimula ang ritu mula sa labas na bahagi ng simbahan o sa
main door ng Parokya. Mula roon ipuprusisyon ang imahe at relikya
ni Beato Carlo Acutis. Ang pagkakasunod-sunod ng hanay ay (1)
ceriales, (2) bandera ng Biyahe ni Carlo Acutis, (3) Relikya ni Beato
Carlo Acutis (maaaring maglagay ng dalawang maghahawak ng kandila
sa unahan para dito), sa likod nito ay ang may dala sa certificate of
authenticity ng relikya, at (4) ang imahe ni Beato Carlo Acutis. Sa
puntong ito ang mga kabataan ng Parokya ay maaaring magdagdag ng
maliit na gawain sa pagsalubong kay Beato Carlo ayon na din sa
nakaugalin nilang paraan.

Ang awit sa pagpasok ni Beato Carlo ay maaaring


- Not I, But You Lord
- Beato Carlo, Kami’y Dinggin
- O ano mang awit na angkop sa selebrasyon

Panimulang Panalangin at Pagtanggap


Commentator: Mga kapatid sa mga sandaling ito, ang Papuri at
Pagdakila ay sa Panginoon. Ating salubungin ang pagdating ng Imahe
at Relikya ni Beato Carlo Acutis, magsitayo po ang lahat. (Pagnailagay
na sa altar ang Imahen at Relikya ni Beato Carlo Acutis, simulan ang
pambungad na mga panalangin)

8
Pambungad na Panalangin

(Kung may Pari – Nakatayo ang lahat)


Pari: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo
Lahat: Amen

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Lahat: at sumaiyo rin

Pari: (Pambungad na pananalita, matapos nito’y isusunod ang


panalangin ng pagtanggap)

(Kung walang Pari – Nakatayo ang lahat)


Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo
Lahat: Amen

Namumuno: Ang Banal na pagtulong ay nagmumula sa Maykapal


Lahat: Na may gawa ng langit at lupa (agad na isusunod ang
panalangin ng pagtanggap)

Panalangin ng Pagtanggap
(Maaaring dasalin ng Pari, ng PPC head, o ng PCY Head)

Panginoong Hesukristo / sinasamba Ka namin / Ikaw na bukal ng lahat


ng biyaya at awa / kami na nagkakatipon sa Iyong Banal na tahanan/ na
pinagbubuklod ng iisang pananampataya, pag-asa, at pag-ibig / ay
dumudulog at nagsusumamo sa Iyong Mabathalang Awa. / Sa Iyong
kabutihan, / ipinagkaloob Mo sa amin ang isang kabataan/ upang

9
maging ehemplo ng kababaan ng loob, / tunay na pagtalima, / at pag-
aalay ng sarili sa Iyo. / Ang buong Parokyang ito ng/ni (banggitin ang
pangalan ng Parokya) ay buong giliw na tinatanggap ang pagbisitang ito/
ng imahe at relikya ni Beato Carlo Acutis, / upang sa pamamagitan ng
kanyang mga halimbawa at mga panalangin / ay maging ganap kaming
tumatalima sa kalooban Mo. / Ikaw na nagwika sa amin, / na lagi Ka
naming kapiling hanggang sa wakas ng panahon, / ay siya nawa naming
mahalin at ibigin / hanggang sa wakas ng aming buhay. / Tulad ni Beato
Carlo/ kami nawa ay tumindig, at magpahayag ng aming pag-ibig at
pagsamba sa Iyo, / Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama/
at ng Espiritu Santo, / iisang Diyos ngayon at magpasawalang hanggan.

Commentator: Amen

Pagbasa ng Mabuting Balita


(Kung may Pari ipapahayag niya ang Mabuting Balita sa ganitong daloy)

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Lahat: at sumaiyo rin
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ____
Lahat: Papuri sa Iyo Panginoon
+ + +
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Lahat: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

(Maaaring magbigay ang pari ng maiksing paliwanag o panimula,


matapos nito isang kintawan mula sa Biyahe ni Carlo ang titindig upang
magbigay ng maiksing Katesismo tungkol sa buhay ng Beato, matapos

10
ang katesismo isang maiksing katahimikan na susundan ng Panalangin
ng Bayan)

(Kung walang Pari, ganito ang magiging daloy: Ang tagapagbasa ng


Mabuting Balita ay maaaring magmula sa PPC o kaya sa PCY, matapos
nito agad itong susundan ng Katesismo, maiksing katahimikan, at
Panalangin ng Bayan)

Namumuno: Buksan natin ang ating mga puso at isipan sa Mabuting


Balita ng Panginoon ayon kay San _____
Lahat: Papuri sa Iyo Panginoon
+ + +
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Lahat: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

Commentator: Magsiupo ang lahat, at ating pakinggan ang katesismo


patungkol sa buhay at halimbawa ni Beato Carlo Acutis
(Ang isa sa mga Biyahero ni Carlo Acutis ay lalapit sa ambo upang
magbigay ng katesismo, matapos nito agad na isusunod ang pang-wakas
na panalangin)

Maiksing Katesismo sa Buhay at Halimbawa ni Beato Carlo Acutis


(Page 17)

Panalangin ng Bayan
Commentator: Magsiluhod po ang lahat
Pari o Namumuno: Halina at dumulog tayo sa Diyos, upang tayong
lahat na nagkakatipon ngayon ay tunay na makibahagi sa Misyon ni

11
Kristo na palaganapin ang Kapayapaan at Pag-ibig, sa pamamagitan ng
mga halimbawa at panalangin ni Beato Carlo Acutis. Ating isamo…

PANGINOON MANATILI KA SA AMIN.

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, nawa ay atin ding


taglayin ang kababaang-loob ni Kristo sa pagbibigay Niya ng Kanyang
sarili sa atin sa Eukaristiya upang tayo ay magkaroon ng buhay na
walang hanggan. Ating isamo…

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, tayo nawa ay


maging masigasig sa paglilingkod sa ating kapwa sa pagpapalaganap ng
pagsamba sa Sakramento ng Eukaristya lalo na sa panahong ito ng
teknolohiya. Ating isamo…

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, tayo nawa ay


makatagpo ng kalakasan sa pananalig sa Diyos, lalo na ang mga
kabataang nakararanas ng depresyon at pang-uusig, ay makatagpo ng
kapayapaan at kaligtasan sa piling ng ating mga mahal sa buhay. Ating
isamo…

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, tayo nawa ay


makatagpo ng inspirasyon, upang sa pamamagitan ng ating asal at
pagkilos, ay maibahagi natin ang ating talino at kakayahan sa mas
ikadadakila ng Panginoon. Ating isamo…

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, Mag-alab nawa ang


ating pagnanais lalo na ang mga kabataan ng ating Parokya na katagpuin

12
ang Panginoon sa Banal na Eukaristiya na nagbubunsod ng mas
malalim na bokasyon ng Pag-ibig. Ating isamo…

N: Tulad ng mga halimbawa ni Beato Carlo Acutis, makatagpo nawa


ang lahat ng mga may karamdaman ng kagalingan at kaaluan sa
kanilang mga pinagdaraanan, upang sa pamamagitan nito sila ay
makibahagi sa pagtatagumpay ni Kristong nagbibigay buhay. Ating
isamo…

N: Sa pamamagitan ng mga halimbawa at panalangin ni Beato Carlo


Acutis ating isamo sa Diyos ang ating natatanging kahilingan at
intensyon (sandaling katahimikan)

Pari / Namumuno: Ama naming mapagmahal, / tanggapin Mo nawa


ang aming mga pagsusumamo, / at ang aming mga pagluhog na ito/ ay
pumailanlang nawa sa luklukan Mo / upang ang aming mga puso na
nagpapakumbababang totoo / ay maging karapatdapat na magtamasa
ng pag-ibig mula sa Iyo. / Pakundangan sa mga halimbawa at
panalangin ni Beato Carlo/ na namuhay sa daigdig na ito bilang
kabataan na may masidhing pagmamahal sa Iyo. / Sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
Lahat: Amen

Pari / Namumuno: Bilang mga kapatid kay Kristo, taglay ang mga
pusong mapagpakumbaba, halina at tumawag tayo sa ating Amang nasa
langit. Ama namin…

13
Pari / Namumuno: Kasama ni Maria ang tala sa ating buhay,
ipagkatiwala natin sa kanya ang ating mga panalangin. Aba Ginoong
Maria…

Pari / Namumuno: Tayo pong lahat…

Lahat: Ama naming mapagmahal, / tinawag Mo kami bilang Iyong mga


anak, / kaming pinapagkaisa Mo sa iisang binyag, / at ang biyaya ng
buhay ay naging ganap. / Sa kumpisal kami ay Iyong pinatatawad, /
upang ang aming kamalian ay maging aral sa buhay naming nilalakaran
/ at ang kasalanan ay tuluyan naming talikuran. / Sa Banal na
Pakikinabang / kami ay binibigyan Mo ng lakas, / sa pakikipagisa sa
Iyong Anak / ang tinapay na bumaba mula sa langit at nagbibigay buhay
sa lahat / ay ang pagkain ding bumubusog sa aming puso at kaluluwa. /
Ama, / Ikaw na binubukalan ng buhay, / kami’y nagtatalagang muli ng
aming mga sarili sa Iyo / at muling pinapanibago ang aming mga
pangako / na tatalikuran ang kasalanan at mamumuhay ng banal sa
piling Mo. / Sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo, / kami ay binigyan ng bukang liwayway sa buhay na ito / at
pinasilip sa amin ang kagandahan ng kalooban Mo. / Sa tulong ng
Espiritu Santo / kami nawa’y tumahak sa landas ng katuwiran / upang
ang aming buhay na ito, ay maging ganap sa pagtalima sa Iyo. / At sa
mga halimbawa nawa ni Beato Carlo, / kami nawa ay makatagpo ng
lakas at pag-asa / na kahit sa maliit naming nagagawa na may pag-ibig at
pagtitiwala / ay makapagdudulot din ng bago at banal na simula / na
laging hahantong sa puso mong mapagkalinga. / Purihin at Sambahin
ka nawa / Ama, Anak, at Espiritu Santo ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen

14
Commentator: Magsitayo po ang lahat

Pari / Namumuno: Purihin ang Pangalan ng Panginoon


Lahat: Ngayon at magpasawalang hanggan

(Kung may Pari)


Pari: Sumainyo ang Panginoon
Lahat: at sumaiyo din
Pari: At pagpalain kayo ng Makapangyarihan at Mapagmahal na
Diyos, Ama, Anak, at + Espiritu Santo.
Lahat: Amen
Pari: Humayo kayo taglay ang pag-ibig ni Kristo
Lahat: Salamat sa Diyos

(Kung walang Pari)


Namumuno: +Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula
sa lahat ng kasamaan, at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen

Namumuno: Kamahal-mahalang Puso ni Hesus


Lahat: Maawa ka sa amin
Namumuno: Mahal na Birheng Maria, Ina, Tala,
at Inspirasyon ng mga kabataan
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Beato Carlo Acutis
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Lahat: Amen

15
(Pang wakas na awit)
Isang Bansa
(Ofrasio)

1. O kay ganda ng ating buhay, na pupuspos ng pagpapala ng


Sakramentong mahiwaga, kaloob ni Hesus sa ‘ti’y gabay.
2. O kay tamis ng pagsasama, nagmumula sa pagkakaisa,
bumubukal sa pagsasalo, sa iisang hapag ay dumalo.
Koro:
Purihin si Hesus sa sakramento; purihin ng lahat ng tao!
Purihin siya ng Pilipino, sa pagkakaisa lingapin Mo!

16
Maikling Katesismo Tungkol kay Beato Carlo Acutis
Sa panulat ni Bro. Francis R. Bartolome, O.P.

Narito ang Imahe at Relikya ni Beato Carlo Acutis, na nagpapa-


alala sa ating lahat, na tayo din ay tinatawagang maging banal at
makatupad sa pagsunod sa kalooban ng Panginoon. Magandang araw
sa lahat ng kabataan ng Parokya ni/ng: _______________________,
sa minamahal na Kura Paroko nito Rdo. Padre
__________________, sa bumubuo ng Sangguniang Pastoral, isang
mabiyayang araw sa ating lahat.
Marahil nagtataka kayo kung sino nga ba si Beato Carlo Acutis,
bakit siya banal at bakit siya maaaring maihanay sa kasamahan ng mga
Santo ng Santa Iglesya? Siya ba ay nag-alay ng kanyang buhay sa Diyos?
Siya ba ay naging mabuti sa kanyang buhay? Halina at ating buksan ang
ating mga puso sa isang busilak na kasaysayan ng buhay ng isang binata
na nagngangalang Carlo.
Si Carlo Acutis ay isang Italian Teenager na isinilang noong ika-3
ng Mayo, 1991. Isang mabuting anak sa kanyang mga magulang na sina
Andrea Acutis at Antonia Salzano-Acutis. Siya ay nabinyagan sa Our
Lady of Dolours sa London noon ika-18 ng Mayo, 1991. At
makakalipas ng ilang buwan, ang buong pamilya ay bumalik sa Milan,
Italy noong Setyembre 1991. Tulad ng tipikal na kabataan, Siya ay nag-
aral at dumalo sa mga klase niya mula noong 1995 hanggang Setyembre
2005. Bilang isang kabataan katoliko, nabanaag na sa kanyang puso,
ang pananalig at pananampalataya sa Diyos sa mura niyang edad. Kaya
sa isang banal na lugar, sa kumbento ng mga Romite Sisters of Saint
Ambrose sa Perego naganap ang kanyang kauna-unahang pagtanggap
ng Banal na Komunyon noong ika-16 ng Hunyo, 1998. Mula sa araw
na iyon, hindi nakakaligtaan ni Carlo na magsimba araw-araw and

17
mangumpisal isang beses sa isang linggo. Noong Mayo 24, 2003,
natanggap niya ang sakramento ng kumpil sa parokya ng Santa Maria
Segreta.
Pagkabata pa lamang ay nakita na sa kanyang ang masidhi at tapat
na pagmamahal kay Kristo sa Eukaristiya, sa kanyang pagtulong sa mga
nangangailangan, ipinakita niya ang kabutihan at awa ng Diyos, sa
kabila ng hamon ng makabagong panahon. Pinakita rin niya ang
pagiging bukas sa mga plano ng Diyos na nagdudulot sa kanya ng
kabanalan.
Noong taong 2002, pagkatapos bumisita sa isang pagtitipon sa
Rimini, nabighani si Carlo sa mga iba’t ibang eksibit ng sining at mga
sasakyan, kung kaya’t naisipan ni Carlo na gumawa rin nang eksibisyon
ng iba’t ibang mga Himala ng Banal na Eukaristiya na kinikilala ng
Simbahan sa Mundo. Ito ay humigit kumulang na 150 na panels na
nagpapakita ng mga misteryo at siyentipikong pagsusuri sa mga
naturang mga milagro. Ito ay kanyang nalikom sa pamamagitan ng
kanyang paglalakbay iba’t ibang panig ng Europa kasama ng kanyang
mga magulang. Ito ay nakumpleto noong taong 2006 ilang linggo bago
siya namaalam. Itong exhibit na ito ay naglakbay sa iba’t ibang mga
bansa, kasma dito ang Pilipinas. Ito ay ginawa ni Carlo upang tugunan
ang pangangailangan ng mga katolikong nagdududa sa Tunay na
Presensya ni Hesukristo sa Banal na Eukaristiya, na ito’y hindi lang
basta binendisyunang tinapay at alak, bagkus ito ay ang tunay na
katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo. Bukod dito may iba
pa siyang exhibit tulad ng mga Aparisyon ng Mahal na Birhen, tungkol
sa langit, purgatoryo, at Impyerno at tungkol sa mga anghel at mga
demonyo.
Siya rin ay isang deboto ng Mahal na Birhen. Ipiniapakita niya ito
sa pagdadasal araw-araw ng Santo Rosaryo at sa pagtutungo sa iba’t

18
ibang mga dambana kung saan siya ay pinipintuho. Ang kanyang
debosyon sa Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima ay ang kanyang
inspirasyon upang ialay ang kanyang palagiang pag-rorsaryo para sa
pagbabalik-loob ng mga makasalanan at kagalingan sa mga maysakit.
Noong ika-8 ng Oktubre, 2006 dumating sa kanilang pamilya ang
malungkot ng balita na si Carlo ay positibo sa sakit na leukemia. Sa
kabila nito, hindi nawala ang pananalig ni Carlo sa Diyos kahit nalaman
niyang siya ay may malalang karamdaman. Hindi naging hadlang kay
Carlo Acutis ang karamdaman niya para bumitaw sa Diyos, hindi
naparam ang ngiti sa kanyang mga labi. At sa puntong batid nya na ang
kanyang oras, hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay nagpahayag
ng pagnanais na tumanggap ng sakramento ng pagpapahid ng langis, at
komunyon, bilang sa huling yugto ng kanyang buhay nais niyang
makasama si Hesus.
Tunay na pinakita niya sa atin na “Ang Eukaristiya ay kanyang
daan patungong langit”. Namatay si Carlo Acutis sa sakit na leukemia
noong Oktubre 12, 2006 sa ganap na 6:45 ng umaga araw ng Huwebes
sa edad na 15 taong gulang. Inilibing siya sa sementeryo ng Ternengo
noong Oktubre 14, 2006. Sa kanyang kamatayan marami sa kanyang
mga natulungan, nakasalamuha, at binigyan ng inspirasyon ang
nagluksa at tumungo sa kanyang libing. Bago mamatay si Carlo Acutis
ay hiniling niya na ilibing siya sa Assisi, kaya noong Enero 2007 inilipat
ang kanyang labi sa sementeryo ng Assisi.
Ginamit ng Diyos si Carlo Acutis upang muling mag-alab sa ating
mga puso bilang mga kabataan ang pagnanais na kilalanin, ibigin at
paglingkuran ang Diyos, sa kabila ng hamon ng makabagong panahon.
Sa pamamagitan nawa niya ay makita natin ang ating mga sarili, na sa
kanyang kabataan ay naruruon na sa kanyang puso ang kagalakan at
pananalig sa Diyos na kanyang pinaniwalaan at sinundan hanggang sa

19
huli. Hindi madali ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang totoong
alagad ni Hesukristo ay Siya na ang itinatangi sa lahat ng bagay, at
sinusubukang sundan at tularan Siya at gawin ang kalooban ng Ama
habang naglalakbay dito sa lupa.
Noong ika-5 ng Hulyo, 2018 ideniklara ng Santo Papa Francisco
si Carlo Acutis na isang Venerable. Kaya ang labi ni Carlo Acutis ay
pinahukay noong ika-23 ng Enero, 2019. At inilipat ang kanyang mga
labi sa Simbahan ng Santa Maria Maggiore sa Assisi kung saan hangang
ngayon ay doo’y pinipintuho siya ng kanyang mga deboto. Noong ika-
10 ng Oktubre 2020, siya ay idiniklarang Beato pagkatapos aprubahan
ang milagrong naganap sa bansang Brazil noong taong 2013 kung saan
napagaling ang isang bata na may sakit sa pancreas sa pamamagitan ng
kanyang panalangin. Ngayo’y nanananalangin tayo na magkaroon pa
ng isang himala upang siya’y ganap na tanghaling santo ng simbahang
Katolika.
Kaya sa pangalan ng Dakilang Diyos at sa inyo sambayanan ng
Parokya ng (banggitin ang parokya na tatangap) ay aming hinahabilin
ang tungkulin sa pagpapakilala at pangangalaga sa Imahen at Relikya ni
Beato Carlo Acutis. Nawa tulad niya ay ipagdiwang natin ang Banal na
Eukaristiya ng may angkop na paggalang at pagmamahal. Magdulot
nawa ito ng inspirasyon at lalong maging marubdob ang ating adhikain
na makapaglingkod at ipakilala si Kristo sa bawat isa.
Winika ni Beato Carlo “Ang Eukaristiya ang aking daan
patungong langit” at “Hanapin ang Diyos at mahahanap mo ang
kahulugan ng iyong buhay”. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.

20
Ritu ng Pamamaalam sa Imahe at Relikya ni
Beato Carlo Acutis
(Kung may gaganaping Pagdiriwang ng Banal na Misa)

Kung may gaganaping pagdiriwang ng Banal na Misa bago ang


paglisan ng Imahe at Relikya ni Beato Carlo ang magiging daloy ng Ritu
ay: (1) Banal na Misa (2) Matapos ang Post-Communion Prayer,
darasalin ang Prayer for the Canonization of Blessed Carlo Acutis, (3)
susundan ng panalangin ng pamamaalam, at (4) Paghahayo.
Maaari din naman itong isagawa sa huling misa sa araw ng pag-alis
ng Imahe at Relikya ni Beato Carlo sa Parokya.

Matapos ang Post-Communion Prayer

Commentator: Magsiluhod po ang lahat

Lahat: O God, our Father, thank you for giving us Carlo, a


life example for the young and a message of love for everyone. You
made him become enarmored with Your Son Jesus, making of the
Euchrist his “Highway to Heaven”. You gave him Mary, as a loving
Mother, and with the rosary, You made him a poet of her tenderness,
receive his prayers for us. Above all, gave upon the poor, whom he
loved and helped. Grant for me to by his intercession, the grace that I
need, and make our joy fulfilled, placing Carlo among the Saints of
your Church, so that his smile may shine again for us in the Glory of
Your Name. Amen

Panalangin ng Pamamaalam
Pari / Namumuno: Panginoong Jesukristo, / sa pitong araw / na
pananatili / ni Beato Carlo sa aming parokya, / pinakita Mo sa amin /

21
kung paano patitibayin ang aming pananampalataya / bilang Iyong
sambayanang pinagbubuklod at pinagkakaisa sa pananalig sa Iyo. / Sa
pag-lagi / ni Beato Carlo sa aming piling / nadama namin at
napatunayan / na Ikaw ang Diyos na hindi nagpapabaya sa amin. / Ikaw
ang Diyos na patuloy na nagpapamalas ng tunay na pagmamahal at
paglilingkod. / Maging tanda nawa ito sa amin / upang ang bawat isa ay
ganap na magsabuhay ng Iyong mga aral at halimbawa. / Maipakilala
Ka nawa namin sa lahat / sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Iyong
Mabuting Balita na aming isinasabuhay. / Pakabasbasan Mo Panginoon
ang bawat isa na naririto / at patuloy nawa kaming maging karapat-dapat
/ na mga tagapagmana / ng Iyong awa, pagpapala, at pagkalinga.

Baunin mo Beato Carlo / ang aming mga panalangin at kahilingan


/ upang ikaw ay maging karapat-dapat / na tumanggap ng kabanalan ng
Poong Maykapal. / At maging kabahagi din kami sa iyong tinanggap
bilang alagad ni Kristo na may misyong magpahayag, / maglingkod, / at
magmahal sa aming kapwa. / Lilisan ka, / ngunit maiiwan sa amin ang
mga aral na naibahagi mo sa aming panahon / na maghahatid sa amin
patungo kay Kristo. / Kaya Panginoon / huwag Mo nawang hayaang
kami ay mawalay sa Iyo magpakailan man, / nais naming mas makilala
Ka / paglingkuran Ka / at mahalin Ka, hanggang sa wakas ng aming
buhay. / Ito ang samo’t dalangin namin / sa pamamagitan ni
Hesuskristo, / sa patnubay ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Wawakasan sa normal na daloy ng Banal na Misa

22
Ritu ng Pamamaalam sa Imahe at Relikya ni
Beato Carlo Acutis
(Kung walang gaganaping Pagdiriwang ng Banal na Misa)

Ang lahat ay magkakatipon sa harap ng imahe at relikya ni Beato


Carlo Acutis at sisimulan ang mga panalanging ito.

Pambungad na Panalangin
(kung may Pari)

Pari: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo


Lahat: Amen

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: at sumaiyo rin

Pari: (Pambungad na pananalita)

(Kung walang pari)

Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng + Espiritu Santo


Lahat: Amen

Namumuno: Ang Banal na pagtulong ay nagmumula sa Maykapal


Lahat: Na may gawa ng langit at lupa

Pari / Namumuno: Halina at dumulog tayo sa Diyos, at ating


ipanalangin si Beato Carlo Acutis na maging karapat-dapat na
mapabilang sa hanay ng mga banal,

Commentator: Magsiluhod po ang lahat

23
Lahat: O God, our Father, thank you for giving us Carlo, a
life example for the young and a message of love for everyone. You
made him become enarmored with Your Son Jesus, making of the
Euchrist his “Highway to Heaven”. You gave him Mary, as a loving
Mother, and with the rosary, You made him a poet of her tenderness,
receive his prayers for us. Above all, gave upon the poor, whom he
loved and helped. Grant for me to by his intercession, the grace that I
need, and make our joy fulfilled, placing Carlo among the Saints of
your Church, so that his smile may shine again for us in the Glory of
Your Name. Amen

Panalangin ng Pamamaalam
Pari / Namumuno: Panginoong Jesukristo, / sa pitong araw / na
pananatili / ni Beato Carlo sa aming parokya, / pinakita Mo sa amin /
kung paano patitibayin ang aming pananampalataya / bilang Iyong
sambayanang pinagbubuklod at pinagkakaisa sa pananalig sa Iyo. / Sa
pag-lagi / ni Beato Carlo sa aming piling / nadama namin at
napatunayan / na Ikaw ang Diyos na hindi nagpapabaya sa amin. / Ikaw
ang Diyos na patuloy na nagpapamalas ng tunay na pagmamahal at
paglilingkod. / Maging tanda nawa ito sa amin / upang ang bawat isa ay
ganap na magsabuhay ng Iyong mga aral at halimbawa. / Maipakilala
Ka nawa namin sa lahat / sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Iyong
Mabuting Balita na aming isinasabuhay. / Pakabasbasan Mo Panginoon
ang bawat isa na naririto / at patuloy nawa kaming maging karapat-dapat
/ na mga tagapagmana / ng Iyong awa, pagpapala, at pagkalinga.

Baunin mo Beato Carlo / ang aming mga panalangin at kahilingan /


upang ikaw ay maging karapat-dapat / na tumanggap ng kabanalan ng
Poong Maykapal. / At maging kabahagi din kami sa iyong tinanggap
bilang alagad ni Kristo na may misyong magpahayag, / maglingkod, / at
magmahal sa aming kapwa. / Lilisan ka, / ngunit maiiwan sa amin ang
mga aral na naibahagi mo sa aming panahon / na maghahatid sa amin

24
patungo kay Kristo. / Kaya Panginoon / huwag Mo nawang hayaang
kami ay mawalay sa Iyo magpakailan man, / nais naming mas makilala
Ka / paglingkuran Ka / at mahalin Ka, hanggang sa wakas ng aming
buhay. / Ito ang samo’t dalangin namin / sa pamamagitan ni
Hesuskristo, / sa patnubay ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.
Namumuno: Bilang mga kapatid kay Kristo, taglay ang mga pusong
mapagpakumbaba, halina at tumawag tayo sa ating Amang nasa langit.
Ama namin…

Namumuno: Kasama ni Maria ang tala sa ating buhay, ipagkatiwala


natin sa kanya ang ating mga panalangin. Aba Ginoong Maria…

Commentator: Magsitayo po ang lahat

Pari / Namumuno: Purihin ang Pangalan ng Panginoon


Lahat: Ngayon at magpasawalang hanggan

(Kung may Pari)


Pari: Sumainyo ang Panginoon
Lahat: at sumaiyo din
Pari: At pagpalain kayo ng Makapangyarihan at Mapagmahal na
Diyos, Ama, Anak, at + Espiritu Santo.
Lahat: Amen
Pari: Humayo kayo taglay ang pag-ibig ni Kristo
Lahat: Salamat sa Diyos

25
(Kung walang Pari)
Namumuno: +Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula
sa lahat ng kasamaan, at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen

Namumuno: Kamahal-mahalang Puso ni Hesus


Lahat: Maawa ka sa amin
Namumuno: Mahal na Birheng Maria, Ina, Tala,
at Inspirasyon ng mga kabataan
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Beato Carlo Acutis
Lahat: Ipanalangin mo kami
Namumuno: Sa ‘ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Lahat: Amen

(Pang wakas na awit)


SA HAPAG NG PANGINOON

Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

I II
Sa panahong tigang ang lupa Ang mga dakila't dukha,
Sa panahong ang ani’y sagana Ang banal at makasalanan,
Sa panahon ng digmaan at Ang bulag at lumpo,
kaguluhan Ang api at sugatan,
Sa panahon ng kapayapaan Ang lahat ay inaanyayahan

26
III
Sa aming pagdadalamhati,
Sa aming pagbibigay-puri,
Anu pa mang pagtangis hapo't pasakit
Ang pangalan nya'y sinasambit.

Koro
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

Coda
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

27
Mga Tagubilin
 Sa pagdating ng Imahe at Relikya ni Beato Carlo, nararapat na nakahanda na sa labas ang mga
lupong sasalubong sa kanya. Sa puntong ito ang mga kabataan ng Parokya (at iba pang kinatawan
ng Parokya) ay maaaring magdagdag ng maliit na gawain sa pagsalubong kay Beato Carlo ayon na
din sa nakaugalin nilang paraan,
 Sikaping higit sa dalawang tao ang bubuhat sa imahe ni Beato Carlo upang maiwasan ang anu mang
insidente. Maaari din namang magkaroon ng kapalitan ang mga nagpapasan oras na sila ay mapagod
upang iba naman ang bubuhat sa imahe,
 Sa pagdating ng imahe hinihikayat ang Parokya na patunugin ang kanilang kampana bilang simbulo
ng pagtanggap sa imahe at relikya ni Beato Carlo,
 Maaring pangunahan ng ceriales ang prusisyon,
 Hinihikayat ang ibang mga dadalo sa pagdiriwang na maghintay na lang sa loob ng simbahan sa
kani-kanilang mga upuan sa pagpasok ng imahe at relikya ni Beato Carlo,
 Ang mga gaganap sa prusisyon ng pagpasok ay hinihikayat na pamunuan ng mga kinatawan ng
kabataan, ang tamang kasuotan ay dapat naipatutupad, at ang paghawak sa mga kagamitan tulad ng
relikya at imahe ay dapat maayos at may paggalang,
 Sa hahawak ng relikwaryo, lubos na pinapaalala ang paggalang at kataimtiman sa kanyang
paghawak/dala sa relikwaryo ng relikya ni Beato Carlo, HUWAG itong ituring na laruan at ipatong
sa mga lugar na hindi dapat. Iminumungkahi ang paggamit ng corporal o anu mang telang puti na
kaayaaya upang ipanghawak sa relikya ni Beato Carlo,
 Sa altares na isasagawa, iminumungkahing ito ay ilagay sa gilid na bahagi upang ang maging tuon ng
mga tao ay ang Tabernakulo at ang Banal na Misa,
 Matapos ang Misa ng Pagtanggap, o Ritu ng Pagtanggap, lubos na iminumungkahi ang pagpapanatili
ng kataimtiman, katahimikan, at kabanalan sa loob ng Simbahan. Ang pangulo ng kabataan ay dapat
hikayatin ang kanyang nasasakupan na iwasan ang paglikha ng anu mang ingay, o paglisaw sa loob
ng tahanan ng Diyos,
 Bukod sa Imahe at Relikya ni Beato Carlo, lubos na iminumungkahing tuunan ng pansin ang
exhibit, sapagkat dito makikita ang mga himala ng Eukaristiya na dinokumento mismo ni Beato
Carlo. Ito ay upang ang maging sentro ng pagtungo ni Beato Carlo sa Parokya ay ang
pagpapalaganap ng Debosyon at Pagmamahal sa Eukaristiya,
 (karagdagan) Kung ang Parokya ay magsasagawa ng prusisyon at ililibot si Beato Carlo at ang Relikya
nito, hinihikayat ang lubos na pag-iingat, at pagsunod sa liturhikal na pamantayan ng Simbahan,
 Sa pagalis ng imahe ni Carlo Acutis, lubos na hinihikayat na bago isampa sa Caroza o sa anu mang
sasakyan ay dasalin muna ang mga panalangin ng pamamaalam na makikita sa aklat-dasalang ito,
 Sa paggayak ng caroza o sasakyang lulunan kay Beato Carlo, iminumungkahi ang simpleng gayak,
ang paglalagay ng mga palatandaan tulad tarpaulin at sound system gayong hindi sapilitan ay lubos
na makatutulong upang ipakilala si Beato Carlo sa mga mananampalatayang daraanan ng prusisyon
o motorcade.

28

You might also like